The Silent Type of Bad Girl (...

By conflictjumper

846K 18.5K 814

(EDITING) [Genre: Humor, Action, Mystery/Thriller, Teen Fiction, Romance] A badgirl that is hidding her true... More

Prologue
Chapter 1 - Just a Nobody
Chapter 2 - Badgirls in Silence
Chapter 3 - I'm Satan
Chapter 4 - First Kiss
Chapter 5 - She's Dead
Chapter 6 - Dark Junco
Chapter 7 - Silver Bracelet
Chapter 8 - Green Eyes Wolf
Chapter 9 - Secret
Chapter 10 - The Punishment
Chapter 11 - Damn you, Hiro Ashford!
Chapter 12 - Erickha's Secret
Chapter 13 - Friendship
Chapter 14 - Familiar
Chapter 15 - Field Trip
Chapter 16 - Pairing
Chapter 17 - Stranded
Chapter 18 - Black Snake Gang
Chapter 20 - Officially Back
Chapter 21 - Heartless
Chapter 22 - Convinsing Chase
Chapter 23 - Game
Chapter 24 - Rank 10
Chapter 25 - Blaze
Chapter 26 - I'm dead
Chapter 27 - Unexpected
Chapter 28 - The 2015 20th Annual Underground Battle Pt. 1
Chapter 29 - T201520thAUB
Chapter 30 - The Day After
Chapter 31 - New Trouble
Chapter 32 - Battle is not Over
Chapter 33 - Memories
Chapter 34 - Near
Chapter 35 - The Rival's Plan
Chapter 36 - Crazy
Chapter 37 - Worry
Chapter 38 - Prom Night
Chapter 39 - GW Powerful Leaders
Chapter 40 - The Past
Chapter 41 - Revelations
Chapter 42 - How?
Chapter 43 - Real Reason
Chapter 44 - Traitor Bitch
Chapter 45 - Important (Last Chapter)
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5 - A Random Letter for Castro by Javier
Special Chapter 6 (Final Special Chap)
EXTRAS

Chapter 19 - Positions

15.4K 375 13
By conflictjumper

CHAPTER 19 - POSITIONS

Chasey's POV

Pagkagising na pagkagising ko ng umaga ay agad na kong nag bihis at nag ayos ng sarili. Medyo nahihilo pa ako sa pag iisip ng mga nangyayari at mga mangyayari, pero kailangan buo ang loob ko rito. Hindi na ko kumain pa at nag iwan na lamang ako ng note sa tabi ni Ella. Balak ko na kasing umalis dito at bumalik na ng Maynila.

Marami akong kaylangan asikasuhin ngayon lalo na't napag desisyunan ko ng ibalik ang gang namin. Pinasunod ko na lang din 'yung tatlo pabalik para masabi ko na 'tong plano ko sa kanila. Mahirap na rin kasi na mag stay pa sila do'n, baka may mangyari lang sa kanila na masama. Kaibigan ko sila at ayokong mangyari 'yun.

Maingat ako na umalis ng bahay at pumunta na ng bus stop. Sobrang madali pa ako dahil may guard na bantay sa may gate, mabuti na lamang at natutulog pa ito. Suot ang makapal kong jacket ay umupo ako sa wooden bench sa may waiting shed. Nag lagay din ako ng earphones at nag patugtog habang nag aabang ng masasakyan. Medyo madilim pa sa paligid, maaga pa kasi at paunti unti pa lang ang sikat ng araw, pero sigurado naman ako na may byahe na ng ganitong oras.

Habang nag hihintay ay naramdaman ko ang sunod sunod na vibrate ng cellphone ko. I tap my phone screen and flooded of messages appeared on my notification board.

From: Ella
Okay! Hintayin mo kami dyan sa terminal.

From: Keith
Hoy babae! Umaalis ka nanaman ng walang pasabi. Langya ka talaga! Sige, hintayin mo na lang kami dyan.

From: Erickha
What's with the sudden rush Chasey? Any problem? Tungkol ba ito sa gunshot kagabi?

Tumaas bahagya ang kilay ko. So, they'd already knew about it? Siguro ay kinwento na ni Ella.

Hindi na ko sumagot pa at hinayaan na lamang ang isang bus na lumagpas sa'kin. I looked up at the sky and realize that despite of the hard rain that poured yesterday night, the moon still manage to appear to give a light in the darkness. Hindi na ito masyadong maliwanag ngayon dahil mag uumaga na but for me, it's still beautiful and shining brightly. It's rare for me to see how moon and the sun sometimes meet at the horizon. A light meeting another source of light to defeat darkness. Like hope meeting another form of hope in the middle of chaos.

