Heartstrings Attached

By thatwallflowerwrites

27.9K 1.1K 134

Heartstrings Attached I: Music Room ThatWallflowerWrites Copyright 2016 Sa oras na yon parang hindi k... More

••Heartstrings Attached••
••One: Sky••
••Two: Sky••
••Three: Sky••
••Four: Sky••
••Five: Sky••
••Six: Sky••
••Seven: Sky••
••Eight: Sky••
••Nine: Sky••
••Ten: Sky••
••Eleven: Sky••
••Twelve: Sky••
••Thirteen: Sky••
••Fourteen: Sky••
••Sixteen: Sky••
••Seventeen: Sky••
••Eighteen: Sky••
••Nineteen: Sky••
••Twenty: Sky••
••Twenty One: Sky••
••Twenty One: Sky••
••Twenty Two: Sky••
•••Twenty Three: Sky••
••Twenty Four: Sky••
••Twenty Five: Sky••
••Twenty Six: Sky••
••Twenty Seven: Sky••
••Twenty Eight: Sky••
••Twenty Nine: Sky••
••Thirty: Sky••
••Thirty One: Sky••
••Thirty Two: Sky••
••Thirty Three: Sky••
••Thirty Four: Sky••
••Thirty Five: Sky••
••Thirty Six: Sky••
••Thirty Seven: Sky••
••Thirty Eight: Sky••
••Thirty Nine: Sky••
••Forty: Sky••
••Forty One: Sky••
••Forty Two: Sky••
••Forty Three: Sky••
••Forty Four: Sky••
••Forty Five: Sky••
••Forty Six: Sky••
••Forty Seven: Sky••
••Forty Eight: Sky••
••Forty Nine: Sky••
••Fifty: Sky••
••Fifty One: Sky••
••Fifty Two: Sky••
••Fifty Three: Sky••
••Fifty Four: Sky••
••Fifty Five: Sky••
••Fifty Six: Sky••
••Fifty Seven: Sky••
••Fifty Eight: Sky••
••Fifty Nine: Sky••
••Sixty: Sky••
"A Year After: A Year Before"
[Special Chapter 1: Clark]
[Special Chapter 2: Clark]
[Special Chapter 3: Clark]
[Special Chapter 4: Clark]
[Special Chapter 5: Clark]
[Special Chapter 6: Clark]
[Special Chapter 7: Clark]
[Special Chapter 8: Clark]
[Special Chapter 9: Clark]
[Special Chapter 10: Clark]
[Special Chapter 11: Clark]
[Special Chapter 12: Clark]
[Special Chapter 13: Clark]
Book II is also completed 😊🌸

••Fifteen: Sky••

385 20 4
By thatwallflowerwrites

Wag daw ako lalayo.

...sabi nya.

...sabi ng first and all-time crush ko na ngayon eh kilala na ako.

...sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko, hawak ang kamay at walang pakialam na maraming nanonood saming dalawa.

Ako naman, bumalik na naman sa moment na first time ko sya nagustuhan, three years ago. Yung feeling na sya lang ang nakikita ko. Ang difference nga lang eh, ngayon nakatingin na din sya sakin.

Pero hindi ko alam kung paano basahin ang mga ginagawa nya. Ano na ba ito? Normal lang ba na sabihan ng isang lalaki ang isang babae ng 'Wag kang lalayo'? Bakit naman bigla syang naging sweet sakin ngayon pang iniiwasan ko sya.

Bakit ba kasi gusto nya laging umaaligid? Eh friends lang naman kami ah. Ilang araw pa lang nang nalaman nyang nag-eexist ako. Tapos ganito na agad? Hindi naman sa ayaw ko no. Kahit naman siguro yung matandang librarian dito sa school namin gugustuhing mapansin ng kagaya ni Clark. Pero gulong-gulo na ako.

Tuloy o tigil? Laban o bawi?

