Chapter Twenty-Six

77.1K 2.3K 148
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

NAPAKAGAAN ng pakiramdam ni Frances. Tila nawala na ang tanging bato na dumadagan sa dibdib niya.

Napahawak siya sa malaking tiyan at napangiti nang makitang nagtatawanan ang Papa niya at si Matthew sa labas ng bahay nila. Ang Mama niya naman ay nasa kusina at nagboluntaryo na gumawa ng meryenda kasama si Cyla.

Almost everything is in harmony! Ito ang mapayapa at maayos na buhay na gusto niya. Kaya naman excited na talaga siyang makapanganak at nang makasal na rin sila ni Matthew.

She let out a sigh of contentment. Nagsimulang umayos ang lahat magmula nang ibigay nila ni Matthew ang tiwala nila sa Diyos

Blessings started to pour in. Prayers were immediately answered!

Tama nga si Tita Bing nang sinabi nitong kapag natutunan nilang isentro ang Diyos sa buhay nila, magbabago ang lahat. Kapag sinimulan nilang laging kausapin ang Diyos sa pamamagitan ng dasal ay makikinig Ito.

Dati, alam lang ni Frances na may Diyos. Pero iba pala kapag mismong pinapasok mo Siya sa buhay mo.

Sa mga sumunod na mga araw ay maganda lang ang takbo lagi ng buhay nina Matthew at Frances. Walang gulo. Walang aberya. Mas natutuwa si Frances at nagagalak ang puso niya na purihin ang Diyos sa buhay na tinatamasa niya ngayon.

Ito mismo ang gusto niya at binibigay sa kanila ni God halos lahat.

Alam niya ring ganoon ang nararamdaman ni Matthew. Napansin niya nung mga nakaraang araw na madalas na silang nagkakausap ni Matthew about their faith, their everyday realizations and reflections, and their prayers.

Akala ni Frances noon, basta mahal ka ng taong mahal mo at magkasama kayo ay iyon na ang pinakamasayang pakiramdam sa lahat. Iyon pala mas masaya palang kasama mo ang taong mahal mo sa paglago ng relasyon niyo sa Panginoon.

She does not want to sound so holy or what, ngunit iyon talaga ang totoo.

"Mama, who are we waiting?" naiinip na tanong ni Cyla habang nasa NAIA 3 sila.

Si Matthew ay parang hindi mapakali habang patingin-tingin sa arrival area ng airport.

"We're waiting for Daddy Matthew's brother. Remember Kuya Red?"

Mabilis na tumango si Cyla. "He used to play with me in Monte Amor."

"That's right. He will live with us in our new house!"

Kahapon lang, pagkatapos ng tatlong linggo magmula nang magkasundo na ang mga magulang niya at si Matthew ay inasikaso na rin nila ang paglilipat ng bahay.

Nakalipat na sila sa mas malaking bahay sa kaparehong subdivision na tinitirhan nila. Tinulungan pa sila ng mga magulang niya at mga pinsan ni Matthew na nasa Maynila na sina Andrew at Jude.

"Nandito na kami!" masayang anunsiyo ni Peter na siyang kasama ni Red sa flight ng bata.

Parang nahihiyang ngumiti sa kanila si Red at agad na napatingin sa kapatid nitong si Matthew.

"Hi, Peter! Wala ka yatang pinagbago?" bati niya rito.

Bumaling ito sa kanya. "Ang guwapo, guwapo na talaga panghabambuhay!" nakatawang sabi nito at saka siya hinalikan sa pisngi. "Ikaw, Frances ang nagbago! Bakit mukha ka ng lobo?"

Sinampal niya ang bibig nito at natawa lang ang loko.

"Pero ikaw naman ang pinakamagandang lobong nakita ko," biglang kabig nito at saka napahawak sa labi. "Ang sakit ng hampas mo. Hindi pa nasaktan ang labi ko ng ganoon maliban na lamang kung nasabak sa mahaba-habang halikan."

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon