Dangerous Beauty (On Hold)

By mumbleBeat

625 36 4

"Is it possible to love two person at a time?" More

PROLOGUE
DB - Chapter One
DB - Chapter Two
DB - Chapter Three
DB - Chapter Five
DB - Chapter Six
DB - Chapter Seven
DB - Chapter Eight
DB - Chapter Nine
DB - Chapter Ten
DB - Chapter Eleven
DB - Chapter Twelve

DB - Chapter Four

39 2 0
By mumbleBeat

Chapter Four

Kakalabas lang ni Scarlett sa banyo ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. She's expecting that it was her mom. It's been one week since her mom give that task to her but still, she don't have any update.

"Hello?" bungad nya dito pero isang bruskong tinig ang tumugon sa kanya.

"Sino 'to?"

"It's Stephan." nagtaka naman sya. San nya nakuha ang number nito? Ugh! Yeah, right.. Connections.

"Sana napatawag ka para sa magandang balita."

"Scarlett, hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo na lang ng ganun kadali. Hindi porket humingi ka ng sorry pagbibigyan ko na ang favor mo."

"Anong ibig mong sabihin?" napakunot na lamang ang kanyang noo.

"Didiretsahin na kita. May kapalit ang hinihingi mo, bago mo makuha ang gusto mo dapat mo muna itong paghirapan." napabuntong hininga na lamang sya.

Alam na naman nyang hindi magiging madali ang mga bagay-bagay. At wala na naman syang magagawa, its either papayag sya or makokonsensya na lamang sya buong buhay nya sa pagsira sa isang relasyon.

"Anong kapalit?"

"Simple lang... Be my P.A."

"Ano?!"

"P.A., Personal Assistant. Kelangan ko ng P.A. sa office at sa pagpunta ko sa New York next week."

"Are you insane?! That's never gonna happen!"

"Only for the meantime. Habang naghahanap pa sila ng kapalit. And you need a favor so..."

"Ang kapal talaga ng mukha mo! You're doing me a favor? Eh parang gumaganti ka lang naman sa ginawa ko sa inyo ng girlfriend mo eh. Hindi mo ko ginagawan ng favor, ginagantihan at pinapahirapan mo lang ako. Ugh! Go to hell!"

"Give it a time to think about. You know how to contact me."

Then, he ended the call immediately. Just like that! Napaupo na lamang siya. Gulung-gulo na siya. May iba pang paraan. May iba pa. She just feels so hopeless. Maybe, karma's getting back at her.

( In the office )

"Sir, may nagpupumilit po dito. Gusto daw po kayong makausap." his secretary talk thru intercom

"Pag wala siyang appointment, then what's the use of telling that to me? Ashley! Just get rid of him! I'm busy!"

"Uhm... Sir... Si Miss Scarlett Sy po ang gustong kumausap sa inyo."

Natigilan si Stephan.

"Sir?"

"Papasukin mo siya."

"Pero sir you have an appointment with Mr. Ocampo by 12pm."

"Sabihin mo, I might gonna be late for a few minutes."

"Okay, sir. Papapasukin ko na po si Ms. Sy."

He had an idea why she came here. At mukhang umaayon ang plano sa kanya. When she opened the door, he could tell she doesn't want to be here.

"Upo ka, Scarlett."

"Alam mo kung bakit ako nandito. Ayoko nang magpaliguy-ligoy pa. Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari. It's a deal... But you have to keep your side of the bargain."

"Scarlett, marunong akong tumupad sa usapan."

He needed to tell her that.

"Kelan ako pwedeng magsimula as your P.A., then?"

"I need your service now, Scarlett. May pupuntahan akong lunch meeting with Mr. Ocampo. And I need you there. You might be my P.A. but you could also be my secretary sometimes." na-concious naman sya agad sa kanyang suot.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang? I'm not on the proper attire and..."

Dahil narin siguro sa fashionista ang kanyang ina ay pati sya dapat maging ganun narin. Ang press ay parating nakabantay sa iyo at isang pagkakamali mo lang iju-judge ka na nila. At bilang isang fashionista, isa na dun ang attire na sinusuot nya ang palaging binabantayan ng media. Kapag hindi nila nagustuhan ang suot mo, icri-criticize ka na nila agad.

"Scarlett, you're just gonna be on the sidelines. You don't need a proper attire, okay?"

"Okay, fine! Wala naman na akong magagawa pa 'di ba?"

"And Scarlett, I don't want that tone of your voice lalo na pag may mga nakakarinig. It is just not proper. Baka gayahin ka nila. And you have to call me 'Sir' just like everybody else's doing. Is it clear?"

"Yes, sir!" there was a sarcasm on her voice

( Lunch Meeting w/ Mr. Ocampo )

"Well, Mr. Howard, I didn't know na makakasama pala natin ngayon sa lunch si Miss Sy. It's a pleasure to see you again, Scarlett."

"Nice to meet you din po ulit." napakatamis na ngiti naman ang ibinigay ng dalaga.

