Heart Won't Forget (Landegre...

By Ellexir

67.6K 720 47

Mnemosyne Escobar never wanted complications. She just wants a simple and peaceful life. Having a loving fami... More

Heart Won't Forget
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6

Kabanata 5

2.2K 74 1
By Ellexir

Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Snyle sa unibersidad. Lumalayo nga ako sa kanya dahil ayokong may makita sa amin na magkasama, pero ang makulit na lalaki ay panay ang sunod sa akin. Hindi ko na lang siya pinapansin at nauunang maglakad para kunwari ay hindi kami magkasabay.

Kaso nang patungo na ako sa aking classroom, nakasunod pa rin siya. Kaya naman hindi ko na naiwasan na magsalita. Pinagtitinginan na rin kasi kami. Some of the students are even asking where Snyle is going. And this jerk will answer by pointing his finger at me.

"Dito ba classroom mo at nakasunod ka pa rin sa akin? Pumunta ka na sa klase mo o kung saan ka man tumatambay!" taboy ko sa kanya.

"I'll take you to your class," he said.

"Hindi ako kinder para ihatid mo pa! Umalis ka na!" sabi ko at nagmadali na sa paglalakad.

But I halted in my steps when I saw Griffin walking in front of me. Bagong ligo, at mabangong-mabango!

"Good morning," he greeted with a small smile.

Medyo napalingon pa nga ako sa aking likuran para malaman kung ako ba ang binabati niya. But only Snyle is behind me. And I'm sure he won't greet him a good morning. So, it's for me! Yes! It's for me!

"Good morning!" masaya kong bati pabalik.

He nodded then his eyes drifted behind me and his small smile faded. Napatingin din tuloy ako sa likuran ko at nakita si Snyle na may nakakalokong ngisi. Ano na naman kaya ang nginingisi-ngisi nitong lokong 'to?!

"Why did you stopped walking, Mnemosyne? Keep walking. You're going to be late," sabi ni Snyle.

Gusto kong sabihin na wala siyang pakialam kung ma-late ako. Nasa harapan ko iyong isa sa inspirasyon ko! Pero hindi nga naman tama na ma-late ako. Atsaka hindi naman din ako nali-late.

Griffin looked at me. "Go to your class," then he looked at Snyle again. "You too. Why are you even here? As far as I know, this is not your department."

"Oh? Is there a rule that prohibits a non-hospitaly students from coming here? I didn't know. I'm not inform," Snyle shrugged nonchalantly.

"Uh, papasok na ako," singit ko na para hindi na lumala pa ang away nang dalawa.

Nilagpasan na kami ni Griffin. Nilingon ko siya at saglit na pinanood habang naglalakad palayo bago nagpasyang magtungo na sa aking classroom.

"Napakaganda ng umaga ko!" kinikilig kong sinabi.

"Is it because of me?"

"Hindi, 'no! Sira nga dahil sa iyo eh! Pero dahil nakita ko si Griffin at binati ako, nabuo at gumanda!" malaki akong ngumiti.

"Tss."

Sinipat ko si Snyle. "Bakit ba nandito ka pa? Pumunta ka na nga sa klase mo!"

Suplado lang siyang nag-iwas sa akin ng tingin at hindi kumibo. Aba!

Hinayaan ko na lang siya at nagmadali sa paglalakad. I'm excited to tell the twins about our interaction. May progress na sa aming relationship! Napapansin na niya ako ngayon! Hindi kagaya noon na invisible ako!

Pumasok na ako sa aming classroom. Nagdiretso naman si Snyle paalis. Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin bago nilibot ang mga mata sa loob ng classroom para hanapin iyong kambal. But they beat me to it.

"Ano itong kumakalat na sabay raw kayong pumasok ni Snyle?!" salubong ni Milly sa akin.

"How's your sleep knowing there was a handsome guy in your house?" Mally said while smirking. I arched a brow. "Memo texted me. Bumibilis ang ship ko ah!"

"Malandi ka! Hindi mo na ba crush si Griffin?!" sabi ni Milly.

