Dorm Princess

By JedzzClyde

42K 881 410

Paano kung maging katulong ka ng isang sikat na boy group sa Korea? Ang swerte mo nu hahahah taz hindi mo ina... More

Dorm Princess
PROLOGUE
Chapter 1 - Goodbye Philippines
Chapter 2 - Welcome to Korea ^__^
Chapter 3 - B2ST's Dorm
Chapter 4 - Black Man in the Haus
Chapter 5 - Beast is the B2ST ^__^
Chapter 6 - Gikwang's POV
Chapter 7 - Soaked in the Rain
Chapter 8 - Heartbeat
Chapter 9 - Cellphone
Chapter 10 - 4minute
Chapter 11 - Stolen Kiss
Chapter 12 - Kiss of Snow
Chapter 13 - Invitation
Chapter 14 Part I - I Like You the Best
Chapter 14 Part II - I Like You the Best
Chapter 15 - Cable Car
Chapter 16 - Ice Bag
Chapter 17 - Hang Over
Chapter 18 - My Princess
Chapter 19 Part II - Lee Haekyung
Chapter 19 Part III
Chapter 20 Part I
Chapter 20 Part II
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 19 Part I - Lee Haekyung

937 40 28
By JedzzClyde

( JAM's POV ) 

Ang ganda ng umaga ko ngayon kahit mag-isa lang ako dito sa dorm. ^___^ 

Wala ang B2ST. May TV guesting sila ngayon.

Sobrang saya ko dahil makakauwi ako ng Pilipinas. Ang maganda pa dun, libre akong makakabalik ng Pinas. Yahoooo!!! *u*

( FLASHBACK )

"A-Ako? Sasama?" Hindi ako makapaniwalang isasama ako ng B2ST sa bakasyon nila sa Pilipinas.

"Yap! We need someone whose familiar with the place we're going to. At ikaw yun Jam. Tourist guide ka naman talaga sa Pilipinas di ba?" - DJ

*u*

Ang saya talaga..

"At tayong pito lang ang magkakasama. Walang personal assistant, walang body guards, walang make-up artists. Tayo-tayo lang." - DJ

"Hyung, talaga? That's cool." - DW

"How about our fans? B2UTIES in the Philippines. Sa airport pa lang siguradong dudumugin na tayo agad." - JH

"Dont worry about that. May tinatawag namang private jet or plane di ba?" - DJ

"Sa private plane tayo sasakay? Wow! Astig! I will definitely love this vacation." - HS

"I'm so excited." - YS

"Kelan tayo magbabakasyon?" - GK

"Kapag natapos na lahat ng trabaho natin dito." - DJ

"Huh?? Wala pang date kung kelan tayo aalis?" - YS

"Kaya we have to work hard para makapag-Vacation na tayo. PARA SA 2 WEEKS VACATION SA PHILIPPINES, FIGHTING? " - DJ

"FIGHTING!!!" - lahat kami.

( END OF FLASHBACK )

Bibilhan ko ng pasalubong si Ellise. Sobrang miss ko na ang bruhang yun. ^_^ 

Ichachat ko sya mamaya sa Facebook. Sobrang excited ako eh.

DING.. DONG.. ( Doorbell )

"Huh? Sino naman kaya yun?"

DING.. DONG..

DING.. DONG..

Binuksan ko ang pinto. 

Isang batang lalake. 

No.. No.. No.. He is on his teenage stage. Siguro nasa edad 15 to 18 sya. At kamukha nya si Gikwang.

"Anneong!" Bati nya saken pero walang kagana-gana ang pagkakasabi nya. Wala ring emosyong mababakas sa mukha nya.

"Ohh! Anneonghaseyo!" Nag-bow ako.

"Asan ang kuya ko?" - Yung batang lalake

"Ha?? (-_-?)"

"Ang sabi ko, asan ang kuya ko? Si kuya Gikwang." Ah kaya pala kamukha nya si Gikwang. Kapatid nya pala. Meron pala syang nakababatang kapatid, hindi ko man lang alam.

"Hey! Miss, are you listening?" Sabi nung bata habang kinakaway-kaway nya ang kamay nya sa harap ng mukha ko.

"Oh! Mianhe. Gikwang is not here. He is out for work." Pagkasabi ko nun ay tumungo lang sya.

Pinapasok ko sya sa loob. Ang dami nyang dala. Dito kaya sya magstay? Gwapo din sya tulad ni Gikwang. Kaya lang mukhang masungit din tulad ng kuya nya. Nakaupo sya sa sofa.

