Ang Alalay Kong Astig! ( Publ...

By Sweetmagnolia

26.5M 620K 144K

Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl... More

ANG ALALAY KONG ASTIG
[1] MAY POGI SA KALSADA
[2] THE ASSIGNMENT
[3] HI KLASMEYT!
[4] ANG BAGUHAN
[5] TROPA
[6] BAGONG ALIPIN
[7] CALL OF DUTY
[8] BOY OR GIRL
[9] ATTACK OF THE ENEMIES
[10] PATIENCE 101
[11] WHO'S THE BOSS?
[12] DRAMA QUEEN
[13] WARM WELCOME
[14] MORE DO'S & DON'TS
[15] IKAW SI SUPERGIRL
[16] TRUE HEART
[17] DATE CRASHER
[18] MY FULL-TIME SERVANT
[19] THREE IS A CROWD
[20] KISSPIRIN
[21] THE CHOICE AND THE CHOICES
[22] THE COLD MAN AND THE OLD MAN
[23] YOUNG HUSBAND-TO-BE
[24] ADJUSTMENT DAY
[25] THE SET-UP DATE
[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD
[27] BACK TO EARTH
[28] I AM ALEX
[29] IT'S NOT OVER
[30] OLD BLAKE, NEW MAYA (ALEX)
[31] PUSH THE LIMITS
[32] I SURRENDER
[33] BECAUSE I LOVE YOU
[34] CROSSROADS
[35] A LOVE TO WAIT FOR
[36] LIKE A REPLAY
[37] THE RISE OF THE RIVALS
[38] CHANCE TO BET
[39] GUT INSTINCT
[40] LIGHTS FADING OUT...
[41] SHOW MUST GO ON
[42] EDGE OF TRIALS
[43] I WILL REMEMBER YOU
[44] RUN TO YOU
EPILOGUE

[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)

654K 13.2K 5K
By Sweetmagnolia

                                                 ****

Dalawang linggo makalipas lumabas ng hospital ni Alex.

BLAG!BLAG!BLAG!

“ALEXANDRA!BUKSAN MO TONG PINTO!”

BLAG!BLAG!BLAG!

“BUKSAN MO SABI!!!”

Pinagbuksan ni Alex ang nangangalampag na ina. “Ma, huwag niyo namang sirain itong pinto ko.”

“Ano ba Alexandra?! Tapatin mo nga ako! Haharapin mo pa ba ang Blake na iyan o habambuhay mo nang pagtataguan?!”

Hindi sumagot si Alex. Patay-malisyang iniwas niya ang mga mata sa nanggigigil na ina.

“Aba! Maawa ka naman dun sa tao! Araw-araw nang bumisita dito pero ni isang beses ay hindi mo man lang hinarap. Napapagod na ako sa kakaakyat-baba dito sa kuwarto mo ah! At ano to gabi-gabi na lang ba ay ako ang haharap sa lalaking iyon?! Sabihin mo lang at ako na rin ang sasagot sa kanya. Ang gwapong bata, hindi ko tatanggihan iyon!”

“Ma, huwag na kasi kayong masyadong nakikialam. Huwag niyong i-entertain kung napapagod kayo. Wala kasi kayong alam sa pinagdaanan ko sa taong iyan. Hayaan nyo siyang magtiis,” ingus niya.

“Magtiis? Sa ganitong paraan?! Tuturuan kita Alexandra! Kung gusto mo talagang mahirapan yung tao, ngayon pa lang ay sabihin mo na nang harapan na hindi mo siya gusto! Saktan mo na ng mabilisan! Diretsuhin mo na habang maaga para humaba ang pagdurugo ng puso niya! Ang ginagawa mo ngayon ay binibigyan mo pa ng pag-asa eh!  Teka ako na nga ang magsasabi…tutal ito naman yata ang hinihintay mong gawin ko eh!”

Tumalikod kaagad ang ginang subalit mabilis itong pinigilan ni Alex. “Ma sandali! Huwag na ako na! Eto na bababa na ako, haharapin na!”

