All I Ever Wanted

By ranneley

207K 5.4K 490

All I ever wanted is to give your heart a break. But will I ever do that without you breaking my heart first... More

i n t r o
• 1 •
• 2 •
• 3 •
• 4 •
• 5 •
• 6 •
• 7 •
• 8 •
• 9 •
• 10 •
• 11 •
• 12 •
• 13 •
• 14 •
• 15 •
• 16 •
• 17 •
• 18 •
• 19 •
• 20 •
• 21 •
• 22 •
• 23 •
• 24 •
• 25 •
• 26 •
• 27 •
• 28 •
• 29 •
• 30 •
• 31 •
• 33 •
• 34 •
• 35 •
• 36 •
• 37 •
• 38 •
• 39 •
• 40 •
• 41 •
• 42 •
• finale •

• 32 •

3K 112 15
By ranneley

Lahat ay nakatulalang nakatingin kay Kale. At bago pa may makapagreact, may pumasok ulit sa kuwarto. Isang babae.

"Carmen, dumating na ang mga pinsan mo," sabi nito kay Carmen.

At doon na natapos ang laro dahil nakapagsunduan ng lahat na bumalik na sa dance floor. Carmen got up first. Pero bago siya tuluyang umalis ng table, tinapunan niya ko ng masamang tingin. Na para bang sinasabi niya na mag-ingat ako. Galit ba siya dahil sa ginawa ni Kale?

Pagkalabas ni Carmen, isa-isang nagsitayuan na rin ang iba.

"Maika," tawag ni Ryan pero hindi ko siya tiningnan. Inis pa rin ako dahil wala man lang siyang ginawa kanina.

"Tara na, pare," narinig kong aya sa kanya ni Josh.

At yun, umalis na silang dalawa. I looked around, mag-isa na lang pala ako.

"Wala ka pa bang balak lumabas?" narinig kong tanong ni Kale mula sa likuran ko.

Okay, dalawa pa pala kaming nandito. Tumayo na rin ako at humarap sa kanya. Nakatalikod na siya sa akin at nag-umpisa nang maglakad papunta sa pinto.

I called him. "Kale, wait."

Gladly, he stopped.

He looked over his shoulder. "Yeah?"

"Thanks for saving me," I sincerely told him.

He just nodded and walked out of the door.

Pagkalabas ko ng kwartong yun, naghanap ako ng CR. And I found it at the end of the hallway. Agad akong pumasok sa cubicle.

Nang matapos ay dapat bubuksan ko na ang pinto ng cubicle nang marinig kong may mga pumasok. Pagkatapos bumukas ang faucet.

"Nakakainis siya!" asar na sabi ng isa. Nakilala ko ang boses nito. Sigurado akong si Carmen.

"Naku, girl, mag-ingat ka dun baka mamaya hindi mo alam, inaagaw niya na pala si Kale sayo," sabi ng kasama niya. Si Claire ba yun?

"Oo nga! Lalo pa't di ka pa pala tinatanong ni Kale kung pwedeng maging girlfriend niya. Malaki pa ang pag-asang maagaw siya ng babaeng yun," sabat ng isa pa, parang si Tricia.

"You know me, girls. Hindi ko hahayaang mangyari yun. Kale is mine! Only mine!" mariing sabi ni Carmen. "At gagawin ko ang lahat para managyari 'yun. At sa magiging hadlang, humanda sila dahil di nila magugustuhan ang gagawin ko."

"That's the spirit, girl!" sabi ng isa.

At tumawa silang tatlo. I leaned my forehead against the door. Ewan ko pero malakas ang kutob ko na ako ang tinutukoy nilang tatlo. Threat pala ang tingin sa akin ni Carmen. At ano naman kaya yung sinasabi niyang gagawin niya?

Maya-maya pa, lumabas na silang tatlo. Pagkasara ng pinto ay lumabas na rin ako ng cubicle. Bumalik ako sa dancefloor na dala-dala pa rin sa isipan ang mga sinabi ni Carmen. She wanted Kale. And by the words she said, what she feels toward him wasn't just a simple like. It was more than that. More in a bad way. Para na kasi siyang obsessed kay Kale.

Nilagpasan ko ang dancefloor. Gusto kong makasagap ng hangin. Nahihirapan akong huminga dito sa loob. Nakita ko sa kabilang banda mula sa glass door na may open space. Pumunta ako dito. Pagkabukas ko ng pinto, ang malamig na hangin agad ang nalanghap ko.