"Si Griffin lang ang gusto ko. Hindi na iyon magbabago!"

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kahapon. Lahat-lahat. Pati iyong ginawa ni Snyle nang kumidlat. Wala naman itong malisya sa akin kaya hindi ko na rin tinago pa sa kanila. Nagmagandang loob lang din iyong tao.

"Nice move from Snyle!" nag-thumbs up si Mally.

"Ang laking improvement na ng sa inyo ni Griffin ah! Naku, Mosyn, baka sa susunod ayain ka na makipag-date nyan!" sabi ni Milly. Kinikilig akong ngumiti.

"It is only natural for a president to greet its people. He greets not only Mosyn but many other students too. Kaya huwag kang umasa agad diyan," sabi ni Mally.

Hinila ako ni Milly palayo sa kanyang kakambal. "If he asks you out, just tell me immediately, okay? Aayusan kita ng bonggang-bongga! Tapos i-kiss mo na rin agad kung may pagkakataon ka, ah?!"

"Baliw ka ba?! Baka isipin no'n, ang easy to get kong babae!"

"Edi kung siya ang mag-initiate ng kiss, huwag mong tanggihan!"

Dumating na ang prof namin kaya natigil na kami ni Milly sa pag-uusap. Kasabayan din niya dumating sina Divine at Sunshine na may sinisenyas sa akin na hindi ko naman maintindihan. Nag-focus na lang muna ako sa pag-aaral dahil maganda rin ang mood ko! Nakakagana na nga mag-aral kapag nakita mo ang crush mo, lalo na kapag binati ka pa!

"Sis, kumakalat sa buong unibersidad iyong pagsasabay niyo raw ni Snyle pumasok. May mga nakakita rin na hinatid ka pa sa classroom natin! Dami tuloy nagtatanong sa akin kung nililigawan ka raw ba!" sabi ni Divine nang break time namin.

Nandito ulit kami sa pwesto namin nina Mally. Sumama sina Divine sa amin dahil gusto rin maki-chismis tungkol sa kumakalat na balita sa amin ni Snyle. Ang kulit kasi ng lalaking iyon! Sabing huwag na ako ihatid! Ayan tuloy nachi-chismis pa kaming dalawa!

"Dapat sinabi mo hindi. Nagkataon lang na nagkasabay kami. Baka mamaya, sugurin ako ng girlfriend no'n at mga babae. Ayoko ng gulo!"

"Pero magkasabay nga kayo?" usisa ni Sunshine.

"Yes! Snyle even slept in their house last night!" bunyag ni Mally. And then she tell them everything.

Panay ang kontra ko sa iba niyang sinasabi. Nilalagyan niya kasi ng malisya ang bawat kwento niya. At kung may malisya nga iyon, wala akong pakialam. Babaero si Snyle. Hindi ako dadagdag sa mga babae niya.

"Pagbati lang sa iyo ni Griffin, nilagyan mo na ng malisya, pero paghahatid ni Snyle sa iyo pauwi, na hindi na inintindi ang trabaho niya, hindi?!" sabi ni Mally sa akin.

"Dahil babaero siya! Alam kong ginagawa niya rin iyon sa mga babae niya!" kontra ko.

"Hmm, I've never heard about Snyle bringing a girl to her house. Dahil nga nagtatrabaho siya, umuuwi rin siya agad," sabi ni Divine.

"See?" Mally smirked confidently.

Sumimangot ako at hindi na lang sila pinansin. Pero natahimik sila sa pag-uusap nang may tatlong babae na lumapit sa amin. Namukhaan ko sila dahil sikat silang mga cheerleader dito.

"Sino si Mnemosyne Escobar sa inyo?" tanong ng mahaba ang buhok sa kanila. The girl with the bangs pointed her finger at me.

"Ang pangit naman pala! Malabong pormahan iyan ni Snyle!" sabi nang maikli ang buhok sa kanila.

"Anong problema niyo mga ate?" mataray na tanong ni Milly.

"Hindi iyan papatulan ni Snyle! May ibang dahilan siguro kung bakit sila magkasabay ni Snyle sa pagpasok at paghatid sa kanya," sabi ulit nang may maikling buhok.