Lihim na napangiti si Sylvia subalit nang humarap ulit sa anak ay nagkunwari na naman itong galit.“Bilisan mo ha! Nauubusan na ako ng tanong sa taong yun. Nasa hospital ka pa lamang ay iniinterview ko na ang Blake na iyan! Wala na kaming mapag-usapan.”

“Oo na ho! Ma, bawas-bawasan niyo naman ang pagkaobvious ng pangangampi niyo sa lalaking iyan. Ako ho ang anak niyo. Ako ang nasaktan… Ako ang nagdusa… Ako ang nahirapan…kaya’t ako dapat ang kinakampihan niyo.”

Pinandilatan ni Sylvia ang dalaga. “Tse! Huwag mo akong daanin sa pagdadrama mo! Bilisan mo na at ilang araw na akong awang-awa sa taong iyon!” sabay kurot niyasa tagiliran ng anak.

“Aray! Eto na magpapalit lang ako ng damit. Nakakahiya naman sigurong humarap sa bisita ng nakapantulog di po ba?” sabay sarado ni Alex ng pinto bago pa man makadugtong ng salita ang ina.

                                                                           -----

Mag-isang nakaupo si Blake sa sopa. Iniwan na siya ng ina ni Alex. Alam niyang kinausap muli nito ang anak subalit sa parte niya ay hindi pa siya umaasang haharapin na siya ng dalaga. Hindi niya hinahangad na makausap kaagad ito. Ang gusto niya lang ay iparamdam dito na handa siyang magtiis at magtiyaga hanggang sa handa na ulit itong pag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa. Kahit buwan o taon pa ang abutin ay araw-araw niya pa rin itong pupuntahan sa bahay. Tatanggapin niya anuman ang parusang ibigay nito sa kanya.Tahimik siyang yumuko habang nag-iisip nang iba pang paraan ng panunuyo. Minasahe niya ang noo at bumuntong-hininga.

 “Ehem!”

Agad siyang nag-angat ng mukha nang marinig ang tikhim mula sa kanyang likuran. Nakatayo malapit sa kanya si Alex. Nakataas ang kilay at nakahalukipkip itong nakatingin sa kinauupuan niya. Agad na gumuhit ang malaking ngiti sa kanyang mukha. 

 “Alex-”

“Napapagod at nahihirapan ka na ba kaya nanghihingi ka na ng reenforcement sa nanay ko?” mataray na sabi nito sabay upo sa tabi niya.

Ramdam niya ang paglundag ng kanyang puso. Pagkalipas ng maraming araw ngayon niya lang ulit nakita si Alex nang malapitan.Umaasa siyang sana ang pagharap nito ay tanda na unti-unti na siya nitong napapatawad. Napapangiti siya subalit pinilit niyang magseryoso nang makitang seryoso at nakasimangot pa rin ang hitsura ng dalaga.

“I didn’t ask for any help Alex. I told you I’m willing to accept all your punishment. Hindi ako susuko at lalong-lalo hindi ako mapapagod. Inihanda ko na nga ang sarili ko para sa mas mahihirap pang parusa…I know you’ve got some skill on torturing people.”

Tinaasan ni Alex ng isang kilay ang lalaki at binigyan ito ng matatalim na titig. “Anong ibig mong sabihin?”

 “You’re a policewoman, it’s part of your job isn’t it?” ngingiti-ngiting sagot ni Blake.

Pinandilatan ni Alex ang katabi. “Sa mga kriminal ko lang ginagawa yun! Pero teka pwede ko ring gawin sayo, gusto mo?”

Agad na umiling si Blake. “I’m kidding. I don’t want to die,” kunway takot na sabi nito pero dama nitong naggagalit-galitan lamang ang babae.

Umirap si Alex at taas-noong tumingin sa salungat na direksiyon. “Blake, huling araw na ito ng pagdalaw-dalaw mo sa akin ng ganito. Tama na. Itigil mo na.”

Nabura bigla ang sigla sa mukha ni Blake. “W-What do you mean?” kinakabahang tanong nito.

Humugot muna ng isang malalim na buntong-hininga si Alex. “Pasalamat ka sa nanay ko! Binababaan ko na ang sentensiya mo kaya’t hindi mo na kailangang gawin ang mga ganitong pagdalaw.”

