Married to a Stranger [R-18]...

De PsychedelicDistress

1.4M 33.7K 2.7K

HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a drea... Mais

Published By Bookware Corporation
Synopsis
1 Estranghero
2 Casper
3 Tinig
4 Pagbasa ng Isip
5 Lunas
6 Kayabangan
7 Tindahan ni Aling Nena
8 Paghalik
9 Rebelasyon
10 Transpormasyon
11 Pagkabunyag
12 Dominic
13 Vernice
14 Magkapatid
15 Inosente
16 Impakta
17 Balloons
18 Hinala
19 Salpukan
20 Althea
21 Chenesan
23 Missing Bride
24 Panaginip
25 Kasalan
26 Face Swap
27 Pagpapanggap
28 Muling Pagkikita
29 Warmth
30 Ending (Promises)

22 The Man In Her Nightmares

27K 728 41
De PsychedelicDistress

22

The Man In Her Nightmares

(Rica's POV) MARAMI ANG NAGSIDALO sa engagement party nila Dominic at Vernice. Masquerade ang tema ng kanilang kasuotan kaya halos lahat ng tao rito ay masasabi mong naka-costume. Kasama ko si Casper sa gitna ng dance floor, magkasayaw kami nito sa saliw ng matamis na musikang nililikha ng orchestra sa paligid. Masaya ako sa mga kamay nito. Pakiramdam ko nga ay matutunaw ako sa mga titig nitong puno ng pagmamahal, nanlalambot din ako sa mga paghawak niya. Last night was wonderful, hindi niya ako pinabayaan. At alam kong aalagaan niya ako panghabang buhay.

Nasa tabi namin sila Vernice at Dominic. Nagsasayaw din ang mga ito. They both look so happy. Mukhang magiging masayang mag-asawa sila balang-araw. Natutuwa ako para kay Dominic. Sabi kasi nila, matagal na nitong nililigawan si Vernice sa loob ng maraming taon. Sa wakas nakuha na rin niya ang gusto niya. Alam ko namang mabait si Dominic dahil nakikita ko 'yon sa mga ikinikilos niya.

Nang matapos ang tugtog ay saglit muna akong nagpaalam kay Casper para umupo at magpahinga. Sina Vernice at Dominic naman ay saglit na naghiwalay para batiin ang ilan nilang bisita. Naaliw ako habang pinapanuod ko si Vernice. Nakakatuwa ang suot niyang gothic corset dress, magandang ngiti rin ang ibinibigay niya sa mga bisita. Mukhang talagang napakasaya niya.

"Rica," untag sa akin ni Casper.

Nakangiting hinarap ko ito."Bakit?"

"Halika, ipapakilala kita sa ibang bisita."

Inilahad nito ang kaniyang kamay sa akin para alalayan akong tumayo. Hinila ako ni Casper palapit sa grupo ng mga sosyalerang bampira saka niya ako ipinakilala. Ipinakilala ako ni Casper sa mga ito bilang kaniyang asawa. Nag-init ang mga pisngi ko sa ginagawa nitong pagpapakilala sa akin. I felt shy, yet kinikilig din ako at the same time. Shet malande.

May mga kaklase rin akong imbitado. Wala naman akong kalapit sa mga ito, mukhang ayaw pa rin nila sa akin dahil ni isa sa nga ito ay walang nagtangkang lumapit sa akin. Hindi pa rin nila ako tanggap. Si Brian na nasa harap ko ay napakamot pa sa kaniyang ilong nang iharap ako sa kaniya ni Casper. Binigyan ako nito ng tingin na nangungutiya, pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin 'yon. Dapat ay nagsasaya ako at hindi nagpapaapekto sa kanila. Haters, inggit lang sila. Hehe.

Tumakbo palapit si Vernice kay Brian saka niya ito niyakap mula sa likuran. "Hoy, hindi mo pa ako binabati!" ani Vernice kay Brian.

Brian laughed. "Hey there future queen!" Niyakap ni Brian si Vernice saka niya ito binuhat papunta sa dancefloor. They danced together.

Close talaga si Vernice sa mga kalahi niyang demonyo ano? Ipinakilala pa ako ni Casper sa mga iba pang bisita. Karamihan pala ng mga bisita namin ay mga mayayaman, 'yong may kabog pagdating sa usaping pera. Nakasalubong namin sina Leight at Mikeinel. Guwapong-guwapo ang dalawa sa mga suot nilang amerikana.

"Rica, let's dance?" ani Mikeinel.

Saglit akong nagpaalam kay Casper para makipagsayaw kay Mikeinel. Pinayagan naman ako ni Casper. Hindi naman pala ito gan'on kaseloso katulad ni Dominic. Mabilis naman akong kinaladkad ni Mikeinel papunta sa dance floor. As in kaladkad talaga kaya ilang beses akong muntikang masubsob dahil sa suot kong high heels. Nakakaaliw na kasayaw si Mikeinel. Akala ko Waltz ang peg ng isasayaw namin kaya laking gulat ko nang biglang maging Tango ang steps ng sayaw naming. Tawang-tawa nga ako sa bigla nitong paglingon sa gilid. Feel na feel kasi, mukhang engot.

Pinagpapawisan na kami ni Mikeinel sa mabibilis na steps na ginagawa namin. Sumasakit na rin ang batok ko dahil sa mga biglaang paglingon na ginagawa ko. Pakiramdam ko rin ay ang sakit sakit na ng panga ko dahil sa kakatawa. Feeling ko nga hindi ko na kayang isara ang bibig ko dahil nganga ang style ng tawa ko. As in nganga. Hindi kasi marunong magsayaw si Mikeinel at ilang beses na rin nitong natapakan ang paa ko kaya talagang tawang-tawa ako sa katangahan nito.

"Tama na! Pagod na ako!" natatawang sabi ko kay Mikeinel.

"Okay, okay," nakangiti namang tugon ni Mikeinel.

Naantala ang tawanan namin ni Mikeinel nang lapitan kami ni Vernice. "Have you seen Dmitri?" tanong nito sa amin. Sabay kaming napailing ni Mikeinel. "Samahan mo ako," ani Vernice na biglang humawak sa braso ko. Hinila na ako nito kaya bago pa man makalayo ay binigyan ko na ng nagtatakang tingin si Mikeinel. Hindi kaya nagkamali itong babae na ito ng hinila? Duh, hindi kaya kami close.

Magkasama naming hinanap si Dominic sa gitna ng mga bisita. Ipinagtanong din namin kung nasaan ito pero hindi rin daw alam ng mga tao sa paligid. Bakit ba bigla na lang nawala ang mokong na 'yon? At ito namang si Vernice bigla na lang hinahanap si Dominic. Bakit hindi na lang kaya siya itext ni Vernice. Pero sabagay, parehas naman silang bampira. Puwedeng mag-amuyan na lang sila 'di ba?

"Vernice, bakit hindi mo na lang kaya siya tanungin sa isip mo?"

"Tanga ka, wala kaya akong powers na gan'on."

"Hindi mo pa rin ba alam kung ano ang kapangyarihan mo?"

"Obviously," maikling tugon nito. Halatang ayaw makipag-usap. nito "Punyetang Dominic na 'yon saan ba nagpunta?!"

Pababa na kami ng hagdan ni Vernice patungo sa lower floor nang bigla itong huminto sa paglalakad. Nauuna itong naglalakad kaysa akin kaya hindi ko alam kung ano ang nakita nito. Then she came rushing back. Mabilis itong naglakad muli paakyat sa hagdan. I was curious, kaya bumaba rin ako para tingnan kung ano ang nakita nito. I saw Dominic kissing another woman hungrily. Shemay!

Mabilis akong bumalik sa taas para hanapin si Vernice. Hinanap ko ito pero hindi ko matagpuan. Nahanap ko lang ito nang magpunta ako sa girl's comfort room. Natagpuan ko itong marahas na tinatanggal ang mga nakakabit na pin sa buhok niya. Marahas nitong ihinahagis ang mga 'yon sa trash can. Wala ring humpay ang pagmumurang ginagawa nito.

I thought she was crying but she was not. Matapang na humarap pa nga ito sa akin. Hindi ito umiiyak pero halatang nalulungkot ito dahil sa nakita niya. Nilapitan ko ito saka ko hinagod ang likod nito. "Vernice okay ka lang?"

"'Wag mo ngang hagurin ang likod ko dahil nakikilita ako!" sikmat nito. Hinablot nito ang poster na nakasabit sa wall. "Paypayan mo ako habang nagmomomnent ako," utos nito. Umupo ito sa bowl. Sinundan ko naman ito at pinaypayan. Tahimik lang si Vernice sa loob ng ilang minuto. Mayamaya ay nagsimula na naman itong magmura. "'Tang-ina ng gagong Dmitri na 'yon. Puro kasi kalibugan si gago, kung kaya ko lang putulin ang titi n'ong hayop na 'yon eh. Matagal ko na sanang ginawa."

"Shhh, 'wag ka nang magmura. Tara na lang ulit sa dance floor. Maghappy happy ka na lang d'on kasama n'ong kaibigan mong si Brian."

"Fine."

Tumayo si Vernice. Messy na ang buhok nito dahil binaklas niya ang ayos ng buhok niya kanina. Her wavy long red hair is falling freely behind her back. Again, she looked very seductive. Nang sabihin kong maghappy happy siya ay pakikihalubilo sa mga kaibigan niya ang tinutukoy ko. Pero sa halip na 'yon ang gawin niya ay pag-inom ng alak ang inatupag nito. Tambay ito sa buffet at suki naman siya ng fountain punch ba 'yon? Hindi lang basta inom ang ginagawa nito kundi laklak. Laklak to the max. Hindi pa ito nakuntento kaya pati ang bote ng wine ay sinolo niya.