"Aba't, kung may problema ka, doon tayo sa labas! Aabangan kita, ano?!"

"Catfights are only for the low class," said the girl with the bangs.

"Wow. Tingin mo iyang pagsugod niyo ngayon kay Mosyn para lang laitin siya hindi pagiging low class?" sabi ni Sunshine.

Natahimik iyong tatlo. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Naisip ko na ito eh. Sa dami ng babae ni Snyle rito, may susugod talaga sa akin kapag nadikit lang ako kay Snyle. Ito rin ang iniiwasan ko dahil hindi naman ako nakikipag-away. Magagalit si Mama sa akin kapag nakipag-away ako. Ayoko rin siya bigyan ng sakit ng ulo. Tama ng ako lang.

"What's happening here?"

Sabay-sabay naming nilingon iyong dumating. And we all froze when we saw who is it. But a smile broke out into my face when our eyes met. Pero kung si Griffin naman ang dahilan para masugod ako ng mga babaeng estudyante rito, ayos lang! Because he's worth it!

"Nothing, Mr. President! Let's go!" at umalis na iyong tatlong babae.

Milly and Mally scoffed. Sina Sunshine naman ay nakatingin sa tatlong babae na umalis. Habang ako ay nakatingin kay Griffin, admiring him.

"What happened?" tanong nito at tumingin sa akin.

Napaayos naman ako ng upo. "Ah, ano."

"Mga may gusto kay Snyle. Nilait si Mosyn," si Milly ang sumagot para sa akin.

Griffin shook his head. "He's nothing but a troublemaker."

"Ganyan talaga kapag gwapo. Agawin ng mga babae," sabi ni Mally.

Griffin scoffed. "It's because he's a playboy."

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Griffin. Babaero nga naman ang pinsan niya. Porket gwapo ay ginagamit na ang itsura para mambabae.

"He's not like you, no, Mr. President?" Milly giggled.

"I'm not a playboy," sagot ni Griffin.

Napangiti ako habang tumango-tango. Sang-ayon na sang-ayon sa sinabi niya. That's why he's an ideal man. Achiever, handsome, kind and not a playboy.

"Well, Snyle is more handsome than you," Mally whispered but I heard it.

Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa. Nag-make face lang siya sa akin habang bumubulong ng totoo naman daw. Oo totoo. Pero roon lang naman lamang si Snyle! Sa itsura! Sa ibang bagay, mas lamang na lamang si Griffin!

"Can I sit beside you?"

Napakurap-kurap ako habang nakatingin kay Griffin. "S-sure!"

Katabi ko sa kaliwa si Mally kaya umupo sa kanan ko si Griffin. My eyes caught Helena looking at us four table away from us. What happened? Why is she alone? Did they fought? The reason why Griffin is with us?

Hayaan na! Wala na akong pakialam doon! Basta katabi ko si Griffin ngayon, iyon lang ang mahalaga! Hindi ko na tatanungin kung bakit siya naki-upo rito sa aming lamesa!

Tahimik ang lahat maliban kay Milly na puro tanong kay Griffin. Minsan ay palihim ko na lang siyang sinasaway dahil panay ang tanong niya kay Griffin. Napaka-feeling close niya! Mamaya mairita pa si Griffin dahil sa pagtatanong niya!

"May naging girlfriend ka na ba?"

Natigilan ako sa tanong na iyon ni Milly. Ang alam ko, wala pa naman siya nagiging girlfriend. Dahil nga may gusto siya kay Helena. At itong si Helena naman ay may gusto kay Snyle.

"Wala pa."

"Oh, bakit naman?"

Iibahin ko na sana ang usapan dahil ayokong marinig na dahil kay Helena, dahil hinihintay niya ito kaya hindi pa siya naggi-girlfriend nang may nauna ng magsalita sa akin.

"Hello, girls."

"Hi, Snyle!" Mally said enthusiastically.

Nagtama ang paningin namin ni Snyle. Sumimangot ako. Ngumisi naman siya sa akin. Ano naman kaya ang kailangan ng mokong na ito?

