Indomitable Matthew (TTMT #2)

By FGirlWriter

3.1M 82K 8.1K

Matthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmam... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Epilogue

Chapter Twenty-Five

99.1K 2.3K 164
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-FIVE

"FRANCES, tayo na. Baka mahuli tayo sa hapunan."

Nagpatuloy na sinuklay ni Frances ang kanyang mahabang buhok. Dapat ay maka-isang daang suklay siya para maganda ang bagsak ng buhok niya. Nasa sixty pa lang ang huling bilang niya.

"Wait lang," sabi niya kay Matthew na nakasuot ng creamed buttoned polo at slacks.

His usual sports shirt and maong attire was gone. Formal dinner sa isang five-star hotel kasi ang pupuntahan nila kasama ang Mama at Papa niya.

"Ayos lang ba?" tanong nito habang nakaharap sa salamin at tinutupi ang long sleeves ng polo hanggang siko nito.

Hindi niya alam kung sadyang maliit lang ang polo kay Matthew o malaki talaga ang katawan nito dahil halatang-halata pa rin ang lapad ng balikat at dibdib nito na humahakab sa damit.

Nag-shave na rin ito. And for the first time, naka-gel or wax yata ang buhok nito!

Ang linis-linis tingnan ni Matthew ngayon. Not that he looked dirty before but he used to be ruggedly sexy.

"Ano, nakailang suklay ka na ba? Hindi pa ba tayo aalis?"

"Nasa sixty-one pa lang ako before you interrupted."

Pinagpatuloy niya ang pagsusuklay. Hindi na nagsalita si Matthew at hinintay na matapos niya ang ika-one hundred na hagod ng suklay sa buhok niya.

"Tayo na," aya niya rito at saka tumayo na. Ngunit pinigilan siya nito sa braso. "Ang lamig ng kamay mo!" she commented.

Kinakabahan si Matthew? Tipid itong ngumiti at pinaupo ulit siya sa harap ng dresser. Magkatabi sila roon at huminga ito ng malalim.

"Ano...uh..." he startled. "Ahm...bago tayo umalis, ano..."

"What?"

Napakamot ito sa baba. "Let's... pray?" he initiated. "H-Hindi ko kasi masisiguro na matatanggap ako ng mga magulang mo ngayon. Pero sana. Kaya magdasal tayo para magabayan ako ng Diyos sa mga dapat kong gawin na ikatutuwa ng mga magulang mo. Ipagdasal natin na ibigay na nila sana ang blessings sa pagpapakasal natin..."

Napahagod ito sa batok at napayuko. "H-hindi ko talaga alam ang gagawin ko pero alam kong kapag nagdasal tayo, mas mabibigyan ako ng Diyos ng tapang para maging tama ang gabing 'to para sa'tin."

Kinuha niya ang mga kamay nito. "Iyon lang pala, eh." Frances smiled and closed her eyes.

Nakakatuwa na nag-aaya na rin si Matthew na magdasal sila. Kadalasan kasi ay siya ang nag-aaya bago matulog at pagkagising.

Nakakapanibago.

Ngunit magaan sa pakiramdam na nagdadasal sila ng magkasama ni Matthew. Kung malalaman 'to nila Peter o ng mga kaibigan ni Matthew sa NBI, baka tuksu-tuksuhin pa sila.

But they're starting a new life with Christ as a couple, so they should not be ashamed of the life they wanted to live now. Pasasaan ba at masasanay din sila pati na ang mga tao sa paligid nila.

If other couples can do it, they can too, with God's grace.

Aasa siya. Aasa siya sa Diyos na gagawin Nitong maganda ang gabing ito para sa kanila. Masakit ang umasa, pero hindi sa Diyos.

Huminto ang kotse ni Matthew sa harap ng enggrande at malawak na entrance ng Anderson-Monteverde Hotel.

Umangkla siya sa braso ni Matthew nang papasok na sila ng hotel. Maraming tao sa restaurant sa loob niyon ngunit nakita ng mga mata niya agad ang mga magulang.

Nang makita niya ang mga ito ay nasabik ang puso niya. She missed her parents, no doubt. Kahit gaano pa ka-manipulative at authoritative ang mga ito, she loves them so much.

"Good evening, Mama, Papa..." maingat na bati niya sa dalawa nang makalapit sila ni Matthew rito.

Sabay pang napatingin ang mga magulang niya sa malaki niyang tiyan.