Hindi ko napigilan ang pag gala ng isipan sa nangyari kagabi. Bahagya akong natulala at binaba na lamang ang tingin. Now that I finally get to decide what to do to stop this madness, I won't ever back down. Alam kong sa gagawin kong ito, mas dadami ang mag tatangka sa'kin at lalong magiging delikado ang buhay ko but I couldn't careless.

I am Chasey Andrei Armada, the leader of Badgirl's in Silence, as much as they want me completely vanished here on earth, they'll only try. They can never drag me down. I won't let them.

Mamatay na nga sila sa kakasubok sa'kin but luck has always been on my side. From the very start. I smirked.

Almost an hour passed at nakarating na rin ang mga kaibigan ko sa terminal. Mga nakataas pa ang kilay at nag tatanong ang mga mata kaya inirapan ko na lamang sila at sumakay na sa bus na sakto namang hihinto na rito. Sumunod naman sila sa'kin at nang makaupo na kami ay agad na nila kong pinutakte ng tanong.

"Chasey! Ano bang importante ang sasabihin mo at kailangan pa nating bumalik agad ng Maynila? Second day pa lang natin ngayon sa Field trip tapos babalik na agad tayo, ano ba yan!" Maktol ni Keith. Mukhang naiiyak na at busangot ang mukha sa'kin. Hindi ko naman siya pinansin at tinitigan lang kaya lalo siyang nag dabog. Nakanguso.

"Tungkol ba 'to sa nangyari kagabi? You know, I may act stupid sometimes but I know and I'm sure na hindi hindi lang aksidente iyong kagabi. It's a bullet, right? May nagtangka nanaman sa buhay mo..." Seryosong sinabi ni Ella at tamad na tumango lang ako. I then heard a curse and a loud gasped beside me.

"What?! Tangina?" Sigaw ni Keith, nanlalaki pa ang mga mata at parang nakalimutan niya na ang pinag mamaktol niya kanina.

Ang lakas ng boses niya kaya napatingin ang halos lahat ng pasahero sa pwesto namin at mukhang naguluhan. Nasapo ko ang noo ko at umiwas na lamang ng tingin. Puta, ang iingay talaga ng mga 'to! Ano bang bago sa sinabi ni Ella? Ever since naman na pumasok ako sa mundo na ito, marami na talaga ang nag tatangka sa'kin, may bago pa ba do'n?

Imbis na magulat nga ay napapagod na lang ako.

"Please, lower down your voice, Keith. Maraming tao rito." Saway ni Erickha sa mababang boses habang nakatingin ng masama kay Keith. Mukha naman itong natauhan at umayos na lamang ng upo.

"I'm sorry, okay? Nabigla lang naman ako," Depensa niya at tumingin ulit sa'kin. "So, kagabi...sa kwarto niyo pala galing 'yung nabasag na salamin? I've heard the gunshot but I thought it was just somewhere near our location, pero sa inyo nga?" Tanong nito at tumango lamang muli ako. Her lips parted again. Napakurap kurap pa siya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gulat na gulat siya.

"Oh gosh! Nakilala mo ba kung sino 'yung nag tangka ulit sa buhay mo? Member ba ng gang na kasama sa MPG o some drug addicts lang na napag tripan ka?"

I then gave her a look. Seriously, Keith? I'm starting to get annoyed with their nonsensical questions kaya bago pa rumami 'yun ay nag salita na ako.

"Dahil sa kwintas na suot niya ay nakilala ko kung saan grupo siya galing. A member of Black Snake Gang, ang grupo na natalo natin noon sa underground battle two years ago. Do you still remember them?"

"Of course, I am! Sila kaya ang nag bigay sa'kin ng scar na 'to." Sabay pakita ni Keith ng scar niya sa braso. Isang mahabang hiwa iyon mula sa kunai ni Black Phyton na hindi niya naiwasan noong nag laban sila sa underground arena noon. "I really hate them a lot. Hindi marunong tumanggap ng pag katalo ang mga bobo! Hanggang ngayon ba naman galit pa rin sila sa'tin dahil sa nangyari noon? Gosh! Uso ang mag move on ah." She snapped then rolled her eyes. Hindi naman ako umimik. I really don't think that's their reason why they are after me now. Mapag tanim sila ng inggit at galit at alam kung hindi pa nila nakakalimutan ang naging pagkatalo nila noon sa'min, pero alam ko ring hindi sila gano'n kababaw.

I chose to believe the truth that I know, they are being paid to kill me.  Someone's making them their puppet. Controlling them for their own benefits.

"Pero iyon lang ba talaga ang dahilan nila?" Si Erickha. Mukhang kanina pa malalim ang iniisip niya. "We can't conclude not unless we prove it with our own eyes. Sa ngayon kailangan lang siguro nating mag ingat. Lalo ka na Chasey," She sighed.

