I Love You To Infinity and Be...

By HeyItsVinnnnnie

133K 2.1K 340

Si Ella ay isang mayaman, matalino at magandang babae na nahulog ang loob sa isang lalaki na nag-ngangalang B... More

I LOVE YOU TILL INFINITY AND BEYOND
Chapter 1 She meets the Casanova
Chapter 2 His reason
Chapter 3 The Past
Chapter 4 The Casanova's feelings
Chapter 5 The feeling is mutual??!
Chapter 6 Accidental Kiss
Chapter 7 Officially Yours
Chapter 8 Second kiss
Chapter 9 Am I already In love?
Chapter 10 His Side
Chapter 11 First Date
Chapter 12 Friend or Enemy?
Chapter 13 Jealous Blake
Chapter 14 The Preparations
Chapter 14.5 The Preparations
Chapter 15 The B.A's Night
Chapter 15.5 The B.A's Night
Chapter 16 The Departure
Chapter 17 Palawan Trip
Chapter 18 The Anklet
Chapter 19 Daniella is IYA, Blake is TOTO
Chapter 20 Ang gabi ng harutan.. :D
Chapter 21 The Last Day
Chapter 22 The Ice cream kiss
Chapter 23 His aunt knows about us..
Chapter 24 Reminiscing the Past
Chapter 25 Their Plans
Chapter 26 The Bitch Cashier
Chapter 27 The Baking Bonding with his aunt
Chapter 28 Not Part Of The Story
Chapter 28 I Don't wanna talk to you!
Chapter 29 First Fight?!
Chapter 30 Pride-Pride-Pride
Chapter 31 Sorry na...
Chapter 32 The Add-ons
Chapter 33 Chin's secret
Chapter 34 Daniella's LIES
Chapter 35 Blake's Birthday
Chapter 36 Makikipag-ayos ka o Hihiwalayan kita?
Chapter 37 Back at being friends
Chapter 38 Massage
Chapter 39 1st Monthsary
Chapter 40 After 5 months...
Chapter 41 She's BACK. The FAKE Iya.
Chapter 42 Untitled
Chapter 43 No More Hubby
Chapter 44 Drinking Session
Chapter 45 Cold Daniella
Chapter 46 Make them Jealous
Chapter 47 The True Identity
Chapter 48 Goodbye?!
Chapter 49 Christmases when you're gone
Chapter 50 I love you-Part 1
Chapter 50 I love you-Part 2
Chapter 51 Happy New Year
Chapter 52 Baby Sitting Kyle
Chapter 53 The Family Secret
Chapter 55 Daddy saw me. I mean US!
Chapter 56 Stay Away from ME!
Chapter 57 Steal Her
Chapter 58 Ang Pagtatanan (Day1)
Chapter 59 Ang Pagtatanan (4 Steps)
Chapter 60 Make love with me
Chapter 61 Lies and Secrets
Chapter 62 Nearing the End
Chapter 63 Saving her
Chapter 64 She's gone
Epilogue

Chapter 54 Daniella's Cheating?

1.5K 29 5
By HeyItsVinnnnnie

Ella's POV

"Beshie!" tawag ko sa mga kaibigan ko sa canteen. Dalawang araw na ang lumipas simula nung hindi kami magkaintindihan ni Blake, pero naayos din naman agad namin yun. Siguro nga kapag mahal na mahal mo ang isang tao, kailangan lang ng mahabang patience and understanding. Hindi kami pumasok nun, at nagdate lang sa carnival kasama si Kyle. Pinaliwanag naman niya sa akin lahat, kahit na gusto ko siyang tanungin pa ng tanungin eh hindi ko na ginawa. TIWALA na lang. Di naman siguro ako lolokohin ni Blake diba? ^___^  Sinabi pa nga niya sa akin na "Kahit gano pa kadami ang hahadlang sa atin, hindi ako susuko, hanggang sa sila ay mapagod at kusang huminto." Kinilig talaga ako dun!! Aba?! Bibihira na lang ang lalaking kaya kang ipaglaban hanggang sa huli!

