September Night [Completed]

By rizzamaruja

29.4K 416 133

Mabilis na nagsimula ang mga kababalaghang kaganapan sa buhay ni Pia nang makabalik siya sa probinsiya. Ang P... More

September Night
September Night [1]
September Night [2]
September Night [3]
September Night [4]
September Night [6]
September Night [7]
September Night - Ang Pagtatapos

September Night [5]

2.4K 43 10
By rizzamaruja

Pinagmamasdan ni Josh ang kuwintas na kanyang hawak-hawak habang siya sa nakadungaw sa may Asotea.  Inaalala niya ang mga pangyayari sa nakalipas na labing-isang Taon.

"Pia! Josh!" Sigaw ni Sophia habang papaakyat sa may Parola. "May ibibigay ako sa inyo dali!"

"Oh, bakit parang ang saya-saya mo?" Tanong ni Josh. Agad naman silang lumapit sa kanya at tinignan ang mga kwintas na kanyang hawak-hawak.

"Ano yan Sophia?" Tanong naman ni Pia. Kinuha niya ang isa. "Wow Ang ganda!" 

Habang siya naman ay kinuha din ang isa pa. Tatlo yung kuwintas.. Tag-iisa sila "Saan gawa ito?" Tanong ni Josh kay Phia.

"Gawa ko yan! Ako mismo. Gawa yan sa mga sea shells. ang ganda no? Gusto ko kayong bigyan niyan tutal kayo naman yung best friends ko eh!" 

Niyakap ni Pia si Sophia. Napangiti naman ako. "Salamat Sophia! Best friends tayo hanggang sa lumaki tayo ah? Salamat Sophia..."

"Walang anuman.." Nakangiting sagot ni Sophia kay Pia.

Naaalala nya pa rin. Sariwang sariwa pa sa kanya ang mga ala-ala. Napabuntong hininga siya. Bakit nga ba sila nagkaganito? Ano ba ang nangyari sa kanilang tatlo? Napailing siya. Tinago na ang kuwintas na hawak-hawak. Kung hindi dahil do’n, hindi na sana hahantong pa sa ganito ang mga pangyayari. Siguro kasalanan ko din. Kasalanan ko 'to. Sambit niya sa kanyang sarili.

Bigla naman siyang natigil sa pag-iisip nang may biglang tumawag sa kanyang pangalan.

"Kuya! May tawag ka sa telepono!" 

"Oo nandiyan na kamo." Tumayo siya sa kinauupuan at nagsimulang maglakad. "Sino daw ang tumawag?" Tanong niya pa.

"Sophia daw ang pangalan eh," sagot naman ng  kanyang kapatid. "Girlfriend mo Kuya? Namimiss ka na daw eh!"

Nanlaki ang mga mata ni Josh. Hindi siya makapaniwala na tatawag sa kanya si Sophia.  "Sigurado ka Cess?!"

"Oo. Bakit?"

 ***

Kinabukasan, Tanghali na nang magsing si Pia.  Bumaba na siya ng hagdan para mag-almusal.

"Oh Pia? Tanghali ka na ata magising?' Tanong ng Tita niya sa kanya.

Simula nang mapaginipan niya si Sophia ay hindi na siya ulit makatulog. Ayaw na niyang balikan ang isang bangungot.

"Hindi po kasi ako masiyadong nakatulog kagabi eh." 

"Bakit? Bakit hindi ka makatulog?" Nag-aalalang tanong ng Tita niya.

"Nanaginip po 'yan si Pia," Sabay naman ang labas ng banyo ni Kath. "Galit pa daw sa kanya yung .. Sino nga ba ‘yon? May binanggit siyang pangalan eh.. S... SH.. SS..."

Napabuntong hininga naman siya. Mabuti na lang at hindi matandaan ni Kath ang nabanggit niyang pangalan.

"Naku tita, wag niyo na po yung pansini. Okay naman na po ako eh.. Banyo muna ako ah?" Sabay naman ang pasok niya ng banyo.

Humarap siya sa salamin. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili bago naghilamos.

Nagpatuloy pa rin sa paghihilamos si Pia at hindi pinapansin ang salamin. Nakatingin lang siya sa may lababo at patuloy sa pagwisik ng tubig sa mukha niya. Hindi niya nakikita ang babaeng nakatayo sa likuran niya.. 

...Isang babaeng mahaba ang buhok, nakaputi at pawang galit na galit....

Nakatingin lang siya kay Pia. Hindi kumukurap.. Duguan... at nanlilisk na mga mata.

