The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

Chapter 27: Date?

3.5M 71.9K 17.6K
By blue_maiden



"Candice?"

Nagsusuot pa ako ng sapatos ko nang dumating si Troy sa bahay. Tinext ko kasi siya agad, tapos umuwi muna ako sa bahay para makapagpalit ako ng damit.

"Natanggap mo ba 'yong text ko?"

"Oo, nakilala mo ba sila? Nakita ka ba nila? Ano, ha?" Kalmado lang si Troy pero halata mong nag-aalala siya. Ang daming tanong, e. Pfft.

"Hindi! Nakatalikod ako sa kanila, e, hindi ko sila namukhaan. Basta alam kong may tattoo rin silang dragon sa likod. Tsaka may nabanggit silang pangalan ng gang, e, pero nakalimutan ko na." Pinilit ko talagang alalahanin 'yong pangalang nabanggit nila kaso hindi ko naman maalala. Ano nga ba 'yon?

"Phoenix ba?"

Biglang bumalik sa 'kin 'yong mga narinig ko kanina. Naalala ko na. Oo, tama! Phoenix nga.

"Oo, ayon nga! Paano mo nalaman?"

Sinilip muna ni Troy kung may tao bang malapit sa 'min. Feeling ko, sikreto lang 'yong sasabihin niya sa 'kin kaya ayaw niyang may makarinig na iba.

"Candice, kasi—"

"Troy!"

"Charles!" Nagulat kaming dalawa ni Troy nang dumating si Kuya Charles. Kanina pa ba siya nandoon? Narinig kaya niya 'yong pinag-usapan namin ni Troy?

"Pwede ba tayong mag-usap, Troy?" Hindi pa rin tumitingin sa 'kin si Kuya. Huhu! Galit pa rin siya sa 'kin.

At ano naman kaya ang pag-uusapan nila? Parang importante, e. May kinalaman kaya 'yon do'n sa narinig ko? Alam na kaya ni Kuya?

"Okay, sige. Candice, saglit lang, ha?" paalam ni Troy.

"Sige, hintayin na lang kita sa labas."

"Okay, sige."

Tiningnan muna ako ni Kuya bago sila pumunta ni Troy sa kwarto niya.

Eee! Nakakatakot naman 'yong tingin ni Kuya.

Hinintay ko na lang sa labas si Troy. Ano kayang pag-uusapan nila ni Kuya? Huhu! Amp! Gusto kong malaman!

Naalala ko na naman 'yong pinag-usapan no'ng mga lalaki kanina.

"Kaya ba namin siya? Alam kong matagal na siyang hindi nakikipaglaban. Matagal na siyang umalis sa Phoenix pero hindi mo pa rin maalis sa kanya 'yong galing niya."

Naalala ko rin 'yong sinabi sa 'kin ni Troy dati na leader daw ng gang si Jeydon. So ibig sabihin, si Jeydon 'yong leader ng Phoenix. Kaso alam ko ring nag-quit na siya ro'n. Kung nag-quit na siya, bakit pa hinahabol ng mga lalaking 'yon si Jeydon? Gano'n ba katindi 'yong galit nila kay Jeydon?

Hindi ko alam pero hindi ko talaga naiwasang makaramdam ng takot. Naging abnormal na naman ako.

Iyon naman kasing si Jeydon, napaka-bad boy, e. Ayun tuloy, ang daming kaaway. Bahala nga siya! Bakit kasi may nararamdaman akong ganoon? Nag-aalala ba ako sa abnormal na 'yon? Yuck! Hindi rin.

Lumabas na si Troy sa gate namin.

"Tara! Alis na tayo?"

"Ha? Teka! Pero—"

"Candice, kung anong narinig mo, hayaan mo na 'yon, okay? Huwag na nating sabihin kay Jeydon kasi gugulo lang 'yong sitwasyon. Tsaka kayang-kaya naman ni Jeydon 'yong mga 'yon, e."

"Kaya? E, ang dami kaya nila! Paanong kaya niya?"

"Hindi mo kilala si Jeydon, malakas pa 'yon kay Superman. Hindi 'yon naging leader ng gang dati nang dahil lang sa wala. Huwag mo na 'yong isipin."

"Pero—"

"Teka nga? Nag-aalala ka ba kay Jaydee?" Naka-evil smile siya sa 'kin.

