The King of Jerks!

By Helenaelise

7.3M 105K 11K

[NO SOFTCOPIES] He's the King of the school. She's the Queen of Cosplay. He's the rule setter. She's the rule... More

The Mischievous Ploy
The Prodigy
She's the Queen and There's a Reason for that
Triangulation?
Meeting Her Best Friend
The Meeting
Trapped
Turning Point!
Pasaway na Hypothalamus! >_<
Rigid's Lurid Past
Start of Something New
Innocent Seduction
Panliligaw
Panliligaw Part 2!
Pseudo-Relationship
First Date
3R: Rigid Ran Romance
Confession
Out of Their Leagues
The Army of Hades
Treading Different Paths
Kikuri ^_^V
Mr. Ice Cream
The Confrontation
Question Mark
Mommy and Daddy
Nagbabalik?
Clarifications
Without You
When the Past Haunts
Biggest Woe
A Moment for the Past
Simple Math :)
The Wedding FINALE
Special Chapter 1: Happy Birthday Rigid
Special Chapter 2: Kikuri the Girl Genius
Special Chapter 3: The Panic of Daddy Ice Cream!
Special Chapter 4: Paranoid Daddy
Special Chapter 5: The King's Daughter
Special Chapter 6: Mini-Jerk
Special Chapter 7: A New Home
Special Chapter 8: The Mission

The King of Jerks!

924K 7.9K 1.2K
By Helenaelise

THIS STORY IS WRITTEN IN TAGALOG-ENGLISH, BUT THE PUBLISHED BOOK IS IN ENGLISH :)

_____________________________________________________

Ran's POV

"Blue? Green? Pink?  Silver? oooor let's stay with Green! Green is always good" I said as I picked up my green wig.  A there perfect! Just like my perfect life. I may be living alone but I'm contented. 18 years old and independent. My life revolves around cosplay and Nursing the course I chose. Magkaibang magkaiba dahil istricto sa nursing pero wala eh, ganun talaga...ganun ang style ng isang Ran Figueroa!

I smiled at my mirror as I looked at myself.

 "Now would you look at that" I said my perfect ensemble as my upper lips twitched into a sinster smile. Why am I smiling? Dahil may misyon ako. At ano ang misyon na iyon? I smiled to myself again. A little irritated at the thought but nonetheless, I'll get even.

"Humanda ka sa akin Rigid Razor Montez" I said.

What is a Rigid Razor Montez? not 'What' but "WHO?" ang impaktong panggulo sa buhay ko! ang panira sa napakaganda kong mundo! at iyon ay ang walang puso't damdamin na presidente ng eskuwelahan namin! ang mamaw na Rigid Razor Montez na yun!!!! grrrr!!!!!

Agad akong napatingin sa salamin at dali dali kong ibinaba ang kilay ko at inayos ang lukot na mukha ko. Must.stay.calm.

Iniisip marahil ng iba kung bakit abot hanggang langit nalang ang pagkaasar ko sa lalaking iyon, samantalang ang ibang estudyante sa paaralan namin ay halos sambahin ang nilalakaran niya, huh! sila iyon! para sa akin isa lang siyang malaking epal sa mundo! sa aking makulay na mundo. He is the cold dictator in our school, the president.

The "KING" well the KING OF JERKS if I may say so!

sabi nila gwapo daw yun! pero para sa akin wala akong ibang nakikita kundi ang isang mamaw! bakulaw! halimaw! tyanak! kapre! isang nilalang na may limampung sungay at seven thousand na mata! oo yun siya! siya na lahat yun! ang dictador na yun! pag nakikita ko yun ay sadyang umiinit ang ulo ko sana nga may laser eyes ako eh para pugot na yun ngayon! bwahahahahaha!!!

Napatingin ulit ako sa salamin at dali dali kong isinara ang bunganga ko at umayos sa pagkakaupo. Must.remain.composed. I reminded myself

Dinampot ko ang suklay sa dresser kung paano ba nagsimulang uminit ang ulo ko sa lalaking iyon. At naalala ko nanaman kung bakit. Dahil nga ang epal na lalaking iyon ang presidente ng student council, at ako naman ay buhay ang pagcocosplay at madalas iba't ibang wig ang suot ko sa school, lagi nalang akong mainit sa mga mata niya. Lagi niya akong paboritong sitahin! eh bakit ba? maganda naman ako ha? wala kasi dapat basagan ng treeep di ba? pero itong gagong ito (pardon my french, mi scusi) laging napapansin ang weird kong fashion sense! kesyo bawal daw sa school chorva, hindi daw yun anime convention chuchu pakealamero! kaya since then naging mortal kaming magkaaway, at gagawin kong miserable ang buhay niya! I promise!

Natigilan ako ng makita kong naputol ko na pala ang hairbrush na hawak ko dahil lang sa pagiisip sa lalaking iyon. Grr! Kaya naman ibinaba ko na ang hawak ko at inabot ko ang lagayan ng contact lenses ko sa rack. A little make-up here and there and viola!

