Comrades in Action Book 2: Ai...

By LyndseyLei

974K 23.5K 456

"You have to be the heir that you are and do your responsibilities in this family!" Did he just heard the plu... More

Ang Pagbabalik
Can you forgive me?
Welcome home, jerkboy..
Maling Akala
Seething
Shit happened..
Bakit?
Bang
Go on then..
Dilemma
Pakialam..
Serious
Is this it?
Theory
Google is never wrong..
Thank the Bourbon tonight, and curse it tomorrow
I want you
Mr. Grumpy and Damsel
Lies
The Deal
Reason
Game on
Stake your Claim
Bitch talk... bitch slap
I Don't Mind
Suspicions
You did Right
Where were you?
Not over you
When realization hits..
New girl
New secretary
Goodbye
MINE
Confrontation (Part One)
Confrontation (Part two)
Busted!
Rough times
A taste of his own medicine
Terror
Truth
Flashback part 1
Flashback part 2
The break up
What ifs
Dead man walking
In time
Fixing it
The nasties
The Ride.
Hot and Bothered
Finally
Promises
Epilogue part one
Epilogue part two
Author's Note
Epilogue part III

Trouble

20.3K 491 4
By LyndseyLei

"Mommy, I can't make it tonight. I have this luncheon meeting with Mr. Quevedo in Tagaytay. I have a feeling it will take long. I'm afraid I won't make it.."

Nasa opisina siya at naghahanda na sa pag-alis. Pumasok ang sekretarya niya upang kausapin siya. Sinenyasan niya ito na mamaya na lang at ibinagay na lang niya dito ang bag at folder na hawak. 

"You've been dodging us for three weeks straight, Dominica Crest! Why do I have this feeling that you are not telling the truth?"

Napapikit siya ng mariin. Okay, sa totoo lang, tama naman ang mommy niya. Talagang tatlong linggo na niyang iniiwasan ang mga breakfast, luncheon, at dinner engagements sa bahay nila. 

Eh alam naman niya kung para saan ang mga iyon eh. Para magkaharap na at magkamabutihan na sila ng fiancè kuno niya. She knew that she is just prolonging the agony. Pero mas mabuti na iyon.

She will never give in without a fight!

Mahirap umiwas. Lalo na't alam ng mom and dad niya ang lahat ng schedules niya sa opisina these past few weeks. Sinasadya ng mga ito na i-monitor ang mga iyon ng sa ganon, makahanap ng time ang mga ito na mayaya siya sa isang 'meet up with the fiancè' thing na pakulo ng mga ito. 

Kaya naman tatlong linggo na ring super puno ang schedule niya. At tatlong linggo na ring walang palya ang katoxican niya. Papasok siya ng opisina ng 7:00AM at uuwi ng 8:00PM. 

Hindi makahirit ang parents niya dahil on going ang expansion ng hotel and retaurant business nila. Alam ng mga ito na talaga namang crucial ang mga meetings niya kaya hindi makahirit at makapag-reklamo ang mga ito.

Pero sabi nga nila, nothing lasts forever. Katatapos lang ng preparation ng hotel and restaurant nila na nakabase sa Tagaytay. One week more and ready for operation na ito. Napabuga na lang siya ng hangin.

Pano na 'to? Gusto niyang magpapadyak. Sa tatlong linggong iyon ng pag-iwas niya, hindi pa ba gets ng mga ito na AYAW niyang makita ang fiancè kuno niya?

"You will come to dinner and if we need to pick you up ourselves, gagawin namin ng dad mo. Maka-attend ka lang." Pinal na wika ng mommy niya.

Hindi siya nakapagsalita. Kapag ganon na kasi ang tono nito ay wala ng nakakapagpabago sa isip nito. 

She sighed. So, this is it then?

"Fine." She said grudgingly.

"Perfect!" Naging masaya bigla ang mood ng mommy niya.

She just rolled her eyes. Kaya magkasundong-magkasundo ito at ang tita Lauren niya eh. Magkapareho kasi ang mga ito ng personality. Ayan tuloy.. pati kaming mga anak nila, nadamay pa sa trip nila. Tsk.

"Don't forget to wear your most alluring dress, Dominica! Wag kang mag-aalangan. I'm giving you the permission to flaunt your beauty and assets to your fiancè."