Lintek na lalaki 'yon! Konsensya ko kaya 'yon kapag may nangyaring masama kay Jeydon dahil hindi ko sinabi kung anong alam ko. Kailangan may malisya agad? Kahit naman kanino mangyari 'yon, ganoon pa rin ang reaksyon ko. Binatukan ko nga si Troy.

"Ouch!"

"Kahit mortal enemy ko siya, mag-aalala pa rin ako. Mabait kaya ako. Pero bahala ka na nga. Basta ako, sinabi ko na 'yong nakita ko." Hindi na ako nagsalita. Pumasok na lang ako sa kotse niya. Bahala siya kapag may nangyaring masama kay Jeydon, basta ako, sinabi ko na kung anong nakita at narinig ko. Hindi na ako makokonsenya. Hmp!

Tahimik lang kami habang papunta kami sa TriNoma. Argh! Nakakainis.

"Huy, Troy! Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kay Jeydon 'yong narinig ko? Ano bang tinatago n'yo?" Hindi ko mapigilang magtanong, e. Tsaka hindi ko na kaya 'yong katahimikan. Pinakaayoko pa naman 'yong naglilihim at nagsisinungaling sa 'kin. Ops, teka! Pero hindi ibig sabihing concerned ako kay Jeydon, ah! Ako? No way!

"Aish! Candice! Ang dami mong tanong! Ganyan ka ba nag-aalala kay Jeydon?" Noong una, akala ko, naiirita siya sa 'kin kasi ang kulit ko pero noong huli, naka-evil smile na siya sa 'kin. Nag-isip na naman siya ng malisya sa 'ming dalawa ni Jeydon. Halatang-halata naman sa tingin niya sa 'kin, e.

"Eww! Hindi ako nag-aalala ro'n, 'no? E kasi, may nililihim ka sa 'kin, ayoko ng naglilihim sa 'kin. Kaya sabihin mo na, Troy!"

"Don't worry about Jaydee. Kayang-kaya niya 'yong sarili niya."

Nag-cross arm arms ako tsaka nag-pout. Nakakainis naman! Ayoko talaga ng may hindi ako nalalaman. Hindi naman talaga ako nag-aalala sa abnormal na 'yon, e. Asa pa, 'no?

Tiningnan ko ulit si Troy. Ngumiti lang siya ng super wide. Parang hindi naman siya nag-aalala sa kaibigan niya. Kahit gaano pa kalakas 'yong abnormal na 'yon, kung isang gang 'yong gugulpi sa kanya, anong panama niya? Hays. Hindi ko na nga lang kukulitin si Troy, baka sabihin niyang may gusto talaga ko kay Jeydon. Eww, never!

Nakarating kami agad sa mall. Dumiretso agad kami sa loob papunta sa shop ni Ate Jaycee.

"Uhm... Troy?" Malapit na kami sa shop pero napahinto kami ni Troy. May gusto muna kasi akong malaman bago ko makita ulit si Ate Jaycee.

"Bakit?" Naka-smile pa rin siya sa 'kin, 'yong mapang-asar na smile. Argh! I hate you, Troy.

"Ano... alam na ba ni Ate Jaycee... na alam ko na 'yong tungkol sa inyo?"

"Hindi, ayoko na kasi siyang mag-alala, e," tapos ngiti na naman.

Masayahin talaga siya, 'no? Sabagay, magde-date nga pala kasi sila ni Ate Jaycee. Tapos ako ano? Maiiwan kasama 'yong abnormal na 'yon mamaya! Waaaa! Nakakainis. Bakit ba kasi ako pumayag? Huhu. Stupid ko rin minsan, e.

Pumunta na kami sa shop, nakita naman namin agad si Ate Jaycee. Grabe, ang ganda-ganda niya. May hawig nga siya kay Jeydon. Sabagay, hindi ko naman ikakailang gwapo naman talaga 'yong Jeydon na 'yon. Abnormal nga lang. Hindi lang minsan, ah. Madalas.

"Hi, Ate Jaycee!"

Nagulat ako noong tinawag niyang ate si Ate Jaycee. Kaso naalala ko ring marami palang nakakarinig sa kanila, 'yong mga tauhan ni Ate tsaka pati pala ako kasi hindi pa niya alam na alam ko na 'yong sa kanila ni Troy.

