Waiting For Forever

By sourpatchedkid

914K 10K 1K

(In Filipino) Kathryn Chandria Kabe- Bernardo... a highschool graduate; staying in her cousin Katsumi Kabe's... More

Waiting For Forever ☺
WFF - 2
WFF - 3
WFF - 4
WFF - 5
WFF - 6
WFF - 8
WFF - 9
WFF - 10
WFF - 11
WFF - 12
WFF - 13
WFF - 14
WFF - 15
WFF - 16
WFF - 17
WFF - 18
WFF - 19
WFF -20
WFF - 21
WFF - 22
WFF - 23
WFF - 24
WFF - 25
WFF - 26
WFF - 27
WFF - 28
WFF - 29
WFF - 30
WFF - 31
WFF - 32
WFF - 33
WFF - 34
WFF - 35
EPILOGUE

WFF - 7

27.8K 280 13
By sourpatchedkid

Chapter 7

Kathryn Chandria

"Morning Kath!" Ayos ah, si Seth aga bumangon. Direcho siya sa ref habang nagkukusot p ang mata para sa tubig.

"Morning. Bat ang aga mo?"

 

 

"Dinadaganan ako ni JC." Sagot niya at lumapit skin para makita ang niluluto ko. Complete breakfast lang naman, hotdog, egg, corned beef at sinangag. Inakbayan niya ko sabay amoy sa luto ko. "Sarap niyan ah. Pwede ng mag-asawa."

Alam kong hihirit nanaman to. May malanding buto sa katawan to eh. Madami. Nginitian ko lang siya at tinulungan ko lang siya sa pagluluto.

"Nga pala, Kath. Sama ka samin ah? Buong araw kaming magrerecording lang e." Seth. Binaba niya yung baso niya pero naka-akbay pa din siya sakin. Onti na lang sisikuhin ko na to.

"Sige ba. Basta libre pagkain. Paabot ng nung isa pang spatula."

Inabot niya naman PERO di pa din talaga inaalis yung kamay niya.

"Good Morning, Ka—" Humarap ako sa kitchen door frame at nakita ko si DJ na nakabusangot yung mukha. Agad ko namang siniko si Seth at natanggal din sa wakas yung kamay niyang kanina pa nakasabit.

"Uy, good morning. Upo na kayo diyan. Matatapos na to." Si DJ naman, padabog na umupo at nakatitig lang sakin. Si Seth naman, patay malisyang naghahalo ng sinangag.

"Bro, sasama si Kath satin sa recording ah?" Seth.

"Sakin lang sasama yan." Sabi naman ni Dj na nilalaro yung place mat. Ang aga-aga nagsasalubong yung kilay.

"Seth, paki-gising naman yung iba dun. Para makakain na." Utos ko. Kailangan ko atang kausapin tong Dj na to. Hahaha.

"Kath naman! Hirap gisingin ng mga yun eh. Si DJ na lang. Nakaupo siya tapos ako nagluluto." Seth.

"Kasi PO, tapos na PO yung niluluto niyo." Sabi ko sakanya at sinarado na ang stove. "Sige na, gisingin mo na yung mga yun. Wag kang bababa ng di mo sila kasama."

Sabay naming pinanuod ni DJ na lumabas si Seth ng kusina. Nilagay ko naman sa lamesa yung mga kakainin namin. Si DJ naman, nakatingin lang sakin. At halos magkadikit na nga ang kilay. Umupo ako sa tabi niya at inusog ng konti yung upuan papunta sakanya. Siya naman, patay malisya lang na kumuha ng tinidor at ng hotdog.

"Pst. Ang aga-aga, Mr. Padilla nakasimangot ka. Good Morning!" Masigla kong sabi. Hindi naman ako pinansin ng loko. Kumuha lang siya ng plato at naghain tapos nagsimula na siyang kumain. "Grabe, DJ. Di mo na ko pinapansin ngayon ah. Ganyan naman tayo eh."

Sinamaan lang ako ng tingin. Kumuha na din ako ng kakainin ko at nagsimula ng kumain. Tahimik lang. Yung kalampag lang nung kutsara't tinidor yung naririnig. Ayoko pa naman ng ganito. Hindi ako sanay. Sa bahay kasi, parating maingay. Napahingang mallaim ako bago ako humarap ulit sakanya.

"DJ?"

 

 

"Hmm?"

 

 

"Galit ka?"

Umiling lang siya at kumuha pa ng itlog. Pinisat niya yung gitnang yellow kaya naman parang naging sabaw na lang niya sa kanin. Ma-gaya nga maya-maya.

"Bat di mo ko pinapansin?" Tanong ko.

"Malay ko. Tanong mo kay Seth. O kay Dom. Ewan. Tanong mo nga kay Seth."

Nagseselos nanaman po si Mr. Padilla. Sasagot pa sana ako ng marinig kong nagsisibabaan na ang 4 na lalaki. Good Morning lang sila at umupo na din. Nagkataon lang naman na kaharap ko din si Seth kumain. O diba, lalong umasim ang mukha ni DJ. Si JC ang nasa head of the family. Tapos si Kats malayo sakin. Kanya-kanya na silang kain at kwentuhan. Kaso tong si DJ, hindi talaga naimik. Tiningnan ko si Kats kung nakatingin sakin... Hindi.