Nang matapos siyang magbanyo, agad siyang lumabas para kumain. Pandesal at Hotdog lang ang almusal. Pagkatapos niyang kumain, nagbihis na siya at naisipang pumunta ulit ng Bayan. Naisip nga ulit niya na yayain si Kath dahil alam niyang wala itong masiyadong ginagawa.

"Pia, Saan ang punta mo?" Tanong ni Kath sa kanya.

"Pupunta ako ng bayan.. Sama ka ba?"

Umiling ito bilang sagot. "Hindi na muna. Medyo masama ang pakiramdam ko eh.. Ikaw na lang muna ah?"

"O sige, wala ka bang ipapabili?"

“Wala naman..."

Tumango-tango siya. "O siya, baka hapunin na ako sa pag-uwi ah? Saka, humingi ka na din ng gamot kay Tita kung masama ang pakiramdam mo Okay?"

"Okay..."

 Nagtungo na siya sa bayan. Sumabay siya sa kanyang Tita na papalabas na rin ng bahay. Mabuti na lang at kasabay nitong lumabas ang isa sa mga kaibigan niyang nagdedeliver ng tubig. Hindi na niya kailangang maglakad ng malayo hanggang sa paradahan.

Nang makarating sila ng plaza ay naghiwalay na sila ng kanyang Tita. Pupunta pa kasi ito sa post office upang maghulog ng sulat.

Tumingin-tingin na lang siya ng mga damit. Alas dos pa lang ng hapon no’n kaya walang masiyadong namimili. Medyo mainit na rin ang panahon at nakakaantok pa.

Hinawi niya ang isang damitan at biglang siyang nagulat sa kanyang nakita.

"Ahhh!"

Napasigaw siya sa sobrang takot. Agad siyang tumingin sa paligid at nakatingin na rin ang ilang tao sa kanya dahil sa pagsigaw.

Binalik naman niya agad ang tingin sa damitan ng hinawi. Wala na ang mukha.

Kanina lamang ay biglang may mukha ng babae ang sumulpot.

‘yong mukhang ‘yon, pamilyar siya – namumula yung mata, lumuluha ng dugo at nanlilisik na nakatingin sa kanya na parang gusto siyang kunin.

Siya...

..Siya ang babae sa panaginip ko.

Tumingin ulit siya sa mga taong nakatingin sa kanya.  "Ay.. S-Sorry po. Nal.. Nalaglag lang kasi yung damit eh.." Pagsisinungaling niya. Nagsibalikan naman ang lahat sa kani-kanilang mga gawain.

 Matapos makita ni Pia ang mukha nung babae do’n sa damitan ay naisipan na niyang umuwi. Hindi kasi siya mapalagay. Sino nga ba yung babaeng palagi na lang nagpapakita sa kanya? Wala naman siyang natatandaan na kung sino ang namatay kamakailan lang.

Umuwi na siya ng bahay. Mag a-alas kuwatro na rin ng hapon ng makarating siya sa kanila. Naghintay pa kasi siya ng tricycle na pwedeng maghatid hanggang sa kalagitnaan lang ng dulo. Kaso sa kasamaang palad ay wala rin siyang nahanap kaya nilakad na lang niya ito.

 "Oy Pia! Nandiyan ka na pala,” bungad sa kanya ni Kath pagkapasok na pagkapasok niya ng pintuan. Nadatnan pa nga nia itong kabababa lang ng telepono.

"Oh. sino yung tumawag?" tanong niya.

"Sayang. Hinahanap ka nga eh! Kabababa ko lang. Di ko naman alam na nariyan ka na pala."

"Sino yung tumawag?" Tanong niya ulit.

"Sophia ang pangalan niya. Pamilyar nga eh.. Parang narinig ko na."

Sophia?

Medyo nagitla si Pia sa kanyang narinig lalo na’t nung sinabi ni Kath na siya ang hinahanap nito sa telepono.  

"Talaga Kath?! A-Anong sabi?" natataranta pa niyang tanong.

"Hindi ka naman halatang excited no? Yung ngiti mo hanggang tainga!" biro naman sa kanya ni Kath.

"Kath! Anong sabi niya?"

"Sabi niya, natutuwa daw siya na nakabalik ka na. Alam mo weird nga eh.. Basta sabihin ko na lang daw sa’yo ‘yon!"

Hindi na mapawi ang ngiti sa mga labi ni Pia. Sinabi talaga ni Sophia ‘yon? Sambit pa ng kanyang utak.

Kung tumawag si Sophia sa kanila at hinahanap siya, malamang hindi na ito galit, ‘yon ang nasa isip ni Pia.

