Love Until It Hurts (Montever...

By patyeah

6.4M 125K 12.8K

Zade does not believe that first love never dies. For him, no matter how fervent love is, if you don't nurtur... More

Love Until It Hurts
PUBLISHED
Prologue
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue

7

146K 3.1K 602
By patyeah


Chapter Seven

            "Sam? Bakit nakatumba ang saklay mo dito sa sala?"

            Napamulat ako bigla ng mga mata. Biglang nawala ang antok at kalasingan sa akin nang marinig ko ang boses ng isang babae na kumakatok sa kwarto ni Sam. Mabilis kong pinindot ang lock ng pinto bago ko marahang niyugyog ang balikat ni Sam.

            "Sam, okay ka lang ba r'yan? Bakit ka nag lock? Nag-aalala ako, bruha ka! Buksan mo nga ito!" The lady knocked frantically and thankfully, Sam shifted and finally opened her eyes. Nang marinig niya ang boses ay nanlaki ang mga mata niya. We were still both naked under the sheets. She quickly pushed me and I landed butt-first on the floor. Sinamaan ko siya ng tingin, buti na lamang ay napigilan kong mapasigaw.

            "Ano bang nangyayari, Maria Samantha? Papasukin mo nga ako!" The voice sounded mildly annoyed.

            "Jen, okay lang ako." Sam glanced at me. "Under the bed. Now."

            Wala akong nagawa. Kahit nakahubad ay dumapa ako para magkasya sa ilalim ng kama niya. Initsa niya pailalim ang mga damit ko. I cursed inwardly. Tumatagaktak na agad ang pawis ko rito sa ilalim. Ang sikip pa dahil may katabi akong isang box.

            "Pinag-aalala mo ako."

            "Jen, wait!" Malamang ay nagbibihis na siya.

            Nakita ko ang paglaylay ng mga paa ni Sam sa kama. She was sitting above the bed when she reached for the doorknob to open it. Bumukas ang pinto at nakita ko ang isa pang pares ng mga paa. Dahan-dahan kong pinunasan ang pawis ko na ayaw paawat sa pagtulo.

            "Ang saklay mo naabutan kong nakatumba sa sahig." The lady, who she referred to as Jen, said in a hard tone. "Tapos ang tagal mo pang sumagot. Akala ko tuloy kung ano na ang nangyari sa'yo. Nakakaloka."

            "Pasensya na. Okay naman ako kaya 'di ka na dapat pang mag-alala. Salamat at kinuha mo ang saklay ko... Naiwan ko kasi sa sala kagabi habang nanonood ng TV."

            Napangiwi ako sa pagdadahilan niya.

            "Ay, gano'n? Paano ka pala nakapasok sa kuwarto mo? Tinalon-talon mo?" I sensed her sarcasm and slight annoyance.

            "Jen... Um..."

            "Bakit ang gulo-gulo ng buhok mo? Tsaka kaninong kotse yung nakapark sa labas? Bakit sobrang baba ng kobrekama mo? Bakit baliktad ang suot mo ng t-shirt? Hindi naman 'yan ganyan kagabi."

            Damn it. There's no denying it now.

            Basa na talaga ng pawis ang buo kong katawan. Ngayon alam ko na ang naramdaman ni Dad nang magtago siya sa ilalim ng kama ni Mom para hindi mahuli ni Manang noon.

            "Umamin ka nga sa akin, Sam. May itinatago ka bang lalaki rito, ha?"

            Napalunok ako. Hindi ko man nakikita ngayon ang reaksyon ni Sam ay alam kong nanlalaki ang mga mata niya at namumula siya sa sobrang hiya.

            "Hoy!" agap niya sa kaibigan. "Wala kaya! Baka nagkamali lang ng park 'yung kung sino mang may-ari ng sasakyan sa labas."

            "Talaga? Maniniwala ako pero patingin muna sa ilalim ng kama mo."

            Bigla akong kinabahan. I'm not even wearing anything!

            "Hindi puwede. Jen naman! Okay lang ako, promise. Akin na nga 'yang saklay ko."

            "Not until you let me look under your bed."

            "Jen --"

            Shit! Lihim akong napamura. My body is not for viewing. Nakita kong biglang gumalaw ang kobrekama na nagtatakip sa akin nang biglang sumigaw si Sam.