Bumalik ang mga ngiti sa mukha ni Blake. “Alex, can you completely forgive me already?”

“Umaabuso ka ba?!”

“No. I’m thinking na tutal kinausap mo na ako ngayon, sasabihin ko na ang lahat. I’m afraid baka bukas hindi mo naman ako kausapin. Please patawarin mo na ako. I’m dying to start a relationship with you already. Alam ko namang pareho nating mahal ang isa’t isa.”

Tumahimik ng ilang sandali si Alex at nag-isip. Naniningkit ang mga matang tiningnan niya siya Blake. “Hindi na ako masasaktan?”

“I can’t promise because in every couple that happens every now and then. But one think I’ll make sure…that I will never hurt you intentionally.”

 “Hindi mo na ako paiiyakin?”

 “Promise.” sabay hawak sa tapat ng kanyang dibdib ni Blake.

 “Hindi mo na ako ipagpapalit?”

“Kahit kaninong babae pa. You’re the rarest. I can’t find another woman better than you. You’re the most beautiful in my eyes so that’s not going to happen.”

“Hindi mo ako kakalimutan?”

“I didn’t do it intentionally but if you want I can even sign a sworn statement so just in case na mauntog ulit ako at makalimutan kita, you can show it to me.”

Naglaho ang mga nagdududang tingin ni Alex ngunit nanatili pa rin siyang nakatitig sa lalaki habang nilalabanan ang sarili na ngumiti. Bago pa siya lumabas ng hospital ay batid niya na sa sariling hindi niya pa rin kayang tiisin si Blake. Nasaktan man siya dahil sa lalaki ngunit alam niyang mas higit siyang masasaktan kung hahayaan niyang mawala ito sa kanya. Plano niya lang na pahirapan ito ng kaunti.

Hinawakan ni Blake ang kanyang palad. “Am I forgiven now?” anito.

Agad niyang binawi ang kamay. “Sandali! Hindi ka pa absuwelto! May isang bagay pa na ipinagpapanting ng mga tenga ko!”

 “W-What is it?”

“Naiirita ako pag naiisip kong may nangyari sa inyo ni Marianne!” Napadekuwatro’t napahalukipkip si Alex habang nakairap sa lalaki.

“That’s part of the past. And besides wala ako sa totoong sarili ko by that time... To be honest, I did it with other girls also. I was a different man nang makilala mo ako but why are you being like this only to Marianne? Let’s forget about the past, Alex.”

“Hindi! Iba yung kay Marianne! With feelings yun eh kaya mahirap makalimutan! Ilang beses ba nangyari yun?!” sutil na ika ni Alex.

“I-I only slept with her once,” napipilitan at napapalunok na sagot ng lalaki.

Tinitigan ulit ni Alex sa mga mata ang kausap. Tinatantiya kung nagsasabi ito ng totoo. “Isang beses? Sigurado ka? Kilala kita Blake Monteverde. Hari ka ng kapilyuhan! Kaya’t huwag mong sasabihing isang beses lang may nangyari sa inyo!”

“That’s the truth Alex…I started to control myself simula nang naconfuse na ako sa feelings ko because of you. I’m being honest here. Believe me. Tsaka ang higpit mong magbantay di ba?”

“So kasalanan ko pa dahil hindi kita gaanong nabantayan kaya nakalusot kayo. Ganun ba yun?!”

“No. That’s not what I mean. I’m just explaining my side.”

 Tumahimik si Alex ngunit pairap pa rin itong tumitingin sa lalaki.

“Is that all, Alex? May ikinakagalit ka pa ba?” mahina at napakaamong tanong ni Blake.

“W-Wala na. Pagod na akong magkimkim ng galit kaya sige na, okay na! Tapos na ang parusa mo!”

Nangislap ang mga mata ni Blake. Nagpipigil ng ngiti na tinitigan niya si Alex. “Does it mean na okay na tayo?”

“Kasasabi ko lang di ba?” nagmamataray pa ring sagot ng dalaga.

“Are you accepting me already? Tayo na ba?”

“Bakit mukha ba akong nagsisinungaling? Kung gusto mo babawiin ko.”