"Vernice tama na nga 'yan," awat ko rito. Sinubukan kong agawin ang hawak nitong bote pero inilayo nito sa akin ang kamay niya. Napalingon ito sa dance floor at bigla itong natigilan.

(Vernice's POV) NAPATDA ANG TINGIN ko sa lalaking nasa gitna ng dance floor. He was looking straight at me. The beautiful monster in my nightmares. Wala sa sariling nabitawan ko ang bote ng alak na hawak ko. The wine bottle crashed when it hit the floor. Tumalsik ang natitirang laman nito sa sapatos ko pati sa laylayan ng suot ko. I blinked twice, he was gone.

Napatingin ako sa nabasag na bote. "Vernice okay ka lang?" concerned na tanong ni Rica.

Tumango ako. Then I shook my head. "No, I'm not okay." Hindi na diretso ang takbo ng isip ko. Pamali-mali na rin ang pagsagot ko. I walked my way through the crowd to look for the man in my dreams. But he was not there. Imahinasyon ko lang siguro dahil sa sobrang dami ng nainom ko. Nagtungo ako sa exit at sinundan naman ako ni Rica. "Get lost. And don't follow me."

"Saan ka ba pupunta?"

"Magpapahangin lang ako," sagot ko. "Please, gusto kong mapag-isa."

Tumango si Rica kaya lumabas na ako at nagtungo sa garden. I sat on the bench and looked up to the sky. The stars are shining bright. Bilog na bilog din ang buwan at tila ba napakalapit lang nito sa akin dahil ang laki nito. It was beautiful. I saw Dmitri cheating on me. And hell, he cheated on during our engagement party. Sino ba naman ang hindi malulungkot at maiinis. Again, I felt my chest getting tighter. I can't breathe. I want to cry but I don't want to waste my tears over him.

Umihip ang malamig na hangin. The cold wind stayed on my bare shoulders, I like the feeling because it was relaxing. Suddenly, the man from my nightmares appeared in front of me. I wasn't scared. Masayado na akong nalulungkot para makaramdam pa ng takot. Nakasuot ito ng amerikana at natatakpan ang mukha nito ng maskara. Half of his face is covered but still, he looked stunningly gorgeous.

He offered me his hand. Hindi ako nagdalawang isip nang tanggapin ko ang kamay nito. He brought me to the center of the garden then he held me by the waist. Never in my life I had danced with a man. Kahit si Dmitri ay hindi pa ako naisasayaw. I never liked to dance like this but even though this man is a monster from my dream, I gave him my first dance.

Mula sa kung saan ay nakarinig na lang ako ng musika. Sinumulan na akong isayaw ng lalaki. While dancing, all I did was to stare at his gray dull eyes. He has the most beautiful eyes I've ever seen. Paborito kong kulay ang gray kaya gustong-gusto ko ang mga mata nito. Maybe I should have made him my friend, if only he wasn't torturing me on my dreams.

Huminto na ito sa paggalaw. Doon ko lang napansin na tapos na pala ang tugtog. He was holding a bouquet of dead flowers. "I personally picked these flowers for you," he said while handing me the bouquet. "You are very beautiful."

I moved my fingers to his face, then I removed his mask. His perfect eyes met mine. Napakaamo ng mukha nito, hindi mo iisipin na ito ang nagpapahirap sa aking matulog gabi-gabi. I stared at his soft pink lips. Nakakaakit din ang amoy nito. Damn, he smells so good.

He pulled me closer then his lips caught mine. His kisses were hot, his sweet lips were soft. Ipinalupot ko ang braso ko sa batok nito. Sinagot ko ang mga halik nito. I was drawn to his kisses, he's making me feel hotter. Then he pulled away. I was gasping for air but he was not. Nasa mga kamay lang ako nito hanggang sa kumalma na ang paghinga ko. His fingers ran through my hair. Matapos ay tinitigan ako nito ng matagal.

"Come with me," he said in a low voice.

I felt a chill down my spine. But even though I'm scared, I found myself nodding.

_________________________

DON'T FORGET TO VOTE 😀

Continue lendo

Você também vai gostar

13.1K 315 7
Dahil sa isang napakalaking utang ng kanyang namayapang ama dahil sa pagsusugal, wala ng ibang mapagpipilian si Yumi na lumapit sa pinagkautangan ng...
87.3K 1.2K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
431K 5.2K 38
What if paggising mo boyfriend mo na pala ang bestfriend mo?? and worst may nalaman ka pang isang sikreto niyang matagal na pala nitong itinatago... ...
8.9K 404 34
Every Flower Crown owner has its own love stories to tell. •Photo not mine