The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

Chapter 25: Protective Kuya

3.6M 73.2K 37.8K
By blue_maiden


Isang oras na yata kaming paikut-ikot ni Marky. Saan kaya kami pupunta? Nangamba tuloy ako. Paano na pala si Kuya Charles? Hala, lagot ako ro'n.

Huminto kami sa kung saan. Hindi ko alam kung saan 'yon, e. Kita mula roon 'yong city, ang gaganda ng mga ilaw. Ang ganda roon. Alam mo 'yong sa mga palabas sa TV, 'yong lugar kung saan sila naghihintay ng shooting star. Ano ba 'yan? Para akong tangang kinikilig nang walang dahilan. May parking para sa dalawang kotse, may upuan tsaka may mga ilaw. May nakita rin akong mga bulaklak. Ang ganda talaga.

Bumaba si Marky ng sasakyan. Bumaba na rin ako. Noong nag-meet 'yong mga mata namin, ngumiti siya sa 'kin. Sumandal siya sa harap ng kotse niya. Siyempre, gano'n na lang din 'yong ginawa ko. Ang tagal naming tahimik.

"Nagulat ka ba?"

Tinatanong pa ba 'yon? Malamang. "Ha? Saan?" Sige, magpatay-malisya kang babae ka. Hindi naman ako nagulat, e, nawindang lang naman ako ro'n.

"'Yong sinabi ko... na gusto kita, na ako 'yong humalik sa'yo, na ako 'yong tumulong sa 'yo."

"Oo. Pero 'yong panyong 'yon, 'di ba, kay Jeydon 'yon? Paanong ikaw?"

"Hindi, sa 'kin talaga 'yon."

Hindi na naman ako nakapagsalita. Kinabahan ako na ewan, e. Masaya na kinikilig na ewan. Pero may disappointment din akong naramdaman. Dahil kaya hindi si Jeydon 'yong tumulong sa 'kin? Yuck! Bakit ko ba siya naiisip? Na-disappoint lang ako kasi mali pala ako ng inisip. Ang abnormal ng nararamdaman ko noon. Tumingin ulit ako kay Marky pero nakatingin lang siya sa langit. Ang daming stars. Ang ganda talaga.

"Gusto mo rin ba ako?"

Sheteng kalabaw na tanong naman 'yan. On the spot talaga? Huhu. Oo! Oo, gusto kita! Kung alam mo lang!

"Uhm..." Hindi ko masabi, e! Huhu.

"Okay lang, basta ako, gusto kita."

Tumingin siya sa 'kin. Nagulat ako kasi nakatingin pa rin ako sa kanya. Tumawa siya tapos kumindat sa 'kin. Waaah! Matutunaw yata ako sa kagwapuhan niya. Grabe lang. Natakpan ng buhok ko 'yong mukha ko. Bigla naman niyang inangat 'yong kamay niya. Akala ko kung anong gagawin niya, 'yon pala nilagay niya sa likod ng tenga ko 'yong buhok na tumakip sa harap ng mukha ko. Alam mo 'yong sa mga teleserye? Sobrang nag-init 'yong mukha ko. Alam kong nag-blush ako. Nahalata rin siguro ni Marky kasi tumawa siya, e. Nakakahiya.

"Alam mo ba kung bakit dinala kita rito?"

"Hindi."

"Sabi ko kasi kapag nakita ko na 'yong taong gusto ko, dadalhin ko siya rito."

Hindi na naman ako nakapagsalita. Kinilig kasi ako, e. So totoo talagang gusto niya ako? Akala ko naman, trip-trip lang niya 'yon, e.

"Nagulat ka nga sa lahat ng nangyari ngayon." Ginulo na naman niya 'yong buhok ko. "Sorry, ah, kung nagulat kita."

Kasi naman, bakit hindi ako makapagsalita kanina pa? Nahalata tuloy niya. Huhu. "Hindi, okay lang. Hindi ko lang naisip na magkakagusto ka sa 'kin, kasi hindi naman ako maganda, e."

"Maganda ka, Candice. Kailangan mo lang makita 'yon. Kagaya namin."

"Namin?"

"Oo... dahil hindi lang naman ako 'yong nagagandahan sa 'yo, e. Meron pang iba."

Sino kaya 'yon? Niloloko naman ako ni Marky, e!

"Alam kong may shooting star na dadaan dito, e. Teka..." Saktong pagkatapos niyang sabihin 'yon, may dumaan ngang shooting star, nakita ko siyang pumikit. Nag-wish kaya siya?

"Ano 'yong hiniling mo?" tanong niya.

"Ha? Wala." Nakatingin kasi ako sa 'yo, e, kaya ayun, hindi tuloy ako naka-wish.

"Okay lang, marami pa namang next time, e. Lagi kitang dadalhin dito kung gusto mo."