Hindi naman nagkomento ang mga ito but she saw her mother rolled her eyes.

Bumeso siya sa mga ito at saka kumapit ulit sa nobyo. "This is Matthew dela Merced, by the way."

Tumayo ang Papa niya ngunit hindi ang Mama niya. Nakipagkamay ang Papa niya kay Matthew.

"Nice to finally meet you, Sir," magalang na sabi ni Matthew sa Papa niya na tumango lang at saka umupo na ulit.

Nakita niya ang pagsuri ng Mama niya kay Matthew mula ulo hanggang paa. Pagkuwa'y pasimpleng umismid ito.

"Good evening, Mrs. Lorzano," bati rito ni Matthew.

"Good evening," kaswal na bati naman ng Mama niya rito.

Of course, her mother won't ignore Matthew. Galing sa buena familia ang Mama niya kaya may class pa rin ito... sana.

Pinaghila siya ni Matthew ng upuan at saka ito umupo sa tabi niya.

Magkaharap ito at ang Papa niya habang ang Mama niya naman ang kaharap niya.

"I'm glad that you're here, again," umpisa ni Frances na halata sa tinig ang kasiyahan.

"Let's order first," balewalang sabi ng Mama ni Frances at saka nagtawag ng waiter.

Nagkatinginan sila ni Matthew. Halatang kinakabahan pa rin ito pero kinakaya nito. They held each others hand below the table.

Mabilis na na-serve ang pagkain nila at tahimik silang kumaing lahat.

"Kailan ka manganganak?" biglang tanong ng Papa niya sa kanya.

"After six weeks na lang po..." sagot naman niya at saka hinaplos ang tiyan. "Triplets, Papa."

Rumehistro ang gulat sa mukha ng ama. Halatang hindi inaasahan ang sinabi niya.

"Oh, so that's why you look very big," singit ng Mama niya.

Her mother knows what would hurt her ego. Figure-conscious naman kasi talaga siya since then.

Narinig niyang impit na natawa si Matthew sa tabi niya. Nag-enjoy pa ang loko!

Matalim niyang binalingan si Matthew na nagpipigil ng ngiti.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

Napatikhim ito. "Very big but still very beautiful," anito at saka nakangiting bumaling sa Mama niya. "Sa inyo po pala nakuha ni Frances ang mga mata niya. I always liked Frances' eyes ever since. Round and expressive. Sa inyo po nagmana ng ganda ang anak niyo."

Napatuwid ng upo ang Mama niya. "Well, thank you."

Pinigil ni Frances ang ngiti. Parang kaya naman palang tibagin ni Matthew ang pride ng kanyang ina.

"You're an NBI agent, right?" singit ng Papa niya habang umiinom ito ng red wine. "I heard your job missions are dangerous. Kung sarili mong buhay ang nasa panganib, paano pa ang sa anak at sa mga magiging apo namin? You're no good for them."

"Pa!" gulat na saway niya sa ama. Akala niya ang Mama niya lang magiging atribida rito. But looks like, her father would strike his mightiness, as well.

Naramdaman niyang pinisil ni Matthew ang kamay niya.

"I stopped taking long-term investigations and dangerous missions, Sir. Naka-assign na lang po ako ngayon sa maliliit na investigatory crimes and entrapments."

"Oh, parang na-demote ka? That means, your salary decreased as well," gatong pa ng Mama niya. "Now, how would you provide for my daughter and the babies? Baka kulang pa ang kinikita mo. Baka kailangan pang magtrabaho rin ng anak ko as an executive secretary para lang magkasya ang gastusin ninyo."

"Mama, nagtatrabaho ako dahil gusto kong may ginagawa ako. Saka hindi problema sa'min ni Matthew ang pera. Hindi naman na 'ko maluho ngayon. At may ipon kami para sa panganganak ko at sa paglaki ng mga anak namin," pagtatanggol niya kay Matthew.

Sabi niya na nga ba, isa ito sa mga mauungkat. Money matters.

Napailing-iling ang Papa niya. "You see, hindi niyo pa problema ang pera ngayon kahit pa may ipon kayo. Pero sa mga susunod na taon? Kapag nag-umpisa nang mag-aral ang mga anak niyo? You would struggle financially. At alam kong 'di mo kayang mabuhay sa hirap, Frances."

Hindi makasagot si Frances.

