Just The Benefits (PUBLISHED)

By beeyotch

64.9M 1.3M 540K

Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumay... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Katapusan (Unang Parte)
Katapusan (Huling Parte)
Bonus (Closure)

Kabanata 42

713K 15.5K 5.3K
By beeyotch

#JustTheBenefits

Kabanata 42 

"Pwedeng magsalita?"

"Teacher ba ako sa paningin mo? Na kada may gagawin ka, kailangan mong magpaalam sa akin?"

Lumuwag 'yung pagkakayakap niya sa akin. Nakahiga kami sa kama ko ngayon—sabay na naghihintay sumikat 'yung araw. Panibagong araw na naman na papasok kami sa school. Lately, parang wala ng sense 'yung mga nangyayari. Para bang pumapasok ka na lang kasi kailangan. Kasi alam mo na kailangan mong makatapos. Wala na 'yung drive.

"Hindi naman..."

Napa-buntong hininga ako. Ayoko ng ganito. Na para bang may gawin lang siyang kaunti, pakiramdam niya magagalit ako sa kanya. I can't have him tiptoeing around me. I wasn't some bomb waiting to explode.

"Pwede bang maging normal ka naman? I mean, treat me like how you used to. Hindi ako vase na mababasag magkamali ka lang ng hawak, okay?" sabi ko sa kanya. Hinatak ko 'yung kumot kaya nawalan ng nakatakip sa katawan niya. Inabot ko rin 'yung cellphone ko at nakita ko na malapit na palang mag ala-sais. Panibagong araw na naman.

Tumayo ako at saka nagsimulang maglakad papunta sa CR.

"Maligo ka na rin. May pasok pa tayo," sabi ko sa kanya. Nakita ko naman siyang napabuntong-hininga bago tumayo at saka nagsimulang isuot 'yung pajama niya. Ang cute lang. Pajama pala ang sinusuot niya kapag natutulog siya.

"Okay," sagot niya. "Sa baba ba tayo kakain ng breakfast o gusto mo na ipadala ko na lang dito sa kwarto mo?"

"Hindi ko 'to kwarto."

"Okay," he conceded na para bang ayaw niya ng makipagtalo pa sa akin. "Pero saan mo gustong kumain?"

Kumunot ang noo ko. Heto na naman siya sa pagiging weirdo niya.

"Sa baba? Bakit? Ayaw mo ba 'dun?"

Umiling siya. "Baka lang kasi ayaw mo..."

"Bakit?"

"Baka kasi napagod ka kagabi kasi... basta."

Napailing ako sa kanya. Para talagang bata. Ang inosente kahit hindi na naman na. Minsan nakakalimutan ko na kahit matangkad siya at medyo malaki na ang katawan, 'yung utak nga pala ni Shiloah pambata pa rin.

"Sa baba." Iyon lang ang sinabi ko at dumiretso na ako sa CR para maligo. Tinagalan ko ang pagligo. Nakatayo lang ako sa harap ng shower at nag-iisip kung ano ang gagawin ko sa araw na 'to. Gusto kong makita si Mari. Ilang araw ko na rin kasing hindi nasasagot iyong mga tawag at texts niya...

Iyon lang. Wala naman akong kaibigan maliban sa kanya—si Tobi. Hindi ko rin kasi alam kung magkaibigan kami... Pati sina Quinn... kaibigan ko ba sila kahit wala na si Parker?

Mabilis lang akong nagbihis. Naninibago pa rin ako sa mga damit ko dahil puro branded. Hindi ko nga alam kung saan 'to nanggaling. Basta isang araw pag-uwi ko, may mga gamit na ako rito sa kwarto.

Pagbaba ko, nandun si Shiloah.

"Pwede po padala ng gatas?" sabi niya sa nag-iisa niyang butler. Sobrang tahimik talaga sa bahay na 'to dahil ang tao lang ay si Manong Roger, iyong butler niya, at si Shiloah. Kaya hindi na ako nagtataka na tahimik si Shiloah dahil wala rin naman pala talaga siyang makakausap dito sa bahay na 'to.

Nung dumating 'yung gatas, nilagay niya sa harap ko 'yun. Automatic na kumunot ang noo ko pero dahil wala pa ako sa mood na makipagtalo sa kanya, hindi ko na pinansin. Tahimik lang akong kumuha ng bacon at itlog at nilagay ko sa plato ko. Akmang susubo na sana ako nung mapansin ko na nakatingin sa akin si Shiloah. Nailang talaga ako.

"Ano?"

Umiling siya. "Wala."

"Ano nga?"

"Araw-araw puro bacon at itlog ang kinakain mo."

"So?"

"Hindi healthy."