"Hi, Troy!"

Kahit naman magpanggap pa sila, halata mo naman sa mga tingin at ngiti nilang dalawa na in love sila sa isa't isa, e. Parang nainggit tuloy ako! Huhu. Ano kayang feeling ng ma-in love? At 'yong feeling na may taong in love sa 'yo? Mararamdaman ko pa kaya 'yon?

"Candice! Hello!" Lumapit siya sa 'kin tapos niyakap niya ako nang mahigpit. Eek! Feeling ko, hindi na ko makahinga. Miss niya ba ako? Huhu. "Buti nakapunta ka!"

"Hehe... Oo nga po, e."

"Tara! Do'n tayo sa office ko, marami akong ipapasukat sa 'yo, e. Troy, diyan ka muna, ha?"

"Okay." Ang laki na naman ng ngiti niya. Inlababo talaga ang kuya mo!

Pumunta kami sa likod ng shop ni Ate Jaycee. Grabe, ang laki ng shop niya. Ang daming magagandang damit. Sa totoo lang, lahat naman, maganda, e. Marami rin siyang tauhan doon at ang gaganda rin nila. Pagkapasok namin sa loob ng office niya, may apat na dress nang nakasabit sa may clothes rack tapos may kanya-kanyang sapatos na rin sa baba, pati accessories ay meron na rin sa may table.

"Isukat mo lahat 'yan, okay?"

"Okay po." Nahiya ako sa kanya. Ang ganda niya kasi, e. Na-starstruck kaya ako.

Pagpasok ko sa dressing room, sinukat ko agad 'yong pinakamahabang dress. Okay naman iyon, hinuli ko na 'yong dalawang maikli. Maganda rin iyon kaso nahihiya naman akong isuot 'yon. Actually, hanggang sa may hita lang naman 'yon, hindi gano'n kaiiksi. Kaso 'yon na kasi ang pinakamaiksing damit na maisusuot ko, e. Sinukat ko rin 'yong mga sapatos, okay naman sana lahat kaso nga lang, puro may heels. Good luck na lang sa 'kin! Sana hindi ako madapa kapag sinuot ko bukas sa pre-pageant.

Noong nasukat ko na lahat, may pinasuot pa sa 'king floral dress si Ate Jaycee, 'yon na lang daw ang isuot ko para mamaya. Mamaya? Ano kayang ibig sabihin ng mamaya?

"Mukhang okay naman lahat. Lahat talaga bagay sa 'yo, Candice." Pumalakpak pa siya no'n, ah. Tuwang-tuwa siya sa 'kin, e, 'no? Nakakatuwa tuloy. Umupo siya ro'n sa mahabang pink na sofa. Umupo na lang din muna ako.

"You know, Candice, I really like you."

"Talaga po? E..." Huhu! Nahiya talaga ako. Bakit ba?

"Are you shy? That's so cute of you, Candice. Sana magkatuluyan kayo ni..."

Hinintay ko 'yong susunod na sasabihin niya pero hindi na niya itinuloy.

"Tara na? Baka nando'n na sa labas si Jaydee. Magde-date pa kayo, 'di ba? Hehe."

Hindi ko narinig 'yong huli niyang sinabi. Ano raw 'yon?

Sakto ngang paglabas namin, nando'n na si Abno, este, Jeydon pala.

"Hi, Dong-saeng! Bakit ngayon ka lang?" sabay nag-pout si Ate Jaycee, hehe ang cute!

"Mianhae, Noona."

Nagulat naman ako ro'n, marunong din palang mag-Korean sina Jeydon? May lahi kaya silang Korean? Mukha kasing fluent magsalita si Jeydon ng Korean.

Kahit wala akong lahing Korean, fluent din akong magsalita kasi doon ako lumaki tsaka tumira sa loob ng 12 years. Sa Korea kasi talaga naka-base 'yong family ng papa ko. Tsaka karamihan ng mga business namin, nasa Korea. Hindi na lang ako bumalik do'n kasi naghiwalay na sina Papa at Mama. Kahit Papa's girl ako, kay Mama pa rin ako sumama. Noong nalaman ko kasing nag-cheat si Papa kay Mama, kinamuhian ko na siya simula noon. Kaya never na rin akong nagsalita ng Korean. Gusto ko na siyang alisin sa sistema ko pero mahirap. May magagada rin naman kasi akong memories back in Korea, e. Hays, naalala ko na naman tuloy si Papa.