            "Stop!" Nakahinga ako ng maluwag nang muling bumagsak ang kobrekama. "Zade is underneath the bed. Please, Jen, let us at least compose ourselves first."

            "Ah, si Zade." Tila kumalma ito. "Hoy, Zade. Sa susunod na dadayo ka rito para makipagsex sa kaibigan ko, next time isasama mo ang saklay niya sa kwarto, ha? Tsaka 'wag ka sa tapat ng bahay magpapark para naman hindi kayo bistado, okay? Jusko, kayong dalawa. Hindi pa naman magaling magsinungaling 'tong kaibigan ko. At ikaw naman babae, ito na ang saklay mo. Ayusin mo ang sarili mo at para kang dinaanan ng limang bagyo!"

            When I heard the door slam back in place, I crawled out from my hiding place.

            Pulang-pula ang mukha ni Sam. Nag-iiwas siya ng tingin. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako habang tinitignan ang pagkukulay kamatis ng mga pisngi niya. I lazily wore my underwear and pants.

            "Sam, may bimpo ka ba r'yan? Or anything man lang na pamunas ng pawis ko?" I asked. Akmang tatayo siya ng kama dahil inabot niya ang saklay niya nang pigilan ko siya.

            "No. Stay there. Ako na lang ang kukuha, saan ba?"

            "There." Itinuro niya ang taas na drawer. Naglakad ako papunta rito at kumuha ng bimpo. Pinunasan ko ang balat kong nangingintab na dahil sa pawis. My hair was also damp with sweat and I feel sticky and very uncomfortable.

            Pinunasan ko ang dibdib ko at nahuli kong nakatingin siya sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay nag-iwas siya ng tingin.

            She is so beautiful. Her beauty isn't the type of beauty that supermodels or beauty queens possess. Hers is the kind that might go unnoticed sometimes, but if you look hard enough, you'll know it's there.

            Morena skin. A pair of dark eyes. Long hair.

            I love how simple yet breathtaking she is at the same time.

            Kinapa ko ang dibdib ko at hinintay ang pagbaha ng pagsisisi. Pero wala akong maramdamang kahit katiting man lang. I know that I wanted it to happen. I'm happy it happened. There's not an ounce of regret in my heart, but the guilt makes up for it.

            "This will not happen again, Zade."

            "But..."

            "Get dressed, then leave. Please, Zade. Don't make this any more harder than it already is for both of us." Nagyuko siya bago pinaglaruan ang mga kamay niya. There was a small pinch in my heart. Bumuntonghininga ako dahil alam ko namang tama siya.

            "It will hurt a shitload if you tell me right now that what happened last night between us was a mistake. I don't look at it that way," mahina kong bulong. I was still topless and I can feel my sweat drying.

            "It is a mistake!" giit niya.

            Her eyes were blazing with emotion when she stared at me.

            "We both wanted that," sagot ko. "I wanted that."

            "Oo, ginusto ko! Don't you realize it? The fact that I wanted it, that you wanted it, makes things worse! Kasi hindi dapat. Kasi may girlfriend ka. Kasi sa huli masasaktan lang ako. Kasi sa huli makakasakit lang tayo."

            She hit me in my chest and I didn't stop her.

            "I asked you if you love her and you said yes. You said yes, Zade. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon sa akin? Handa na akong tanggapin e, kahit mahirap. Kaso nangyari naman ito! Ang tanga tanga ko! I knew I was going to regret it afterwards but I still pushed through. Alam mo ba kung bakit?" She grit her teeth. "Kasi kahit gaano kasakit para sa akin na may mahal kang iba, lintik Zade, handa pa rin akong magpakatanga para lang sa kaunting sandaling makasama ka." She started weeping.

            Umurong ako palapit sa kanya pero hinampas niya ako.

            "'Wag ka ngang lumapit! Sinabi ko na, 'di ba? Umalis ka! Alis!" She shrieked while tears fell on her face. Pakiramdam ko ay may pumupunit ng puso ko habang nakatingin ako sa kanya. Her pain brings me so much pain and it also brings a whole new level of confusion.

            "Let me hold you," I begged her. Iyak siya ng iyak nang yakapin ko siya. Hinalik-halikan ko ang buhok niya at hinimas ang likod niya para kumalma siya.