“Don’t! I believe you. I definitely don’t doubt you!” panic ng lalaki sabay yakap nito ng mahigpit sa dalaga. “Thank you, Alex. I promise I’ll make you a very happy woman. I love you. I really realy love you.”

Gumanti ng yakap si Alex . Tumingin sa mga mata niya si Blake.

“Wait. How about a sweet smile from you to prove na napatawad mo na ako. Kanina mo pa kasi ako sinisimangutan eh,” lambing nito.

Natawa muna si Alex. Tumikhim ito at bahagyang nagseryoso ngunit unti-unti ring ngumiti mula sa kaibuturan ng kanyang puso.

Napangisi si Blake habang tinitingnan ang matatamis na ngiti ng babae. “How about a token of proof for your forgiveness?” dagdag na lambing niya.

Pumikit si Alex at kusang inihain ang kanyang mga labi. “Ayan na ang token mo.”

Tinitigan muna ni Blake ang mukha ng nakapikit na dalaga. Napangiti siya ng may mamasa-masang mga mata. Para siyang maiiyak sa kaligayahan. Sa kabila ng dami ng pagsubok na dumaan sa kanila, hindi siya makapaniwalang pagdating sa huli ay mapapasakanya pa rin ang babaeng pinakamamahal.

“Thank you Alex…You don’t know how happy I am today. Thank you.”

Dahan-dahan niyang inilapit ang mga labi ngunit bago pa man dumampi ang kanyang halik…

 “Kayo na ba?”

Napaiktad sa kinauupuan ang bagong magkasintahan. Dali-daling kumawala ang mga ito sa kanilang yakapan at medyo dumistansiya sa pagkakatabi sa isa’t isa.

“Ano ka ba naman Ma?! Bakit ba bigla-bigla na lang kayong sumusulpot?” napapahawak sa dibdib na reklamo ni Alex.

“Sagutin nyo ang tanong ko. Kayo na ba?”

Nagkatinginan sina Blake at Alex. Magkasabay ang mga itong tumango.

 “Oho.”

Lumapit ang ginang kay Blake at may iniabot itong isang papel.

“Ano yan Ma?” ani Alex.

Nagtatakang tinanggap ni Blake ang papel at binasang maigi ang nakasulat dito.

“Schedule yan ng araw ng punta mo dito sa loob ng isang linggo. Yan ang mga araw na ipagluluto kita.”

 “S-Sige po,” napapatangong sagot ng lalaki nang may nahihiyang ngiti.

“Okay na ba sila?”

Sabay-sabay ang tatlong napatingin sa papalapit na matandang heneral.

“Yes, Papa,” pahayag ni Sylvia na nagpipigil ipakita ang nararamdamang tuwa.

Lumapit ang matanda kay Blake at inabot nito ang isang papel. “Yan ang mga araw na obligado kang samahan ako magtarget shooting.”

“O-Okay po,” walang reklamong tinanggap ni Blake ang papel.

“Bati na ba sila?”

Bumababa sa hagdan si Dennis. Lumapit ito sa lalaki at nag-abot din ng isang maliit na pirasong papel.

“Yan ang schedule ng for the boys night out ko. Sana masamahan mo ako paminsan-minsan para naman makapag-bonding tayo.”

“Thanks. No problem,” mapagkumbabang sagot ulit ni Blake.

“Sila na ba?”

“Dad pati ba naman kayo?!” piksi ni Alex pagkakita sa naglalakad papalapit na ama.

Si Blake na mismo ang kusang nag-abot ng kamay upang tanggapin ang inaasahang papel mula sa ama ng girlfriend.

“Ito ang mga araw ng paglalaro ko ng golf. Gusto kong samahan mo ako pag may oras ka.”

“Wala pong problema.” nakangiting sagot ni Blake.

“SANDALI!SANDALI!” biglang tutol ni Alex at sabay harang niya sa katawan kay Blake na animo’y pinoprotektahan ito sa isang malaking giyera.

