Vampire City 3: Crimson Love

By Thyriza

2M 52.3K 4.4K

[Vampire City Series #3] "I am doing this because i can't bear to see them suffer." -Hunter Kang (All righ... More

Prologue
Chapter 1 - Spoiled Brat
Chapter 2 - Welcome to Vampire City
Chapter 3 - Blood Party
Chapter 4 - Little White Lie
Chapter 5 - Love Interest
Chapter 6 - Not Suit for a Princess
Chapter 7 - Apology
Chapter 8 - I'm Your Date, You're My Date
Chapter 9 - Sinister Night
Chapter 10 - Save You
Chapter 11 - I'm Your Highness
Chapter 12 - Doze of her own Medicine
Chapter 13 - REALationship
Chapter 14 - Cheater
Chapter 15 - I'll Miss you, too.
Chapter 16 - The Proxy
Chapter 17 - Carousel
Chapter 18 - Arlyanna
Chapter 19 - Separate World
FAMILY TREE
Chapter 20 - Bits of her Memory
Chapter 21- Mixed Emotions
Chapter 22 - He's Back
Chapter 23 - Only I have the Right to Kiss you
Chapter 24 - The Shaman
Chapter 25 - Time Freeze
Chapter 26 -The Ripple Effect
Chapter 27 - Revelation of Her Past
Chapter 28 - Flashback (1)
Chapter 29 - Serendipity (Flashbacks//2)
Chapter 30 - Mistake //flashback 3
EPILOGUE
Chapter 31 - Collide // Flashback 4
Chapter 32 - The True Enemy
Chapter 33- The power of Deity
Chapter 34 - Entreaty
Chapter 35 - Borrowed Time
Chapter 36 - Farewell Words
Chapter 37 - Fragments
Chapter 38 - Resemblance
Chapter 39 - Shape Shifter
Chapter 40 - Twin Sister
Chapter 41 - Remembered
Chapter 42 - Dumbfounded
Chapter 43 - Broken and Shattered
Chapter 44 - The Heart Remembers What The Mind Forgets
Chapter 45 - Engrossed
Chapter 47 - The Journal
Chapter 48 - Golden Scroll and the Orb
Chapter 49 - The Orb of Truth
Chapter 50 - Inferno
Epilogue
FAQs
SPECIAL CHAPTER

Chapter 46 - The Prophecy

24.5K 697 83
By Thyriza

Chapter 46 – The Prophecy

Seri's POV

HAWAK ko ang DTR ko pati ni Amanda. Magkasabay ko 'tong pinunch dahil ang magaling na bruha may pinuntahan na naman kaya inobliga akong i-punch siya kapag mag-a-out na ako. Madaya pero wala naman 'yon sa akin. Huwag lang talagang mahuhuli dahil lagot kami—ako.

"What are you doing?"

"Ay kabayo!" halos mapatalon ako sa biglang nagsalita. Napalingon ako at halos lumuwa ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino 'to.

"P-Prince Hunter?" Naku, lagot na talaga! Malamang nakita niya ang ginawa ko. Isusumbong niya ako at hindi niya ako kukunsintihin dahil isa siyang Prinsepe na kailangan maging role model.

"Did you just punch out your officemate?" he seems asking but I know he was only doing that para sa akin niya mismo marinig ang maling ginawa ko.

"K-kasi po..." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sa dinamirami naman kasi ng makakakita sa akin, bakit siya pa? At bakit nga ba siya nandito? Ilang araw ng tapos ang Festival. Hindi ba siya hinahanap sa Palasyo?

"Don't you think it's unfair for other na umuuwi sa tamang oras?" seryoso niyang sabi. Hindi ako makakibo. Bawal talaga ang kalokohan namin ni Amanda. Pero minsan kasi ginagawa niya rin 'yon sa akin lalo na kung male-late ako ng pasok.

"Huwag niyo po akong isusumbong," pagmamakaawa ko. He didn't say anything. Tinitigan niya lang ako at parang iniisip kung susundin niya ba ako o hindi. But who am I kidding? Ni hindi nga kami close para pagtakpan niya ang ginawa ko.