Napaikot na naman ako ng mata sa sinabi niya. Isang 'hindi healthy' niya pa, maiinis na talaga ako!

"Ewan ko sa 'yo," sagot ko tapos sinubo ko na 'yung pagkain ko. Napansin ko na nakangiti na nakatingin sa amin 'yung butler na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Palagi lang naman kasi akong nakakulong sa kwarto at bumababa lang kapag kakain.

Pagkatapos kumain, sumakay na kami sa sasakyan. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa school. Pagdating namin doon, sakto na magkakasamang naglalakad sina Quinn.

Nakatingin sila sa amin ni Shiloah. Napahinto sila.

"Una ka na," sabi ko kay Shiloah. Mabuti naman at hindi na siya umangal pa. Tinignan niya lang ako ng sandali bago siya nagsimulang maglakad palayo. Ako naman, napako sa kinatatayuan ko. Ngayon ko lang ulit sila nakita.

Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Nakatingin lang kami. Parang gusto kong tumakbo palayo dahil sa tingin sa akin ni Emma. Napailing siya na parang sobrang disappointed siya sa akin at saka niya hinatak si Archer at nagsimula silang maglakad palayo.

"Emma!" tawag ko. I didn't know why but I felt the need to explain myself. Huminto siya. Nakatingin siya sa akin. "Galit ba kayo sa 'kin?" I asked.

Ilang segundo rin 'yung hinintay ko bago siya sumagot.

"He really loved you, Imogen."

Iyon lang ang sinabi niya bago siya nagsimulang maglakad na naman. Archer and Hunter tapped my shoulder tapos sinundan na nilang dalawa si Emma. Si Quinn na lang ang naiwan.

"Ikaw, hindi ka rin ba galit?" I asked him. Baka kasi galit din siya e sabihin niya na para isang bagsakan na lang.

Nakatingin siya sa akin. Ilang segundo na nakatingin lang siya sa akin.

"Hindi," he said. "Parker would've wanted you to be happy."

'We don't know what he would want. Patay na siya,' I said inside my head. But of course I couldn't verbalize that. So instead, I nodded. Inilagay niya Quinn iyong dalawang kamay niya sa loob ng bulsa niya.

"So... you and that guy, huh."

"We're friends."

"Really? It doesn't seem like it."

I chose not to comment. Sabay kaming naglakad. Habang naglalakad kami, pinagtitinginan na naman kami. Wala na akong pakielam. Life's too short to care about what others will think. Iyan ang natutunan ko sa mga nangyari sa buhay ko.

"Kamusta si Ate Kach?" I asked.

He shrugged. "Ayun, masungit pa rin."

"Si Bianca?" I felt pity for her. Hindi ko kayang magalit sa kanya dahil mahal niya lang din naman talaga si Parker. Nakakaawa siya. Sobra.

"On the way to asylum. Ewan. Wala naman akong pakielam sa babae na 'yun," he said. Humarap siya sa akin. "Ikaw? Saan ka nakatira?"

"Kina Shiloah," sagot ko pero dinugtungan ko agad dahil alam ko na baka iba ang isipan niya. "Bakit ba sobrang malisyoso mo?"

Natawa siya bigla. "Ako pa ang malisyoso?" he said, pointing to himself. "Miss na kita."

Natawa naman ako.

"Ang clingy mo bigla," I said and then bumped his shoulder. "Hanap ka na ng girlfriend para may malalambing ka."

He shrugged. "Dadating din tayo d'yan," sagot niya. Malapit na kami sa classroom ko nung tanungin niya ako. "Sigurado ka bang may number kita?" I nodded. "Tawagan mo ako minsan, okay?" he said and then ruffled my hair. Naglakad na siya paalis pagkatapos nun.

Pumasok ako sa loob at nakita ko na magkatabi si Shiloah at Candy. Kitang-kita ko 'yung konsensya sa mukha ni Shiloah habang kinakausap siya ni Candy. Gusto kong sabihin sa kanya na niloloko lang naman siya ng girlfriend niya kaya 'wag na siyang makonsensya.

Umupo ako sa pwesto ko at saka yumuko.

"Hindi ka lasing ngayon," sabi ng katabi ko.

"Hindi ako lasinggera," sagot ko sa kanya.

Dumating na 'yung prof namin kaya natahimik kaming lahat. Pinaliwanag lang sa amin iyong mga mangyayari. Finals na. Pagkatapos nun, Christmas break na. Tapos practicum na namin. Tapos graduation. Tapos nun... hindi ko na alam.