Ang asawa ni Mr. Ocampo ay dun namimili at nagpapagawa ng mga damit sa mom ni Scarlett kaya naman ay kilala nila ang isa't-isa.

"Uhm... Mr. Ocampo, Scarlett here is my Personal Assistant for the moment, if you wouldn't mind?"

"Personal Assistant?"

"Yes po."

Mr. Ocampo just smiled on her. They ordered some lunch and discussed some business matters. Hindi nakaligtas sa paningin ni Stephan that Scarlett's taking some notes of the conversation while she's eating. She's multitasking and doing it so easy. At napahanga sya ng husto dito, hindi nya akalaing seseryosohin ng dalaga ang pagiging P.A sa kanya. Gusto niyang sabihing kumain na muna siya at 'wag alalahanin ang trabaho. Hindi naman sya ganun kawalang hiyang lalaki. But no, kailangan niyang pigilan ang sarili... Kailangan...

When the lunch was over...

"Excuse me, gentlemen. I need to go to the restroom."

"Go ahead." sabi ni Mr. Ocampo, tumango lamang sya bilang tugon.

Agad na nagtungo si Scarlett sa bathroom at dumiretso ito sa harap ng malaking salamin. Bumuntong hininga sabay papay sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay. Hindi nya akalaing napakahirap pala ng ginagawa ng isang P.A, halos lahat ng pinag-usapan nila Stephan at Mr. Ocampo nasulat na nya. Pero ano nga ba ang magagawa nya? Isang hamak na P.A na lamang sya ngayon.

After the lunch meeting, Stephan drove all the way to the penthouse with Scarlett.

"I need you to get some papers, Scarlett. Nasa drawer yon sa tabi ng T.V. They're on a brown envelope. And nga pala, dito muna tayo sa penthouse ko magtratrabaho bago tayo lumipad papuntang New York next week. Everything's well taken cared of in the office already."

Narinig niyang bumuntong-hininga si Scarlett ng malalim. She just followed quietly what he'd said. After a few minutes...

"Eto ba 'yung mga papers?"

"Yeah, yan nga. Uhm, Scarlett, gawa ka na rin ng meryenda natin ha. Nasa study room lang ako."

"Sir, ano naman ang gagawin kong meryenda?"

"Ikaw na bahala. Basta something light lang."

"Ok po Sir."

"Stephan na lang. Wala namang ibang tao eh."

"Nakakalito lang kasi 'pag paiba-iba kaya kelangan ko na lang sanayin."

Hindi na niya sinagot ang tinuran ni Scarlett. What's the use? The girl could really be feisty sometimes.

After a few hours sa harap ng computer, he smelled something from the kitchen. Scarlett's cooking his favorite dish. Narinig nya naman ang tatlong katok mula sa kanyang pintuan.

"Bukas yan, Scarlett."

"Sir, handa na ang pagkain. Hindi na rin ako gumawa ng meryenda kasi malapit na rin naman ang oras ng gabihan. Kaya naisip ko magluto na lang ng dinner."

"And you cooked my favorite. Naamoy ko eh. Alam mo pala ang favorite ko."

"Hindi sir. Favorite ko rin kasi yun atsaka yun lang din naman kasi ang available na ingredients sa ref mo. Kaya 'yun na lang naisipan kong lutuin, sir."

"Scarlett..." huminga ng malalim ang binata. "Will you please stop calling me that"

"Sige na po, sir. Lalamig na ang pagkain sa mesa.."

Pagbabalewala ni Scarlett saka siya muling iniwan sa study room.

Sa hapag-kainan habang kumakain...

"Scarlett, I didn't know you cook this good. Ang akala ko kasi puro lakwatsa lamang ang inaatupag mo." isang ngiti na lang ang itinugon ng dalaga. It may sound insulting but it also compliments her on how good she cooks.

Hindi na siya pinapansin nito hanggang matapos ang hapunan.

"Sir, kelangan ko na palang umuwi, medyo gumagabi narin kasi."

"Uhm, Scarlett. I'll drive you home."

"Wag na po sir, I can manage."

"No. I insist."

"Wag na nga, okay?! Please lang ha! Let's cut this! You being so nice and all! You know exactly why I'm here!" medyo nagulat naman si Stephan dahil sa paglakas ng boses nito.

"Look! Hindi ko lang kasi kayang maatim na maging mabait ka sa akin lalo na't napakalaki ng atraso ko sayo. Mas nakokonsensya kasi ako kapag mabait ka sa akin."

"Okay, then! If that's what you want, I'll stop being nice to you. I'm only doing this to make it easier for you."

"You can only make it easier for me pag tinapos na natin to at gawin mo na ang favor na hinihingi ko."

Then, he just heard the door shut.

* * * * *

Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Para na akong sasabog ngayon dahil sa inis na nararamdaman ko. Ni wala sa isip kong mangyayari ang lahat ng 'to. Ako?! Bilang isang Personal Assistant ni Stephan Howard! Akala ko magiging madali lang ang lahat. Iba pala talaga 'pag nasa sitwasyon ka na.