Uupo na dapat ako sa bench sa tabi nang makitang may nakaupo na dito. Napabuntong-hininga ako. Sa dinami-dami ng pwedeng nandirito, bakit siya pa?

Tumalikod na ako at babalik na dapat ng loob nang tawagin niya ako. "Maika."

And I turned around, facing him again. "What?"

He tapped the top of the bench beside him. "Sit."

I rolled my eyes. Makautos. Parang aso lang ako ah. Pero umupo pa rin ako, medyo malayo nga lang sa kanya.

"How are you?" tanong niya.

Wow. Sa dinami-dami ng pwedeng tanungin, yun pa. Maybe, he was pertaining to these past days we were not talking.

"I'm fine," sagot ko. Well my heart, it is not. Sa isip ko na lang yun dinagdag.

"Yung kaninang sinabi ko-"

"It's okay, Kale. If you want to tell me to just forget about that, don't worry, yun ang gagawin ko," I told him as I smiled.

Alam ko naman yun ang sasabihin niya eh. Yung kanina, wala lang yun. 'I like you? Psch. Sinabi na niyang hihintuan n. Baka ayaw niya lang talagang kasama ko si Ryan.

Kale heaved a sigh. "Maika, I don't-"

And he was cut off when the door opened, revealing Carmen who was obviously not happy seeing us together.

Tumayo na ako. "Sige maiwan ko na kayo," sabi ko sa kanilang dalawa.

Papasok na dapat ako nang hawakan ako ni Carmen sa braso. I looked at her. She stared back at me. And though she was smiling, kitang-kita ko pa rin ang inis sa mga mata niya. "Pwede ba kitang makausap, Maika? Yung tayong dalawa lang?"

At wala na akong nagawa kundi ang um-oo.

Dinala ako ni Carmen sa bandang dulo ng bar, sa may kitchen. At pagdating namin dun, walang ibang tao maliban kina Tricia at Claire. Akala ko ba dalawa lang kami? One thing I've learned about Carmen, do not trust her words. Ano naman kaya ito?

Carmen closed the door behind us. Pinaligiran naman nila akong tatlo.

"Anong meron, Carmen?" taka kong tanong sa kanya.

"Wala naman," sagot niya pagkatapos ay nilagay ang dalawang kamay sa bewang. "I just need you to answer my question, honestly."

"Okay," sabi ko. "Ano yun?"

"May gusto ka ba kay Kale?"

My eyes widened. "What?"

She huffed. "Hindi ka bingi, Maika. Narinig mo ang tanong ko. O, anong sagot?" she demanded.

Okay. Malapit na siyang magalit. "We're just friends," sagot ko habang tinitingnan siya sa mata.

She laughed dryly.

"Hindi ko tinatanong kung magkaibigan lang kayo! Ang tanong ko, gusto mo ba si Kale? Oo lang o hindi, Maika!" halos pasigaw niya sinabi ang mga yun.

Natulala ako pansamantala. Well not until she yelled. "Ano, Maika? Sumagot ka!"

I cringed and avoided her gaze. "No."

"Talaga? Eh bakit nag-iwas ka ng tingin ha?" tanong ni Carmen pagkatapos hinawakan ako ng mahigpit sa braso, yung mga kuko niya nararamdaman ko na sa balat ko.

I removed her hands away, then I looked at her eyes. "No. I don't like Kale."

She laughed humorlessly. "Alright. Sabi mo eh."

Hinawakan niya ulit ako pero di na katulad ng kanina. Medyo maluwag na ngayon.

"Ito lang ang gusto kong itatak mo sa utak mo, Maika," sabi niya at dinuro-duro ako. "Akin lang si Kale. Akin. Lang. Oras na malaman kong inaagaw mo siya sa akin, mananagot ka! Tandaan mo yan!" pagkasabi nun ay binitawan na niya ako.

Tumalikod na si Carmen at lumapit sa mesa sa gilid at kinuha ang basong may lamang kulay pula na inumin. Humarap ulit siya sa akin pagkatapos ay dahan-dahang lumapit. At bago ko pa malaman, binuhos niya sa damit ko ang laman ng baso niya.

She gasped, fakely. "Oops, nadulas ang kamay ko. Sorry!"

At tumawa siya ng ubod ng lakas.