He was about to say something when my co-office mates went inside to puncn in. Nagbigay galang pa sila kasi nakilala nila ang Prinsipeng kaharap ko. Nakita ko pang pumasok din ang boss ko kaya halos mapapikit ako. That's it. This will be my last day of work.

"Prince Hunter. Nandito pala kayo," Mr. Cairus slightly bows his head for respect. Napatingin siya sa akin dahil na rin siguro sa pagtataka kung bakit kami magkaharap ng mahal na Prinsepe.

"Ms. Alcheco, you can go now." Sabi ni Mr. Cairus. Nakahinga ako ng maluwang. Gusto kong magpasalamat at agad na tumalikod. Nagmadali akong lumabas ng Time-in room.

Hinding-hindi ko na ulit 'yon gagawin. Sasabihin ko kay Amanda na hindi ko na muli siya gagawan ng favor tungkol sa bagay na 'yon. Kasi hindi lang naman ako ang mapapahamak kundi pati siya.

"Serenity, wait."

Napatigil ako sa paglalakad. Dahan-dahan ko siyang nilingon.

"B-bakit po?"

Lumapit siya sa akin. 2 feets away. Gusto kong umatras para dagdagan ang agwat namin sa isa't-isa pero para naman akong napako sa kinatatayuan ko. I can't move a muscle.

"You left this," inabot niya sa akin ang bag ko. Nanlaki mga mata ko. Inilapag ko pala sa mesa ang bag ko bago nag punch. Sa sobra kong pagmamadali na makaalis do'n ay naiwan ko na 'to.

"S-salamat po," inabot ko 'yon at dumampi ang daliri ko sa kamay niya. He's cold. "Mauna na po ako," I was about to turn around when he grabs my arm. Para akong nakuryente. Napansin niya ata ang uneasiness ko kaya agad niyang inalis ang kamay niya sa braso ko.

"Why are you so scared of me? Why is it that everytime I'm near you, you seem so far?" his face soften. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Takot naman kasi talaga ako sakanya. He's very intimidating and perilous.

"Huwag niyo po sanang ma-misinterpret ang mga actions ko towards you. Malaki lang ang respeto ko sa'yo. At ang isang katulad kong mortal ay hindi dapat nakikipaglapit sa tagapag mana." Nasabi ko na lang.

"But I am your boyfriend's brother. Hindi ba dapat malapit ka sa akin?" hindi ko alam kung saan ang pakikitunguan ng usapan na 'to. Yes he is my boyfriend's bother pero naiilang talaga ako sakanya. Hindi ako kumportable na kasama siya.

"Am I really that terrifying?" malungkot ang boses niya kaya agad akong napaangat ng tingin para salubungin ang titig niya.

Ito ang dahilan kaya ayaw kong mapaglapit kami sa isa't-isa. Ito ang dahilan kung bakit mas pipiliin kong iwasan siya. Hindi ko kaya ang mga titig na binibigay niya sa akin. Nakakaliyo. Parang mayroong nakatagong emosyon sa loob ko na gustong makawala pero pinipilit kong ikulong.

"H-hindi naman po," ako na ang nag-iwas ng tingin.

"Soon, I'm going to be your big brother-in-law and you're going to be my little sister-in-law kaya ayaw kong matakot ka sa akin. If you need my help, I'm more that willing to do it for you." He beams at me.

"Salamat po." I said.

"At hindi kita sinumbong sa boss mo. Lahat naman tayo ng kanya-kanyang kalokohan sa buhay. Just don't get caught, okay?" he said kaya napatango naman ako. Laking pasalamat ko at hindi niya ako sinumbong. Hindi naman pala gano'n kasama si Prince Hunter. Ako lang talaga 'tong iba ang iniisip sakanya.

"I'm going." Tumalikod siya sa akin at naglakad. Pero bago pa siya tuluyang makapalyo ay nilingon niya ako at ngumiti.

Parang nahulog ang puso ko sa ginawa niya. May iba sa mga ngiti niya.

Weekends and I decided na umuwi sa Vampire City para dalawin si Mommy at Daddy. Matagal-tagal din nang makauwi ako sa bahay namin. there's no place like home, ika nga.

Sandali rin kaming nagkasama ni Ryder pero agad din naman siyang umalis kasi busy siya which I understand naman.