Ran Figueroa off to school! Anime Style!

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

Rigid's POV
 

I finished my morning routine as I get up, I pulled out the towelette by the rack as I saw my sister descending from the stairs

"Goodmorning Kuya" bati nito na halatang inaantok pa, minsan talaga ang sarap batuhin nitong si Lena, college na isip bata pa din, napailing nalang ako. HIndi ko kasi alam kung kanino nagmana yan eh.

"Goodmorning sleepyhead. Though may araw na" sabi ko sa kanya, I've been trying to persuade her to get serious in her studies. I've tried hard to convince her na sa school ko nalang siya mag aral pero ayaw niya, sa kadahilanang ako daw ang presidente doon. Ano'ng masama dun? napalaki akong responsible and I should share it. Strict na kung strict pero para din naman sa ikabubuti ng lahat yun kaya ko ginagawa yun. 

"Kaya nga morning kase may araw di ba?" sagot pa nito, napailing nalang ako, ibang klase talaga magdahilan itong si Lena

"Technically 12am is morning! though it is still morning ng six, it's quite late in the morning"

"Oo na! ikaw na henyo! hmp!" sabi pa nito then she stormed to the kitchen, I felt a lop-sided grin on my lips habang sinundan ko ito ng tingin, napabuntong hininga nalang ako, time to get fix myself and get to school. Marami pang aayusin sa student council ngayon.

_________________________________________________________________

Ran's POV

Pagkababang pagkababa ko palang ng kotse, andun nanaman yung mga taong akala mo ay ngayon lang nakakita ng green ang buhok, ipinagkibit balikat ko lang siguro nagtataka din sila kasi  istrikto sa nursing lalo na sa grooming pero bakit ako? aba siyempre! I fight for my rights! pag sa duty matino naman ako magdamit pero pag school days ganito ako, aba bakit? pag green ba ang buhok mo bobobo ka na ba? hindi naman di ba? so ayun yun kasi talaga ang logic ko heeheehee.

"Good morning Queen Ran!" may mga taong nagbow sa akin, irgs! sa totoo lang ang creepy ng mga ito, queen tawag sa akin as in cosplay queen daw ngek! =_= hindi naman ako si Alodia eh di ba? mas maganda yun sa akin. Although syempre maganda din ako, dinaanan ko lang sila, hindi naman sa snob ako or hindi appreciative ano pero too much na kasi yung ginagawa nilang yun eh hindi naman ako diyos para sambahin.

Nang biglang may rumaragasang sasakyan, okay sige na alam na kung kanino yun! kanino pa ba? eh di sa ever punctual na student president si Rigid Razor Montez ang bwisit na yun! kung makaasta parang siya ang hari ng school, oh well masasabi mo na siguro yun kasi dictador yan eh! tapos may mga parang engot pa siyang followers sa school, kulang nalang magtayo sila ng rebulto niya jan sa gate, gawin nila sana, yung parang oblation sa UP tapos ivavandal ko mouhahahaha!

So anyway nakamasid lang ako dun habang nakita ko na bumaba si Rigid, kinuha nung valet yung susi niya at ipinark sa parking lot yung kotse nito. In fairness to him ang angas ng porsche niya, gaano kaya kayaman itong kumag na ito? tapos binigay yung coat niya, oo ganyan ang president sa school namin, kakaiba ang treatment, may kapa talaga, mala hari ba? =_= ewan ko kung sinong gago ang nagpauso niyan, since first year pa kasi ako si Rigid na ang presidente dito eh, pero tradisyon daw yung cape na yun, matapakan nga minsan para matapilok yang Rigid na yan hohoho *evil laugh*

As usual binigay nanaman sa kanya yung daily duties niya, ang daming paperworks, minsan iniisip ko siguro elyen itong Rigid na ito, paano president's lister siya, ang dami niyang award award at kung anu-ano pang etcheng, tapos siya pa nagpapatakbo halos ng school pati ata school owners takot sa kanya eh, bali-balita pa ay pinapatakbo niya ang isa sa family companies nila. O di sige siya na henyo! =_= prodigy daw ang tawag sa kanya ng mga scientist, yung mga abnormal na tao na...na...wait tignan natin meaning ng prodigy sa dictionary

<scan...>

<scan////>

ayun! prodigy! ay teka mali pedigree anu siya aso? hmm pede na din!  eyun! eto eto na talaga! copy pasted pa yan!

[prod-i-jee]
prod•i•gy–noun,plural-gies.
1.a person, especially a child or young person, having extraordinary talent or ability

Well siguro? talent extraordinaire nga naman ang maglitanya ng paulit ulit sa tenga ko araw araw nakakakulili

2. a marvelous example (usually followed by of ).

Marvelous? psh! next!

3. something wonderful or marvelous; a wonder.

YUCK!