            I feel like such a bad person.

            I don't want to leave Elaine, but I also don't want to lose Sam. It is pretty selfish of me for wanting to keep them both. I know I can't do that. And eventually, I'll have to let go of one. Napapikit ako. I am trying to savor the moment.

            Sam is in my arms and I want to make her feel safe.

            I want her to at least look back at this moment and know that I genuinely care for her.

            "I'm sorry for being an asshole," I whispered.

            Naramdaman kong unti-unti niya akong niyakap pabalik, pahigpit ng pahigpit.

            "Yes, you are and I'm glad you know it." She shook under my embrace. "But you're someone else's asshole, Zade. You're not my asshole." Bigla siyang bumitiw sa yakap niya sa akin. I feel suddenly empty. I want to pull her back in my arms and snuggle her until night.

            Aaminin kong kagabi ay pumasok sa utak ko si Elaine. But the moment Sam shouted my name, I was filled with so much bliss that all thoughts of her vanished... completely. All remorse and rationale left.

            "Magbihis ka na. Pagkatapos ay puwede ka ng umalis. Maghahanda pa kami ng mga ulam na ititinda namin mamaya." I sensed the pain in her voice. Tumango ako ng isang beses bago kinuha ang shirt ko. I slipped it on my body sluggishly.

            "Do you want me to go?" alangang tanong ko.

            That was a stupid question.

            I am not supposed to see her.

            I am not supposed to share her bed.

            I am not meant to stay here.

            "Do you want me to go?" ulit ko habang nakatayo sa harap niya.

            "No." She bit her lip. "I don't want that, but you should go. Hindi kita pag-aari."

            Gumapang ako palapit sa kanya at hinalikan siya. Naramdaman ko ang dalawang palad niya sa magkabilang pisngi ko. She kissed me back and I felt her tears burning my cheeks. Tumigil ako at matamang tumingin sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha niya.

            "I want to see you happy. I don't want to see tears in your eyes." Inalis niya ang kamay ko sa mukha niya bago umiling.

            "That's not true."

            "It is."

            "Then leave her."

            Napaurong ako. Pagkatapos ay nag-iwas ng tingin.

            Leave Elaine? My mind was against the idea. Elaine is my comfort zone, my bestfriend, my lifesaver. Hindi ko alam kung kaya kong gawin ang hinihiling niya. Masyado akong nalilito.

Tinitigan niya ako. At sa paraan ng pagtitig niya ay alam kong nakita niya sa mga mata ko ang sagot. Ipininid niya ang mga labi niya pagkatapos ay tumango. Mapait siyang ngumiti sa akin.

            "Then leave me instead." She weakly pointed to the door. "Escort yourself outside."          Bumalik na ang malamig niyang himig.

            "It's better this way, Zade," I chastised myself. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na umalis pero parang ayaw kumilos ng mga paa ko.

            "Go," she said again.

            Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko bago hinila pabukas ang pinto. My heart shattered as I turned away. Nakita ko pang naghihintay sa sala ang kaibigan ni Sam. Nagulat ako nang bigla itong lumapit sa akin at binigyan ako ng isang malakas na sampal. Nagulat ako kaya hindi ako nakahuma agad. When I looked at her, she was seething.

            "Gago ka, Mr. Monteverde. Wala ho kayong karapatang lokohin at paiyakin ang kaibigan ko. Nasasaktan siya ng dahil sa 'yo. Balak mo ba siyang gawing reserba mo? Marami hong iba r'yan. Mapera naman kayo at kaya niyong kumuha ng kahit sinong babaeng gusto niyo. Iba na lang, Mr. Monteverde. Huwag na ang kaibigan ko dahil wala kang alam sa kung anong mga bagay ang pinagdaanan niya. Maaring nagawan ka niya ng kasalanan noon, pero pinagsisisihan niya na 'yon."

            I cracked my neck sideways.

            "Alam mo, boto pa ako sa inyo noong una. Kaso two-timer ka pala."

            Nakatitig lang ako sa kanya habang siya ay tiim-bagang na binibigyan ako ng matalas na tingin. "Her leg is already broken, Sir. 'Wag naman ho sanang pati ang puso niya."