I was in the park, walking, trying to unwind when a lady pssst me. I don't know her pero lumapit pa rin ako sakanya. She seems harmless naman kasi medyo old na siya.

"Bakit po?" I asked innocently.

Nagulat ako nang biglang may ibinuga siya sa akin na parang ashes. Napuwing pa ako kaya napapikit ako. When I recovered ay hindi ko na nakita ang matandang babae.

"Loko 'yon, ah. Matanda na nantitrip pa!" asar kong sabi sa sarili ko.

Naglakad ako pabalik sa amin at sumisingot-singot dahil feeling ko may nakapasok na ashes sa ilong ko. Lakas mapa-trip noong babae. Walang magawa sa buhay. Eh kasi naman uto-uto ako.

That night ay natulog lang ako. Hindi naman ako inistorbo nila Mommy kasi alam nilang kapag umuuwi lang ako nakakatulog ng maayos since pang gabi ang office hours do'n.

"Isa, dalawa, tatlo. Magtago na kayo. Ang unang makita ko ay siyang makakatuluyan ko," binuka ko mga mata ko at hinanap sila. Isang malaking maze ang kinatatayuan ko. Tumakbo ako, lumiko pero wala akong mahanap ni isa sakanila.

Nakarinig ako ng mabibigat na yabag kaya agad kong sinundan 'yon. Mahuhuli ko na sana siya pero lumusot siya sa isang pasilyo at nang sundan ko siya ay bigla siyang nawala.

And another came. Nakatalikod siya. Walang pasabing sinunggaban ko siya pero bigla na naman 'tong nawala na parang bula.

"Madaya!" irritable kong sabi. Naupo ako sa sahig. Ayaw ko na. Hindi ko sila hahabulin kung sino mang lalaki na 'yan ang para sa akin. Siya ang maghanap sa akin tutal sila ang lalaki.

Isiniksik ko ang sarili ko sa pader ng maze habang nakaupo.

Nakarinig ako ng yabag pero ramdam ko ang maingat nitong paglakad. Tumingala ako sakanya nang lumabas siya sa isang pasilyo. He has a perfect body built but his face was blurry. Bakit hindi ko makita ang mukha niya?

"I found you first, Serenity." He said. I know he's smiling kahit hindi ko nakikita ang mukha niya. Inilahad niya kamay niya at tinulungan akong makatayo.

"Who are you?" I asked.

"I'm..."

"Seri!" napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Ryder. Parang pagod na pagod siya at inip na inip. "Where have you been? Kanina pa kita hinihintay! Nandito ka lang pala," lumapit siya sa akin at napatingin sa lalaking katabi ko.

"Hinihintay din kita, kanina pa." sabi ko kay Ryder.

"Sabi mo hahanapin mo ako," halata ang iritasyon sa boses niya. Gusto ko siyang awayin at sabihin na siya ang dapat na humahanap sa akin kasi siya ang lalaki pero hindi ako umimik.

"Yes, but—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang putulin ako ni Mysterious guy.

"I found you first, didn't I tell you that, Serenity?" sabat niya. Kinuha niya ang kamay ko at inilapit sakanya.

"She's my girlfriend!" protesta ni Ryder.

"Yes, but you're not taking care of her. Besides, hindi dapat ang lalaki ang nagpapahanap sa babae. Babae dapat ang hinahanap ng lalaki." He retorted.

Kita kong nagtiim bagang si Ryder sa sinabi ni Mysterious guy. But he has a point.

"Come on, Seri. Bumalik na tayo sa atin." Kukunin sana ni Ryder ang kamay ko pero agad naman itong tinabing ni Mysterious guy. Nakita ko kung gaano kagalit si Ryder sa ginawa nito. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

"Serenity don't deserve you!"

"Kaya aagawin mo siya sa akin, gano'n ba 'yon?" nagtitimping sabi ni Ryder.

"Yes!" walang pag-ainlangang sagot ni Mysterious guy.

"Minsan mo na siyang naagaw sa akin, at hindi ko na 'yon hahayaan pa, brother!"