"Mom?!" Nanlalaki ang mga matang sigaw niya.

He mom just laughed, "I'm just kidding, hija. Why so serious.. loosen up."

Argh! 

"I'm not going there dressed like a porn star, mom." She said while rolling her eyes at the absurdity of the idea.

"Okay, okay.. relax. Basta, don't be late okay? Sa house nila Lauren ang dinner place natin. Pupunta ako doon mamaya. We are going to cook yours and Aiden's favorites. So magpagutom ka ah? Para marami kang makain mamaya!"

"Alright mom.. bye na po, I'm going na."

"Okay baby! Bye and take care! I love you!" 

Kahit sa kabila ng edad niya, para pa rin siyang bata kung i-trato ng mga ito. Napa-iling na lang siya. Well, not that she didn't like it. She doesn't mind being spoiled by her parents so much. It is for her own advantage anyway.

Itong arranged marriage lang talaga ang so far, pinakaayaw niyang bigay sa kanya ng mga magulang niya.

Twelve PM ng makarating sila ng Tagaytay. 1:00 ng matapos ang meeting niya sa investor. At 1:30PM in the afternoon, tumulak na sila sa bagong branch ng Crest hotel and restaurant nila.

Nakipag-usap na rin siya sa head cook kung ano ang menu para sa grand opening ng hotel. At sa event coordinator na din para maayos na at mapagusapan ang mga dapat ayusin sa event. Pagkatapos nun, kinausap naman niya ang engineer kung okay na talaga ang hotel.

Iniikot siya ng kaibigang si Joseph, ang asawa ng bestfriend niyang si Jacky at isa sa mga engineer ng bagong branch nila.

"Maganda ang mga furnitures na ginamit, your designer is good." Komento niya.

"Of course, this hotel is one of the best I've created. Kaya naman it only deserves the very best." Proud na proud na wika nito.

She can't help but smile. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpili dito. He is indeed one of the best in his field. Naka-jackpot talaga ang bestfriend niya dito.

"Thanks, Seph. I could not have done all of these without you guys."

Napangiti naman ito, "Para ano pa't naging magkaibigan tayo. Besides, your best friend will surely divorce me if I let you down." Pabirong wika nito.

Natawa na lang siya. "She's lucky you know."

"No, I'm luckier." He smiled at her thoughtfully. "Anyway, it's already four in the afternoon. Jacky mentioned to me na may lakad ka?"

She frowned, not so sure of what he's talking about.

"I think its a dinner with your parents if I'm not mistaken?"

Hm? what dinner...

Napaawang ang labi niya ng mag-sink in sa utak niya ang sinabi nito. Awtomatikong tinitigan niya ang cartièr wrist watch na suot niya at marahas na napatayo.

"Shoot! I need to go. God.. I'm late!" Mabilis niyang kinuha ang bag at nagpa-alam kay Seph.

"Take care!"

Kumaway lang siya dito saka nagmamadaling sumakay sa kotse kasama ng sekretary niya.   

"We need to go. Ihatid nyo muna ako sa address na ito." Iniabot niya ang papel sa driver niya.

"Okay po mam." Sabi ng driver niya.

Patay siya nito sa mommy niya kapag na-late siya. Ipinag-luto pa man din siya nito ng pagkain. Na-miss niya ang mga luto nito dahil mula noong tumira ito at ang dad niya sa rancho nila sa province pagkatapos ipasa sa kanya ang pamamahala ng kumpanya ay bihira na lang niyang matikman ang mga luto nito. She will be upset for sure kapag na-late siya.

"Mang Fred, makakarating ba tayo bago mag 7:30?" Kinakabahang tanong niya.

"Hindi ko po sigurado maam eh.. rush hour na po kasi sa edsa pagkadating natin dun. Pero ipapasok ko na lang po sa mga eskinita para makaiwas tayo sa traffic." 

"Please do that. And make it fast."

"Opo, sige po."

Samantala, sa bahay ng mga Montaniez..

"Ano, tumawag na ba ang anak mo?"

"Hon, hindi pa... I tried contacting her but her phone is unattended.. ano na kayang nangyari sa batang iyon?"

"O, wag ka munang mag-panic. Baka naman empty bat lang ang anak mo. Tatawag din iyon mayamaya."