            Hindi ako makasagot. Tinignan ko ang kwarto ni Sam. Hindi pa rin siya lumalabas. Malamang ay umiiyak na naman siya dahil sa pagiging gago ko.

            "Please do me a favor," mahinang anas ko.

            "Ang kapal naman ho ng mukha niyong manghingi pa ng pabor." Jen was crossing her arms as she glared. "Wala ho kayo sa posisyon para manghingi ng pabor sa akin."

            "Alagaan mo si Sam." I broke as I spoke every word. Nanghihina ako. Sinasaktan ko lang si Sam. This lady over here is right.

            "Makakaasa ka. Pwede ka ng umalis." Ininguso niya ang pintuan at tinapunan ko ng huling tingin ang kwarto ni Sam bago nagpasalamat sa kaibigan niya at lumabas ng bahay. Kinuha ko ang susi sa kotse at sumakay rito.

            Pinilit kong kalmahin ang sarili ko habang nagmamaneho. My chest was heaving because of too many emotions that I did not want to feel. Pumarada ako sa tapat ng resthouse at hindi muna bumaba ng kotse. Ang tagal kong nakatulala. Parang naririnig ko pa rin hanggang ngayon ang mga iyak ni Sam. I angrily punched the steering wheel repeatedly. Naiinis ako sa sarili ko. Nang mapagod ay isinandal ko ang ulo ko sa headrest at pumikit habang habol ang hininga.

            Pinakalma ko muna ang sarili ko bago pumasok sa bahay. Naabutan ko si September na nagkakape sa sala. Nagtaas siya ng tingin bago nagkunot noo.

            "Where the hell have you been?" he asked.

            "Sam." It was a one-word answer, but it was enough to make him understand. Binaba niya agad ang baso ng kape at ineksamin ang itsura ko. Napamura siya bigla. "Dude, you just got laid! Oh, man! It's official, mas gago ka na talaga kaysa sa akin."

            Hindi ako sumagot. I sank in the seat next to him. Napukaw ang atensyon ko ng pagring ng phone ko na naiwan ko pala sa table.

            It's Elaine. I immediately feel awful.

            Ang tagal ko itong tinitigan hanggang sa kusa itong nag-end. Five missed calls.

            "She's been calling you all morning. You should probably call back," September suggested. Maya-maya lang ay nagring uli ito. I took my phone and accepted the call.

            "Hey, Elaine." My heart feels heavy.

            "Z, kanina pa ako tumatawag," nagtatampong sabi niya. "Hindi ka naman siguro nagalit dahil binabaan kita kagabi, 'di ba? Inantok na kasi ako kaya natulog na ako agad." A lump formed in my throat. She was sleeping last night while I was with Sam doing obscenities. Ako na yata ang pinakamasamang boyfriend sa buong mundo.

            If  my father finds out about this, baka mapatay niya pa ako. He raised us to respect women, and what did I just do? I dishonored Sam and Elaine at the same time.

            "Kung nagtatampo ka man sa akin, I'm sorry."

            "No, hindi ako nagtatampo. May inaasikaso lang ako. Alam mo naman mahirap magmonitor ng dalawang business, 'di ba? By the way, kumain ka na ba?" I asked casually.

            "Not yet, baby. Kakain pa lang. Ikaw?"

            "Kakain na rin. Tapos baka hindi ako makatawag mamaya. Marami akong gagawin. I'll try to update you through messages as much as I can."

            "It's okay, Z. I understand. Busy rin ako buong araw."

            I remained silent. Tapos ay tumikhim ako. "Laine, something came up. I have to go."

            "Alright. I love you." She sounded disappointed. My shoulders fell.

            "Okay, I have to go." Hindi pa niya ibinababa ang tawag. Sa una ay nagtaka ako kung bakit. Then it dawned on me. She was waiting for me to say it.

  

            I ended the call. I turned my phone off and put it back above the table. Minura ako ni September na nakikinig lang sa usapan namin.

           

Continue Reading

You'll Also Like

133K 7.6K 53
ALABANG GIRLS SERIES #4 Sabrina Dardenne lives like a princess all her life, and the only wish of her parents is for her to marry the best man for he...
3.5M 158K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin
2.6M 30.8K 51
C O M P L E T E D This is the book version. I drafted several chapters, as in SEVERAL. But it did not affect the plot, it actually made the story bet...