Insanus

By JFstories

2.2M 74.4K 36.5K

"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She of... More

✞INSANUS✞
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
Epilogue

XX

61.9K 2.8K 1.4K
By JFstories

XX

RED

NAPAKAPIT SI RED SA manibela habang minamaneho niya ang sasakyan. Sa kanyang tabi naman ay hindi niya maawat sa paghagulhol si Madelle na yakap ang bunso nitong kapatid. Naiwan kasi si Isaac nang mapaandar niya ang kanilang sinasakyan. Kaya naman ganoon na lang ang galit niya sa sarili dahil wala siyang nagawa para balikan ito. Nagbilin kasi sa kanya ang lalaki na protektahan ang anak nito. Kaya kahit gusto niyang bumaba para tulungan ito ay pinili na lang niyang paharurutin ang kotse palayo.

Doon muna tayo sa amin sa Manila. Iisipin ko na lang ang ipapaliwanag ko sa parents ko, pero sa ngayon dapat ay makalayo muna tayo rito," aniya.

Wala na siyang choice kundi umamin sa mga magulang niya.

"Madelle, tahan na... everything will be all right once na makarating tayo ng Manila."

Sa kanilang likuran ay naroon ang dalawang pulis na tulala dahil sa mga pangyayari. Naiinis siya sa mga ito dahil naturingan ngang may baril ay bahag naman ang mga buntot.

Wala pang limang minuto niyang minamaneho ang sasakyan nang matanaw niya mula sa rearview mirror ang isang babaeng nanakbo sa kanilang likuran. Patungo ito sa kanila at kasing bilis nito ang kanilang pag-andar.

Tinapakan niya ang pedal para pabilisin pa ito.

"A-anong nangyayari?" nakaramdam naman si Marion kaya nagtanong ito.

"Sa likod." Tipid niyang tugon. Mukhang hindi na pala sila makakarating ng Manila.

Magkapanabay na napalingon ang dalawang pulis sa likuran. Napamura ang lalaki nang makita kung sino ang nakasunod sa kanila. "T*ngina, tao ba yan?!"

Hibang na tumugon si Rox. "Hindi yan tao... i-isa yang diablo..."

Takot na napakapit sa braso niya si Madelle. "R-Red, anong gagawin natin?"

"Kumapit kayong mabuti." Sabay kambyo upang bilisan pa ang pagpapatakbo.

"M-marunong ka bang magmaneho, bata?" tanong sa kanya ni Marion.

"Umaandar ba ito ngayon kung hindi ako marunong?" pabalang niyang sagot.

"Tarantado ka, ah!"

"T-tama na!" awat ni Rox. "Imbes na magtalo ay magtulungan na lang tayo."

Inirapan naman ni Madelle ang lalaking pulis. Masama rin ang loob ng dalagita rito dahil wala itong nagawa para mailigtas si Isaac. Naturingan pa naman itong may mahabang baril sa tagiliran.

Itinutok ni Rox ang baril sa babaeng nakasunod sa kanila at sinentro ito. Ilang sandali pa'y binaril nito iyon. Sapol ito sa balikat ngunit panandalian lang itong nawalan ng balanse at humabol muli sa kanila.

"Tirahin mo sa ulo!" utos ni Marion sa babae.

Pinaputukan muli ni Rox ito subalit hindi na nito maasinta. Napadaan kasi sila sa malubak na daan kaya naging mauga ang bawat isa.

"Sige pa, barilin mo!" utos pa ng lalaki.

"Eh, kung bumaril ka rin kaya, ano?!" napika yata rito ang babaeng pulis.

Humugot nga ng baril si Marion at nakibaril sa diablo. Ngunit nakailang pagpapaputok nito ay hindi naman ito tinamaan.

Tumabingi ang kanyang minamanehong sasakyan dahil may nagulungan yata siyang matulis na bato. Nahulog tuloy si Rox at sumadsad ang kotse sa talahiban. Mabuti na lang at namatay ang makina nito. Dahil kung hindi ay nagdire-diretso sila sa bukid at posibleng mas malalang aksidente ang kanilang natamo.

Tumama ang ulo niya sa manibela pero nahilo lang siya. Nang mapabaling siya kay Madelle ay nakasubsob lang ito sa dashboard. Naroon pa rin sa kandungan ang bunsong kapatid. "O-okay ka lang ba?" tanong niya rito nang mag-angat ito ng mukha.