"What the fuck? We've always been cautious. Naiirita na nga ako sa paulit-ulit na pangyayari," Si Ella at nilingon ako. Mukhang may naalala."But hey wait, may sasabihin ka pa 'diba? Kaya mo nga kami pinasunod sa'yo rito. Ano ba iyon?"

Ngumiti naman ako at tumingin sa labas.

"Malalaman niyo rin mamaya pag dating natin sa Maynila," I murmured, nakita ko naman ang pag kunot ng mga noo nila mula sa kanilang repleksyon sa salamin. "And oh, before I forgot, better get yourselves ready dahil panigurado ay may mangyayari mamaya pagdating natin doon. A surprise comeback party perhaps?" With that, nilagay ko na muli ang earphones ko sa tenga at hindi na ako nag salita pa.

I just hope they get what I mean.

---
"Gaga ka, Chasey! Bakit hindi mo man lang sinabi na ito pala 'yung ibig sabihin ng sinabi mo kanina? God! Hindi kami prepared!" Sigaw ni Ella habang nag tatago kaming apat dito sa likod ng isang FX van.

Tama nga kasi ang naging hinala ko dahil pag baba pa lang namin kanina ay nag kagulo na agad sa terminal dahil sa maraming lalaki na pumalibot sa'min at may mga nakasuksok na baril sa tagiliran. Mga underlings sila ng Black Snake Gang, halatang mga bagong members na wala pang alam.

Inutil.

"Sinabi ko na kasi sa inyo kanina na ihanda niyo ang sarili niyo dahil nga may mangyayari. I already warned you all, kaya hindi ko na kasalanan na hindi kayo prepared ngayon." I rolled my eyes.

"Malay ba namin na ito 'yung sinasabi mong mangyayari? Jusko naman Chasey, nakakaloka ka talaga!" Si Keith at malakas na sinuntok agad sa mukha 'yung nakatunton sa'min na isang lalaki na may hawak na baril. Tulog agad 'yung lalaki dahil sa suntok niya, nabitawan nito ang baril na hawak kaya kinuha agad 'yun ni Keith at hinagis kay Erickha.

Napangisi naman si Erickha at kinasa ang baril. Agad siyang lumabas at pinag babaril sa binti 'yung mga lalaki na lalapit pa sana sa kinaroroonan namin. Erickha has always been great when it comes to guns, that's her forte. Lagi siyang asintado kung bumaril sa target niya kaya she had this codename sa grupo namin before na Silent Shooter and also the leg of the group dahil isa siya sa mga dedesisyon kung tama ba ang gagawin naming move o hindi.

"Shit! There's still a lot coming from the west. Get ready." Si Keith habang hawak ang kanyang cellphone at may pinipindot doon. Tumango naman si Erickha habang nilalapitan ang ilang lalaki at kinukuha ang mga armas nito.

Keith, on the other hand, is our Silent Locator, siya ang tiga locate ng mga gangs o tao na pinapatrabaho sa'min noon. Malaki ang tulong ng skills niya na iyon sa'min dahil mas napapabilis ang trabaho namin dahil sa kanya. Si Keith din ang tumatayong hacker sa grupo, magaling kasi siya sa hacking dahil naturuan na siya noon. Kaya niyang i-hack ang ano mang underground website na may mga security passcode o kung ano mang form ng security system for privacy. She's really that good.

"Putangina naman. Huwag mo nga higitin ang buhok ko! Bakla ka ba, ha?!" At sinapak ni Ella ang isang lalaki. Tinadyakan niya pa ito sa gitnang bahagi nito at pinukpok ng baril na hawak.

Si Ella naman ay ang Silent Messenger ng grupo. Para sa'kin ay pinaka delikado ang naging trabaho niya dahil siya ang madalas na pinapadala namin na mag espiya sa mga tao na balak kumalaban sa'min. Hindi pa naman siya pumapalpak sa trabaho niya kahit kailan dahil hobby niya talaga ang mag spy, masyado kasing curious na tao, kaya lahat gagawin niya malaman lang ang sagot sa mga katanungan niya.

"At saan ka pupunta? Tatakas ka?" Isang lalaki ang humarang sa'kin. Tumaas naman ang kilay ko at mataman silang tiningnan.

"Sa impyerno. Bakit? Sasama ka ba?" Mabilis akong kumilos at tinuhod siya sa gitna. Napaluhod naman siya sakit dahil doon kaya ko agad siyang sinipa sa mukha at kinuha ang baril na hawak niya. Pinaikot ko ito sa kamay ko habang humakbang palayo sa kanya. Namimilipit pa rin ito sa sakit dahil sa ginawa kung pag wasak sa kinabukasan niya. Bahagya akong natawa.

