Atlantika (Completed)

By YourWriterNextDoor

7.9K 470 16

Sundan ang kuwento nina Flint at Lua sa kanilang pagtuklas sa mga lihim ng mundo sa ilalim ng karagatan--ang... More

Prologue
Lunar I: Awakening
Lunar 2: The Machine
Lunar 3: Another World
Lunar 4: Reflection
Lunar 5: Conspiracy
Lunar 6: The Silver Moon
Lunar 7: Rampage
Lunar 8: Zargons
Lunar 9: Game of Death
Lunar 10: Random Luck
Lunar 11: Brothers in Arm
Lunar 12: Limbs of Steel
Lunar 13: Collisions of Metals
Lunar 15: Ballad of the Undaunted
Lunar 16: Dilemma
Lunar 17: Lust
Lunar 18: Rage
Lunar 19: Titan
Lunar 20: Chaos Degree
Lunar 21: Valediction
Lunar 22 Finale: Rise
Glossary
Characters

Lunar 14: Rebirth

273 19 0
By YourWriterNextDoor

Nag ikot-ikot muna ako sa bayan. Sa isang bahagi ng liwasan, namatahan ko si Axa--ang matikas na babaeng Zargon na bumihag sa amin noon ni Lua.

"Kumusta ang mga pinsala?" pag-aalala ko.

Naghalukipkip siya at matikas na nagpaling ng tingin sa kabuohan ng bayan. "Hindi naman gano'n kalaki ang mga naging pinsala. Pero muntik na tayo sa bomba na 'yon."

Sandali akong natahimik.

"O? Bakit natahimik ka?" tanong niya.

"Ang sabi sa mga anunsyo sa telebisyon, ang mga Zargon raw ang mga masasama. Pero, unti-unti ko ng napagtatanto ang lahat... ang kapitolyo ang tunay na masama."

Ngumisi siya. "Wala bang nagsabi sa 'yo na huwag paniwalaan ang lahat ng napapanuod mo sa telibisyon? Kung anu-ano ang ipapasok nila sa utak mo, at bago mo pa 'yon malaman, huli na ang lahat... Bihag ka na ng sistema."

Huminga ako ng malalim. "Alam ko..."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nagtaas siya ng isang kilay at ngumisi. Nakita ko ang simpleng pamumuhay ng mga tooth decay sa kaniyang gilagid. Wow. Saan siya humuhugot ng lakas ng loob para ngumiti.

Tinanguan ko siya. "Nice teeth."

Umakbay siya sa akin. Nalungkot ang ilong ko sa amoy niya. Amoy sumambulat na pwet. Naagaw pa ang atensyon ko ng isang dosenang tagyawat na malapit nang grumaduate sa ilong niya. Tinignan niya ako ng malagkit---mas malagkit pa sa mutang nagtatalumpati sa mga mata niya.

Napalunok na lang ako. "B-b-bakit gan'yan ka makatingin??"

"Alam mo, pogi ka. May Jowa ka na ba?"

Patay tayo d'yan.

"May eleksyon din ba dito sa bayan nyo?" tanong ko.

"Bakit?"

"Gusto ko na kasing tumakbo," sabi ko bago kumaripas ng takbo.

***

Kasalukuyan akong naghahabol ng hininga sa harap ng isang poste nang makarinig ako ng isang tinig.

"Anong ginagawa mo?"

Si Lua pala. Nakaupo siya sa itaas ng mataas na posteng iyon.

Napatindig ko't napakamot ng ulo. "L-Lua? Anong ginagawa mo d'yan?"

"Wala lang. Nag-iisip," sagot niya. "Sa'n ka galing?"

"Ah?" Napangisi ako. "Pinagtataguan ko si Axa."

"Nakita ko nga kayong naghahabulan." Dumampot siya ng maliit na piraso ng kahoy mula sa itaas ng poste at pabirong ibinato sa akin. Agad ko naman iyong naiwasan. "Do'n ka na sa Axa mo," pagsusungit niya.

Nagpamewang ako't nagtaas ng isang kilay. "Aha, ngseselos ka 'no?"

"Luh. 'Di 'no!" Muli siyang dumampot ng piraso ng kahoy at ibinato sa akin. Tinamaan ako sa ulo.

"Aray!" Himas ko sa bunbunan ko.

Huminga ako ng malalim at nag-umpisang akyatin ang mataas na poste. Nahirapan ako sa mga madudulas at malilit na hawakan. Si Lua naman ay panay lamang ang tawa.

Agad akong naghabol ng hininga nang marating ko ang itaas. Ngumisi ako't agad na naupo sa tabi niya.

Namangha ako sa tanawin. Kitang-kita mula roon ang halos kabuuhan ng maliit na bayan. Noon ko lamang naramdaman ang simple ngunit malayang pakiramdam... Ang payak na pamumuhay na sinira ng karahasan ng kapitolyo.