“Ano to? Hinaharass niyo ba si Blake?! Tsaka anong ibig sabihin ng mga papel at schedules na yan? Ano yan makikihati pa kayo sa akin sa oras ng boyfriend ko?! Baka naman sa akin na mawalan ng oras si Blake. Ako ang karelasyon niya sa bahay na ito. Ako ang girlfriend. Ako!”

“Tumahimik ka dyan Alexandra! Pagbigyan mo kaming namnamin ang pagkakaroon mo ng boyfriend. Gusto lang naming mapaniwala ang aming mga sarili na nangyayari na nga ito. Tumabi ka dyan! Huwag kang mag-alala wala kaming gagawing masama sa boyfriend mo kaya huwag mo siyang  ipagdamot!” pahayag ni Sylvia.

Isa-isang binigyan ni Alex ng mapanuring tingin ang mga kaharap. Pinapakiramdaman niya ang motibo ng mga ito. Ngunit nang sabay-sabay siya ng mga itong pinandilatan ng mga mata ay wala siyang nagawa kundi ang alisin ang katawan mula sa pagkakaharang kay Blake.

Lihim na napapangiti si Blake. Pumapalakpak ang kanyang mga tenga’t lumulundag sa tuwa ang kanyang puso sa mga nangyayari lalong-lalo na nang marinig niya ang mga katagang ‘boyfriend ko’ mula mismo sa mga labi ni Alex.

                                                                          ------

 “Lolo we want to talk to you about something.”

Magkahawak ang mga kamay na nakaupo sa harap ni Don Henry sina Blake at Alex. Seryoso ang mga mukha at halatang parehong kinakabahan sa magiging reaksiyon ng matanda.

“What do you want to say? Are you going to ask for my forgiveness that you can’t follow our agreement anymore?”diretsong tanong ng matanda.

Nagulat si Blake. “Huh? How did you know about it?”

“It’s obvious basing from the personality of Alex. I know she’s not the kind of woman who will easily jump into a marriage.”

“Pasensiya na po kayo Don Henry. Sana maintindihan niyo ang desisyon ko. Para po kasi sa akin pinag-iisipan hong mabuti ang bagay na iyan bago pasukin. Mahirap na po baka kasi ikasira lamang ng relasyon namin kung pareho kaming hindi handa sa pinasok naming sitwasyon,” nakayukong paliwanag ni Alex.

“I understand. I trust every word you say Alex. I will respect your decision but I want to hear from you too about your plan regarding your work. I’m not concerned about the situation of my grandson alone. I care about you too. Sa nangyari sayo, pati ako ay halos atakehin din sa puso sa kaba.”

“Naiintindihan ko po kayo. Sa ngayon ay naka-indefinite leave po ako. Pinag-iisipan ko pong mabuti ang sitwasyon. Naiisip ko pa ring ipagpatuloy ang pagpupulis ko pero hindi na po ako tatanggap ng duty sa labas. Magpapalipat ho ako ng department kung saan sa opisina na lang ho ako magtatrabaho. Nangako po akong iingatan na ang sarili ko para sa mga taong nagmamahal sa akin.”

“But are you happy with that decision?”

Tumango ang dalaga. “Ang pagpupulis ho ang mahalaga sa akin. Kahit nasa labas o loob lamang ako ng opisina sa palagay ko ay magagawa ko pa rin ang tungkulin ko. Mahal ko po si Blake at maliit na sakripisyo lamang ho ito kapalit ng hindi pag-aalala ng mga taong mahal ko.”

 “I feel relieved then.”

Ibinaling ng matanda ang mga mata sa apo. “Now that our agreement has been cancelled,  what’s going to happen next, Blake?”

Nagkatinginan muna ang magkasintahan bago sumagot ang lalaki.

“I decided to fulfill my other promise to you. I will start to study the operation of our business. I’m willing to study abroad as what we planned before. I’m prepared to leave anytime you want me to… and Alex agreed about my decision too.”

“I’ll think about it…” maiksing sagot ng matanda na noon ay bakas din ang pagsang-ayon sa desisyon ng apo.

Magalang na nagpaalam ang dalawa matapos sabihin kay Don Henry ang pakay.

“Blake, take care of Alex. Pag nagloko ka, ako mismo ang babatok sayo,” pahabol na paalala ni Don Henry bago pa man makalabas ang apo sa pinto.