Kinuha ko yung kamay ni DJ at nilagay ko sa ilalim ng lamesa. At unti-unti nakita kong ngumiti ang loko. Ay nako.

"Sama daw si Kath satin." Announce ni DJ.

"UY PARE! Andito ka pala?" Birong tanong ni JC kay DJ. "Kala ko tulog ka pa. Di ka naimik."

 

 

"Ulol. Inaantok lang ako kanina." Sagot nito at mas hingpitan pa ang kapit sa kamay ko. Sus, kinikilig. Hahahaha.

***

"Upo ka lang diyan." Utos ni DJ sakin pagdating namin sa studio. Ako naman to. Umupo. Inabot niya sakin yung cellphone niya pati wallet. Napatingin naman si JC samin. Lahat kasi sila nas abooth na, maliban na lang sa dalawang to.

"Wow, girlfriend ang peg?" Tanong ni JC.

"Ssh! Di ah." Sabi lang ni DJ at hinatak na niya si JC papasok. Nakakatwang panuodin tong mga to. Sa pagkanta lang nagseseryoso. Wala kang makikita na nilalaro lang yung trabaho nila. Minsan magsa-suggest pa sila at tunog mga business man. Natutuwa nga ko eh. Si DJ naman, titingin lang sakin tapos ngingiti. Ay ewan. Nilalaro ko yung iPhone niya, neknek niya kahit malowbat.

"Gutom ka na?" Tanong ni Kats sakin. Breaktime na ata nila, di ko pa napansin.

"Medyo." Umayos ako ng upo, para makaupo na din sila. Pinag-gitnaan naman ako ni JC at ni DJ. Hay Lord, help me.  "Patapos nab a kayo?"

 

 

"Bored ka na? Pahatid ka na lang kay kuya Romeo pauwi." Sabi ni JC sakinna busy magtext......... Kay Aria.

"No. No. Teka nga, bat para kayong pinagbaksakan ng langit at lupa? Ang gagaling nyo kaya. Pati-instruments nyo magkakatono. Maayos." I proudly said. Pero sila, ngumiti lang.

"Hindi kasi, parang kulang. Alam mo yun?" Lester habang nilalaro ang drum sticks niya.

"Parinig nga ng preview." Sabi ko. Tumayo sila at umupo ako dun sa umiikot na chair. May pinindot silang buttons at nagplay. Maririnig mo yung drums ni Les. At yung bass at guitar ni Seth at DJ. Maayos naman. Pero oo nga, parang may kulang. "Patingin ng music sheet." Sabi ko kay Kats. Inabot naman sakin. Kumpleto naman na yung lyrics.

Inulit ko yung sa simula para marinig ko ng maayos.

"Alam ko na kulang, guys!"

 

 

"Ano?"

 

 

"Piano. Sa simula, kailangan ng piano. Kasi eto, yung boses naman ni DJ dito, malaman. Ayos naman sana kaso yun nga piano sa simula. Bago niyo pasukan ng drums."

 

 

"None of us know how to play a piano." Seth.

"Kath, can. She plays the piano, right Kath?" Kats.

Napa-tango na lang ako. Simula nung nagbreak kami ni Dom, hindi ko na hinawakan yang piano na yan. Pano, siya lang naman ang tinutugtugan ko.

"Pasok ka na sa booth. Tapos eto music sheet, sulat mo." Kats. Umupo ako sa tapat ng piano at nagsimula ng magpatugtog. Sulat dito, sulat doon. Nag-thumbs up ako at binuksan nila yung mic nila sa labas. "Kantahin mo."

"HA?! Pasayawin mo na ko, wag mo lang akong pakakantahin." Naiinis kong sabi kay Kats.

"Arte neto. Syempre, kailangan namin marinig yung demo." Kats.

"AYOKO. Bahala ka. Neknek mo." Lalabas n asana kong booth ng hinarangan ako ni DJ.

"Lika na, sasamahan kita." DJ.

"Yun oh! DUET!" JC. Sinamaan namin siya ni DJ ng tingin. Buti na lang, kausap ni Kats yung producer nila Sige nga, pano ko kakanta? Nandito na lahat ng producers nila, music mixers. Grr.

"Uy, seryoso. Sasayaw na lang ako habang kumakanta ka." Sabi ko kay DJ.

"Dali na. May atraso ka pa sakin kagabi." Sabi niya at sinara yung booth. Nasa loob na tuloy kamin dalawa.

"Di ko naman kasalanan yun. Syempre, kinausap niya ko kaya kinausap ko din siya."

"Sus, gusto mo lang kausap si Dom eh." Inabutan niyo ko ng headset at umupo na ulit ako dun sa may piano. "Mamaya, pagusapan natin yun a?" I nervously nodded. Nag-thumbs up naman si DJ sa mga tao sa labas. Tapos tinanguan ako. I started to play.