"Nararamdaman mo rin ba, Flint?" turo ni Lua sa mga kabahayan. "Ang ginawa ng kapitolyo. Nangangahulugang, hindi talaga tayo tunay na malaya."

Huminga ako ng malalim. "Oo."

Tumingala siya sa mataas na mga haligi. "Ganito rin kaya ang mundo sa itaas?"

"Sabi ni Zee, malaya ang mundo sa itaas," ani ko.

Sandali kaming natahimik.

"Flint, alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan ko?" bigla niyang tanong.

Umiling ako.

"Buwan," sagot niya.

"T-talaga?"

"Sabi ng matatanda, nakamamangha raw ang buwan... Gusto kong makita ang mundo sa itaas," aniya. "Gusto kong makita ang itsura ng buwan."

Sandaling nabalot ng katahimikan ang lahat.

"Ipakikita ko sa 'yo 'yon," sabi ko.

"Flint?"

Ngumisi ako. "Hindi ko pa alam kung papaano, pero, pangako... Ipakikita ko sa 'yo ang buwan!"

"Flint..."

Naramdaman ko na lamang ang malambot na kamay ni Lua sa aking kamay.

"Lua..."

Sandaling nagtama ang aming mga tingin sa isa't isa.

Si Lua... Napakaganda niya.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dahan-dahang naglapit ang aming mga labi.

Sandali? Totoo ba ito? Ito na marahil ang pinakahihintay kong sandali...

Kami ni Lua ay...

"Oy, Flint! Lua!" biglang sigaw ni Axa.

Agad kaming napaayos ng upo ni Lua. Anak ng balyenang bading. Ganda ng timing.

Kumaway-kaway si Axa mula sa ibaba. "Nagawa ni Jeru!! Nagawa niya!"

***

Nagtungo kaming tatlo nina Lua at Axa sa isang silid kung saan nagtuon si Jeru ng ilang oras upang ayusin si Zee at ibalik sa dating diwa.

Nang mga sandaling iyon, naabutan namin si Jeru na isinasaayos ang ilang mga mekanismo sa dibdib ni Zee. Nakahiga lamang si Zee at walang malay.

"Jeru," bugad namin ni Lua.

"Flint, Lua."

Lumapit kami sa higaan kung saan naroroon si Zee.

"Kumusta siya?" pag-aalala ko.

"Isang chip ang nakuha ko sa main processor n'ya. 'Yon ang bagay na kumu-kontrol sa kaniya. Inayos ko na rin ang braso niya. Maya-maya lang magre-reboot na siya at babalik sa normal."

"Babalik ba siya sa dati?" tanong ni Lua.

"Oo."

"May impormasyon ka bang nakalap mula sa katawan niya?" pagtatanong ko.

Nagbuntunghininga siya. "Wala akong nakita. Nawawala ang data bank niya at nilagyan ng encryption ang bawat memory section."

"Ang kapitolyo," ani Lua. "Napakasama nila."

Hinawakan ko siya sa balikat. "Ang mahalaga, ligtas si Zee," sabi ko.

"May kailangan lang kayong malaman," muling usap ni Jeru. "Sinadyang ilagay sa kaniyang nervous core ang isang customized c5 explosive para sa isang suicide mision. Pinatay ko na ang bomba ngunit hindi ko iyon maaari tanggalin," paliwanag ni Jeru.

Napakunot ako ng noo. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ikamamatay niya kung tatanggalin ko ang bomba."

"A-ano??" pagkabigla namin ni Lua.

"P-pero, huwag kayong mag-alala. Inalis ko na ang mga trigger para sa bomba."

"Salamat, Jeru," ani ko.

Inikutan niya si Zee sa likuran at hinawakan ang isang maliit na pihitan sa mekanismong nakakabit kay Zee. "Handa na ba kayo?"

Tumango kami ni Lua.

Itinaas ni Jeru ang pihitan--sa pamamagitan ang ilang mga mineral na gamit upang makalikha ng enerhiya, dumaloy sa malalaking kable ang malakas na boltahe ng kuryente, patungo sa katawan ni Zee. Nabalot ng malakas na liwanag ang buong paligid. Ilang sandali pa't dahan-dahan nang gumalaw ang mga bahagi ng katawan ni Zee.

Napabalikwas ng bangon si Zee. "Waah!"

"Z-Zee...?" malumanay at sabay naming sabi ni Lua.

Napapaling siya ng tingin sa amin. "Flint? Lua?"

"Zee!"

"Flint! Lua!" masaya niyang tugon. Napapaling siya ng tingin sa aking braso. "F-Flint, ang braso mo??" pagkabigla niya.

Isang malawak na ngiti lamang ang naitugon ko sa kaniya.

~•○●° ATLANTIKA °●○•~
Hi, guys. Thanks for reading. Please do vote and comment.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.3K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...