"Mauna ka na." Malamig na sinabi ko at agad siyang binaril. Bumaling ako sa ibang direksyon at nag lakad, hindi nag dalawang isip na taniman pa ng bala ang kung sino mang humaharang sa'kin.

And I, as the Silent Killer and the actual brain of the group. Ako 'yung pumapatay sa mabilisang paraan. Walang sabi-sabi. Basta alam kung kalaban ka at wala kang magagawang matino sa'kin ay hindi ako mag aaksaya pa ng panahon sa'yo.

Time for me was always limited. Too short to even give a fuck to everyone who doesn't even matter.

DAHIL kaunti na lang naman ang natitira sa mga lalaki ay pinauna ko na sina Ella, Keith at Erickha na umalis at pumunta na sa dati naming quarters na matatagpuan lamang sa West side ng East Gram. Naguluhan pa sila ng lapitan ko.

"Anong gagawin namin do'n?" Tanong ni Keith habang pinupunasan ang pawis niya sa noo at masamang nakatingin sa mga lalaking nakahandusay sa semento. Bumuntong hininga naman ako, napatingin sa ilang lalaki na papalapit at may dalang mga pamalo. Ilan sa kanila ay sugatan na, ang iba naman ay halata na ang takot sa mga mata.

"Hintayin niyo ko doon at may pag uusapan pa tayo," Bumaling muli ako sa kanila. "Sige na! Umalis na kayo. Ako ng bahala rito."

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Ella at binigyan ko naman siya ng tingin. Agad naman nilang naintindihan 'yun at wala ng sinabing tumakbo na lamang paalis. Akmang susundan pa sila ng ilang lalaki, noong mabilis akong nag paputok sa direksyon nila. Dinaplisan ko lamang sila sa ilang parte ng kanilang katawan para hindi na sila makagalaw pa.

Someone then punched me and twisted my hand. Nalasan ko ang dugo sa labi dahil sa suntok na iyon at nabitawan ko rin ang baril na hawak ko pero hindi ako nag patalo, binaliktad ko ang sitwasyon at ang kamay niya na ang binabali ko ngayon. Sumigaw siya sakit at pinilit na kumalas sa'kin pero agad ko na siyang naibalibag. Pagkatapos ay pinalo ko sa kanya ang hawak niya. Tulog agad ang gago.

4 down, 3 more to go.

Pinunasan ko ang labi at tumingin sa tatlo pang natitira, hindi na pamalo ang hawak nila kung hindi mga baril na. Mabilis na kinasa noong isang tanga ang baril niya at ngumisi sa'kin. "Pano ba 'yan, mukhang ito na yata ang huling sandali ng buhay mo. Huling sasabihin, Silent Killer?"

Nginitian ko naman sila at humakbang palapit. Hindi nag papakita ng kahit anong takot. Umatras naman sila.

"Ang panget niyo." Pagkasabi ko noon ay mabilis akong humugot ng tatlong throw knives sa bewang ko at binato iyon sa kanila ng sabay-sabay. Tumama iyon sa kamay ng isa, sa binti ng isa at braso ng isa. Sinanay ako mula pagka bata sa ganito kaya alam ko ang pwedeng tamaan na masasaktan sila. Pagkatapos noon ay agad akong sumugod. Una kong nilapitan ang nasa gitna at inalis ang bala sa baril niya, sa mabilis na galaw ay nadisassemble ko ang baril niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Ngumisi naman ako at agad siyang hinarang sa naramdaman kong pasugod sa'kin. Siya ang nakatanggap ng malakas na suntok.

Agad ko naman binitawan ang lalaki at mabilis na hinugot ang baril ng isa, pinaputok ko iyon sa dalawa pang natitira. Wala sa plano ko ang pumatay ng marami ngayon kaya puro sa binti at mga braso lang ang ilan sa pinatamaan ko.

Mabilis ang pag hinga ay hinawi ko ang buhok ko.

Tiningan ko lahat ng lalaking nagkalat sa paligid ko. Tinago ko ang baril at agad na umalis ng makarinig ako ng tunog mula sa mga sasakyan ng mga pulis.

To be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

19.7K 4.3K 98
First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in live #1 in Bookmark I'll carve the sec...
946K 25.1K 47
Once upon a time, there was a Heartless-Assassin who kill for hired. She killed enormous of people. She was known once as a COLD, MERCILLES, HE...
20.3M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
138K 3.5K 64
Akala ko ligtas na ako nang lumipat ako sa Monte Carlo High School. Hindi pala. NOTE: Not a paranormal story. [EDITING FOR MANUSCRIPT SUBMISSION]