Tumango ito at niyakap si Apple.

Kinailangan niya pang ugain si Rox na napahilata sa backseat dahil sa nangyari. Bumangon naman ito agad ngunit pipilay-pilay na ito. "Sabi na nga ba at hindi ka marunong magmaneho!" angil nito sabay lingap sa paligid. "S-si Rox."

Sa kalayuan ay natanaw nila ang pulis na babaeng pagewang-gewang sa pagtayo. Sa likuran nito ay lumabag ang nilalang na ang anyo ay tila demonyo.

"P-paandarin mo!" sigaw ni Marion sa kanya.

Siya naman ay tinadyakan ang pinto at saka bumaba. Itinutok niya ang baril na ibinigay sa kanya ni Isaac doon sa babaeng nakanganga. Hindi siya marunong gumamit nito at hindi niya alam umasinta. Basta ang alam niya ay kung paano kalabitin ang gatilyo nito at paputukin. Kaya naman pikit-mata niya itong ibinaril.

Bago pa lang lalapit kay Rox ang babae ay napaatras ito nang matamaan niya sa katawan. Hanggang sa di sinasadya ay tumama ang bala niya sa mukha nito. Butas ang kalahating bungo ng ulo nito at sabog ang isang mata. Bumagsak ito pahiga sa lupa.

Kung ganoon, may katawan pa rin ito ng isang tao. Malakas at mabilis nga ito ngunit may instinct pa rin ito ng tulad sa kanila. Naging abala yata kasi ito sa babaeng pulis kaya hindi nito napansin ang pagbaril niya.

Kandadulas na tumakbo papalapit si Red kay Rox. Sa kanya ito agad napayakap. "S-salamat..."

Tigagal lang si Marion sa kanya nang mapatingin siya rito.

"Red..." sambit ni Madelle na nakababa na pala at nasa kanyang tabi.

Napayuko siya at naibagsak niya ang hawak na baril. "D-dito sa talahiban na ito namatay ang mga kaibigan ko..." nag-ulap ang kanyang paningin. "D-dito namatay si Alyana sa lugar na ito..."

"R-Red..."

"Wag muna kayong mag-drama dyan dahil hindi pa tapos ang laban!" bulyaw ni Marion. Naluluha itong nakatingin sa babaeng duguan ang mukha at bumangon mula sa lupa.

"W-wala na akong bala..." saad niya.

Lahat sila ay napabaling kay Rox. "M-may bala ka pa? Wala na rin ako." ipinakita pa ni Marion ang hawak na mahabang baril.

"Meron pa... pero mukhang isa na lang..." tugon ni Rox at itinutok nito ang baril sa babae.

Bahagyang yumukod ito at inilapat ang magkabilang palad sa lupa. Nakatitig sa kanila ang mga mata nitong hindi kumukurap. Sa posisyon nito ay para itong tatakbo nang kilometro. Sigurado, sa kanila ang tungo nito.

Kumabog ang dibidb ni Red. Batid na niya kung ano ang susunod na mangyayari. "T-takbo..." aniya sa mga kasamahan sa mahinang tinig.

Animong hibang lang ang mga kasama niya at wala sa sarili. Tulad niya ay para bang nawawalan na rin ito ng pag-asa.

"Takbo na..." sabi niya ulit. Nakita na niya ang postura nitong iyon kaya alam niya kung gaano ito kabilis.

Subalit wala ni isa man sa kanila ang makagalaw. Kahit siya na impormado ay hindi na rin sinunod ng sarili niyang mga paa para makatakbo.

Umangat ang paa ng diablo. Kasing bilis ito ng hangin ngunit nakikita niya ang pinabagal na paggalaw nito. Ngunit nasa ere pa lang ito nang may biglang humampas na sasakyan dito! Torpet ito sa kalayuan ng masagasaan ito ng isang kotseng humaharurot!

Napatili sa gulat si Rox.

Hindi pa nakuntento ang sasakyang ito at sinagasaan ang katawang nakahandusay. Ilang beses nito iyong ginulungan hanggang sa magkabali-bali ang buto ng kalaban. Nang padskol na bumukas ang pinto nito pagkuwan ay napasigok si Madelle. Maging siya ay napahikbi nang makita kung sino ang nasa loob nito at nagmaneho.