"Hindi ko naman po hahayaang maghirap si Frances at ang mga magiging anak namin," Matthew said. Magalang ang pagkakasabi nito.

Nagpupumilit magpakumbaba.

But Matthew is mighty and authoritative as well. Kaya kahit ano pang galang ng pagkakasabi nito, he still sounded proud and high.

"Hindi ko lang naman po siya pakakasalan dahil lang mahal ko siya o nabuntis ko siya. Bago po ako nag-aya ng kasal, sinigurado ko muna kung kayang-kaya ko ba silang buhayin. Hindi naman po ako ang klase ng taong basta na lang susugod sa isang giyera na hindi kumpleto ang armas."

Umupo ng tuwid si Matthew. "Hindi lang po sa pagiging agent ko nakukuha ang pera ko. May trust fund pong iniwan sa'kin ang Mama ko bago siya namatay. At nag-invest po ako sa magagandang kompanya. Lumalago po iyon. May mga negosyo rin po ang mga pinsan ko na magkakasama po naming tinayo. Kumikita po iyon at maganda ang ikot ng pera. Kung nag-aalala po kayo na baka dumating ang panahon na magutom ang anak at mga apo ninyo sa'kin, sisiguraduhin ko pong hindi iyon mangyayari. God provides."

Gusto sanang pumalakpak ni Frances sa mga sinabi ni Matthew dahil nakita niyang parang kumislap ang mata ng Papa niya sa pagkamangha habang ang Mama naman niya ay natigilan.

Matthew, one point.

"Kung ang ikinatatakot niyo rin po ay ang panganib sa buhay na bakamaranasan ni Frances dahil ako ang pakakasalan niya, huwag niyo po sanang isipin iyon. Galing po ako sa pamilyang ayaw niyong magkaroon si Frances. At alam na alam ko po ang pakiramdam na palipat-lipat ng titirhan para langmakapagtago sa mga gustong bawian si Papa. I lost my mom because of the danger of life that she chose with my father."

Napasinghap ang Mama niya at napatakip ng bibig.

"Alam ko po ang takot na nararamdaman niyo na magpapakasal siFrances sa isang katulad ko. Pero dahil alam ko po ang buhay na ayaw niyongmaranasan ni Frances, mas lalong hindi ko hahayaang mangyari sa kanila ang mga nangyari sa pamilya ko."

Huminga ng malalim si Matthew. "At first, yes, itwas hard for me to quit. Iyong mga trabaho ni Papa dati, ganoon na rin pala ang ginagawa ko. Binata naman kasi ako. Wala naman akong maiiwan kung sakaling mamatay ako sa mga misyon. Walang madadamay sa mga gusto akong gantihan.Then, Frances came. And I choose her alone. I won't commit the same mistake twice.

"Kung hindi niyo naman po ako matatanggap ngayon, hindi po akosusuko hanggang sa mapatunayan ko kung ano pong gusto niyong mapatunayan ko. Mr. and Mrs. Lorzano, I really want to marry your daughter. But I wanted to seek for your approval and blessing as well. I can't be against you, dahil mahal po kayo ni Frances. At lahat po ng mahal niya ay mahal ko rin," matatag na sabi ni Matthew habang hawak ang kamay niya.

"Ipaglalaban ko po siya pero hindi sa puntong kailangan namin kayong talikuran. Dahil alam po namin na kapag dumating ang panahon na mahirapan kami sa buhay may asawa, kayo po ang puwede naming takbuhan para mapayuhan at magabayan kami ng tama. Importante po sa'kin ang pamilya dahil maaga po akong nawalan niyon."

"Mama, Papa... please, accept us. Ayoko pong magsimula ng pamilya na hindi po maganda ang relasyon namin sa inyo. We wanted to be good examples to our children. We wanted them to learn that families fight but they don't break..."

Nag-iwas ng tingin ang Mama niya na napansin niyang tila naglamlam ang mga mata. Humugot naman ng malalim na hininga ang Papa niya.

"I just don't want you to be the talk of the town, again, Frances," matigas na sabi ng Mama niya habang umiiwas pa rin ng tingin. "Masakit sa'min ng Papa mo na naririnig naming hinuhusgahan ka ng kung sinu-sinong tao na hindi alam kung anong hirap at sakit ang pinagdaanan mo. Masakit sa magulang na marinig namin ang kung anu-anong ibinabansag sa'yo ng mga tao."