Iiling-iling na lang si Aiden habang nakikinig sa usapan ng tito Edward at tita Ivy niya. Nasa sala ang mga ito at naka-abang sa may pintuan.

"Kapag di pa siya tumawag after thirty minutes, ipapatawag ko na si papa!" Tukoy ni tita Ivy sa papa nitong retired general.

"Hon, iistobuhin mo pa ang papa.."

"Eh kasi..."

Ang babaeng iyon talaga. Late na nga, pinag-aalala pa ang mga tao dito! Tsk. Pinaka-aayawan talaga niya ang mga babaeng papansin. Inis na tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa sofa.

"O, Aiden. San ka pupunta?"

"Magpapa-load lang ma." Sagot niya habang humahakbang patungo sa pinto.

"Load? eh di ba naka-plan ka naman?"

"Yung isang phone ko po di naka-plan." 

"Bukas ka na lumabas. Baka mamaya, nandyan na ang fiancè mo."

Tss, eh ano ngayon? He is not going to wait here until that girl decides to show up!

Iyon ang gusto niyang isagot. Instead.. "This won't take long mom. Five minutes and I'll be back." Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Tuluyan na siyang lumabas at tinungo ang kotse.

"Nasaan na ba talaga ang babaeng iyon?" Inilabas niya ang phone saka in-open ang GPS niyon. Then he remembered that her phone was turned off. "Tsk, napaka-pabaya talaga.." He tracked her secretary's phone instead. 

He must sound like a stalker. Nalaman lang naman niya ang number ng sekretarya ng babaeng iyon kasi kusang nag-pop out iyon nung kinuha niya ang profile nito. At marunong lang siyang manigurado kaya pinili niyang i-save ang number nito. He is not being defensive or anything!

"Let me se..." Bulong niya habang ini-scroll down and phone niya. "Where the heck are you woman..." He stopped scrolling when he spotted her. "Liquor shop...?"

He frowned. 

What the hell is she doing in a liquor shop when she should be at my house? 

Umiling na lang siya saka pina-andar ang sasakyan papunta sa liquor shop na iyon.

-

It was rush hour and traffic, she is twenty minutes late and her phone's batery is freaking empty. 

Great! Just great!

Buti na lang nadaanan nila itong liquor shop na ito. A bottle of Chardonnay will surely divert her mother's anger away from her tardiness tonight. Paborito nito ang white wine na iyon kaya siguradong makakalusot siya.

Siya na ang susunod na magbabayad sa counter ng isang pasuray-suray na lalaki ang sumingit sa harapan niya. Agad na uminit ang ulo niya. Di ba nito nakikita na siya na ang susunod na magbabayad?! Sa kulay ng dress niya, hindi pa siya nito napansin?! Ano ito color blind?!

Inis na lumapit siya dito. Tatapikin na sana niya ito sa balikat ng maunahan siya ng mga salitang...

"HOLD UP TO!!!! IBIGAY NIYO SA AKIN ANG MATATAPANG NIYONG ALAK!!!"

Tila itinulos siya sa kinatatayuan ng marinig iyon.

"Ano pang hinihintay mo?" Sigaw nito sa cashier, "Ilagay mo dito sa bag ko ang mga alak na hinihingi ko!"

Shit! Napaatras siya ng masiguro niyang wala ngang halong biro ang banta nito base sa kamay nitong nakahawak ng patalim.

"Eh sir.."

"Ayaw niyo?! Ayaw niyo?!"

Hindi na niya naituloy ang pag-atras dahil bigla na lang siyang nahila. 

Yes. 

Nahila palapit kay manong holdupper na alcoholic!

"Shit.." mahinang mura niya ng maramdaman ang isang braso nito sa leeg niya.

"O ano, di mo pa ibibigay?!"

Nanlamig siya mula anit hanggang dulo ng kuko niya sa paa ng maramdaman ang malamig na patalim. 

Oh my god! Oh my god! Napahigpit ang hawak niya sa bote ng white wine na nasa mga kamay niya.

"Ano?!"

She smelled his stinking breath. Amoy alak!

"Sir.."

Shit! Ano bang problema ng cashier na ito? Mas importante pa ba ang mga letseng alak na yan kaysa sa buhay niya?!