(PLAY ----------------------------->)

I've been looking under rocks and breaking locks
Just tryna find ya...

Si DJ lang atsaka yung music sheet yung tinitignan ko. Maya-maya ipinasok nila yung sounds nung pagdadrums ni Les.

Ngini-ngitian ako ni DJ kahit na gusto ko na silang tadyakang lima. Grr. Tiningnan ko yung producers, seryoso mukha nila. Mukhang ako pa magiging dahilan ng pagkawala nila ng trabaho.

"Great Job." Bulong ni DJ sakin pagtapos. Pinagbuksan niyo ko ng pinto at lumabas na. Isang matinding slow clap lang naman ang natanggap ko sa mga lalaki pati sa producers.

"WOW. KATHRYN CAN SING." JC. "I'm guessing it's in the blood." Sabi niya sabay tingin kay Kats.

"Hindi ah. Yung kuya ni Kath, hindi marunong kumanta. Yung ate ko, nakakabingi boses. Hahahaha" Kats.

"Looks like somebody needs a spot on our album." Biglang sabi ni Seth. Nanlaki yung mata ko.

"No no. That was for demo." Ako.

"No, iha. You CAN sing." Sabi nung isang producer. "In fact, I think we should record it properly. Raw pa kasi yung kanina."

 

 

"And then, isasama natin sa album nila." Producer # 2.

"And then, we'll get you signed!" Producer # 1.

"Ha? Po? Hala, eh—" Ako.

"Kayong anim, pasok na sa booth. Record na ng ayos yun ng makauwi na." Producer # 2. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Yung totoo? Ang bilis nun ah. Nakatayo lang ako at lahat sila nasa loob na. Lumabas ulit si Dj at hinawakan ang bewang ko kaya naman medyo natauhan ako.

"Cmon, Kath."

 

 

"No, DJ. Seryoso ba to?"

 

 

"Yes. And I'm sure, kakausapin ka nila after. Kaya tara na."

Pumasok na kami at kahit kabado, kinanta ko. Sa piano keys lang ako nakatitig. Walang Take 2. Take 1 lang lahat. Pagkatapos nun, nagpalakpakan yung producers.

"Preview!" Sabi nung isa.

Maganda palang pakinggan pag kumpleto na yung instruments. Walang kulang. Di tulad nung kanina.

"So, Kathryn right? Kathryn Kabe or Kathryn Bernardo?" Producer # 1.

"Kathryn Chandria Kabe Bernardo po."

 

 

"Well, Kathryn. Bumalik ka dito bukas at paguusapan natin yang plano mo sa buhay. Magandang single tong ngawa niyo today. I'm sure the fans will love it! Right guys?" Producer # 2.

"But ma'am—"

 

 

"Kath, opportunities like this, don't always happen. Kaya naman go for the gold. Grab the chance. I'll have the big boss listen to this before this day ends, and we'll talk about this tomorrow. I'll inform, Celestine, the boys' manager to assist you habang nagrerecord ulit sila." Producer # 1.

Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung gusto ko ba to o ayaw ko. Basta ang alam ko nahihilo ako.

Pinauwi na kami, at hindi ako nagsasalita buong byahe.

"Should I tell your mom o ikaw na?" Tanong ni Kats bago ako pumasok ng kwarto.

"Ako na lang. The day after the meeting. Malay mo di tuloy. Umasa pa si mudrakels." Sabi ko sakanya. Yinakap naman ako ni Kats. Yung brotherly hug na nakakawalang kaba.

"It's happening, Kath. It happened in a span of 30 seconds. Aren't you happy?"

 

 

"Of course, I am. I'm just surprised." Pinat na lang niya yung ulo ko at pumasok na ako sa kwarto. Nagbukas ako ng TV. Shet, malay ko ba kung next week mukha ko na yung andyan. Uy, Kath wag masyado mataas ang pangarap. Biglang may kumatok. "PASOK"

 

 

"Uy, busy?" Ah, si DJ pala. Pinatay ko na yung TV at umayos ako ng upo. Oo nga pala, may paguusapan pa kami.

"Nope."

 

 

"Ano, paguusapan na ba natin si Dom?" Tanong niya. Umupo siya sa kama ko. Sumagad ako sa headboard at nag-indian sit.

"Loko. Paguusapan natin yung nangyari kagabi. Hindi lang si Dom. Hindi naman sinasadya ni Julia na hindi sabihin. Medyo aligaga na din kasi sa party plans kaya—"

 

 

"I know. Pero yung kagabi, ano... uh...--"

 

 

Hay nako, Lord.

Mahaba-habang usapan to.

  *

twitter: @ninadecastro_ (tweet me! and follow)

tumblr: nina-decastro.tumblr.com

snapchat: ninaaadecastro




Continue Reading

You'll Also Like

14K 752 9
"I left you not because I don't love you anymore, but because I need to and I have to." This story contains only 5 chapters.
19K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
84.4K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
696 49 4
I never knew I would feel this way for someone, that I'll be that desperate to the point that I change myself. Scared was not the right word to expre...