"Ah ano nga pa lang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Haekyung." Tipid nyang sagot.

"Haekyung, nice name. Baka mamaya pa makauwi sina Gikwang at ang iba pa. Gusto mo ba ng makakain o maiinum man lang?"

"Ayoko." - Haekyung

Ang tipid naman nyang sumagot.

"Ah ganun ba? Just call me if you need something."

Hindi na sya tumugon pa at bumalik na ako sa kusina.

Habang naghuhugas ako ng mga pinggan...

"Alam kaya ni Gikwang na nandito ang kapatid nya?" Sabi ko sa aking sarili.

Idinial ko ang number nya.

KRIIING... KRIIING...

KRIIING... KRIIING...

KRIIING... KRIIING...

GK: Yoboseyo!

Ako: Gikwang...

GK: Namiss mo ba ko agad? Sabi ko na nga ba type mo talaga ako eh.

Ako: ( Antipatikong lalake 'to! Feelingero! ) Hoy! Hindi ah.

GK: So why are you calling me right now?

Ako: Yung kapatid mo, nandito.

GK: Si Haekyung?

Ako: Oo.

GK: Sige Pupunta na ako dyan. Hwag mo sya hayaang umalis dyan.

END OF CALL

Bigla-bigla na lang inend yung call.

After 15 minutes nakauwi na din siya.

"Haekyung..." - GK

"Ahh... Nasa guest's room na sya." Sabi ko sa kanya.

Agad naman syang umakyat sa second floor at nagtungo sa kwarto ni Haekyung.

Ano kayang problema ng batang yun at bigla na lang napasugod dito? Nacurious naman ako sa dahilan ng pagbisita ng kapatid ni Gikwang kaya napagdesisyunan kong pakinggan ang pinag-uusapan nila.

HK : Dito muna ako. Ayoko muna umuwi ng bahay.

GK: Umalis ka ng bahay nang hindi nagpapaalam. Tinawagan ko si mama at hindi ka nagpaalam sa kanya.

Huh? Naglayas si Haekyung?? O_O

HK: Bakit kuya? Ikaw nga hindi ka na umuuwi sa bahay natin eh.

GK: Pagtatalunan na naman ba natin 'to?

Hindi na umimik ang nakababata nyang kapatid.

GK: Para sa inyo din naman ang ginagawa ko.

HK: Talaga? Para lang yan sa pangarap mo. Hindi mo na inisip ang nararamdaman nina mama at papa lalo na kapag nangangako kang uuwi ka pero hindi mo naman tinutupad.

GK: Sumosobra ka na Haekyung. Mahirap din naman para saken ang malayo sa inyo.

HK: Ehdi umuwi ka na sa bahay.

GK: Hindi yun ganun kadali.

Wala na akong narinig na tugon mula kay Haekyung. Ilang segundo ng katahimikan..

HK : Lumabas ka na. Gusto ko na muna magpahinga.

Naku! Lalabas na yata si Gikwang. Agad-agad akong nagtago sa isa pang bakanteng guest's room. Lumabas sya sa kwarto ni Haekyung na balot ng kalungkutan ang kanyang mukha. Umalis na ulit sya at bumalik na sa CUBE Company Building.

Nagluto na ako ng pananghalian para kay Heakyung. 

Nagpunta ako sa harap ng kwarto nya.

TOK... TOK...

"Haekyung... ( TOK... TOK... ) Nakahanda na ang pagkain mo. ( TOK... TOK... ) Haekyung..."

Walang natugon..

O_O

Hala! Baka lumabas yun ah. Umalis na kaya sya?

"( TOK... TOK... ) Haekyung... Haekyung... ( TOK... TOK... ) Haek......"

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.

"Anong kailangan mo?" Bugnot na tanong nya saken.

"Ahh.. Nakahanda na ang pagkain mo."

"Ayokong kumain."

"Pero..."

BOOOM!!!

Pinagsarhan ako ng pintuan.

Walang modong bata 'to ah. >:/ 

Pero buti na lang at nasa kwarto pa rin sya.

( 2:00 PM )

Hindi pa rin kumakain ang kapatid ni Gikwang. Nagkukulong lang sya sa kwarto. Ano bang problema ng batang yun? Hindi ba sya masaya na sikat na sikat ang kuya nya ngayon? Tss!

"Hay! Bakit ba pati yun pinoproblema ko? Marami pa akong dapat gawin."

Sa wakas naisipan na din nyang bumaba. Naupo sya sa sofa. May suot na headphone. Sinisilip ko sya mula sa Dining Room. Talagang kamukhang-kamukha nya si Gikwang.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Tanong nya saken nang mapansin nya ang ginagawa ko.

