The Wicked Cinderella

By HotNovember23

505K 8.4K 1.3K

[BOOK 1, completed, unedited] Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kon... More

Notable Notes
Trailer
The Wicked Cinderella
Wicked Chapter One
Wicked Chapter Two
Wicked Chapter Three
Wicked Chapter Five
Wicked Chapter Six
Wicked Chapter Seven
Wicked Chapter Eight
Wicked Chapter Nine
Wicked Chapter Ten
Wicked Chapter Eleven
Wicked Chapter Twelve
Wicked Chapter Thirteen
Wicked Chapter Fourteen
Wicked Chapter Fifteen
Wicked Chapter Sixteen
Wicked Chapter Seventeen
Wicked Chapter Eighteen
Wicked Chapter Nineteen
Wicked Chapter Twenty
Wicked Chapter Twenty-One
Wicked Chapter Twenty-Two
Wicked Chapter Twenty-Three
Wicked Chapter Twenty-Four
Wicked Chapter Twenty-Five
Wicked Chapter Twenty-Six
Wicked Chapter Twenty-Seven
Wicked Chapter Twenty-Eight
Wicked Chapter Twenty-Nine
Wicked Chapter Thirty
Wicked Chapter Thirty-One
Wicked Chapter Thirty-Two
Wicked Chapter Thirty-Three
Wicked Chapter Thirty-Four
Wicked Chapter Thirty-Five
Wicked Chapter Thirty-Six
Wicked Chapter Thirty-Seven
Wicked Chapter Thirty-Eight
Wicked Chapter Thirty-Nine
Wicked Chapter Forty
Wicked Chapter Forty-One
Wicked Chapter Forty-Two
Wicked Chapter Forty-Three
Wicked Chapter Forty-Four
Wicked Chapter Forty-Five
Wicked Chapter Forty-Six
Wicked Chapter Forty-Seven
Wicked Chapter Forty-Eight
Wicked Chapter Forty-Nine
Last Wicked Chapter
ANNOUNCEMENT no. 2

Wicked Chapter Four

11.1K 205 78
By HotNovember23

"Stephanie! Stephanie!" Prince kept calling after her but to no avail. Talagang ayaw siyang lingunin ng umiiyak nang dalaga.

"Stephanie? Ano bang problema? Ba't ka ba nagkakaganyan? May nagawa ba 'ko?" Sunud-sunod ang kanyang mga tanong. Mahapdi pa rin ang parte ng pisngi niyang nilandingan kanina ng marahas na palad ni Stephanie ngunit tiniis niya iyon. Mas mahalaga para sa kanyang makausap ito.

"Pwede ba?"

Sa pag-ikot ni Stephanie, tumambad kay Prince ang luhaang mukha ng galit na dalaga. Kanina pa silang pinagtitinginan ng ibang estudyante.

"Stephanie..." Napailing na lang si Prince. Hindi niya talaga maintindihan ang nangyayari. "Bakit ba? Bakit ka ba nagagalit sa'kin?"

Stephanie pursed her lips hard. She can't stand looking him in the eyes—his innocent eyes that were telling her he wasn't to blame. She can't believe her stupid heart. She wiped her right cheek. "What now? You're playing concern? Or do you just want to play with me again?"

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Hindi talaga kita maintindihan."

"Hindi maintindihan?" galit na ulit ng dalaga. "Parang linya ko 'ata dapat yan ah? Hindi kita maintindihan, Prince! Ano bang nagawa ko sa'yo ha? Sige nga? Pinaasa mo lang ako. Pinaglaruan mo lang pala 'ko, and now you're acting like ako 'tong may problema?"

"A-Ano?" nauutal sa kalituhang tanong ng binata.  "Pinaasa kita? Anong... anong sinasabi mo?"

"Stop it, Prince! Stop it! I'm not buying that ever again!"

"Stephanie, hindi talaga kita maintindihan. Ano ba kasing kinagagalit mo?"

"What do you care? Break na naman tayo di ba?"

"Break?" lalong naguluhan si Prince. "Hey, I really don't get you."