"We're not against Matthew because he's an NBI agent or because he does not have a good income," sabi ng Papa niya at saka napatingin kay Matthew. "You, hijo, is the cousin of Terrence. Oo. Hindi na issue ngayon kung magkapamilya kayo at kung may anak si Frances sa pinsan mo at pagkatapos ay magpapakasal siya sa'yo. But let's face it. Ang pangit pa rin tingnan para sa iba. At natatakot kami... sa oras na makasal kayo, hindi maiiwasang may mga taong laging mag-uungkat ng nakaraan ng anak namin. Pagkatapos ay baka dumating pa ang panahon na kung mapagod ka man, bigla mong isumbat kay Frances ang pagtanggap mo sa kanya sa kabila ng nakaraan niya sa pinsan mo. Be honest, Matthew, we have the male pride."

Nanlaki ang mga mata ni Frances. Iyon ang ikinatatakot ng mga magulang niya?

Ang mahusgahan siya dahil sa pagkakasanga-sanga ng nakaaran niya sa kasalukuyan? Dahil ayaw ng mga itong masaktan siya...

"Hindi ko naman po itatanggi iyan. Reyalidad po iyan. Makakaramdam at makakaramdam ako niyan siguro sa hinaharap..." Matthew looked at her.

"Pero kahit kailan, hinding-hindi ko isusumbat kay Frances ang mga pagkakamali niya nung mas bata pa siya. Dahil kasama na po iyon sa lahat ng minahal ko sa kanya. Mahal ko rin po si Cyla. At may linawan po kaming pag-uusap ni Terrence."

Bumaling na ito sa mga magulang niya. "Hindi po natin mapipigilan ang mga mapanghusgang bibig ng mga tao. Pero hindi po ang mga sasabihin nila ang pipigil sa'tin para sumaya at patuloy na magmahal ng totoo. Hindi po natin kailangan ng approval ng maraming tao. Sa Diyos lang, sapat na ang kahit anong pagkatao natin, mahal Niya pa rin tayo."

Napayapos siya sa braso ni Matthew at sumubsob sa balikat nito. Oh, God.

She does not really know what have she done to deserve a man like him. Idagdag pa ang growing faith nito sa Diyos, siya na yata ang pinakasuwerteng babae sa buong mundo.

Her indomitable hero was not fearless because he saves lives, but because, he's brave to stand in faith and love unconditionally.

Nagpupunas na ng luha ang Mama niya habang ang Papa niya naman ay nakayuko at tila nag-iisip.

Tapos na silang kumain ni Matthew nang mag-angat ng tingin ang Papa niya at tumingin ito sa Mama niya. Parang nag-usap ang dalawa sa mga mata.

Pagkuwa'y tinapos na rin ng mga ito ang pagkain.

Nag-subside na ang mga emosyon at kung anu-ano na lang ang tinatanong ng Papa niya kay Matthew. And then, nagpaalam na rin sila pagkalipas ng ilang oras dahil inaantok na siya at masama sa kanya ang mapuyat.

"Tutuloy na po kami," paalam ni Matthew sa mga magulang niya.

She kissed her parents goodbye. Inalalayan na siya ni Matthew palabas ng hotel pagkatapos.

"Frances!" tawag ng Mama niya na nagpalingon sa kanya.

"Yes, Ma?"

Sumulyap ito kay Matthew at pagkatapos ay sa kanya.

Unti-unti itong lumapit sa kanila.

Then her mother smiled. "When's the wedding day?"

Nagkatinginan sila ni Matthew at sabay na napangiti. Frances' tears flowed from her eyes again and hugged her mother.

Naramdaman niya ring niyakap sila ng Papa niya.

At last!

Her parent's approval—another answered prayer, thank God!

***

Social Media Accounts:

FB Page: C.D. de Guzman / FGirlWriter

FB Group: CDisciples

Twitter: FGirlWriter

IG: fgirlwriter 

Continue Reading

You'll Also Like

689K 33K 30
Hugo lost his memories. Krista forgot how to love him. Sa kailangang pagtulong ni Krista sa asawa, sino ang mas unang maka-aalala? Written © 2020 Pub...
14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.9M 40.5K 44
| COMPLETED | 5 October 2016 - 21 November 2016 | Stonehearts Series #3 | A foundling ever since she can remember, Aqui (a-ki) Marina Godorecci, has...