Gulat ko pa rin siyang tinitigan nang di ko namalayan na lumapit din sa akin sina Tricia at Claire.

At nang makalayo na sila, naramdaman kong may tumutulo na mula sa ulo ko papuntang mukha ko, sa leeg at pababa pa ng katawan ko. Amoy alak. Binuhusan din nila ako.

At mas lalo pang tumawa si Carmen, kasama na ngayon ang dalawa niyang kaibigan.

"Gusto kong layuan mo si Kale. At kapag di mo yun ginawa, mas malala pa dyan ang aabutin mo," banta ni Carmen.

At pagkasabi nun, lumabas na silang tatlo.

I was flabbergasted. Pinunasan ko ng kamay ang mukha pagkatapos ay tumingin sa damit ko. Halatang-halata ang alak dahil puti ang kulay ng suot ko.

Nangyari ba talaga yun? Tanong kong muli sa sarili. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa yun ni Carmen. Bakit?

Naramdaman kong may isa o dalawang luha na tumulo mula sa mga mata ko. Hindi, Maika, wag kang iiyak. Agad ko itong pinunasan. Hindi dapat ako umiyak dito.

Lumabas na ako ng kitchen at tinahak ang daan papuntang exit, kailangan ko nang umuwi.

Pinagtitinginan ako ng bawat madaanan ko. Siguro nagtataka sila kung bakit may amoy alak at kung ano ang mga pula sa damit ko. Pero hindi ko na sila pinansin, basta tuloy-tuloy na lang akong naglakad.

Kaunting hakbang na lang, makakalabas na ako. Pwede na akong umuwi at maaari ko nang ilabas lahat ng sama ng loob ko. Sandali na lang. Malapit na.

Pero nawala lahat ng iyon nang may tumawag sa akin at hinila ako nang malakas. And before I knew it, I came face to face with Kale, the last person I wanted to see me in this state.

"What happened to you?" he questioned.

I avoided his gaze. Kasi, pakiramdam ko, kapag nanatili kong tinitigan ang mga mata niya, baka masabi ko ang totoo.

I shook my head.

"OMG! Maika, bakit ganyan ang itsura mo? Anong nangyari?" painosenteng tanong ni Carmen, nasa tabi na pala siya ni Kale.

I looked up at her and she was warning me with her eyes. Na para bang sinasabi ng mga mata niya na subukan kong magsalita at malalagot ako sa kanya. Umiling na lang ulit ako at pilit na hinila ang kamay mula kay Kale.

Nang bitawan na niya ito, nagpatuloy na akong lumabas. I looked for my car in the parking lot. Fudge! Bakit parang nakalimutan ko na ata kung nasaan yun nakapark? After a while, I already saw it.

Naglakad ako papalapit dito at bubuksan na ang pinto nang maalalang wala sa akin ang susi. Nandoon kay Kale. Argh!

Ayoko nang bumalik sa loob. Going back there means I'm going to see Carmen. At ayoko nang makita pa si Carmen. Hindi dahil sa takot ako. Kundi dahil hindi ko alam kung anong maaari kong gawin sa kanya pag nagkita ulit kami.

Matagal na 'tong tapos eh. Matagal na akong graduate sa pangbubully. Nung highschool pa ako. Natuto na ako kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Alam ko na kung paanong huwag magpaapi. Pero kanina, parang bumalik lang ang lahat.

Parang bumalik na naman ako sa pagiging highschool ko at hinayaan lang silang saktan ako. Tumulo na naman ang luha ko.

"Maika," at tamang-tama namang narinig ko na naman ang boses niya. Ang boses ni Kale.

Buti na lang at nakatalikod ako sa kanya, di niya nakikita ang mukha ko.

"Anong ginagawa mo dito, Kale? Bumalik ka na lang sa loob," sabi ko sa kanya at nakakainis na may pumatak na namang luha. Naman! Wag muna ngayon please. Makisama naman kayo.

"Anong nangyari sayo, Maika?" tanong niya, hindi man lang sinunod ang sinabi ko kanina.

"Wala," sagot ko. "Dahil lang sa katangahan 'to."

"At ano namang katangahan yun?" tanong niya. "Isa pa, bakit ka ba nakatalikod? Humarap ka nga sa akin!" utos niya.

At para namang gagawin ko yun. Ayoko nga! Makikita ko lang na naaawa siya sa akin. Isa pa, baka tuluyan na akong maiyak.