Hahayaan ko na lang ba syang ganito? Oh ipu-push ko ang pagtaboy sa kanya at pagprotekta sa feelings ko?

Patulong naman oh. Baka maloka na ako nito eh.

"Listen up, guys!" Biglang sabi ni Ate Meng na nakatayo na malapit sa board. "Meeting muna." We turned to her para makinig at tinigil ang paggawa ng decors. "So ilang days na lang Valentine's party na. Tayo ang mag-aayos dun. Lalo na dun sa stage. Balita ko nga tutugtog daw sila Clark, tama ba?"

"Yes. Syempre naman," sagot ni Clark sa tabi ko.

"Cool. Pero bago yun, nagsabi sakin si President na tayo din daw ang toka sa mga paandar bago ang Valentine's day," dagdag pa ni Ate Meng.

"Anong paandar?" tanong nung isa naming kasama.

"Di ba kapag Valentine's may mga nagbibigay ng sweet somethings sa mga special someone nila. Naisip namin na pwede din tayong tumulong sa fellow students nila para iparating ang greetings or gifts nila," paliwanag nya. "So...kailangan namin ng suggestions from you guys. Pano natin yun gagawin."

"Special delivery?" suggest ni Evie. "Tayo mismo magbibigay. Tapos...tapos 'di ba mas sweet kapag may harana pang kasama? Katulad ng mga napapanuod natin sa TV. Ang sweet nun. Kikiligin panigurado yung pagbibigyan. Lalo na yung mga girls."

"Nice. Nice. Gusto ko yan," pagsang-ayon ni Ate Meng. "Tapos magpapa-fee tayo para pondo natin dito sa Committee. Kaso...sino naman ang gagawin nating tiga-harana?"

Ewan ko ba kung bakit nagtanong pa sya eh sa iisang tao lang naman sila nakatingin.

Napansin naman ito ni Clark at tumango sabay ngiti. "Sige. Ako na. Idadamay ko na din mga kabanda ko kung hindi sila busy."

Nakakapanibago naman itong si Clark. Never pa naming narinig na tumulong ang banda sa mga ganitong activities at madalang din silang makisalamuha sa ibang estudyante. Syempre kasi busy sila sa mga practice at kung may free time naman sila mas gugustuhin nilang mapag-isa o kasama ang sarili nilang tropa.

Lumaki naman ang ngiti ng mga ka-members namin. Akalain mo yun. Yung pinakasikat na vocalist ng campus at kahit sa labas ng campus ang nakuha naming tiga-harana. Kahit naman ako kikiligin no. Si Clark Stevenson kaya yan! San ka pa! Baka nga magkalimutan pa ng jowa eh.

Wait. May bigla akong naisip. Isasama daw nya kabanda nya? Ibig-sabihin may chance na sumama rin si Mike. Ayie!! Patay ka sakin Aims. Hahah. Actually, feeling ko nga matutuwa pa sya sa binabalak ko eh. I'm such a sweet bestie.

"Yes! Super kikiligin ang mga students nito! I can imagine," super ngiti namang sabi ni Ateng na hindi mapigilan ang sariling kilig. "So settled na ah. Si Clark ang singer natin. Sky, ikaw na lang tumulong sa kanya sa pagpe-prepare ng mga songs. Yung super love songs ah! Kahit wag nyo na kami tulungan sa preparations. Mag-practice na lang kayo. Sa monday na start nyan ah!"

Eto na nga ba sinasabi ko eh. Sige. Ipag-pair nyo pa kami. Hayts. Sige na nga. Wala naman ako choice.

Tumingin naman ako sa tabi ko para malaman ang reaksyon nya pero nakatingin na pala sya sakin.

Bigla syang ngumiti at sinabing, "Parang alam ko na kung saan tayo magpa-practice bukas."

****

Alas onse na ng gabi pero hindi parin ako makatulog. Naaalala ko na naman yung mga nangyari kanina.