"First, you weren't answering my calls, tapos—" she can't contain her tears anymore. The moment they touched her make up-painted cheeks, her chest hurt again. The sting stopped her from speaking.

"I'm sorry," was all he could say. "Hindi ko alam na tumatawag ka. Kinuha kasi ni Cindy yung phone ko eh."

"A-Ano?" Stephanie stuttered.

"I'm really sorry," pagpapatuloy niya, "pasensya ka na talaga. Sana intindihin mo na muna 'ko. Galit na galit sa'kin si Cindy kahapon. Yeah, I know she'd always been mad at me ever since the first day we met but yesterday was indeed different. Kinuha niya yung phone ko at pinagpilitang grounded daw ako. Alam ko napakatanga ko para magpauto sa kanya pero ayoko lang talaga ng gulo. I've got no choice."

Napanganga lang si Stephanie. Hindi talaga siya makapaniwala sa kaisipang nabubuo ngayon sa ulo niya.

Stupid! Stephanie, you're so stupid! Damn you!

"Anong..." she was still lost in disbelief. "Mga anong oras niya kinuha ang phone mo?"

"Few minutes before six? I can't really remember."

"So... what was your last text to me?"

Nag-isip si Prince. Hindi pa rin malinaw sa kanya ang nangyayari. Parang lalo pa nga siyang naguguluhan ngayon. "Yung reply ko sa'yo nung sinabi mong nakauwi ka na?"

While her left hand was on her waist, Stephanie used her free palm to cover her mouth that opened wide when she gasped.

Stephanie, you stupid head! Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo! she kept saying to herself. Agad pa niyang ikinubli ang mukha niya sa likod ng dalawa niyang palad.

"Stephanie?"

"A-I'm—" she continued to trip over her tongue. Tinanggal na niya ang kanyang mga kamay sa pagkakatakip nito ng kanyang mukha. "I'm sorry. Prince, I'm sorry. I'm so stupid; I should have known better. I'm sorry."

"Shh," Prince hushed her in a soft voice as he put his hands over her shoulders. "Wag ka nang umiyak. Wala kang kasalanan."

"Hindi, hindi Prince, mali ako. Maling-mali ako," she insisted as she shook her head left and right. "I'm sorry." Another batch of tears rushed down from her eyes.

Prince sighed in relief, eventually pulling her close to lock her inside his arms.


*** 

"You should have seen it! Nakakatawa talaga sila!" the wicked, young lady told her girls as they walked down the empty hallway to go to another building. Kinukwento lang naman ni Cindy ang itinuturin niyang napakagandang eksenang natunghayan niya kaninang umaga.

Nakahilera silang apat habang naglalakad. Sina Aya, Cindy, Courtney at Elise. Parang pag-aari nila ang hallway. Kapag sila na ang naglalakad, walang pwedeng mauna o sumabay man lang sa kanila. Kailangan silang bigyang-daan ng lahat kahit pa ng mga nakakasalubong nila. Maging ang mga propesor sa malaking akademya ay hindi sila kinakalaban.

"And then? What happened next?" tanong ni Elise.

"Hmm... hindi ko alam eh," sagot ni Cindy. "Ayoko kasing ma-late sa klase kaya hindi ko na pinanood yung sumunod na mga nangyari."

"Ano?" natatawang tanong ni Aya. "Kailan ka pa naging concern sa pagiging late sa klase natin sa Rizal? E wala ka ngang ginagawa during the period kundi ang mag-vandal sa mesa mo!"

"Whatev!" Cindy responded, trying hard to sound sweet and very feminine. Tumawa ang tatlo. She was grinning big along with them—until she came.

"CINDY AYNERA!!!"

Pati iyong mga hindi naman Cindy Aynera ang pangalan ay napatingin sa direksyon na pinanggalingan ng boses ng baliw na nangahas tawagin ang isa sa apat na reyna. Natigilan ang lahat ng naroon. Parang biglang nagkaroon ng spotlight ang kinatatayuan nina Cindy at pinagtitinginan sila ng mga tao. Pati iyong kanina'y mga nagmamadaling makahabol sa kanilang mga klase ay huminto para lang makiusyoso. Hindi kasi pwedeng palagpasin ang eksenang ito.