"Bumalik ka na lang sa loob, Kale, please," pakiusap ko sa kanya. "Bumalik ka na lang kay Carmen."

"At ano? Iiwanan ka dito?" sagot niya.

"Pumasok ka na. Uuwi na rin ako. Kailangan ko ring magpalit," sagot ko.

"At paano ka uuwi? Eh nasa akin ang susi," paalala niya.

Oo nga pala. Ang susi.

"Pakibato na lang yung susi dito, tapos umalis ka na," sabi ko sa kanya.

"What?" gulat niyang tanong.

I let out a deep breath. "Stop with the questions please. Pakibato na lang yung susi dito."

"Sige pero sabihin mo muna kung anong nangyari sayo."

And I sighed deeply again. Naalala ko naman ang ginawa ni Carmen, lahat ng sinabi nito.

"Wala nga," pilit ko. "Ang tanga ko lang kasi!"

At yun na, nag-umpisa na naman akong umiyak.

"Hindi ako tumitingin sa... sa dinadaanan ko tapos... tapos yun, nabangga ko yung lalaking may dala ng mga inumin, nabuhos sa akin ang dala niya," pagsisinungaling ko.

"Totoo ba yan?" tanong muli ni Kale.

"Oo! Bakit naman ako magsisinungaling?" sagot ko.

"Sige," sabi niya. Akala ko ibabato na niya ang susi at iiwanan na ako pero nagsalita ulit siya, "sabihin mo yan ng nakaharap sa akin, maniniwala ako sayo. Ibibigay ko na rin ang susi at iiwanan na kita dito."

I groaned mentally. Bakit ba pinahihirapan niya pa ako?

Pero may choice pa ba ako? Kailangan ko pa ring gawin ang sinabi niya.

Wiping my tears with my hand, I exhaled deeply. Then I looked at Kale. Hindi naman pala siya ganun kalayo sa akin. I averted my gaze, looking at the cars on the side. "Yun nga... nabangga ko yung lalaking may dala ng inum-"

"Not like that, Maika! Look at me in the eyes," he said.

And I groaned, again. This time literally. I couldn't do that. Hindi ko siya magagawang tingnan sa mata.

I was still looking at my side when I felt a hand on chin, tilting my face sideward then up. Paanong nakapunta dito si Kale nang di ko namamalayan? I focused my eyes below. Ayaw ko talaga siyang tingnan.

"Maika, look at me," he commanded in a low voice.

And I did that. I looked at his eyes.

"Now tell me what you're saying a while ago," he said as he looked at me intently.

Good luck sa akin kung makapagsinungaling pa ako.

"Nabangga ko... yung... yung lalaki na may hawak ng inumin tapos..." I stopped and looked away.

"Liar!" I heard him say.

I bit my lip as I tried not to cry. "Just give me the keys Kale and leave me alone."

Inalis niya ang kamay sa baba ko pagkatapos may kinuha sa bulsa niya. Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos inilagay ang susi dito. Tumalikod naman na ako at bubuksan na dapat ang pintuan ng kotse. Pero ewan ko ba, hindi ko mailagay ng maayos ang susi.

Fudge! Makisama kang susi ka! Inulit ko pa ulit pero ganun pa rin.

What the hell?

A hand grasped my arm, twirling me around. And the next thing I knew, Kale's arms surrounded me, hugging me tight.

I put my hands on his chest, trying to push him away. But he just held me tighter.

Nawalan na rin ako ng lakas, hinayaan ko na lang siyang yakapin ako. Then I started to cry. Lahat ng gusto kong iiyak kanina, ngayon ko nailabas.

My sobs became uncontrollable. And I was aware his shirt was damp now because of my tears.

"Just let it out," he told me as I felt his hand rubbing my back. "Just...let it all out. And don't you dare tell me to leave you again. Because hell! I won't do that. I just can't...I can't leave you, Maika."

#

Vote and comment, please. :) Thanks. x

Continue Reading

You'll Also Like

81K 1.4K 36
Love at first sight. Isang pangungusap na ginagawang katawa-tawa ng iilan. Pero, para sa kay Grysa Montecrisanto, totoo ang love at first sight. Nal...
780K 8.4K 44
C O M P L E T E D Cheating is easy. Try something difficult like being faithful.
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
3.6K 424 52
SWEAT BOYS SERIES 01 COMPLETED- DECEMBER 25, 2020- MAY 3, 2021 By Tatterdemalion