"Give him the damned alcohol, you idiot! Kapag namatay ako ng dahil sa katangahan mo I swear I'll make your life a living hell! Now move!" She hissed.

Natataranta namang inilagay ng babae ang mga alak sa loob ng bag na dala ng holdupper.

Mariin siyang napapikit saka pinakalma ang sarili. She did not dare move. Baka maging cause lang iyon ng aksidenteng pagkamatay niya ng maaga kapag nagkamaling nahiwa ang leeg niya ng patalim.

"I-f you'll j-just-----"

"Wag mo akong ini-ingles kung ayaw mong tuluyan kita!"

Bigla siyang binundol ng kaba ng humigpit ang hawak nito sa patalim. She bit her lip so tight. She felt her face ashen..

Oh god... don't cry... don't cry... don't panic...

Paulit ulit niyang sabi sa sarili.

Shit! Bakit wala pang tulong na dumarating? Bakit wala pang tumatawag ng pulis?!

"O-o-okay n-na p-po sir.." nauutal na sabi ng cashier sa holdupper.

"Akin na!"

"E-eto po."

Kinuha ng holdupper ang bag na may lamang alak. Nagulat siya ng pati siya ay isama nito hanggang paglabas ng pinto. What the... bakit pati siya kasama eh nakuha naman na nito ang alak na hinihingi?

"M-manong... p-pwede mo na akong pakawalan.. nakuha mo na yung mga alak.."

"Miss.. maganda ka at mikinis.."

Ang kaba niya ay naging triple ng mahagip ng pandinig niya ang pagnanasa sa boses na iyon.

Shit! No way! No way na hahayaan niya ang sarili na humantong doon! Mas gugustuhin pa niyang mamatay ng lumalaban kesa hayaan itong alcoholic na ito na yurakan ang pagkatao niya!

Mahigpit na hinawakan niya sa isang kamay ang bote ng Chardonnay. Mariin siyang pumikit. Ihahampas na sana niya iyon sa ulo nito ng maramdaman niya ang marahas na paghiwalay ng braso ng holdupper sa leeg niya.

When she opened her eyes. Nakita na lang niya ang lalaking nakabulagta sa sahig at wala ng malay. 

What the hell?!

"Your name should be trouble. With a capital T.."

 Marahas siyang lumingon.  

And there he is.. the man she'd been dreading to meet.. Nakapamulsa habang sinusuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa gamit ang malalamig nitong mga mata as if searching for something..

"Miss Dominica! Ayos lang po ba kayo?"

"She's okay."  

 She shivered at the coldness of that voice.

Nanghihina siyang tumango sa tanong ng sekretarya niya habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nasa harapan niya. Ewan niya pero mas nanlalambot siya ngayon kaysa kaninang hostage siya ng holdupper na iyon.

Mariin siyang pumikit saka pilit na inihahakbang ang mga nanginginig na tuhod palapit sa kotse niya. Malapit na siya doon ng may humigit sa kanya.

Napasubsob siya sa isang matigas na dibdib. At the same time she smelled that familiar scent..

The scent that immediately calmed her raging nerves. Huminga siya ng malalim. Nanlambot na ng tuluyan ang tuhod niya.

She felt two strong arms in her waist.

"She's coming with me."

Hindi na siya umangal pa ng pinangko siya nito. Kitang kita niya ang panlalaki at pagnganga ng sekretarya niya bago ito naglakad papunta sa pamilyar na blue Maserati..

Continue Reading

You'll Also Like

239K 9.2K 32
"No! I'm not going to marry you!" Pikit-mata at kuyom ang mga kamay na sigaw ko sa harapan niya. His brows rose up as his cold, dead blue eyes looked...
2.3K 9 15
" Hindi ko naman ito pina bili saiyo ah" angil pa nya! Ano ba ?!Bakit ba ganito kung maka tingin ang isang 'to para bang isa syang pagkaing anu mang...
11.6K 434 33
(MCYT Series book one) She left, feeling defeated at the fact that the man she trusted with her heart and soul turns out to be the one to destroy her...
810K 19.8K 75
"Leave, Farah." he coldly said to me. "Ha? Why? Did I do something wrong?" naiiyak kong tanong. "Did you thought that I will not know? I knew you we...
Wattpad App - Unlock exclusive features