"Hoy Ella! Tatawag tawag ka sa amin tapos di mo kami papansinin! Pakopya nga sa Taxation!" biglang balik ako sa ulirat sa sinabi ni jenn. Natulala ba ako?! 

"Hay nako Ella!! Wag mo yang papakopyahin! Matataasan ka lang nyan! Ako na ang nagsasabi sayo!" pabirong sabi ni Danine. Eto na naman tong dalawa!

"Wag ka ngang ano dyan! Palibhasa wala ka ding sagot!" buska pabalik ni jenn. Inirapan lang siya ni Danine.

"Oh! Wag na nga kayong mag-away dyan! Ito na yung sagot ko!" pagka-abot na pagka-abot ko ng yellow pad ay nag-agawan pa silang dalawa! Tignan mo?! Gagamit din naman si Danine, kinontra pa si Jenn! Mga kaibigan ko talaga! >.<

Habang kumokopya sila na parang ninja sa sobrang bilis nilang magsulat eh, dumating na sila Chin at Sheena. Teka, parang amputla ata ni Sheena?

"Sheena, okay ka lang?" tinanong ko siya. Alam ko nmang narining niya yun pero hindi siya sumagot. Napatingin din naman sila Jenn at Danine sa kanya dahilan para mahinto sila sa pagsusulat.

"She looks pale. Kanina ko pa siya tinatanong kung kumain na ba siya, sabi niya oo! Pero I doubt!" sabi ni chin at tinignan si Sheena na para bang sinusuri..

"Medyo nahihilo lang ako." nahihilo na naman siya?! Parang 1 month na ata siyang nahihilo ah?! Hindi kaya?

"Sheena, meron akong sandwich dito na favorite mo eh, wait, AYUN!" binigyan siya ni Jenn ng sandwich. Hindi ko alam kung anong palaman.

"Baka nalipasan ka lang ng gutom." sabi ko. Oo nga! Wag muna mag-conclude Ella! Imposible yun! Bago lang sila ni Aldrian! Di pa pwede yun!

"Salamat Beshies!" inalis ni sheena yung balit ng sandwich at kumagat na dun. Kaya lang..

Bigla siyang tumakbo ng CR dahil nasusuka siya. Dahil sa taranta namin ay agad kaming sumunod sa kanya. Pagdating namin ng CR eh siniguro muna naming walang iba tao dun tsaka namin ni-lock yung pinto. OMG! Sana wag naman.. yung alam niyo na?! 

"Sheena? Sigurado ka bang okay ka lang? May tinatago ka ba sa amin?" kalmadong sabi ni Chin. Ramdam kong iisa lang iniisip naming lahat. At mukhang tama nga ang hinala namin.

"Beshies, I'm sorry!!" nagulat na lang kaming lahat ng biglang umiyak si Sheena. So ano?! Totoo nga!? OMO!!!!

"Sheena.." niyakap siya ni Jenn para ma-comfort siya.

"I'm sorry Beshies, alam kong nangako tayo sa isa't-isa na wala na tayong secret secrets. Na magiging open tayo sa isa't-isa. Pero hindi ko yun natupad.... Beshies, I'm 6 weeks pregnant... at si Aldrian ang ama.." OMG! Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Sheena. Hindi ako makapaniwala! Ginawa talaga nila yun?!

"Alam ko kung anong iniisip niyo, kung bakit ko yun ginawa.." nakayakap pa din siya kay Jenn.. "Nagmahal lang ako Beshies, nawala sa isip ko ang maaaring maging bunga nun. Inisip ko na kapag binigay ko ang sarili ko sa kanya, mapapatunayan ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.." nagpatuloy ang mga hikbi ni Sheena. Sa totoo lang, naaawa ako sa kaibigan ko. Hindi naman niya dapat ginawa yun eh. Pero sabi nga nila kapag nagmamahal ka, kahit MALI nagiging TAMA.

"Okay lang yun Sheena. Wag ka ng umiyak. Alam na ba ni Aldrian?" sabi ni chin..