"Ah w-wala. Kumain ka na muna."

"AYOKO NGA SABI EH." Sigaw nya.

Antipatikong bata talaga 'to. Grabe!!!

"Kung ayaw mong kumain. Sige ikaw ang bahala... Ikaw din... Gusto mo bang kunin ka ng sipay?" Pananakot ko sa kanya.

"A-Anong sipay?" Mababakas sa mukha nya ang pagtataka kung ano ang sinasabi ko.

"Hindi mo alam yun?" Dinagdagan ko pa ng pananakot ang boses ko.

"Ano nga kasi yung sipay?" - Haekyung

"Mga sipay.. Mga engkanto.. Yung kumakain ng lamang-loob ng mga taong inaayawan ang pagkain. Gustung-gusto nila yung mga bituka at sikmurang walang laman. Kaya kung ako sa'yo, kakain na ako. Baka mamaya, inaabangan ka na nila sa labas ng dorm."

"Nyaaay! T-Totoo ba yang mga sinasabi mo?"

"Oo naman. May nabiktima na ang mga sipay sa lugar namin. Ayon sa kwento..."

"Tama na.. Tama na.. Kakain na ako." Nagtatakbo sya papunta sa dining room. Gusto kong tumawa nang malakas. He's so gullible hahaha. Ganun ba ko kagaling gumawa ng istorya at pinaniwalaan nya agad? ^o^

Sumunod na ako sa kanya para ipaghain sya ng pagkain. Sinigang na baboy ang niluto ko para sa kanya. Makakatulong 'to upang maibsan ang nararamdaman nya ngayon.

Alam kong hindi sya pamilyar sa dish na 'to. Pero di ko inaasahan na sobra nyang kikilatisin ang luto ko. Pinagmasdan nya ang Pork sinigang at inamuy-amoy pa nya.

"Ano 'to? (-_-?) " - Haekyung

"Pork sinigang ang tawag dyan."

"Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng dish. Korean dish ba 'to?"

"Ah hindi. Isa yang Filipino dish." - ako

"Filipino... Dish ?"

Inamuy-amoy nya ulit yung pork gamit ang chopsticks nya. "Ang asim ng amoy. Okay pa bang kainin 'to?" Jusko! Ang daming satsat ng batang ito.

"Kakainin mo ba yan o kakainin ka ng mga sipay?" - ako

"Oo na... Kakainin ko na nga oh." Ayon sinimulan na nya ang pagkain.

UNANG SUBO NYA...

PANGALAWANG SUBO...

PANGATLO...

"Grabe! Ang sarap pala nito. ^_^" Sabi ni Haekyung habang punung-puno ang bibig nya.

"Ano nga ulit ang tawag dito?" Dagdag pa nya.

"Pork Sinigang ang tawag dyan."

"Pork Sinigang. Ang sarap talaga. Ngayon lang ako nakatikim nito."

Ayan talagang kain na sya nang kain.

Pagkatapos nyang kumain, niligpit ko na ang pinagkainan nya.

"Katulong ka ba nila dito?" Tanong nya.

Makakatulong naman 'tong si Haekyung. "Oo." Tipid kong sagot sa kanya.

HOY JAMILLE NAGTEXT AKO.. BASAHIN MO..

Boses ni Gikwang? Bakit ganun ang message alert tone ng phone ko? Kelan nya pinalitan yung ringtone ko? O_O

Mukhang nagtaka naman si Haekyung.

Malamang magtataka yun. Boses ng kuya nya ang ringtone ko eh. Tss! Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng suot kong apron. Binasa ko ang text message nya.

Gikwang : Jamille please ikaw muna ang bahala sa kapatid ko. Uuwi ako agad pagkatapos dito.

"Nagtext si kuya?" - Haekyung

"Ah.. ahm oo."

"Ibinilin nya ko sa'yo."

Pano nya nalaman yun? I just nod at him. 

Pumunta na sya sa may living room. Tinititigan nya ang malaking picture ni Gikwang dun. Nilapitan ko sya.

"Kamukhang-kamukha ka ni Gikwang. No doubt, you two are brothers. ^_^"

Hindi sya umimik. Yumuko sya at naglakad na papunta sa kwarto nya.

"Haist! Iniwan na lang nya ko bigla. Tss!"

---------------

( Haekyung's POV )

"Haekyung... Pwede bang pakibigay ang letter na ito kay Gikwang?" Sabi ng classmate kong babae na patay na patay kay kuya. Hindi ko sya pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng libro.