"Okay lang sa 'kin." Ngumiti ako sa kanya. "Uhm... bakit mo pala 'yon ginawa?"

"Ang ano?"

Ay, sige, magpatay-malisya ka rin, Marky. "Bakit mo ako hinalikan tsaka tinulungan?" Noong sinabi ko 'yon, hindi ako tumingin sa kanya. Nahiya kasi ako, e, kaya nakatingin lang ako sa sahig.

"Hindi ko rin alam, e." Alam kong nakatingin siya sa 'kin pero hindi ko pa rin magawang tumingin sa kanya. "Siguro kasi gusto kita." Sarcastic niya bang sinabi 'yon? Huhu. Oo nga naman, kaya naman niya 'yon gagawin kasi gusto niya ako. E, malay ko kung trip lang niya, 'di ba?

"Gano'n?" Stupid answer, Candice. Parang akong tanga roon.

Hinawakan ni Marky 'yong kamay ko. Muntik na akong mapatalon sa pagkakaupo ko, swear! Lintek na lalaki 'yon! Bakit kasi ako pinapakilig? Hihi.

"Iuuwi na kita, baka magalit pa si Tita Candy. Alam kong hinahanap ka na rin ni Charles."

"Teka! Paano pala si Kuya? Dahil sa nangyari, galit siya sa 'yo."

"Wala naman akong pakialam, e. Basta nasabi ko nang gusto kita, 'di ba?"

Ayan ka na naman, e! Pinapakilig mo na naman ako! Huhu. "Salamat, Marky, ah. Hindi ko talaga inaasahang magkakagusto ka sa isang katulad ko... na hindi naman kagandahan. Siguro kasi ngayon, nagmukha na akong tao, hehe."

Lumapit siya sa 'kin.

Sheteng kalabaw, ano na naman kayang gagawin ng lalaking 'to? Baka mahimatay na ako rito on the spot sa mga pinaggagagawa niya, e.

Hinawakan niya 'yong kamay ko. Tapos 'yong isa, biglang umangat papunta sa mukha ko. Pwede na bang mahimatay? Hindi ako makahinga, e. Kinagat ko na nga lang 'yong labi ko para pigilan 'yong ngiti kong siguro abot na hanggang buwan.

"Maganda ka, Candice. Hindi imposibleng magkagusto ako sa 'yo."

Wala, nakatulala na ako roon.

Bigla niya kong hinalikan sa pisngi.

Waaaaaaa! Ayoko na, please. Hindi ko na kaya! Sobrang kinilig na ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Noong hinalikan niya ako sa pisngi, humigpit 'yong hawak ko sa kamay niya. Natawa tuloy siya.

Huhu! E, ano ba 'yan, Candice? OA ka. 'Di ba nga, nahalikan ka na niya sa lips? Waaaah, namumula na naman ako rito. Mukha na akong kamatis.

"Tara na nga!"

Binuksan niya 'yong pinto ng kotse tapos pinapasok niya ako. Natawa siya, siguro nakakatawa 'yong mukha ko. E, kasi naman, kahit naman sinong halikan ni Marky kahit sa pisngi lang, kikiligin talaga at magmumukhang ewan. Huhu! At isa na ako ro'n.

Pagpasok niya, pinaandar na niya 'yong kotse. Nakangiti lang siya. Ano kayang iniisip niya?

Naalala kong i-text si Mama. For sure, nagwawala na si Kuya Charles. Amp naman kasi, e, OA masyado. Sana si Mama, hindi magalit.

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay. Hindi ko nga napansing naka-park na agad kami sa tapat ng bahay namin.

"Pakisabi na lang kay Tita Candy, sorry kasi tinakas kita kanina. Baka nag-aalala na 'yon sa' 'yo."

"Oo nga, e. Pero nag-text naman na ako kanina."

"Sige, Candice, good night."

"G-good night din, Marky. Ingat ka, ah."

Bumaba agad ako sa kotse niya. Akala ko, aalis na siya pero binaba niya 'yong window ng sasakyan niya.

"See you tomorrow! Hintayin kita sa Music Hall, ha?"

"Ha? Ah... ano... okay."

Natawa na naman siya. Nakakainis, mukha talaga akong tanga. Huhu! Nakakahiya kay Marky. Ang ganda na nga ng eksena, e, tsk. Kinindatan niya ako tapos nag-wave na siya sa 'kin. Pinaandar niya na 'yong kotse niya. Noong nakita kong nakaalis na siya, napasandal ako sa gate namin. Hinawakan ko 'yong puso ko. Hays, grabe talaga 'yong nangyari. Sobrang daming nangyari.

"Candice!"

Napatalon ako bigla sa boses ni Kuya.