“Yes sir!” tatawa-tawang sagot ng lalaki.

Lumabas ang magkasintahan sa personal office ni Don Henry nang parehong nakangiti. Magkahawak-kamay na binaybay nila ang isa sa mga pasilyo ng malaking bahay.

“Teka Blake. May hahanapin lang pala ako sa kuwarto. May nawawalang importanteng bagay sa mga pinakuha kong gamit. Baka nandidito lang iyon.”

“Sige. Hindi ko pa rin naman pinapagalaw sa mga katulong ang mga naiwan mong gamit because I was hoping na babalik ka pa rin.”

Umakyat ang dalawa sa kuwarto. Nang makita ng dalaga na papasok din sa loob ang boyfriend, tiningnan niya ito ng may babala.

“What? You allowed me to enter here before, I think I’m even more allowed to do so today,” ngingisi-ngising tugon ni Blake.

 “Bahala ka na nga. Iwanan mong bukas yang pinto ha,” paalala ni Alex.

Lumapit si Alex sa damitan. Inisa-isa niya ang mga naiwang damit na naroroon. Napangiti siya ng abot tenga nang makita ang hinahanap. Inilabas niya ang isang kulay brown na jacket.

“Sira na iyan ah,” kunot noong komento ni Blake. Natatandaan niya ang jacket. Ito ang suot ni Alex nang madaplisan ito ng patalim sa braso.

“Oo, pero importante kasi sa akin ito.”

“How come? Bigay ba yan ng isang mahalagang tao?”

May lambing na ngumiti si Alex sa nagtatakang kausap. “Mahalaga sa akin ang jacket na to dahil dito ko unang naramdaman na nag-alala ka sa akin.”

Natigilan si Blake. Unti-unting umangat ang isang sulok ng kanyang bibig. Lumilipad na naman ang mga paru-paru sa tiyan niya. Hindi nabibigo si Alex na pangitiin siya sa tuwing nagbibitiw ito ng matamis na salita. Lagi siyang parang nagbibinatang kinikilig kahit sa mga simpleng bagay na pagpapamalas nito ng pagmamahal.

 “Alex…”

Hinawakan niya ang pisngi ng girlfriend at tinitigan ang bawat bahagi ng mukha nito. Napadako ang mga mata niya sa mapupula at nag-aanyayang mga labi nito. Walang pag-aatubiling hinalikan niya ito malalim. Gumanti sa mga halik niya ang dalaga. Matamis na naglapat ang kanilang mga dila at parehong nakapikit na ninamnam ang mga labi ng isa’t isa.

Ikinawit ni Blake ang kamay sa beywang ng babae at kinabig ito. Ipinulupot naman nito ang mga kamay sa kanyang leeg. Inihakbang niya ang mga paa patungo sa nakaawang na pinto nang hindi inihihiwalay ang mga labi sa dalaga. Isinarado at ini-lock niya ito.

 “A-Anong ginagawa mo Blake?” 

“We need some privacy here,” sagot niya at sabay siil ulit ng halik sa girlfriend bago pa man ito makapagreklamo.

Tututol pa sana si Alex ngunit naisip niyang nagawa na nila ito dati, ngayon pa ba siya maasiwa kung kelan karelasyon niya na ang lalaki? Walang pag-aalinlangang ginantihan niyang muli ang mga halik ni Blake. Para siyang lumulutang sa naghahalong saya at nagigising na sensasyong unti-unting bumabalot sa kanyang katawan. Ganito pala kasarap kapag malaya mong naipapadama ang tunay na isinisigaw ng iyong damdamin.

Walang balakid.

Walang bawal.

Mahal niyo ang isa’t isa at tanggap din ng ibang mga nagmamahal sa inyo ang pagmamahalan ninyong dalawa.

Gumapang ang mga kamay ni Blake. Pumasok ito sa loob ng suot niyang pantaas. Hinaplos nito ang kanyang likuran, patungo sa kanyang tiyan, papaakyat sa kanyang dibdib. Napaliyad siya ng maramdaman ang marahang himas ng lalaki sa kanyang dibdib. Ang sensasyonng nagpapahina sa kanyang mga kalamnan ay dahan-dahang sinasabayan ng gumagapang na init sa kanyang kabuuan.

