Until You... SWEETHEART 2...

By FreeWill

359K 5K 1.3K

"Love is patient and kind. It does not envy. It does not boast. It is not proud. It does not behave indecentl... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13 (REWIND)
Chapter 14 - Part 1
Chapter 14 - Part 3
Chapter 14 - Part 4
Chapter 15
Chapter 16 - Part 1
Chapter 16 - Part 2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - Part 1
Chapter 25 - part 2
Chapter 26 - Part 1
Chapter 26 - Part 2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 14 - Part 2

8.3K 120 14
By FreeWill

 

  

 

DANIEL

 

 

 

 

 

“MAY meeting ka mamaya ng 5 p.m., kay Mr. Tiangco sa…”

 

 

 

 

 

“Cancel it,” sabi ni DJ, pumipirma ito sa ilang papeles na ipinasok ng sekretarya sa opisina. Tatlong oras siyang late. Inihatid pa niya sa venue ng rehearsal si Kath pagkagaling sa penthouse.

“What?” Napatanga si Bea dito, “Eh ikaw ang nagpa-re-sched nitong meeting. Baka magalit si Mr. Tiangco.”

 

 

 

 

 

“May lakad ako mamaya.” Hindi tumitingin na sabi ni DJ dito.

“Saan?”

 

 

 

 

 

“Re-launch ng Chandria mamaya. I need to be there.”

 

 

 

 

 

Nanglaki ang mga mata ni Bea, Chandria? Okay na kayo ni Kath?” Dumukwang sa mesa ito. Sinisilip ang mukha ng kaibigan na nakatungo sa mga papeles na pinipirmahan nito.

Natigilan si DJ. Okay na ba sila ni Kath?

 

 

  

Basta ang alam niya ay masaya siya ngayon. Ngayon lang ulit niya naramdaman iyon. Sapat na muna sa kanya ang ganito.

Nangingiting itinuloy na niya ang ginagawa. Hindi na siya makapaghintay. Gusto niyang hilahin ang oras para makasama na ulit si Kath.

“Deej! Ano na? Okay na ba kayo ni Kath?” Pangungulit ni Bea sa kanya.

“Hindi ko alam,” matapat na sagot niya dito.

“Anong hindi mo alam?”

 

 

 

 

 

“Hindi ko alam… Parang ganon na nga.” Pabuntong-hiningang sagot niya. Binitiwan ang ginagawa at sumandal sa swivel chair.

  

 

 Sa kakatanong ni Bea ay nababantuan ng pangamba ang kasiyahang nararamdaman niya. Hindi niya mapigilang hindi isipin ang totoong sitwasyon nila ni Kath. Naroon na naman ang takot niya. Ngayon ay okay sila… Paano bukas… sa mga susunod na araw?

“Pero nagusap na kayo? Nagkaintindihan na kayo?”

 

 

 

 

 

“Hindi pa…”

 

 

 

 

 

“Ha? Eh anong ibig mong sabihin na ‘parang ganon na nga’?” nalilitong tanong ni Bea.

“Hindi pa kami naguusap, but we’re okay. Magkasama na ulit kami.” Pinagsalubungan ito ng kilay ni DJ. “Teka nga… Ano ka ba dito? Assistant o reporter? Kanina mo pa ako ini-interview.”

 

 

 

Nanghaba ang nguso ni Bea. Umayos ng upo ito, “Para nagtatanong lang. Natutuwa lang ako…” Ngumiti na ito, “Ipagdadasal ko na maging maayos na kayo… Yung maayos, as in magkaintindihan na kayo. Kailangan niyong magusap, Deej,” tumayo na ito, “Yung tungkol sa mga nangyari dati.”

Napailing si DJ. Hindi niya na gustong balikan yung nangyari dati. Hindi rin niya gustong pagusapan yun ngayon. Natatakot siya.

“Saan ka pupunta?” tanong niya kay Bea nang makitang palabas na ng opisina ito.

“Tatawagan ko si Mr. Tiangco… Mas importante yung sa inyo ni Kath.” Nakangiting sabi nito at dumiretso na palabas.

Sinulyapan niya ang cellphone sa ibabaw ng table. Gusto niyang tawagan ang asawa, pero wala pang isang oras na naghihiwalay sila, baka naman makulitan na sa kanya ito.

Nakailang sandali pa siyang nakatitig sa cellphone nang hindi na niya napigilan ang sarili…

“Kath…”

 

 

 

 

 

______________________________________________________

                  

KATHRYN

 

 

 

 

 

“BYE…” Parang naka-plaster na ang ngiti sa mukha ni Kath nang ibalik sa bulsa ng suot na pants ang cellphone.