"Babe, may pupuntahan lang kami ni Carl. See you tomorrow na lang?" Candy said. I fought the urge to roll my eyes. Ano ba ang meron kay Carl? Kung siya ang gusto niya, bakit kailangan niyang gamitin si Shiloah na wala namang ginawa sa kanya kung hindi ang maging mabait?

Shiloah nodded—being the annoyingly nice person that he is.

Napailing na lang talaga ako hanggang sa umalis silang dalawa ni Carl. Si Shiloah, kinausap ng prof namin kaya nandun siya sa harap.

"May gagawin ka mamaya?" I asked Tobi.

He shrugged. "Depends."

"Saan?"

"Where would you invite me to?"

"Wala. Hangout lang kasama si Shiloah."

Kumunot ang noo niya. Ang singkit ng mata talaga ni Tobi kaya mukhang masungit siya. Mas lalo siyang mukhang bugnutin. Parang konting maling magawa mo lang, magagalit na siya sa 'yo.

"Bakit kailangan kasama ako? Problema mo?"

"Wala kasi siyang masyadong friends, e."

"Ano'ng kinalaman ko 'dun?"

"Mukhang wala ka ring friends. Kayo na lang kaya? Mukhang magkakasundo naman kayo," I suggested.

He sneered at me at saka tumayo at binitbit ang bag niya. "Ewan ko sa 'yo," he said and walked away.

"Text ko sa 'yo kung saan!" sigaw ko sa kanya.

"You don't have my number," he replied. "But I'll call you."

Bumalik na si Shiloah na may dalang maraming papel. Halos wala ng tao sa classroom namin. Wala na rin halos klase dahil hinihintay na lang namin ang finals.

"Sorry, naghintay ka ba?" he said. I shook my head. "Tara na?"

Tumayo na ako at kinuha 'yung gamit ko. Ang dami talagang dala ni Shiloah kaya gusto ko siyang tulungan pero sabi niya, kaya naman daw niya. Saktong palabas na kami ng room nung bumalik si Tobi dahil may naiwan yata siya.

"Tobi," I called him. "Patulong naman kami."

He rolled his eyes pero tinulungan niya rin naman kami. Kunwari pa 'to na suplado pero mabait naman. Sabay kaming tatlo na naglakad papunta sa parking lot.

Ang awkward lang dahil walang nagsasalita. Si Shiloah na tahimik at si Tobi na masungit. Hindi ko alam kung ano ang naisip ko at sinubukan ko silang gawing magkaibigan.

Pagdating namin sa parking lot, surprisingly, wala pa si Manong Roger. Nasaan na 'yun?

"Imo..." tawag ni Shiloah sa akin. "Pakikuha naman 'yung cellphone sa bulsa ko. May tumatawag, e."

Kinuha ko 'yung phone 'dun at nakita ko na si Manong Roger 'yung tumatawag. Sinagot ni Shiloah at parang may emergency yata kaya hindi siya makakarating.

"Pahatid na lang kami, Tobi," I suggested.

"Magtaxi na lang tayo," sabi ni Shiloah. But I was adamant. Kailangan ni Shiloah ng kaibigan bukod sa akin. Paano kapag wala na ako? Ano'ng mangyayari sa kanya?

Tinignan ko si Tobi. Nakakunot ang noo niya pero alam ko na alam niya kung ano ang ginagawa ko.

He scoffed and then began walking. Nakasunod kami sa kanya hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang Range Rover. Binuksan niya iyon tapos nilagay niya sa backseat 'yung isang box. Hindi ko alam kung bakit ang daming papel ni Shiloah. Ano ba'ng gagawin niya rito?

Pumasok na si Tobi sa driver's seat. Wala 'yung driver niya ngayon, ah. Papasok na rin saka ako sa likod nung kunutan niya ako ng noo.

"Ano ko? Driver niyo?" he said. Naningkit lalo 'yung mata niya. Napailing na lang ako at saka umupo sa shotgun. Nagsimula ng magdrive si Tobi. Tahimik kaming tatlo. Grabe, sobrang awkward nilang dalawa.

"Malapit na 'yung mag-Pasko," I said.

"Walang nagtatanong," sabi ni Tobi. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang sama ng ugali mo, alam mo 'yun?"

"Kailan ba ako naging mabait sa 'yo?" he countered.

Nag-aaway lang kami ni Tobi nung mapansin ko si Shiloah mula sa rearview. He looked sad. Pagbaba namin, I asked him.

"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik sa byahe."

He smiled. A little.

"Oo naman. Friends lang naman tayo, 'di ba?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
1M 28.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
915K 99K 33
A trap that I never thought I'd ask an escape... Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
320K 9.5K 5
Ever been in a room full of cute heartthrobs? Asia believes she's too cool to drool over the guys in the fair, being a confident fashion blogger and...