"Why are you here?" matigas na tanong ni Griffin.

Hindi siya pinansin ni Snyle dahil nanatili ang tingin nito sa akin habang may nakakalokong ngisi sa mukha. Inirap-irapan ko siya dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

"Snyle! Alam mo bang may sumugod dito kay Mosyn na tatlong babae dahil sa iyo? Alam namin na ang gwapo-gwapo mo kasi kaya ganoon, pero hindi pa rin iyon tama dahil wala naman ginagawa si Mosyn sa kanila para laitin nila!" sabi ni Milly.

Doon nawala ang tingin niya sa akin dahil nagawi ang tingin niya kay Milly. Nawala ang ngisi sa mukha at napalitan ng pagkaseryoso.

"Who?" Snyle asked.

"It's your girls," sabi ni Griffin. "Tigilan mo na ang pagiging babaero mo. Ang daming nabu-bully na babae dahil sa iyo."

Maliit akong tumango. Tama si Griffin! Hindi na bago ang mga babaeng sumusugod dahil sa isang lalaki rito. Ewan ko ba kung bakit sila gano'n. It's never the girl's fault if your crush or idol likes her. It's not her fault if she's not in your league or if she's not pleasing to look at. Hindi niya kasalanan kung bakit siya ang gusto at hindi ikaw. Kaya wala kang karapatan na laitin at awayin siya.

But if you're in a relationship with him and he flirted with her, ibang usapan na iyan. Maaaring may kasalanan din ang babae dahil pumatol siya sa may girlfriend na, pero mas sisihin dapat ang lalaki. Dahil siya ang lumandi. Siya ang pinili na magloko.

I maybe have grudges with the mistress of my father, dahil pumatol pa sila sa taong may asawa na, but I hate my father more. Dahil kahit landiin siya nang babae, hinding-hindi siya papatol kung matino siyang tao. Eh kaso hindi siya matino. Hindi na nga naging mabuting ama, hindi pa naging mabuting asawa.

Tumaas ang isang kilay sa akin ni Snyle before he turned to Griffin and narrowed his eyes at him.

"I don't have girls."

Inirapan ko siya. Yeah right. Hindi ko alam kung bakit niya pa tinatanggi eh kitang-kita naman na marami siyang babae. Iba't-ibang babae kaya ang kasama niya araw-araw.

"Mga cheerleader iyong sumugod kay Mosyn, Snyle," sabi ni Divine.

"It's Yana. Your girlfriend," sabi ni Griffin.

"She's an ex," sabi ni Snyle. Inirapan ko ulit siya. Nakita iyon ni Snyle kaya sumilay ang maliit na ngisi sa labi niya. "I'll talk to them, Mnemosyne. I'm sorry for that."

"Kaya pala. Ex pala eh. Alam mo naman ang mga ex, kapag hindi pa nakaka-move on, papansin lagi sa mga bagong girlfriend ng ex nila," sabi ni Sunshine.

"Hindi naman niya ako girlfriend!" agap ko.

"Can you be my girlfriend, then?" Snyle said.

Sabay-sabay na naubo sina Milly, Divine at Sunshine. Masaya naman na tumawa si Mally. Habang ako ay sinamaan ng tingin si Snyle. I saw Griffin closing his lips tightly.

"Ayaw kita maging boyfriend!" sabi ko.

Bwiset na lalaking ito! Kaya pala pumunta rito para mang-trip na naman! Kung malapit lang siya sa akin, baka nahampas ko na siya.

Snyle touched his chest, feigning hurt. "You hurt me, Mnemosyne."

"Lapit ka rito," sumenyas ako na lumapit. Agad naman siyang sumunod. Nang abot kamay ko na siya ay 'tsaka ko siya hinampas sa kanyang braso. "Maghanap ka roon ng ibang pagti-trip-an mong bwiset ka!"

Snyle laughed then smirked playfully. "If you want to touch my arm, you can just ask. Basta ikaw, papayag akong hawakan mo ang buong katawan ko. Hindi ako papalag."