Wala namang sinabi si DJ. Nagtanong lang kung ano nang ginagawa niya.Tinanong din siya kung saan siya kakain ng lunch. Pagkatapos ay nagpaalam na ito. Hindi naman kina-cut nito ang tawag. Naririnig pa rin niya ang hininga sa kabilang linya. Siya ang pumutol sa tawag, pero bigla ulit nag-ring ang cellphone… Ito na naman ang tumawag. Nagba-bye lang ulit sa kanya at nawala na sa kabilang linya.

Sa mga ginagawa nito ay hindi niya mapigilang hindi isipin na totoo ang mga narinig niya kaninang madaling araw dito nang nananaginip ito. Sana nga… Sana nga…

“Daig mo pa ang namamatanda, ‘teh… Para kang may sapi.” Buska ni Miles sa kanya. “Ganyan ba talaga ang nagkakabalikan? Parang nasa honeymoon stage ulit?”

 

 

 

 

 

“Hindi ko alam… Siguro,” kibit-balikat niya, “Wala pa ba si Julia B.?” Pagiiba na niya ng usapan.

“Wala pa,” napasimangot si Miles, “Nakakairita siya ha! Masyadong paimportante. Feeling sikat!”

 

 

 

 

 

Si Julia B. ang nanalo sa kakatapos lang na Miss Philippines. Nagmu-modelo din ito. Kinuha nilang endorser ng Chandria ito dahil nakita nila dito ang image ng isang makabagong Pilipina... Confident at independent . Their brand caters to twenty something women... iyong mga nagtatrabaho na at may mga sarili ng karera. Sigurado silang makaka-relate kay Julia B. ang target market nila.

“Let’s wait for another fifteen minutes. Kapag wala pa siya ay sabihin mo kay Fritz na magsimula na tayo.” Si Fritz ang director ng fashion show.

“Kanina pa nga mainit ang ulo ni Mother Fritz… Nako! Makakatikim yung Julia B. na yon mamaya pagdating niya.”

 

 

 

 

 

Napailing na lang siya. May mga bali-balita nga na medyo may attitude problem si Julia B.. May pagka-primadonna daw ito. Pero hindi siya mahilig maniwala sa tsismis. Ngayon ay parang gusto na niyang pagdudahan kung 'tsismis' lang talaga iyon.

Sinulyapan niya ang suot na relo. Medyo naiirita na rin siya. Mahigit isang oras nang late ang modelo. Ito na lang ang hinihintay nila. Yung ibang modelo nila ay naka-make-up na sa dressing room. 

Siguro naman ay naantala lang talaga si Julia B., kung hindi talaga darating ito ay tatawag naman siguro para abisuhan sila. Mamaya na ang show. Hindi puwedeng hindi sumipot ito.

“Isa pa yang ulan na yan…” Nakatanaw sa labas si Miles, “Saan ka naman nakakita ng magtatag-init na parang binabagyo. Sana lang eh tumigil na mamaya yan. Baka hindi makarating yung ibang guests kapag nagpatuloy yang ulan.” Iniwan na siya ni Miles.

Napailing na lang siya. Dumadagdag pa nga ang panahon sa alalahanin niya.

______________________________________________________

“BIHIS na bihis ka ah…” Bati ni Bea kay Kiko. Nagpangabot sila sa elevator ng condo building. “Bakit hindi mo i-try magmaskara para hindi nakikita yang pamamaga ng mukha mo.”

“Bakit hindi mo i-try lagyan ng tape yang bibig mo para hindi ko naririnig yang boses mo?”

 

 

 

 

 

Napangisi si Bea, “Ayaw ko nga… Eh di natuwa ka kapag ginawa ko yon. Saan ba lakad mo?”

 

 

 

 

 

“I have a car… Hindi ko kailangan maglakad sa pupuntahan ko.”

 

 

 

 

 

“O sige, saan na lang ang punta mo?”

 

 

 

 

 

“Nanay ba kita? Bakit kailangan kong sabihin sa yo kung saan ako pupunta?”

 

 

 

 

 

“Hindi, curious lang…”

 

 

 

 

 

“Sa The Fort… may angal ka?”

Napanganga si Bea dito. Sa The Fort? “Pupunta ka sa re-launch ng Chandria?”

 

 

 

 

 

“Bawal ba?”

 

 

 

 

 

“Naghahanap ka ba talaga ng gulo?” Naiiiritang tanong ni Bea sa binata.

May hinala na siya kung saan galing ang mga pasa sa mukha nito. May benda sa kamay si DJ kanina, at kung tama ang hula niya… Ang kaibigan ang nakaaway ni La Pierre.

“May invitation ako,” sagot ni Kiko dito.

“Puwede bang sumabay sa yo?”

 

 

 

 

 

Nangunot ang noo ni Kiko sa narinig. “Bakit?”

 

 

 

 

 

“Doon din ang punta ako.”

