Special Chapter 3: The Panic of Daddy Ice Cream!

135K 2.6K 671
                                    

BASAHIN: Ang kwentong "King Of Jerks" po ay nagtatapos na sa chapter na "Wedding Finale" at ang mga SPECIAL CHAPTERS po ay kumbaga extra lang sa kwento hindi po regular ang update, pwedeng meron, pwedeng wala. Kaya sana chill lang tayo, walang i-stress-an hahampasin ko kayo ng wheelchair sige! haha! And by the way! I missed you! (yes ikaw na bumabasa nito) tsaka nga pala dedicated kay Diego! na may crush kay Kikuri hahaha lagot ka kay Rigiiid!

_________________________________________________

Rigid's POV

Napangiti ako habang nagmamaneho, sabay sulyap sa asawa ko na nakaupo sa passenger's seat. Sinundo ko si Ran ngayon mula sa hospital, hindi pa siya nagte-take ng maternity leave dahil maliit pa naman ang baby namin sa sinapupunan niya. Pumayag naman ako na magtrabaho padin siya pero hindi na sa OR para hindi siya gaanong ma-stress.

"Pupunta ba tayo sa mall ngayon?" tanong nito, ngumiti ako sa kanya sabay tango. Kung siguro makikita lang ako ng mga katrabaho ko sa kampo ngayon iisipin nila may sumanib sa aking mabait na espirito haha! Ako pa din ang istriktong Rigid Razor Montez sa kampo pero pag kaharap ko na ang mag-ina ko nagbabago ang lahat.

"Yep. Gusto mo ba daanan natin si Kikuri sa school para tatlo tayo?" saad ko pero ngumiti lang si Ran

"May date si Kiku eh" sabi nito na ikinapreno ko, buti nalang at red light

"WHAT?!" biglang tanong ko sabay lingon kay Ran na natatawa nalang.

"Abaaa...si Daddy Ice cream nagpanic! haha himala my King may nakakapag-papanic pa pala sayo" she said as she giggled.

"Relaax darling, si Corvette ang kasama ni Kiku. Nagprisinta si Tito Corvette na sunduin siya kasi depressed siya, alam mo naman kung gaano ka-fond ang kumpare mong iyon sa prinsesita natin" saad pa nito at saka palang lumuwag ang paghinga ko

"Gumawa na din kasi siya ng prinsesa niya ng di niya inaarbor yung satin" sabi ko na ikinabunghalit lang ng tawa ni Ran

"Uyy nahahawa na siya sa jargon ko" tudyo nito sabay ngiti, napangiti lang din ako. Habang tumatagal ay napipick-up ko na ang kabaklaan sa pananalita ng misis ko, dagdag mo pa ang makulit kong kapatid. Buti nalang hindi ako palasalita sa kampo.

"Paano si Lena din pareho mo magsalita, hindi na ako magtataka kung pati si Kikuri someday" saad ko

"Haha! Anyway about Kiku. Hayaan mo munang hiramin siya paminsan minsan ni Corvette. Alam mo naman broken hearted yun" saad ni Ran as I felt a lop-sided grin on my face

"That guy's just faking it. May saltik sa ulo yun" saad ko na ikinangiti lang ng misis ko.

"Kaya nga hayaan mo na." she said "Tutal kung mamimili tayo ng pangdecorate sa nursery eh baka mapagod lang din si Kiku, iuwian nalang natin ng ice cream" sabi pa nito. Ah yes, the nursery, for our second baby. Sana lalaki naman para may kalaro si Kikuri, pero kung babae ulit okay lang pero sana lalaki. 

"Yeah excited na akong magdecorate ng nursery" I said, ng magbuntis si Ran kay Kikuri ay sabi niyang maaga din daw siyang nagdecorate ng nursery habang kaya pa niyang mag gagagalaw. Alam naman, banidosa at perfectionist ang asawa ko sa mga ganyang bagay. And this time I'm right here by her side to make sure that I will share her every happiness and every pain for our second baby.

Sa mall magkahawak kamay kaming dalawa na para bang ang babata pa namin. Nakangiti ako habang hawak ko ang kamay niya at ganun din si Ran.

"Feels like we're on a date again" she said. Lagi naman kaming nagdedate na mag-asawa, kasama si Kikuri minsan kami lang dalawa, but I never get tired of it. I'll never get tired of spending every minute of my life with Ran.

The King of Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon