Winter's pov
Days pass so quickly and start na ng inter-class. ang bilis no? oo nga eh. ang bilis ng bawat araw kasi ginugol ko lang sa pagpapractice kasama tropa. ni hindi ko na nga nakikita si Blythe sa sobrang busy eh. namimiss ko na siya kahit hindi niya ako namimiss :3
ang bakla ko na talaga -_-"
by the way... hindi ba pupunta si Blythe ngayon sa first game ko? sabi ng tropa siguro daw marami manonood.. pero bakit si Blythe wala dito??? gusto ko pa naman sana siya makausap bago magsimula ung game. pangpalakas ng loob :(
Blythe's pov
hindi ko alam kung pupunta ba ako sa first game ni Winter. ewan ko. ayaw ko namang mag-assume, umasa or something. hindi ko lang talaga alam kung anong iisipin o kung anong dapat kong maramdaman.
"aray!"
bigla kong nakagat labi ko.
"alam mo ba sabi nila kapag nakagat mo labi mo.. may tao da na nag-iisip sayo" -guy
huh? sino un? paglingon ko.. si... si-si
"JE!!!!"
"BE!!" -Jett
"huy! anong ginagawa mo dito?"
"ako? di ba nakauniform ako? hindi ba halata na student ako?" -Jett
"hehe... oo nga! ah teka... so ibig sabihin schoolmates tayo?"
"oo naman" -Jett
"Weh?! kelan ka pa nandito?"
"last last month lang..." -Jett
"bakit hindi mo manlang sinabi sakin na nandito ka sa Manila?"
"bakit may--" -Jett
"anong section mo?"
"ah. III-3 ikaw?" -Jett
"ako? III-1"
"ayos ah? maayos naman ba lagay mo dito?" -Jett
"ah-oo naman!"
"ah Be, pwede magtanong?" -Jett
Be kasi tawag niya sakin at Je naman tawag ko sa kanya. ang hassle daw kasi banggitin ng buong pangalan eh
"o ano un?"
"ah-eh-ano... sino yung lalaking madalas mong kasama?" -Jett
"ha? sino yun?"
when I remembered Winter..
"ahhhh.. si a-ano! classmate ko yun"
"ahhhh akala ko boyfriend mo ehhh" -Jett
"huh-huh? a-ako? bo-boyfriend yung lalaking yun? HINDI NO!"
"chill lang Be... nagtatanong lang naman ako.. bakit ka namumula at nauutal diyan?" -Jett
"h-ha?! ako namumula?! hindi ah!"
kelangan kong ibaling sa ibang bagay yung usapan! parang nahohotseat ako dito _ _"
"ah.. eh.. ikaw? siguro may girlfriend ka na no?"
"ako? wala pa.." -Jett
"eh? bakit naman?"
"may sinundan kasi ako." -Jett
"kaya ka ba nagpunta dito? para hanapin yung girl of your dreams? ipakilala mo sakin yan ha!"
"malalaman mo rin kung sino yun.. soon" -Jett
ang he left with a big smile in his face
"uy saan ka pupunta?!"
"may laban pa ako.." -Jett
laban? parang suntukan. ganun? ah ewan! pero masaya talaga ko na nagkita kami ulit :)))) seatmate ko kasi siya nung nasa Cebu pa ako nag-aaral. mabait yan sakin, magkaibigan pa nga kami eh. ang pinagtataka ko lang eh kung bakit siya pumunta dito? ah! sinundan nga daw pala niya ung girl of his dreams! excited na akong makilala ung babaeng un! ^_____^
Winter's pov
Natapos na yung game ko wala paring Blythe na nasisipat yung mga pogi kong mata. hindi talaga siya pumunta? hindi talaga niya ako sinuportahan? may nagawa ba akong masama nung nakaraang mga araw? may nasabi ba ako? Fuck! I can't help but think about it! it's killing me big time -_-"
"HUY!" -Kats
"ay Kambing ka gago! wag mo nga akong ginugulat!"
"medyo malalim ata iniisip ni Mr. Romantiko ah?" -Jc
"kanina pa nga yan lutang magsimula nung game natin. buti nalang nanalo tayo kahit tulala tong mokong na to!" -Les
"tulala ba talaga ko?"