"Please Haekyung..." Habang iniaabot pa rin nya ang sulat saken. Love letter siguo yun. Ang KORNI !!!

Tinabig ko ng kamay nya dahilan upang mahulog ang sulat na hawak nya. Itinabi ko sa aking bag ang libro ko. Di ko na sya pinansin at naglakad na ako papalayo.

"ANG SAMA MO HAEKYUNG!" Sigaw ng classmate ko. Oo masama na kung masama.

Maaga akong umuwi ng bahay.

"Haekyung, bakit ang aga mong nakauwi ngayon?" Tanong ni mama. Si mama talaga, kapag late na ako umuwi, nagtatanong sya kung anong dahilan at late na akong nakauwi. Kapag naman maaga akong dumating dito sa bahay, nagtatanong din sya. Ano ba talaga?

"Hindi po ako pumasok." Sabi ko sa kanya habang papasokk na ako sa aking kwarto.

"Bakit? May sakit ka ba Haekyung?" Sumunod si mama sa akin sa loob at hinaplos nya ang noo at leeg ko. Tinitingnan nya kung may sakit ako.

"Wala po, ma." Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa noo ko.

"Eh bakit hindi ka pumasok?"

"Wala lang po. Lumabas na nga po kayo, ma." Pinalabas ko na si mama at sinarhan ko na ang pinto ng kwarto ko.

Napatingin ako sa kalendaryo. May bilog pala ang numero ngayong araw na 'to. Ibigsabihin ngayon pala ang schedule ng pag-uwi ni kuya dito. Pero hindi ko na inaasahan na uuwi sya ngayon. Panigurado busy na naman yun.

( FLASHBACK )

"Haekyung, kunin mo yung lalagyann, bilis!" Utos ni kuya Gikwang habang tuwang-tuwa sya sa nahuli nyang isda.

"Wow! Anmg laking isda nito. ^_^" - GK

"Siguradong matutuwa si mama kapag nakita nya ang huli mong isda kuya."

"Paunahan tayong makauwi ng bahay. Anmg mahuli, hindi kakain ng inihaw na isda mamaya. Deal?" - GK

"Deal!" Sabi ko sabay takbo ^___^

Nag-unahan na kami sa pagtakbo.

Nakalipas ang ilang taon...

"Gikwang anak, may sulat na dumating. Para sa'yo yata yan."

"Kanino po galing?" - GK

"CUBE entertainment ang nakalagay."

Agad na binuksan ni kuya ang sulat. Nang mabasa nya ang nilalaman nito ay bigla na lamang syang nagtatalon sa tuwa.

"Ma, tanggap ako. Natanggap ako." - GK

"Saan ka ba natanggap?"

"Sa audition po."

"Audition?"

"Ma, sorry po kung hindi ko sinabi agad sa inyo."

Nakinig lang ako sa pinag-uusapan nila kuya at mama. Nag-audition si kuya sa isang company kung saan hahasain sya upang maging isang magaling na singer at dancer. Hobby na talaga ni kuya ang pagkanta at pagsasayaw. At sikat na sikat sya sa school dahil dun.

"Kailan magsisimula ang training mo?" - mama

"Sa susunod na pasukan po, mama" - GK

At dahila pangarap talaga ni kuya ang maging isang magaling na manganganta at mananayaw, pinayagan sya nina papa at mama sa training.

"Kailangan mo ba talagang lumipat sa Seoul?" Tanong ko kay kuya.

"Oo, Heakyung. Ikaw na ang bahala kina mama at papa. Alam kong kayang-kaya mo na silang alagaan."

"Hindi ka na namin makakasama araw-araw?"

"Uuwi naman ako every week."

Sa unang dalawangt buwanng training ni kuya Gikwang, umuuwi sya every week. Habang tumatagal dumadalang ang pag-uwi nya.

Isang araw,balang-abala si mama sa pagluluto ng mga pagkain para sa pagdating ni kuya. Tumulong ako sa paghahanda ng mga pagkain.

KRIIING... KRIIING... ( mama's phone )

"Gikwang.. Pauwi ka na ba? ^_^" Masayang-masayang sagot ni mama.

"Ganun ba?? sige mag-ingat ka nalang dyan." Biglang nagbago ang mukha ng mama ko. Ang kaninanmg masayang mukha ay napalitan ng kalungkutan.

"Ma,nasan na daw po si kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na sya makakauwi ngayon."

Nag-abala pa naman kami para sa pag-uwi ni kuya.