"Candice, okay ka lang?"

"Oo, okay lang ako, Troy."

"Hoy, Betty! Bawal ka rito. No pets allowed sa shop ng Noona ko."

Hindi na lang ako nagsalita. Nahihiya kasi ako kapag nasa harap kami ni Ate Jaycee, e. Humanda ka lang sa 'kin mamayang abnormal ka. 'No pets allowed' pala, ha?

"Dong-saeng! Be good to Candice! Or else, ikaw ang iba-ban ko sa shop ko!"

Tiningnan ko si Jeydon. Ngumiti ako sa kanya, 'yong ngiting nakakaasar. Buti nga sa 'yo! Mas boto sa 'kin si Ate Jaycee.

"Aish! Hindi ko alam kung bakit gustung-gusto mo 'yang si Betty! Tara na nga, Noona, let's eat."

Inakbayan niya si Ate Jaycee. Nagkatinginan naman kami ni Troy, mukhang lumungkot 'yong mukha niya. Si Ate Jaycee naman, mukhang nagulat. Hala! Paano na nga pala magde-date sina Ate Jaycee at Troy niyan? Epal talaga ni Abno. Kailangan mag-isip ako ng paraan...

"Hoy, Jeydon! Pwede mo ba akong samahan do'n sa may pet shop?"

Hinawakan ko sa braso si Jeydon tapos hinila ko siya palayo kay Ate Jaycee. Sobrang labag 'yon sa loob ko. Nakakainis nga, e, hinawakan ko pa 'yong braso niya. Huhu! Pasalamat talaga kayong dalawa sa 'kin, Troy. Kasabwat n'yo ako sa kalokohan n'yo ni Ate Jaycee. Wala na akong pakialam kung nasaan na kami ng abnong 'yon. Bahala na, basta makalayo sa shop. Hindi naman din siya nagsasalita, e.

Ay, teka nga. Bakit hindi siya nagrereklamo na hinila ko siya palayo? Nakakapagtaka naman. Huminto ako tapos nilingon ko si Jeydon.

"Sabihin mo lang agad kung gusto mo akong i-date para ready ako." Tumaas-taas pa 'yong kilay niya tapos ngumisi-ngisi pa siya.

Ang kapal niya! Hindi ko naman gagawin 'yon kung hindi lang dahil kina Troy, e. Bakit ba kasi lagi na lang siyang epal? Pati ako, nadadamay pa tuloy.

"Ang kapal mo! Magpapasama lang ako, may bibilhin kasi akong mabigat, e. Kailangan ko ng tagadala."

"E, bakit hindi si Troy?" Lumapit siya sa 'kin, tiningnan niya ako.

Eee! Anong ginagawa niya, ha? "Kasi ano..." Umisip ka ng dahilan, Candice. Huwag ka lang madudulas. "Ayokong mabigatan si Troy kaya ikaw na lang para mahirapan ka pa!" Ay, tama ba ang sinabi ko?

"Ako, magbubuhat? Asa ka!" Paalis na sana siya. Nataranta na ako kung anong gagawin ko. Hinila ko na lang ulit siya, nakakahiya na talaga 'yong ginawa ko, e.

"Sige na! Ililibre kita ng ice cream mamaya!"

Mukhang sumaya bigla 'yong mukha niya. "Gusto ko 'yan!"

Hays. Buti na lang!

"So inaaya mo akong makipag-date? Hmm... sige, papayag na lang ako para hindi ka mapahiya."

"Ano?! Date?!"

"Oo!" Sobrang laki ng ngiti niya.

Ang kapal ng mukha niya! Huhu. Ano na bang gagawin ko? Never pa akong nagka-date, at nire-reserve ko sana 'yon kay Marky, kung sakali lang. Tsaka kahit na! Ayokong kay Jeydon mapupunta ang unang date ko! OA lang? Pero ayaw pa rin! Kaso anong magagawa ko? Kapag hindi ako pumayag, babalik siya sa shop. Waaaah! Ayoko na...

Troy! Humanda ka lang talaga sa 'kin.


Continue Reading

You'll Also Like

33.3K 1.5K 21
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...