"sino ba kasing iniisip mo?" -Seth
"ha?!"
"sino daw iniisip mo! bingi!" -Kats
"si Blythe yun. tama ba?" -Seth
"ah.. eh.. hindi ko pa kasi siya nakikita eh.."
parang hiyang-hiya ako na sinasabi ko sa tropa tong kabaklaan ko XD
"haaaaaay pare..... pag-ibig nga naman." -Jc
"ah mga pare... may isa pa akong problema eh."
"ano?" -Kats
"hindi ko pa nasasabi sa kanya eh....."
"ANO?!" -Kats, Les, Jc, pati si Seth
"torpe. walang lakas ng loob." -Seth
"mahina tong bata ko!" -Kats
"pag-ibig nga naman... tsk tsk tsk" -Jc
"pare! hindi ganyan ang kilala naming Winter eh. di ba guys?" -Lester
nag-agree naman silang lahat. mga kaibigan ba to o ano? nadodown ako lalo eh fuck.
"ang harsh niyo sakin!"
"eh bakit ka ba kasi ganyan?!" -Kats
"ewan ko ewan ko. ewan ko din kung bakit. ah basta ewan ko!"
"baka maunahan ka niyan tapos magsisi ka." -Seth
"kapag iniisip ko kasi na sasabihin ko na sa kanya eh natatakot ako na parang sasabog yung puso ko na hindi ko maintindihan!!!"
"woah. ibang level na talaga yan mga bregs" -Kats
"malala na ang lagay ng taong to." -Les
"pare. take it easy." -Jc
sabay akbay niya sakin
"teka ang init mo ah? may sinat ka ah?" -Jc
"ako? wla ah."
"tara sa canteen natin ituloy tong daldalan natin.." -Kats
**********
"oh kumain ka muna pare. baka gutom lang yan!" -Les
"ayaw ko. wala akong gana. ayaw ko kumain."
"hay! gusto mo ba mamatay?!" -Seth
"baka naman ang gusto eh subuan! *nomnom*" -Kats
"eh sadyang wala akong gana kumain eh."
"ano bang nararamdaman mo?" -Seth
"inaantok ako, masakit ulo ko, nanghihina ako at parang sasabog ung puso ko"
"hmmmmm" -Seth
"*nom* *nom* ikain *nom* mo lang yan! *nom* *nom*" -Kats
kahit kelan talaga ang takaw nito! nagsasalita ng may laman ang bibig. psh!
"Lovesickness yan pare..." -Seth
"LOVESICKNESS??!" -ako, Jc, Lester, Kats
"anong kabaklaan yan? *nom*" -Kats
"hindi to kabaklaan.. sinasabi ko lang yung totoo.." -Seth
"totoo? paano mo naman nasabi na lovesick tong mokong na to?" -Les
"when the lover is not nearby, the love sick person may feel sleepy, serious headache, weak, and rapid heartbeat." -Seth
"why the hell are you so good at these stuffs?"
ngiti lang ang isinagot niya.
"pare lovesick ka?!" -Les
"nakakatawa mang isipin pero lovesick ka! haha!" -Kats
"tawa lang mga bregs... hindi ko naman ginusto to eh."
"eh sadyang nakakatawa eh" -Jc
"kapag kayo napunta sa sitwasyon ko ngayon. pagsisisihan niyo yung araw na pinagtawanan niyo ako. tandaan niyo to!"
"fine then. I'll wait for that time. never maiinlove tong lokong to no!" -Kats
"tignan ko lang! baka kainin mo din yung sinabi mo!"
"tama na nga yan.." -Les
"eh ano pala cure dito Seth?" -Jc
"actually, lovesickness is not a disease... so basically, wala siyang cure. people who suffer from lovesickness should think positive and just atleast move on" -Seth
"what the hell Seth?! you see, I just can't get that girl out of my mind.. I tried to stop myself but my heart just can't stop beating like crazy!"
"You should really try to tell her how you feel.. para mapanatag na yang lovesickness mo." -Les
"may maganda akong idea! mehehehe" -Kats
what the hell is this moron's plan? It's giving me the chills.. really