Naglakbay muli ang mga kamay nito. Tumungo ito sa kanyang likod. Hinanap nito ang pinagkakabitan ng kanyang suot na panloob at nang mapagtas ito’y bumalik ang mga haplos ng lalaki sa kanyang dibdib. Napakagat siya sa labi habang hindi malaman kung saan kakapit sa katawan ng lalaki. Bumaba ang mga labi ni Blake papunta sa kanyang leeg. Papaakyat sa kanyang tenga.

“You’re beautiful Alex,” mainit na bulong nito at saka dahan-dahan siyang hinubaran ng pantaas.

 “B-Blake…”

 “Shhh…It’s alright. I know when to stop...”

Pinabayaan niya ito. At namalayan niya na lamang na bumaba na ang mga labi nito sa dibdib niya. Nasabunutan niya ang lalaki.

“Aaahh B-Blake…” ungol niya. Hinaplos niya ito nang may papahiwatig na sana’y huwag itong tumigil sa paghalik.

Nag-angat ng ulo si Blake at tinitigan ang namumula niyang mukha. Nakakapaso ang mga titig nito hanggang sa muli nitong siniil ng mga halik ang mga labi niya habang hinahaplos ng kamay ang kanyang dibdib. Humakbang ito patungong higaan nang di tumitigil sa malalim na paghalik. Walang pagtutol na sumunod ang mga paa niya sa kagustuhan ng lalaki.

Naupo’t napahiga sila sa kama. Kinakabahan si Alex sa susunod na mangyayari ngunit ayaw namang tumutol ng kanyang damdamin. Hinayaan niya si Blake na sakupin ang kanyang buong pagkatao. Isa-isa nitong hinuhubad ang saplot niya.

 “Let’s not stop Alex…Don’t be afraid. I'll take full responsibility. Kahit paulit-ulit pa kitang pakasalan ay gagawin ko…” malumanay na bulong nito sa kanyang tenga.

Naghubad na rin si Blake. Maingat itong pumaibabaw sa kanya at binalot sa makapal na kumot ang kanilang mga katawan. Hinalikan muna siya ng malalim sa mga labi ng lalaki. Hinayaan muna nitong madala siya sa mga halik at haplos nito sa maseselang bahagi ng kanyang katawan hanggang sa maramdaman niyang unti-unti na nitong pinapasok ang kanyang pagkababae.

Napaigtad siya sa sakit. “Aray!”

Kumawala siya sa halik  ng lalaki. Napakagat siya ng sobrang diin sa labi. At hindi niya napansing kusang gumalaw ang kanyang kanang kamay. Hinablot niya ang nakatuong kamay ni Blake sa kama at malakas niya itong pinilipit patungo sa likuran.

 “Ouch! Aray! Aray! What are you doing Alex?”

 “Nanakit ka eh!” Pinandilatan niya ang lalaki.

 “Stop it! Stop it Alex. You’re hurting me. STOP!”

Nang napasigaw si Blake ay saka lamang natauhan si Alex. Nahihiyang binitawan niya ang kamay nito.

“Ouch! Alex pati ba naman dito…”

“S-Sorry.. N-Nabigla lang ako…”

 “C-Can we continue now?..”

 Hiyang-hiya at namumula ang mukhang tumango siya. "O-Oo.."

Continue Reading

You'll Also Like

2M 79.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
5M 75.3K 65
PUBLISHED UNDER LIBPC. Divided into four books dahil sa kahabaan hehehhe already available in bookstores nationwide. But mas madali syang mahanap sa...
24M 406K 46
This is the second book of ANG ALALAY KONG ASTIG. A continuation of the love story of the most eligible billionaire bachelor Blake Monteverde and the...
12.3M 99.3K 65
IKAW NA LANG BA ANG NBSB SA BARKADA?.. BAKIT DI MO I-TRY ANG GUMAWA NG IYONG FACEBOOK BOYFRIEND...? MAKAKAPAG PALIT KA PA NG STATUS MULA SINGLE INTO...