Hinampas ko ulit siya. Tumawa lang siya kaya pinaghahampas ko ulit siya. Hinuli niya ang isang kamay ko at pinatong niya iyon sa kanyang braso at tumawa. Pinanlakihan ko naman siya ng mata at hinila iyong kamay ko habang iyong isang kamay ko naman ang ginamit ko panghampas ulit sa kanya.

"Bitawan mo ako!"

"Don't wanna."

Hinampas ko lang siya. Hindi naman siya natinag at tumatawa pa.

"Bitaw!"

Natigil kaming dalawa noong biglang tumayo si Griffin. Agad naman akong umayos ng upo at tumingin kay Griffin. Masama ang tingin niya kay Snyle.

Ayokong isipin na nagseselos siya sa amin ni Snyle, kasi napakalaking assumera ko naman kapag ganoon. Atsaka wala naman dapat ikaselos. Hindi ko naman gusto ang pinsan niya.

"Umalis ka na rito, Snyle," mariin nitong sinabi.

"Go to Helena, Griffin. She's alone and lonely there," Snyle turn to where Helena is.

Nakita ko ang pag-ayos ng upo ni Helena noong lumingon sa kanya si Snyle. Nakatingin din kasi ito sa kanya. Napansin ko rin ang mabilisan na paglingon ni Griffin doon. Kumunot ang noo niya at napatingin saglit sa ibaba, bago naglakad at pumunta kung nasaan si Helena.

See? He loves Helena. I know that. We all know that. But why am I still hurting a bit? Kahit pa tinanggap ko na nang una na hanggang pangarap lang siya? Dahil ba umasa agad ako sa mga pagbati niya lang sa akin?!

Stupid heart. Getting her hopes up just because he greet her. Now, you're aching. Deserve mo iyan. Masyado ka kasing assumera.

Bumuntong hininga ako. Napatingin ulit ako kay Snyle nang hinawakan niya ang kamay ko. Babawiin ko na sana nang maramdaman ko ang malamig na bagay na nilagay niya sa aking palad.

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. Tinignan ko iyon at nakita ang isang keychain na half moon. Transparent ito. Sa loob nito ay ang isang sunset. Agad akong namangha dahil sa design nito. Ang galing! Ang ganda! Hindi siya kalakihan. Kasing laki lang siguro ng isang hintuturo.

"Ano 'to?"

"Keychain, Mnemosyne," sagot ni Snyle.

Inirapan ko siya. "Saan galing 'to? Bakit mo ako binibigyan? Hindi ko pa naman birthday ah."

Maliit akong nangiti habang pinagmamasdan iyong keychain. I love moon. Well, who wouldn't? I think majority of the people likes the moon because of its majestic appearance.

My father likes the moon and sunsets too. It is because of him that I got to like it too. Because I like the stars and sunrise more. Maraming bagay ang nagustuhan ko noon dahil gusto ito ng ama ko. When he cheated on my mother, I dislike the things he likes. Ang buwan lang ang hindi ko inayawan dahil talagang nagustuhan ko ito.

"Just saw it and I think of you."

Nagmadali sa pagpunta sa akin si Milly. Agad niyang hinablot sa kamay ko iyong keychain at tinignan. Nanlalaki pa ang mga mata niya na parang kwago habang sinusuri iyong keychain.

"No way!" malakas na sinabi ni Milly. Hinampas siya ni Mally dahil doon. "Ano ba?!" angil niya sa kanyang kambal. Lumapit siya sa akin at bumulong. "Mamahalin 'tong keychain na 'to!"

Wala akong alam sa mga accessories o brand nito kaya hindi ko alam kung mamahalin ba ang binigay ni Snyle sa akin. Pero dahil sinabi ni Milly na mamahalin ito, bakit naman siya magbibigay nito sa akin?

"Para saan nga 'to?!" pangungulit ko kay Snyle. "Ano kailangan mo ha? Ano kapalit nito?!"

Mula ulo hanggang pababa ay tinignan niya ako pabalik sa mga mata ko at ngumisi. Hinampas ko siya ulit at pinanlakihan ng mata. Natawa siya.