"Speaking of the motherfucking daughter of her motherfucking mother bitch!" with her arms folded under her chest, Cindy spit out. She was still smirking, but this time, it was out of mockery.

Pinanood lang ng lahat ang naglalakihang mga hakbang ni Stephanie palapit sa apat. Kung nakasusunog lang ang nagliliyab niyang tingin, kanina pang natupok ng apoy si Cindy.

"Hah," the beautiful villain smirked. Talaga namang nakakaasar ang kanyang mayabang na ngiti.

Magkasing tangkad lang sila ngunit dahil mas mataas ang takong ng sapatos ni Cindy, kailangan siyang tingalain ni Stephanie. Sandali silang nagtitigan hanggang sa malutong na magsalita si Stephanie:

"Bitch!" Kasabay pa nito ay lumapag sa makinis at mamula-mulang pisngi ni Cindy ang kanang palad ni Stephanie. Naglaglagan ang maninipis na librong bitbit ng di-preparadong dalaga. Higit na malakas at marahas ang sampal na natamo niya kaysa roon sa ibinigay ni Stephanie kay Prince kanina.

Nanlaki ang mata ng lahat. Ang iba, napanganga pa. Sayang at ni isa, walang nakaisip na maglabas ng cellphone para makunan ang naganap. Sayang! Kung pwede lang sanang i-replay ang nangyari, ginawa na nila.

"You bitch!" Si Aya ang unang nakabawi mula sa pagkabigla. Halos sugurin na nga niya si Stephanie kung hindi lang siya napigilan ni Cindy. Napatingin pa siya sa kamay nitong nakaharang sa kanya. "Shin?"

Parang lasing makatingin si Cindy gamit mga mata niyang halos bagsak ang mga talukap. Bumulong siya sa dalagang katabi niya, "She's mine." She regained her proud posture, flipped her short hair and looked back to Stephanie.

Matalim pa rin ang tingin ni Stephanie kay Cindy. Tikom ang kanyang kamao. Hindi pa sapat para sa kanya ang ginawa niyang pananampal kay Cindy. Alam niyang higit pa roon ang dapat na parusa ng nagmamagandang mangkukulam sa harap niya.

Isang beses pa, pahambog na ngumisi si Cindy, "Ang lakas mo naman?"

"Talagang malakas ako," tahasang sagot ni Stephanie. "At mas malakas ang loob kong sugurin ka dahil punung-puno na 'ko sa'yo."

Cindy simply raised a brow. She ignored the stinging effect of Stephanie's cruel hand on her cheek. Higit sa kanina, mas nagulat ang lahat nang biglang humakbang si Cindy para lagpasan si Stephanie. Pati ang tatlo niyang kasamaha'y hindi makapaniwala sa ginawa niya. Pinulot na lang nila ang mga aklat ni Cindy na nalaglag kanina bago sila sumunod rito.

Napalunok si Stephanie nang tuluyan nang makalagpas si Cindy sa kanya. Magkatalikuran na sila noon. Pati siya ay nalilito sa nangyari. Maling tao ba ang sinampal niya? Hindi siya makapaniwala—si Cindy... hindi gumanti? Totoo ba 'to?

Hinintay lang ni Cindy na humanay muli sa tabi niya ang naguguluhan ring sina Aya bago siyang pumihit paharap sa likod ni Stephanie at nagsalita, "Sa ayaw mo't sa gusto, iiwan ka rin niya!"

Mahina lang ang pagkakasabi ni Cindy niyon, sapat lamang upang makarating sa pandinig ni Stephanie na agad ring umikot para muling makaharap ang bruhang dalaga. It was too late when she realized turning to face her again was a big mistake.

Continue Reading

You'll Also Like

96.8K 5.5K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
237K 10.1K 85
Hunter #647 Diego Dimasalang. Gwapo. May abs. Nakatago nga lang sa layers ng taba.
736K 26.2K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.