"P-Papa..." daling iniabot sa kanya ng dalagita si Baby Apple. Patakbo nitong nilapitan ang ama at sinalubong ng yakap. Duguan ang lalaki at iika-ika. Putol ang kaliwang braso nito at habol ang sariling hininga.

"B-buhay ka, Isaac..." maluha-luhang usal ni Rox sa isang tabi.

Lumapit na rin siya sa lalaki. "S-sir, buhay po kayo..."

Ginulo nito ang buhok niya. "G-good job, bata."

Napangiti siyang naluluha rito.

Inalalayan naman agad ni Madelle ang putol nitong braso. "Baka maubusan ka ng dugo, Pa."

"W-wag kang mag-alala... malayo iyan sa bituka..." Anito bagamat halatang nanlalata at namumutla na.

"Kailangan kang madala sa hospital." Suhestyon ni Rox na nakalapit na rin.

Sumang-ayon naman ang lalaki. Bumaling ito kay Marion na naroon pa rin sa kalayuan at ngumiti rito.

Hindi naman makatingin dito ang lalaking pulis at pinili na lang na umiwas.

Napatingin siya sa katawan ng babaeng diablo. Pisak ang katawan nito at sa palagay niya ay durog ang mga buto nito. Hindi na rin makilala ang anyo nito. Gayunpaman, imposible nang makatayo ito. Kahit pa diablo ang nakasapi rito.

"S-sino bang maglalaro pa ng manyika kung sira-sira na ito?" nakatanaw din dito si Isaac at kita sa mga mata nito ang lungkot.

Hindi niya naunawaan ang sinabi nito.

"N-nariyan pa rin ang diablo... pero hindi na niya magagamit ang katawan ng taong ito..." nagpatuloy ito. "Kailangang sunugin ang katawan niya..."

Nakatingin lang silang lahat rito. Ilang segundo lang kasi ay napaiyak ito.

Nagpaakay si Isaac sa kanya para makalapit dito. "A-alam ko na kung nasaan ang mga bangkay na pinatay mo..." pagkasabi'y nilingon nito ang kabukiran sa likod ng talahiban. "Naroon ang mga iyon... doon kung saan siya pinaslang..." napapikit ito. "K-kaya pala palaging putikan ang mga paa mo... dahil doon mo ibinabaon ang mga pinaslang mo..."

Nakatingin lang dito ang anak na dalagita.

Binuhusan naman ni Marion ang katawan ng gasolina na kinuha nito sa sasakyan. Nagsindi ito ng lighter at saka itinapon doon. Nagliyab ito.

Yumakap kay Isaac si Madelle. "K-kaya natin ito, Pa... kahit wala siya..." naglandas na naman ang mga luha nito. "S-sanay naman na tayong wala siya, 'di ba?"

Hinagkan ng lalaki sa noo ang dalagita bago humarap sa kanya. "S-salamat..."

Napangiti siya rito. "Wala pong anuman, Sir."

Nang magtama ang mga mata nila ni Madelle ay matamis itong ngumiti sa kanya. Ipinahawak nito sa ama ang kapatid at saka lumapit sa kanya. "Salamat, Red..." Nang isang pulgada na lang ang layo nila sa isa't isa ay yumakap ito sa kanya.

Ginantihan niya ito nang yakap at bumulong sa punong-tainga nito. "Basta ikaw..."

Nang kumalas ito sa kanya ay siniil siya nito ng halik. Na-estatwa siya sa ginawa ng dalagita.

JF

Continue Reading

You'll Also Like

11.6M 296K 33
Breaking the Bad Boy prequel/sequel Written by blue_maiden Start: September 15, 2016 End:
699K 20.6K 8
Whenever I am with him, I feel safe. I never thought that he's the one who's going to bring me in danger.
740K 29.3K 36
Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulun...
1.6M 23.7K 7
STILL PART OF GFFH BOOK 1. INCLUDES CONTINUATION OF MERCY (STEVE & STACY ) SIDE STORY, AND LOST CHAPTERS FOR VENTO (TOMMY & RAVEN ) SIDE STORY.