"Never!" pagalit kong sinabi.

He chuckled. "What were you thinking, Mnemosyne? You really have a dirty mind."

Ako pa ngayon eh iyong tingin niya ay alam na ang kahulugan?!

"I will never do that to you."

Inirapan ko siya. I know, alright. Alam ko naman na flat ang lahat sa akin kaya hindi siya magnanasa. Iyong mga naging ex niya rito sa unibersidad ay puro sexy. Compared to mine. A walking chopping board.

"Hindi ka matutumbasan ng isang keychain lang."

I just made a face. I noticed na kinikilig sina Divine at Sunshine kay Snyle. Napaingos ako. Alam na alam talaga nitong ugok na 'to kung paano kunin loob ng mga babae eh. Pero sorry siya, I'll never be one of his victims.

"Do you like Mosyn, Snyle?" tanong ni Mally.

"I like her."

Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko ng umirap ngayong araw. Hindi na ako magtataka kung maging crossed eyed na ako.

"Weh? Totoo?" hindi makapaniwalang sinabi ni Milly. "Paanong gusto? Anong nagustuhan mo kay Mosyn? Si Mosyn talaga? At gusto?!"

"Parang may pinapahiwatig ka, ah?" singit ko.

"Oo matalino si Mosyn. Pero ayon lang ang maganda sa kanya. Sa ugali? Hindi siya mabait. Sa itsura? Mukha naman siyang babae," binatukan ko siya dahil doon. Humagikhik siya. "But seriously, Snyle! Are you serious? Did you genuinely like her?" unti-unting sumeryoso ang mukha ni Milly. Nagmumukha talaga siyang matino kapag nagse-seryoso siya.

"Yes," Snyle said seriously.

Mas lalong kinilig iyong dalawa, Divine at Sunshine. Si Mally naman ay may malaking ngiti na akala mo ay nanalo ng million sa lotto. Si Milly ay seryoso lang ang tingin kay Snyle kaya naman tinapik ko siya.

She shrugged. "I'm still rooting for Griffin."

Naagaw ang atensyon ni Snyle dahil sa sinabi ni Milly. Binaling nito ang buong atensyon sa kanya. Ang mga itim na itim na mga mata ay punong-puno ng kuryosidad.

"You like my cousin for Mnemosyne?" tanong ni Snyle na tinanguan ni Milly habang nakangisi. Dismayado siyang umiling. "I don't like her for him."

"Aba, bakit?!" angal ko.

Kahit na ayaw ko rito kay Snyle dahil babaero, gusto ko pa rin magustuhan niya para roon sa pinsan niya. Iyon lang ang tanging dahilan para magustuhan siya! At saka, hello? Sino ba hindi gugustuhin na magustuhan ng pamilya ng taong gusto mo?

Pero tama lang din na hindi ako magustuhan ni Snyle para sa pinsan niya. Sino ba naman ako, hindi ba? Simpleng babae lang! Grades lang ang kayang ipagmalaki dahil maliit na ang lahat sa akin.

"You're too good for him," he shrugged. Huh? Baliktad ah! Siya nga iyong too good for me eh. "Besides, he's in love with Helena."

"Alam ko," umirap ulit ako.

"Wala kang pag-asa," he smiled.

"Hindi ako umaasa, 'no! Umalis ka na nga rito!" taboy ko. I got irrated because it feels like he's mocking me, and with that smile too. Tapos sinabi pa talaga sa Tagalog! Damang-dama ko tuloy!

He laughed. "But you got a chance with me."

"Asa! Wala ka rin pag-asa sa akin! Umalis ka na rito!"

"Bakit ba pinapaalis mo si Snyle, Mosyn? Kinikilig ka ba sa mga banat niya?" gumatong pa si Mally.

"Pwede ba, hindi ko gusto si Snyle! At never ko siya magugustuhan!" tinignan ko si Snyle ng masama. Naabutan ko siyang blanko ang ekspresyon.

Continue Reading

You'll Also Like

34K 1.6K 21
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
847K 39.2K 31
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1M 32.2K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...