Napamaang ako sa sinabi ni Ryder. Dahan-dahan akong napatingin sa lalaking may hawak sa kamay ko at unti-unting lumilinaw ang mukha niya.

"H-Hunter?" gulat kong sabi.

Napabalikwas ako. Ramdam ko ang pawis na namumuo sa noo ko. Napahawak din ako sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito.

What the hell! Bakit biglang naging si Hunter si Mysterious guy?! At bakit nila ako pinag-aagawan ni Ryder?

Napailing naman ako. It's just a dream. A very very bad dream na alam ko naman hindi mangyayari sa totoong buhay.

"Hija, ayos ka lang ba?" napatingin ako sa may pintuan. Si Mommy nakadungaw at nakangiti.

"Opo, Mommy." Sagot ko.

"Mag-ayos ka na. Nasa baba si Ryder," nakangiti niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko.

Isinara ni Mommy ang pinto at agad naman akong dumeretso sa CR. Nagmamadaling naligo saka nagbihis. Nasa balikat ko pa ang tuwalya na pinantuyo ko sa buhok ko nang bumaba akong kwarto.

Nadatnan ko si Ryder na masayang nakikipag-kuwentuhan kay Mommy. Agad naman siyan napatayo nang makita ako.

"Maiwan ko muna kayo," sabi ni Mommy saka umakyat ng kwarto.

Napangiti ako kay Ryder. He seems nervous. Parang hindi mapakali.

"Okay ka lang ba?" tanong ko nang makalapit ako.

"Y-yeah," he said anxious.

Natawa naman ako sakanya. Ryder is not a good liar. I know something is bothering him.

"Spill it out," nakapameywang kong sabi.

Para naman siyang humugot ng napakalalim na hininga bago tumingin sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at may inilabas na kahita.

Natutup ko ang bibig ko.

"R-Ryder..."

"I know this is not your dream wedding proposal. This is not very romantic either. But I hope your love for me is enough for you to accept this ring," binuksan niya ang red velvet box.

A diamond ring.

"Will you marry me, Seri?"

Wynnet's POV

"Stop him! Stop him!" rinig kong sabi ni Smith sa tabi ko. Ang dating alaga ni Mommy no'ng kabataan niya.

"I can't, Smith." Hindi ko puwedeng pigilan si Ryder sa pagp-propose kay Seri. That will ruin the timeline.

"But Hunter is—"

"Time will come. Hindi pa panahon." Sabi ko saka ko binura ang mukha ni Seri at Ryder sa tubig. Tumalikod ako at ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Smith.

"You are Hunter's protector. You made a vow na matutupad ang propesiya, hindi ba? May sapat kang kapangyarihan para pigilan si Ryder!" namumula si Smith. Nginitian ko lang siya. Kahit matanda na si Smith ay ang cute cute niya pa rin.

"I've learn from Hunter's mistake, Smith. Ilang beses ko siyang hinayaan na baguhin ang panahon but look at what happened? Mas gumulo ang buhay nila. Ngayon na naibalik na sa ayos ang lahat, ang hihintayin na lang natin ay ang magising ni Hunter ang puso ni Seri. Kasi 'yon naman talaga ang nasa propesiya."

Sabi ko saka ko nakitang tumango si Smith.

"Ryder has the power of deity na dapat ay kay Hunter. The god of Nirvana said that because Hunter turns back the time for his parents, nasira ang timeline. But everything happens for a reason. And that reason is because Hunter and Seri is the prophecy to be fulfilled by Ryder who is the obstruction to everything."


=======


Mapag-tagni-tagni niyo sana ang lahat. And yes, Wynnet is Hunter's protector na nabanggit sa Prologue. 

HAPPY READING!

-Ate Thy <3


Continue Reading

You'll Also Like

546 57 12
Myth 5 Hermes: The Messenger of Gods Like cats and dogs, the nymph, Angel, and the messenger, Hermes, have a friend-and-enemy relationship. But with...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
167K 7.5K 82
Aside from being seryoso, Raven Kersley Saito of Saito University didn't believe in love. On the other hand, Myeisha Garcia wants him to realize her...
76 62 31
Si Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na binatilyo. Sa kabila ng kaniyang bad boy, minahal at tanggap siya ng kan'yang buong pamilya sa...