***

Nakaupo na naman si Josh sa may Terrace. Hawak hawak niya na naman yung kuwintas nilang tatlo. Hindi talaga maaalis sa isip niya yung nangyari sa kanila noong nakalipas na ilang taon.

Napatingin siya sa Parola at bigla siyang nagsalita.

"Hindi tayo magsasama-sama Sophia.. Hindi sa paraan na gusto mo..."

Si Josh ang kababata nila Sophia at Pia. Nakilala nila si Josh nang minsang nawala ito sa Sitio at napadpad sa may Parola. Naging mabuting magkakaibigan ang tatlo at hindi nagtagal, naging matalik na magkakaibigan sila..

Silang  tatlo ang magkakasama simula pagkabata. Naging saksi silang tatlo sa unti-unting pagbabago at pag-unlad ng kanilang Bayan. Sabay sabay silang nagkaisip at namulat sa mundong ibabaw.

At nang lumaki sila... Nagkaroon ng alitan ang tatlo, at ito ang naging dahilan kung bakit hanggang nagyon .. Iniiwasan ni Pia si Josh.

Sa Parola, tatlong taon na ang nakakaraan...

"Akala ko ba walang iwanan? Bakit aalis ka ngayon?" Galit na galit na sinabi ni Sophia kay Josh. "ganyan ba ang kaibigan? Nag-iiwanan?! Nang-iiwan sa ere?!"

"Hindi ko naman kayo iiwan dahil sa nangyari eh!" Sagot naman ni Josh.

"Eh bakit ka aalis ngayon?! Siguro sa pag-alis mo, Isasama mo si Pia noh?! Tapos iiwan niyo ako dito mag-isa!!" Pasigaw na sinabi ni Sophia sa kanilang dalawa. Nagtatalo silang tatlo. Mabuti na lamang at walang nakakarinig sa kanilang usapan. Sobra kasi sila kung magsigawan.

"Teka Sophia, bakit mo naman iniisip ang ganyang bagay?" pagtatakang tanong ni Josh.

"Alam ko naman na gusto mo si Pia, eh! ‘di ba Josh?! ‘di ba?"

Natigilan si Josh. Tumingin sa kanya si Pia at nagkatinginan silang dalawa. Wala ni isa ang nakapagsalita. Paanong nangyaring may magkakagustuhan sa kanilang tatlong magkakaibigan?

"Ano ka ba Sophia..." ang tanging nasabi na lang ni Josh. Nananahimik lang naman si Pia sa tabi at hindi makasagot.

"Totoo naman eh! Gusto mo si Pia! Mas gusto mo siyang kasama kesa sa akin di ba!!"

"Hindi totoo yan Sophia!" Biglang sabat ni Pia. Medyo naluluha na ito at nakayukom na rin ang kanyang kamao, pinipigilan ang kanyang sarili.

Bumalling si Sophia sa kaibigan. Natawa pa nga ito na parang nang-aasar. "Alam mo Pia, ang suwerte mo  nga eh! Lahat ng tao gusto ka!! Hindi pa ba sapat ‘yon?? Okay lang naman yung ganun eh! pero hindi ko matanggap, na pati ang lalaking gusto ko eh Ikaw ang GUSTO!! Na pati SIYA ay AAGAWIN mo!"

Mangiyak-ngiyak na s Pia sa kanyang narinig. "Hindi totoo ‘yan Sophia.. Alam mong hindi totoo ‘yan!"

"Galit ako sayo Pia!! Galit ako sa'yo!! Kasi lahat INAAGAW mo!" Sigaw ni Sophia.Hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili. Nagwawala na siya sa may Parola.

"Hindi totoo yan!.. Hindi sabi!!..." Sabay baba ni Pia ng Parola habang umiiyak.

Naiwan naman si Josh at Sophia na nakatayo ...

Napapikit si Josh, pinipilit na alisin ang mga ala-alang patuloy na nagsisipasok sa kanyang ispian. “Tama na, Josh.” Sabi niya sa kanyang sarili.

Tumayo siya at saka lumabas ng kuwarto.

Nagtungo siya sa dalampasigan at doon, nakita  niya si Pia na tumatakbo, nakangiti at mukhang masayang-masaya.

Continue Reading

You'll Also Like

208K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
3.9K 184 15
Si Kc , Claire , Anne, Kate at Jane ang Limang mag-kakaibigan na May nagambalang isang Masamang Espirito. Sino kaya ito? At Ano ang nangyare sa buhay...
924 61 24
The Class 10-B end up fighting for their lives against their psychotic classmate who wants to kill all of them.