"Haekyung, tawagin mo na ang papa mo para makakain na tayo."

Mas naging busy ang schedules ni kuya when he debuted as AJ ( Ace Junior ). Isa na syang ganap na idol. Pinagbawalan na din syang gumamit ng cellphone during his debut days.

SA SCHOOL...

"Haekyung, pakipaabot mo kay Gikwang na sobrang proud kami para sa kanya. Balitaan mo kami kung kelan sya uuwi para maghanda kami ng isang welcome party sa kanya." Sabi ng principal ng school namin.

I just nodded at him and turned my back and walked on my way home.

"HAEKYUNG.." Pamilyar ang boses na yun ah. Parang kay kuya Gikwang. Haist! nag-iilusyon na yata ako. Sobra ko lang namimis si kuya kaya kung anu-anu nang naririnig ko.

"HAEKYUNG.. HAEKYUNG..." Ayun na naman oh. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Si kuya Gikwang nga ang tumatawag saken. Nakasakay sya sa isang kotse at kumakaway sya saken.

Lumapit ako sa kanya at pinasakay nya ko sa kotse.

"Manong driver, hatid nyo na po kami sa bahay." Utos nya sa driver.

"Haekyung, may mga pasalubong ako sa'yo" - GK

"Talaga? Kuya?" Ang saya ko. Hindi dahil sa mga pasalubong nya kundi makukumpleto na naman kami.

Sabay-sabay kaming kumain, nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa kanya sa Seoul. Magkakatabi din kaming natulog. Si mama, ako, si kuya at si papa.

KINABUKASAN.. 

Pabalik na ulit si kuya sa Seoul. hindi ko inaasahan na ganun kabilis ang pagbisita nya. Maiiwan na naman kami dito. Bumalik sya ng Seoul. Ilang buwan din ang lumipas bago sya nakauwi. Mas naging busy ang schedules nya when he debuted as one of the members of B2ST. Mas lalo pa syang naging sikat. Lalo na sa mga kababaihan. Hindi naman kasi maitatanggi, gwapo talaga si kuya.

Hanggang sa nasangkot ako sa isang gang fight.

"Ano ka bang bata ka? Kelan ka pa natutong makipagbasag-ulo ha?" Bulyaw ni mama saken.

"Ma, hindi naman kasi ako kasali sa gang na yun." Sa totoo lang napadaan lang ako sa lugar na yun kung saan may dalawang grupo ng gang ang nagrarambulan. Nakita kong kasangkot ang classmate ko at napagtutulungan na sya ng tatlong myembro na kabilang grupo. So ano pa nga bang magagawa ko? Tinulungan ko sya. Kawawa naman kasi.

"Tingnan mo yang mukha mo. Ang daming pasa. Nagdudugo pa ang ilong mo." Habang pinupunasan ni mama ng bulak na may gamot ang mga pasa ko.

"Aray! Ma, dahan-dahan naman po." Reklamo ko. Napapadiin kasi si mama eh.

"Masakit? Masakit ba? Sana naisip mo yan bago ka nakisali sa gulo na yun."

"Mama naman eh. Tama na po. Masakit na." Tinigilan na ni mama ang pagdutdot sa mga pasa ko.

Dumukot sya sa bulsa at kinuha nya ang kanyang cellphone.

"Tatawagan ko ang kuya mo." -mama

"Ma... Ma, wag na po."

"At bakit hindi? Tatawagan ko sya."

"Ma naman eh."

Ayon. Sinabi nya kay kuya Gikwang na napaaway ako. Agad umuwi ng bahay si kuya. Nakadisguise pa sya. Naka-cup na black, leather jacket na black. Basta lahat ng suot nya black.

"Haekyung, bakit ka nakipag-away?" - GK

"Hindi nga kasi ako talaga kasali dun."

"Eh bakit may mga pasa ka? Ano bang nangyayari sayo?"

"Sana andito ka na lang palagi para alam mo at hindi mo ko tinatanong ng ganyan ngayon."

Hindi sya umimik sa sinabi ko. Napansin kong nalungkot ang mukha nya. Nag-usap lang sila ni mama at umalis na ulit sya pabalik ng Seoul.

( END OF FLASHBACK )

---------------

OH kamusta naman si Lee Haekyung.. 

Hehehe

Lee Haekyung talaga ang name ng younger brother ni Lee Gikwang sa totoong buhay hehe..

First part pa lang 'to ng Chapter 19.. 

Dont forget to vote ^-^ 

At least 15 votes i will post the 2nd part of this chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

102K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
3.8K 248 8
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
807K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...