4. something abnormal or monstrous.

AYUN! Perfect definition! mouhahahaha!

5. Archaic . something extraordinary regarded as of prophetic significance.

Extraordinary and Prophetic significance niya mukha niya! Nakasimangot akong napalingon sa kanya. In fairness to this guy he's got the looks, raven sharp eyes aristocratic nose, full and perfect set of lips. He actually looks like those heroes on those romance pocketbooks. And I bet pag nagcosplay siya he would simply look marvelous and---

O____O WHAT THE HELL RAN?! You're admiring that jerk?! THAT KING OF JERKS?!

erase eras erase! Sa lahat ng depinisyon sa kanya dito ay dun lang ako sa number four nag-aagree! o di sige siya na prodigy! abnormal and monstrous! and by that I laughed out loud habang sinusubukan kong i-delete ang mga nauna kong naisip kanina.

Pero biglang natigil yung pagtawa ko ng makita ko siya, oo na sige na inaamin ko na ang gwapo nga niya, kumag peste! di sige siya na perfect. Siya na pogi siya na henyo, siya na physically fit, musically inclined at siya na din mayabang! actually hindi naman ito mayabang sadyang peste lang siya sa buhay ko.

Nakita ko siya na napatingin sa akin, hindi ko alam pero ako ang favorite target nito lagi nalang, nakita ko kung paano niya tinignan ang green kong buhok! pesteh! palapit na siya sa akin! Well sige mag siraan tayo ng araw!

"Good Morning Ms. Figueroa, mukhang napuno naman ngayon ng lumot yang ulo mo" tudyo nito! napasinghap ako! this guy is the most insulting guy I've ever known in my entire life! letse ito! lumot daw? ang kapal ng pagmumukha!!!!

"Excuse me! Bulag ka? hindi ito lumot! this is called wig! prodigy ka iyon lang hindi mo pa alam?" sabi ko sa kanya, ngumiti ito, yun bang exasperated ba na ngiti.

"Kahit ano pa yan Ms. Figueroa, those are---"

"Yeah yeah this and that and those are forbidden blah blah blah! well Mr. Montez! hindi nagkakaroon ng difference sa learning abilities ng isang tao sa---"

"That's not the point, the point is this school have rules Ms. Figueroa and if you break them you'll have to deal with me" anito, ay leche ang antipatiko talaga ng kumag na ito! mantakin mo yun? he cut me off?

"How dare you cut me off! sabi nila gentleman ka dapat!"

"Wag mong ilihis ang usapan Ms.Figueroa, ang wig mo ang issue natin dito"

"Ewan ko sa iyo!" sabi ko at nagwalk out na ako. Kuuu! Nakaka-asaaaar! aminado ako I lost this round! Kinuha ko ang tickler notebook ko and my colored pen saka ako nagdrawing ng isang stick man na may sungay at may pangil na naka-kapa. At sinulatan ko ng "RIGID" sa may ibaba nun saka ko pinalipad sa hangin.

May araw ka din sakin!

Rigid's POV

 I looked at the walking girl incredulously, she just stormed off after a conversation and just wrote something in her notebook. Talk about weird. But I can't believe that girl, sa inaraw araw na ginawa ng diyos yang babaeng yun ang nagpapsakit ng ulo ko, mas isip bata pa yata sa kapatid ko yun.

Who was she again? Ran Figueroa? the cosplay queen?huh! I am quite surprised may mga tao palang ganoon, well siguro yun ang preference nila it's their form of art, but I find it really...how would you put it..Hmm bizarre! yeah that's the term. They actually waste money, effort and time looking like japanese animes. Well it's their business, I'm just stating my opinion so bite me, I don't really live in their fantasy world so maybe I don't share their love for it. But in all fairness to them their community is quite peaceful but that girl is different, araw araw naka-cosplay!

I don't know in any perspective but that girl seems to always bring out the worst in me. Araw araw ay sigurado akong may violation siya, hay naku. mamaya ko na aatupagin ang pagtatama sa ugali ng babaeng amazona na iyon, as for now. Duty calls.

Ng may nakita akong pinalipad siyang papel sa ere. At ngayon nagkakalat pa siya? I went to pick it up to see a paper with a drawing of a demonic looking stick man with horns and fangs with a cape along with my name underlined on it.

"Very funny Miss Figueroa." And very interesting indeed. Huh, I think my life as the president of this school just got a little more interesting.

__to be continued.

 ___________________________________________________________________

THIS STORY IS ALREADY FINISHED CLICK THE BLUE LINK OVER THERE -> TO VIEW THE SUCCEEDING CHAPTERS :)

Continue Reading

You'll Also Like

244K 1.2K 7
How long will I chase and endure the heartaches he has given me? The rest of the story is on dreame! :)
3.4M 94.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
31.7M 398K 45
[Completed] One True Love Series #1 Lana is living her life on her own terms, free from an arranged marriage and focusing only on her work. And then...