"Oo. Infact, engaged na kami." mas lalo kaming nagulat sa sinabi niya. GOSH! Ang dami naming hindi alam! "Pero alam kong hindi niya gusto yun. SIguro nga hatid-sundo niya ako, pero alam kong napipilitan lang siya. Yung pakiramdam na ginagawa niya lang yun dahil may responsibilidad siya sa akin, sa amin, pero wala naman dun yung pagmamahal. Feeling ko tuloy, itinali ko lang siya sa akin! Baka nga kapag nalaglag tong baby, TUWANG TUWA siya eh!" pinilit tumawa ni Sheena pero nag-c'crack yung boses niya.

"Sheena, wag kang mag-isip ng ganyan, MAHAL ka ni Aldrian." sabi ni Danine na nakatingin lang din sa kanya..

"Paano kung hindi?! Paano ako? Paano yung baby?! Kung kayo nasa posisyon ko, anong gagawin niyo kapag hindi kayo mahal ng taong mahal niyo?" Awwww! Parang isa na yun sa mga pinaka-mahirap na tanong na sasagutin ko. Paano nga ba? Hindi ako expert sa love. First Boyfriend ko si Blake. Siya din ang First love ko. Napansin ko na nakatingin lang sa amin si Sheena na para bang nag-aantay ng sagot. Okay, kahit di ako maalam, I'll try.

"The best thing to do is just let him go and move on Sheena. HIndi kasi ibig sabihin na nagmahal ka na ay siya na ang tamang lalake para sa iyo. Minsan kasi ay merong mga taong hindi marunong magpahalaga sa taong nagmamahal sa kanila. Mas katanggap-tanggap pa na hindi ka naaappreciate kaysa ipagpipilitan mo ang sarili mo sa taong hindi naman nakikita ang kahalagahan mo. Huwag dapat umikot ang mundo mo sa taong ayaw naman sa iyo, just move on. Tanggapin mo na hindi siya ang para sa iyo. Sa buhay na ito ay hindi lahat ng gusto o ninanais natin ay mapapasa atin. At marahil ay may nakatakda o itinadhana na iba para sa iyo. Huwag mong isarado ang puso mo dahil sa nagmahal ka o nasaktan ka kundi dahil sa may taong darating na papasok muli sa puso mo. Kumbaga sa elevator kapag siksikan na ay huwag ka ng makisiksik pa, may hagdan naman eh, d b? Ibig sabihin lang niyan ay huwag mong ipilit sa tao na ayaw naman sa iyo na mahalin ka kundi ibaling mo sa iba ang pagmamahal mo na magmamahal at magpapahalaga rin sa iyo." Wow?! Could you believe that?! Nasabi ko yun?! At san ko naman yun hinugot aber?! Nakita ko yung mga reaksyon ng mga kaibigan ko at natulala sila.

"Sheena, ang pagmamahalan hindi lang dapat isa ang nagmamahal dapat dalawa kayong nagmamahalan. Kung hindi ka na mahal ng taong mahal mo tanggapin mo ito sa iyong puso kahit masakit. Ang taong tunay na nagmamahal hindi kailanman naghihintay ng kapalit.. Handang magparaya sa taong mahal niya kahit ito ay ikakasakit ng loob niya. Ibigay mo ang kalayaan na nais niya kung ito man ang gusto nya, maging masaya ka sa kung ano man desisyon niya." sabi ni Chin. Siya talaga ang expert sa love. Biruin mo? 3 years na sila ni Jake! Bongga!!

"Waaaaaah!! Nasasabi niyo lang yan dahil hindi kayo ang nasa posisyon ko.." nagpatuloy na naman ang pagtulo ng luha ni Sheena.. "Pero dahil kaibigan ko kayo, gagawin ko. Salamat Beshies." natuwa naman kami sa huling sinabi niya, pero nag-aalala pa din kami sa kanya. Hindi biro ang maging isa ina, lalo na kung ganito kaaga!

"Basta Sheena, Promise mo na palalakihin mo yung anak mo ha?! Ninang kami niyan!" sabi ni Jenn at tumawa pa ng bahagya..

"Promise... Salamat talaga Beshies. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo!" tapos ay niyakap niya kami. Waaaaaaah! Group hug!!! ^___^

Pagtapos ng scene na yun sa CR eh lumabas na kami. Medyo nagtaka nga yung ibang tao nung nakita kaming lumabas ng CR. Siguro kung ano-anong nasa isip na ng mga yan! Pagbalik namin ng canteen ay inayos na namin yung mga gamit namin. Niloko pa nga ni Jenn si Sheena na siya daw ang magsulat ng sagot sa yellow pad dahil sa eksena daw siya! Aakyat na sana kami sa room nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko.. may nagtext malamang! kinuha ko na yung phone ko at binasa ko yung text..

*Bzzzzzt!* * BzzZZzzt*

Riley:

"Daniella, pumunta ka naman dito sa gym ngayon.. Please? I need you. Kahit ito na lang yung kapalit ng tulong ko sayo para magkabalikan kayo ni Blake."

Waaaah?!! May Klase pa ha? Di ba siya papasok?! Ilang segundo lang, naka-receive ulit ako ng text.

Hubby <3

"Wifey? Di ko na itatanong ko nasan ka na, dahil alam kong nasa puso kita. <3 Sasabihin ko lang sana na pumasok ka ng maaga, may surprise ako eh. Ingat wifey, I LOVE YOU."

KYAAAAAAAAAAAHHHH!!! Ano ba yan! Kahit sa text lang, kenekeleg pa din ako! Lakas maka-pick up line! Oh well, pumasok daw ako ng maaga? Paano si Riley? Hmmm... di din naman siguro kami aabutin ng matagal? Pero paano kung matagalan nga?! Aisshhh! Bahala na! Basta pupuntahan ko si...

RILEY.

"Oy Ella! Mukha kang tanga dyan! May pangiti ngiti pa tong buang na to! Halika na nga!" bulyaw sa akin ni Danine kaya naman bumalik na naman ako sa ulirat. Ano ba to, palagi akong natutulala!

"A-ah! Beshies! Akyat muna ako sa Gym ha?!" sabi ko at nilagay ko na sa bag ko yung phone ko.

"Bakit? Wala namang event ha?" danine. Sabi ko na nga ba eh! May follow up question! Isip agad Daniella!

"Si hubby kasi! ano.. pinapapunta niya ako! Sige na!" hindi ko na inintay ang sagot nila at umalis na agad ako! Kainis! Nakapagsinungaling pa tuloy ako! Hindi naman siguro kami magtatagal dun! Haaaay. Ano kayang problema ni Riley ngayon?

Kahit na nagtatanong sa sarili ay umakyat pa din ako sa gym. Di ko nga alam kung bakit ako nagmamadali eh. Siguro para mabilis din tong matapos.

"Riley!" tinawag ko agad siya nung makarating ako sa gym. Walang tao at siya lang mag-isa. Nakatungo siya pero tumingin sa akin.. Lumapit ako at umupo sa bleachers sa tabi niya..

"Nakipag-hiwalay na siya sa akin." wala siyang binanggit na pangalan pero alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. "Masyado na siyang obsessed kay Blake." 

"Riley.." Wala akong alam sa pag-co'comfort ng mga lalaki.

"Kayo na ulit diba?" tanong niya kaya tumango lang ako. "Swerte niya. Buti pa siya, mahal siya ng taong mahal niya." hindi ako nakapag react agad sa sinabi niya dahil nagulat ako nung may tumulong luha sa mata niya.. Umiiyak siya? Imposible! Isang lalaki? Iiyak sa harap ng isang babae?!

"Riley, marami namang nagmamahal sayo. Hindi lang si Iya." yun lang ang tanging nasabi ko..

"Marami? Kasama ka dun?" napatingin siya sa akin. Sa mga mata ko.

"Oo naman Riley. Kasama ako dun. Syempre kaibigan kita! Naging parte ka ng buhay ko."

"Hindi ba pwedeng lumagpas tayo dun? I mean hanggang friends lang ba talaga?" hinawakan niya ang isang palad ko. (O.O) Binawi ko yun agad! OMO! Ano ba to, parang gustong manginig ng buong laman ko.

"Riley, I have... I have Blake. At isa pa, hindi ako yung taong kayang suklian yung pagmamahal na  kaya mong ibigay." umiwas siya ng tingin.. Tama naman yung sinabi ko diba? Mahal ko si Blake, hindi ko siya magagawang ipagpalit kahit kanino!

"Alam mo bang gusto kita Daniella? Gusto kita. Kaya nga kita tinulungan na magkabalikan kayo ulit ni Blake dahil ayaw kong nakikita kitang malungkot. Kapag nasasaktan ka, nasasaktan din ako." natawa siya ng bahagya.. "Pero sana, di ko na lang ginawa yun. Sana ginamit ko na lang ang sarili ko para mapasaya kita. Edi sana, ako na ang mahal mo ngayon at hindi na si Blake... pero okay lang. masaya na din naman ako para sa inyo." hindi ko alam ang i-rereact ko. Para akong na-konsensya. Hindi ko alam na may taong handang isakripisyo ang kasiyahan niya para sa akin. Pero kahit na ganun, hindi ko naman kayang palitan si Blake sa buhay ko.

"Dadating din si Ms. Right Riley. Maghintay ka lang." ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya pabalik sa akin..

"Daniella, can I ask you a favor?"

"Ano yun?" nagtataka ako. Nako, sana naman madali lang yung favor niya..

"Sana mo naman muna ako buong maghapon. Mag-skip muna tayo ng classes."

"Whaaaaat?! Pero Riley..." bulalas ko. Nagulat kasi ako eh. Kung alam ko lang na tatagal pala kami dito, di sana di na lang ako pumunta! Naman!! 

"PLease?"

"Hmp! Sige na nga!" ngumiti ako pero pilit lang. Kainis! Mamaya may makakita pa sa amin dito! Oh wait!! YUNG TEXT NI HUBBY!!! Nako patay!!! >.<

Blake's POV

Ilang subject na ang lumipas pero wala pa din si Wifey. At ngayon na matatapos na ang last subject ay wala pa din siya. Nakakapagtaka! Kanina lang nakita ko siya dito kanina sa school kasama ang mga kaibigan niya! Nahihiya naman akong magtanong sa mga kaibigan niya. Baka sabihin sarili kong girlfriend di ko alam kung nasan! Tinext ko pa man din siya kanina dahil may surprise ako sa kanya. Haaay. Tinadtad ko na nga ng text pero wala pa din. Naka-ilang miscalls na din ako.

"Class Dismissed!" pagkasabing pagkasabi nung prof eh, tumayo na ako agad! Dapat mahanap ko si Wifey! Aish! Yung surprise ko, paano na?! Pangit yun kapag gabi na kami pumunta!

"Blake!" napalingon ako at nakita kong nakatingin sa akin ang mga kaibigan ni Wifey.. Bakit kaya?

"Bakit?"

"Bakit di na pumasok si Ella?! Inaway mo ba?" tanong ni Jenn. Wait? Inaway? Hindi ko inaway si wifey. Ayos na kami eh. Yun nga lang di nag-reply sa text ko.

"Di ko siya inaway. tsaka diba? Kayo yung kasama niya kanina? Bakit sa akin niyo siya hinahanap?" tama yan Blake! I-defend mo ang sarili mo!

"Kami nga! Pero humiwalay din siya sa amin dahil pupunta daw siya ng gym kasi pinapapunta mo daw siya dun!" huh? Gym?! Anong gagawin ko sa gym? Bawal na sumali ang mga mag-se'seniors sa kahit na anong varsity sa school. Hindi kaya?

"Hindi ko siya pinapunta dun! Hindi pa nga siya nag-rereply sa mga texts ko. Di din niya sinasagot ang tawag ko!"

"Ohhh?! San naman nagsuot yung babaeng yun?!" sheena

"Puntahan kaya natin sa gym?" suggest ni chin. Maganda yun! Para mabangasan ko na kung sino man yung kasama niya! Pag-skip-in ba naman ng classes si wifey ko?!

"Paano kung wala dun? Malayo yung Gym dito! Sa kabilang bldg pa yun eh!" jenn

"Puntahan na lang natin." sabi ko.. Nagsimula na kaming maglakad. Di ko maitatanggi na kinakabahan talaga ako. Paano kung lalaki pala yung kasama ni Wifey?! paano kung may nangyari na sa kanya?! Arghhh! Kung ano-anong iniiisip ko! Magtiwala ka kay wifey mo Blake!

"Bro, relax lang." tinapik ni Aldrian ang balikat ko.. Okay na pala kami niyan. Palagi nga niyang hatid sundo si Sheena.

Pagdating namin ng gym ay tumakbo ako agad dun sa may pintuan.. kaya lang.. SARADO! F*CK!

"Sarado?!" danine

"Yeahh.." walang buhay na sagot ko. San na si wifey ko?

"Hi Blaaaaaake!!!" 

(O.O)

Nagulat ako nung may biglang tumawag sa akin at paglingon ko si IYA pala. 

"I miss you Blake!" bigla niyang ikinawit ang braso niya sa leeg ko at hinalikan ako. F*CK!

*BOOOGSHH!!* Initial reaction ko?! Gulat! Natulak ko nga siya ng pagka-lakas lakas!

"What was that for?! Di mo ba ako namiss?!" tanong niya at lumapit na naman siya sa akin..

"What the heck?! Why should I?!" tanong ko sa kanya. Kapal ng babaeng to! Bakit ko naman siya mamimiss?!

"Kasi ako na ang girlfriend mo!" proud na sabi niya.

"Yuck! Di ka na maganda, feeler ka pa!" sabat ni Jenn pero pinigilan naman siya ni Chin. Si Iya naman ay tinarayan lang siya. Tss! Babae talaga!

"At paano naman kita naging girlfriend?! Kami pa ni Daniella at hinding hindi na kami maghihiwalay!"

"Really? I thought all the while na wala na kayo. Paano ba naman kasi yung girlfriend mo, kung makakapit sa EX-FIANCEE ko, daig pa ang pinaglihi sa higad at linta!" napakunot ang noo ko sa narinig ko.. Ano daw?! SI Riley ang finacee nito diba?!

"Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko, Your girl is flirting with my EX! Daniella's CHEATING!" pag-uulit niya.

"F*CK THAT!!! Do you think na maniniwala ako sayo?!!!" huminahon ka Blake. Yung emosyon mo!

"I am not forcing you to believe me Blake, kung gusto mo, puntahan mo na lang sila.."

"Blake! Wag kang maniwala sa kanya! Sinisiraan  niya lang si Ella!!!" Sheena

"NASAN SILA?!!!!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Paano kung totoo nga?! May tiwala naman ako kay Wifey eh. Dun sa Riley na yun, wala akong tiwala!

"Bakit ko sasabihin?.... hmmm.. may kapalit." tumingin siya sa akin muka ulo hanggang paa "How about spending a night with me?"

*BOOOOOGGGGSHHH!!!*

"Blake!!! Babae yan!" Aldrian. Nabigla din ako! Na-kwelyuhan ko si Iya at isinandal ko siya sa pader. Kitang kita ko pa nga ang takot sa mata niya pero wala akong paki-alam..

"Sabihin mo sa akin kung nasan sila, bago ko pa makalimutan na babae ka!" 

"Sa may ***** park!" pagkasabing pagkasabi niya nun ay agad akong tumakbo papunta sa park na yun. Sh*t!!!!

3rd Person's POV

"Aldrian! Sundan mo si Blake dali!!!" sigaw ni Sheena habang tinutulak si Aldrian palayo.