"Pumasok ka sa loob! Ngayon na!"

Hindi na lang ako sumagot. Alam ko kasing galit siya, e. Nakakatakot kaya siya kapag Super Sayan mode siya, akala mo may aura siyang katulad ni Son Goku, e. Gangster pa naman 'yong lalaking 'yon. Huhu, lagot ako rito, e.

Pagpasok ko sa loob, nakatayo lang siya sa harap ko at seryoso 'yong mukha. Nasaan na sina Mama at Yaya? Huhu. Help!

"Bakit sumama ka kay Marky? Nag-iisip ka ba, ha?"

"Kuya, wala naman kaming—"

"Ngayon, wala! Pero darating 'yong panahong may mangyayari nang hindi maganda! Ayokong makita kang lumalapit kay Marky!"

"Pero ayoko!"

"Kalimutan mo nang kuya mo ako kapag lumapit ka sa kanya!"

"Teka! Charles, mag-relax ka nga lang diyan!" Lumapit sa 'kin si Mama, nagtago lang ako sa likod niya. Nakakatakot si Kuya Charles, e. Huhu.

"Mama, hindi! Ayokong maging malapit sila ni Marky! Kilala ko 'yon, sasaktan lang niya si Candice."

"Huwag ka ngang ganyan. Kaibigan mo sila." Ang sama na ng tingin ni Mama kay Kuya. "Candice, umakyat ka na sa taas. Kami na ng Yaya mo ang bahala rito sa kuya mo."

Sinunod ko lang si Mama. Umakyat ako pero wala pa ako sa kalahati ng hagdan, nagtago ako. Gusto kong marinig 'yong pinag-uusapan nila, e.

"'Yon nga, Ma, e, kaibigan ko sila kaya kilala ko sila, at hindi na siya lalapit kay Marky!"

"Charles, alam kong nag-aalala ka kay Candice pero wala naman akong nakikitang masama sa pakikipagkaibigan niya kay Marky. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya, pero hindi mo siya pwedeng pigilang makipagkaibigan o lumapit kay Marky."

"Inamin ni Marky sa harap namin na gusto niya si Candice, at hindi ako tanga para hindi ko malamang gusto rin ni Candice si Marky!"

Alam pala ni Kuya? Kailan pa? Nangamba tuloy ako lalo.

"E, ano kung gusto nila 'yong isa't isa? Malaki na si Candice, alam na niya 'yong tama at hindi! Kung doon masaya si Candice, let her be, Charles."

"Wala namang alam 'yan sa mga gano'ng bagay!"

"Alam niya 'yon! At bakit? Hindi na ba siya pwedeng magkagusto sa isang tao?"

"Sige, hayaan mong masaktan 'yang anak mo. Ma!"

"Charles!"

Umakyat agad ako sa kwarto ko. Sinara ko 'yong pinto. Narinig ko 'yong mga yabag ni Kuya. Ang lakas ng pagsara niya ng pintuan. Galit nga siya.

Humiga ako sa kama ko. Hays! Bakit kaya gano'n na lang ang reaksyon ni Kuya Charles? Mabait naman si Marky, e. Nagiging protective lang kaya siya sa 'kin?

Maya-maya, kumatok si Mama.

"Pasok!"

"Candice, pwede ba tayong mag-usap?"

Umupo ako. Malumanay lang 'yong mukha ni Mama pero hindi ko maintindihan kung galit ba siya o hindi.

"Ano po 'yon, Mama? 'Yong kanina, sorry po."

"Baby! I'm so happy! Akalain mo 'yon, may gusto pala sa 'yo si Marky? Ang haba naman talaga ng buhok mo, anak! Ako kaya 'yong kinikilig sa inyong dalawa!"

Spell "nganga"? Para pa siyang bata noong sinabi niya 'yon, e. Saan ka pa?

"Mama? Hindi kayo galit?"

"Bakit naman? Dapat nga matuwa pa ako, 'di ba? 'Yong gusto ng baby ko, may gusto rin sa kanya! Yehey!" Alam ko na kung saan ako nagmana ng ka-abnormal-an.

"Mama naman! Seryoso ba kayo?"

"Oo naman, 'yong Kuya mo lang kasi, alam mo namang protective 'yan sa 'yo, 'di ba?"

"Opo, naiintindihan ko naman siya, e. Akala ko lang po kasi pati kayo."

"Anak, protective din naman ako sa 'yo, pero malaki rin 'yong tiwala ko sa 'yo na hindi ka gagawa ng katangahan. Matalino ka. Masaya lang ako kasi alam kong masaya ka. Ang tagal mo kayang loner, 'di ba? E, ngayon, may mga kaibigan ka na."

"Thank you, Mama. Hindi naman po ako gagawa ng katangahan, e."