Yung pangungulit sakin ni Clark sa cafeteria. Yung pagsali nya sa Committee pagkatapos kung sabihin na sumali ako. Yung pag-aalala nya nung nasugatan ako. Yung tingin nya sakin at lahat ng sinabi nya.

Everything seems to be too good to be true. Posible kaya na...posible kaya na may something na sakin si Clark?

Oy! Wait. Erase erase! Ano bayan, Sky? First rule, di ba? First rule: Wag aasa.

I refuse to believe it. I refuse to believe na merong deeper meaning yung mga ginagawa nya. Wala. Ayoko masaktan at ayoko mapahiya kung sakaling mali ang hinala ko.

Tanda ko pa rin naman yung nangyari sa bahay ni Monique. Yung hindi nya pagpansin sakin at pag-uutos nya nang kung anu-ano. Hindi ko pa rin magets. Ang tanging sigurado ko lang, hindi nya ako tatratuhin ng ganun kung mahalaga ako sa kanya.

Gumilong-gilong ako sa kama ko habang naghihintay akong dalawin ng antok. Hindi pwedeng mapuyat. May quiz pa ata kami bukas. Saka...saka tutulungan ko pa mag-practice si Clark, na feeling ko hindi na kailangan kasi magaling na naman yun.

Sa pagharap ko sa gilid ng kama ko, napansin ko yung screen ng laptop ko. Nakalimutan ko pa lang patayin at naiwan pang online ang fb ko. Kinuha ko yun at umupo. Makapag-browse muna ng konti. Pampaantok lang.

Napansin kong may new friend request ako. Nagulat ako ng malamang isang Louis Edward Alberts ang nag-add sakin. Si Louis?

Kinilik ko muna ang profile nya para makasigurado. At voilà! Sya nga. Ang gwapo pa ng profile pic. Feeling ko naman hindi ito poser. Na-confirm ko na sya bago ko pa maisip si Clark. Magagalit kaya siya dahil friends na kami ni Louis sa Facebook? Oh well. Bakit naman sya magagalit? Siya lang ba pwedeng makipag-friends? Account ba nya 'to?

Eh sya nga hindi pa ako ina-add eh. Hindi naman sa nagtatampururot ako. Pero 'di ba? Kahit follow sa twitter wala. Kahit nga isang tweet eh. Nganga.

At least si Louis, siya ang unang nag-add sakin.

Biglang namang may lumabas na chat box sa screen bago ko pa ito mapatay.

Louis Edward Alberts: Hi, babe! Thanks sa pag-accept.

Babe? Lakas din nitong si Louis ah.

Me: No problem.
P.S. Hindi ako si babe. Si Sky to.

Louis Edward Alberts: Haha. I know, babe.

Me: Hahah. Sige. Ipush mo yan!

Louis Edward Alberts: You're adorable. Kaya pala hindi ka malubayan ni Clark eh.

Me: Huh?

Louis Edward Alberts: Wala, babe. But can I ask you something?

Me: Yeah?

Louis Edward Alberts: Can we be friends?

Saglit akong napaisip at naalala ang sinabi ni Clark. 'Get away from Louis.' Pero wala naman sigurong masama. Louis seems to be a nice guy. Wala naman akong nakikitang mali sa pakikipagkaibigan. At wala rin naman syang karapatan para utusan ako na iwasan ang kahit na sino kahit walang dahilan.

Me: Sure. :)

Continue Reading

You'll Also Like

154 0 23
When you finally found true love, it will conquer all. This story will let you hear the true sound of love. Everyone this is my first story ☺ P.s. Sp...
99.8K 3K 55
Maibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakata...
87.9K 2.7K 48
Everything comes to us at the right time. Be patient and when the right moment comes, it'll totally worth the wait. At the right place. For the righ...
84.2K 1.4K 45
Illumination Series #2 (Completed) There will always be someone with whom we can share a big part of our real lives. When you're around them, you sim...
Wattpad App - Unlock exclusive features