 

 

 

 

 

“Sa hitsura mong yan?”

 

 

 

 

 

Naka-maong lang at blouse si Bea. Palabas lang talaga siya para bumili ng pagkain, dahil tinamad siyang magluto. Malay ba niyang kakailanganin niyang sumabit sa lakad ng lalaking ito? Sana ay nakapagpa-parlor siya.

“Hoy! Kahit naka-paa ako, papapasukin ako don! Lahat ng damit ko sa Chandria ko binibili!”  

Nagpipigil ng tawang nauna nang lumabas ng elevator si Kiko. “Bilisan mo… Ayaw kong ma-late.” Lingon nito sa dalaga nang mapunang hindi pa rin kumikilos ito palabas ng elevator.

“Isa… Isasama mo nga ako?” Hindi makapaniwalang tanong ni Bea dito.

“Kung ayaw mo ay di huwag. Madali akong kausap.”

 

 

 

 

 

“Wait!” habol ni Bea dito nang humakabang na paalis ito.

 

 

 

 

___________________________________________________

 

 

 

 

KATHRYN

 

 

 

 

 

PUNONG-PUNO na ng tao ang NBC Tent sa The Fort para sa re-launch ng Chandria. Bago pa umalis papuntang  Paris si Kath, a year ago ay kilala na ang Chandria bilang isa sa mga leading fashion brand sa bansa. May mini-press con na inihanda bago ang show proper.

“Bakit may re-launch ang brand?”

 

 

 

 

 

“This re-launch is a celebration of our seventh year in the fashion industry. We would also like to introduce our new line that will feature fun and colorful accessories and bags.” Sagot ni Kath sa tanong.

“Your brand is very popular because of its trendy and fresh style. How will you describe this new collection?”

 

“Well, as you all know… Chandria caters to the twenty-something women. Our designs are trendy and stylish, but timeless. The new summer collection will cater to their individuality and creativity. Of course, the brand’s corevalues remain the same… comfort above all else, quality and affordability.” Binulungan siya  ni Miles sa tabi niya, kaya napalingon siya dito…

“Hindi darating si Julia B., shit!” Ipinakita sa kanya nito ang cellphone na may text message galing sa manager ng modelo.

“Sabihin natin kay Fritz,” aniyang pilit na ngumiti sa mga kaharap na press, “The show will start in a few minutes… Enjoy the night, guys. Thank you…” Umahon na siya sa inuupuan.   

 

 

 

 

 

“Shit na babaeng yon!” Nangigigil si Miles. “Anong gagawin natin?”

 

Sandali siyang nagisip, “Baka may kasukat siya na model…”

 

 

 

 

 

Pumalatak si Miles, “Meron kung meron… pero yung impact sa audience… dun tayo sasablay. Eh ini-expect  nila na si Julia B. ang nasa finale dahil siya ang signature model natin.”

 

 

 

 

 

“Magagawan na ng paraan ni Frtitz yon,” May tiwala siya sa fashion guru, turned fashion director.

Papasok na sila sa dressing room nang maalala niyang tumatawag nga pala si DJ kanina at hindi niya nasagot. “Mauna ka na, Miles…” Kinuha niya ang cellphone sa handbag.   

 

 

 

 

 

Nakailang ring na ay hindi pa rin sinasagot ni DJ ang tawag. Nagpasya siyang mamaya na tawagan ito. kailangan niyang asikasuhin ang mga models.

___________________________________________________

 DANIEL

 

 

 

THE soft cloth curved the ‘model’s’ body perfectly. Nanunukso ang manipis na tela at ang mababang neckline ng damit. Hindi malaman ni DJ kung pantulog o summer dress iyon… Malaswa ang tingin niya doon at marahil ay ganoon din ang tingin ng ibang lalaking audience dahil pakiwari niya ay naglalaway at gusto nang akyatin ng mga ito sa stage ang ‘modelo’.

Naikuyom ni DJ ang mga kamay. Anong nangyari?! Bakit si Kath ang rumarampa sa catwalk?!!! At isipin pa lang niya na naroon rin si La Pierre——Nakita niya ito kanina kasama si Bea——sa bulwagan ay parang gusto na niyang hilahin pababa ng stage ang asawa, hubadin ang jacket at ibalot iyon dito.

__________________________________________________

A/N: Sa mga nagpapa-book dedic po since book 1... naipon na kayo. Pasensya po, di ko kayo nalimutan, sadyang di lang ako marunong mag Book dedic. haha! Wala ako alam ibang gawin sa wattpad kung di mag type. XD Hello po! Chapter dedic na lang kung gusto nio. Inbox nio name nio sakin. SALAMAT po! :))) 

Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 658 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
94.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
5.6K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
1.2M 23.8K 56
just for fun