Nakita niya ito kanina na mukhang sarap na sarap sa niluto niyang adobo at parang tuwang-tuwa pa. Pero nahihirapan siyang pakitunguhan ito. Mas gugustuhin pa niyang maging masungit na lang si Stephan sa kanya.

Hindi nya naman talaga ito gustong sigawan, pero hindi nya kasi kayang nakikita itong mabait sa kanya at nakangiti sa kanyang harapan gayong alam nya naman kung gaano ito nasasaktan dahil sa nangyari sa kanila ni Chesca.

Sa nga sumunod na araw, parang sinunod nga nito ang sinabi nya dito. Napapansin nyang palaging mainit ang ulo at halos magkasalubong na ang nga kilay nito. Pero nahahalata nya namang busy talaga ang tao, halos paper works na lang ang nasa harapan nito at kung hindi naman ay nasa harap ng laptop nya at may kausap na iba't-ibang tao na siguradong importante sa kompanya. Halos hindi na nga nya maintindihan ang pinag-uusap ng nga ito tuwing nagdadala sya ng kape dito.

Ilang ulit narin syang nakakabasag ng tasa ng kape dahil sa bigla-biglang pagsigaw ni Stephan. Kung hindi sa kausap sa laptop, sa kanya naman ito sisigaw na para bang binabalingan ng inis na nararamdaman.

"Scarlett! Scarlett!"

"S-Sir?"

"Bakit ganito yung pinagawa ko sayo! Ang daming typos!"

"Huh? Ganun ho ba? Iche-check ko na lang ho ulit, nagmamadali ho kasi kayong kunin to. Pero understandable naman yung mga typo errors Sir." mahinahon lamang ang kanyang pagsasalita dito.

"Understandable? Yan ang sasabihin mo sa akin? Understandable? Sino ba sa akala mo ang magbabasa nyan? Ang board members ang magbabasa nyan! Importanteng walang error ang makikita sa papers na ipepresent ngayon! Palibhasa puro lakwatsa at kalandian lang yang inaatupag mo kaya wala kang kaalam-alam!"

Nasaktan si Scarlett sa tinuran nito. Lagi na lang ganito. Lagi siyang binubulyawan. Akala niya mas makakaya niya pag masungit ito sa kanya. Pero bakit ganon? Bakit ang sakit sakit habang pinapagalitan siya nito. Parang tagos to the bones talaga ang mga banat nito sa kanya.

"Uulitin ko na lang siya, sir. Tutal madali lang naman i-edit at meron namang copy sa flashdrive."

"Sana nga ganun lang kadali ang lahat, Scarlett. Pero wag mong sanayin ang sarili mo na sa tuwing magkakamali ka eh i-eedit mo na lang. Pano kung hindi na pwedeng i-edit?!"

Agad syang napatitig sa nga mata nito, para bang may kahulugan ang mga tinuran nito sa kanya. Para bang pinapakinggan talaga sya nito tungkol sa kanyang nagawa. Oo nga naman, paano nga naman nya ma-eedit ang nga tapos nang mangyari. Hindi nya naman ginusto ang nangyari at ilang ulit na naman din syang nag-sorry dito. Pero tila ba hindi talaga sya nito inuurungan.

"Pwede namang i-edit tong mga papeles, Sir. Ako na lang ho ang bahala." patay malisya na lamang nitong sagot. Narining niyang bumuntung-hininga ito.

"Tapusin mo agad yan at kelangan na yan mamaya. Saka pagtimpla mo na rin ako ng kape."

Laging ganun ito. Patimpla ng patimpla ng kape. Nakakailang-tasa ito sa isang araw. Gusto niya itong pagbawalan. Pero ano namang karapatan niya. Laging mukha itong pagod, puyat at may problema. Eh, parang ang kape na nga lang ang tumutulong sa kanya para malampasan nya ang nga trabahong ganito.

"Scarlett! Bakit ganito tong kape?!"

Grabe naman! Parang hindi makaanak na pusa ito sa sobrang init ng ulo.

"Sir, ano nanaman ba yun?"

"Bakit sobrang pait? Hindi naman ganito dati ah! Nilagay mo ba lahat ng kape?!"

"Huh? Nasobrahan ko siguro. Pasensya na ho minamadali ko pa kasi yung pag-edit eh. Pagtitimpla na lang ho kayo ulit."

"Hayaan mo na! Tapusin mo na lang yung pag-edit mo!"

"Sige ho."

'Sana matapos na ang nga araw na 'to.' tanging bulong na lamang nya sa sarili.

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

>> next update ..

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 339K 43
Selene Illy Montebello is a Princess in the making. She was set to be the most sought after bachelorette and a future beauty queen. Undeniably one of...
481K 18.1K 57
Sigourney receives a warning from her fiancé's cousin and best man that proceeding with the wedding would be the biggest mistake of her life. Should...
2.3M 69.4K 63
Rich and beautiful Filipino-American Annika is making amends for an old misdeed but falls in love with her unwitting victim. Will Annika and Walter f...
Wattpad App - Unlock exclusive features