"Dapat lang! At sinasabi ko sa 'yo, 'gusto' lang, ha? Wala munang love-love! Araso?!" Araso means "all right" in Korean.

"Mama! Nagko-Korean na naman kayo!" Naalala ko si Papa, e.

"Oo na, hindi na! Basta usapan natin, ha?"

"Opo. Pero, Mama, paano si Kuya?"

"Hayaan mo 'yon, hindi ka rin matitiis no'n. Matulog ka na, may pasok ka pa bukas. Good night, Candice. Bukas mo na ikwento sa 'kin 'yong nangyari, okay?"

"Okay, Mama. Good night."

Niyakap ako ni Mama bago siya umalis. Humiga na ako sa kama ko, pinatay na rin ni Mama 'yong ilaw sa kwarto ko.

Natatakot ako sa mangyayari bukas. Ayoko pa namang nag-aaway kami ni Kuya Charles. I mean, 'yong away talaga, hindi 'yong asaran. Cold War ang tawag ko sa ganoong sitwasyon kasi hindi ako papansinin ni Kuya Charles kahit umiyak-iyak na ako sa harap niya. Gano'n siya kapag magkagalit kami. Nangyari 'yong ganoon tatlong taon na ang nakalipas, noong araw na nagpakasal si Papa kay Mary. Sobrang hindi ko matanggap 'yong nangyari kaya lumayas ako sa 'min. Muntik na akong mawala, mapadpad sa kung saan. Buti nahanap ako ni Kuya. Galit na galit siya sa 'kin. Ilang linggo rin na hindi niya ako kinausap. Nag-alala raw kasi siya sa 'kin nang sobra. Bakit daw hindi ko man lang inisip 'yong mga taong nagmamahal at nag-aalala sa 'kin.

Alam ko namang nag-aalala lang siya sa 'kin. Alam ko ring pinoprotektahan lang niya ako. Pero masama na bang lumapit ako kay Marky? Na makipagkaibigan ako? Wala namang ginagawang masama sa 'kin si Marky. At hindi ko maisip na meron. Isa pa, kung iniisip niyang masasaktan ako dahil kay Marky, pwes hindi.

Natulog na lang ako, sasakit lang 'yong ulo ko kapag inisip ko pa nang inisip 'yong tungkol do'n. May pasok pa ako bukas, e. Matutulog na lang ako...

***

"Candice..."

Bumukas 'yong mga mata ko sa sinag ng araw. Hinila ako ng kama ko pabalik, ayoko pang magising.

"Candice, gumising ka na. Hinihintay ka na ng kuya mo at ng mama mo sa baba."

"Okay, Yaya, salamat."

Tamad na tamad akong bumangon sa kama ko. Natatakot din akong harapin si Kuya sa baba.

"Good morning, Candice, kumain ka na."

"Good morning din, Mama... Kuya."

Tahimik lang si Kuya, may binabasa sa diyaryo about na naman sa NBA. Huhu! Hindi na naman niya ako papansinin. Ngumiti lang sa 'kin si Mama tsaka si Yaya.

"Yaya, pakisabi sa alaga mong bilisan niya, aalis kami after fifteen minutes."

"Ha?! Hindi pa ako naliligo. Mauna ka na lang."

"Walang pero-pero!" Umalis siya sa mesa.

Huhu! Binilisan ko agad ang kain ko at naligo agad ako. Hindi na ako nag-ayos. Ano ba naman 'yan? Grabe na 'to, ah! Kung galit siya, huwag niya akong pahirapan. Mas gusto ko pa 'yong nag-aasaran kami kesa sa ganoon, e.

Sa kotse na lang ako nagsuklay ng buhok. Sakto naman 'yong hitsura ko. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng ligo 'yong nagawa ko sa loob ng six minutes.

Noong nakapasok na ako sa loob ng kotse, parang hindi ako makahinga. Ang intense lang. Huhu.

Hanggang makarating kami ng school, hindi pa rin ako pinapansin ni Kuya Charles. Gusto ko sana siyang kausapin pero natakot ako, e.

Nagsimula akong pumunta sa room ko. Napadaan ako sa gym, iniwasan ko kasing magkasalubong kami ni Kuya, e.

"Ahhhh!"

Sino 'yon?

Pagkasilip ko sa gym, nakita ko si Jeydon, sinusuntok 'yong pader. Hala? Anong nangyari sa kanya? 'Yong kamay niya, dumudugo na!

"Jeydon!"


Continue Reading

You'll Also Like

88.2M 2.1M 50
[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo, bulakbol at pakikipag-away ang palagi n...
586K 13.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
293K 2K 65
Itong kwento na to ay hango sa dalawang nag - iibigan na si Maria Clara at Crisostomo Ibarra
63.9K 4.1K 12
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...