"Paano ka?" tinanong ni Aldrian si Sheena habang naglalakad palayo. Sa totoo lang, ay mahal na ni Aldrian si Sheena, yun nga lang ay hindi niya alam kung paano ito sasabihin o ipapadama sa kanya. Kaya naman hinahatid sundo niya ito para naman kahit papaano ay maiparamdam niya na mahalaga siya sa kanya..

"Okay lang ako! Dalian mo!" agad ng tumakbo palayo si Aldrian at sinundan si Blake..

"Tignan mo nga naman oh?! Akala ko si Suzzaine lang ang kontrabida, pati pala itong hitad na ito!" sabi ni jenn habang nakapamewang..

Tumaas lang ang kilay ng magkakaibigan na para bang naghahanap ng away at handang handang sila.

"Excuse me? Ako pa ang kontrabida ngayon?! Eh sino kaya itong nanghimasok sa love story namin ni Blake?!!! Pwede ba? Kung saang lungga man galing yung kaibigan niyo na yun, IBALIK NIYO NA!" pinag-krus pa ni Iya ang dalawa niyang braso sa kanyang dibdib..

"Lovestory?!! Wow! Kinikilig ako! GRABE!!!" sarcastic na sabi ni Danine. Lumalabas na naman ang pagka-warfreak nito. "Baka gusto mong i-umpog kita sa katabi mong pader para malaman mong tapos na ang pagpapanggap mo!" dagdag niya

"Maaaring naloko mo si Blake noon, pero di na ngayon! Social Climber! GOLD DIGGER!!!" binigyang diin ni Sheena ang mga huling sinabi niya..

Bahagyang nagulat si Iya sa mga narinig. Parang matalim na kutsilyo ang salitang yun na bumaon sa kanyang puso. Ngunit sa kabila ng kanyang pagkagulat ay tinago niya iyon. Ayaw niyang isipin ng apat na ito na natatakot siya.

"Minsan ng nahumaling sa akin si Blake, at alam kong kaya kong gawin yun ulet! You don't know what I'm capable of!" nilangakapan niya ng tila pambabalewala ang lahat ng sinabi sa kanya ng magkakaibigan..

"Ehem! That's supposed to be our line! You don't know what we're capable of! Baka nakakalimutan mo kung ano ka sa lipunang to?! Anak ka lang ng isang empleyado! Hindi ko nga alam kung paano ka nakapag-aral dito eh?!" hindi na napigil ni Chin ang sarili kaya pati estado sa buhay ay pinamukha niya dito. Ito na siguro ang pinakamagandang pang-insulto kay Iya. Tinignan niya si Iya mula ulo hanggang paa. "kung sino pa yung panget siya pa yung masama ang ugali!" nanatiling walang imik si Iya. 

"A piece of advice lang Iya kahit na hindi mo ako tinuturing na kaibigan. Para sa mga kagaya mong panget, sana naman maging mabait ka o kahit sana maganda yung ugali mo. Para kahit papaano may mapipili naman sayo! Hindi yung panget ka na nga, panget pa ugali mo!!" tinaasan ni Chin ng kilay si Iya. "Let's go girls! Wala naman palang binatbat ang isang to!" lumakad na sila paalis..

Labis ang pagka-inis ni Iya. "Magbabayad kayo! Kayong lahat!" Yan ang nasa isip niya ngayon! At gusto niyang tuparin yun!

Sa kabilang banda naman ay ang nagmamadaling si Blake at Aldrian. Hingal na hingal na si Aldrian pero si Blake ay parang wala lang.. Nakakuyom na ang mga palad nito! Indikasyon na galit na siya at di na niya napigilan ang kanyang emosyon.

At nung makarating sila ni Aldrian sa park ay nagulat sila nung makitang kasama nga ni Daniella si Riley. Lumapit sila pareho ngunit mas lalo pa silang nagulat ng makita ang ginagawa ng Dalawa.. 

Riley was hugging Daniella. At hindi lang yun yakap. May kasama din yung HALIK.

___________________________________________________

Oh-ow?! I smell some trouble?! 

Vote

Comment

FAN!

- Vinnie ♥

Continue Reading

You'll Also Like

263K 14.6K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
351K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...