Skeletons in her closet

By Serialsleeper

4M 173K 88.3K

"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school... More

Prologue
Notice 02262020
Chapter 1: Never mess with madness
Chapter 2: Maddy the Goody
Chapter 3: Going Incognito
Chapter 4: Surprise little psycho
Chapter 5: She who shouldn't be forgotten
Chapter 6: Fascination for Madness
Chapter 7: The new cop in town
Chapter 8: Malice in Murderland
Chapter 9: Too late for regrets
Chapter 10: The thing about regrets
Chapter 11: What she'll always be
Chapter 12: The Game Changer
Chapter 13: Tit for Tat
Chapter 14: The Girl who knew too much
Chapter 15: You can't save everyone
Chapter 16: No sins left unpunished
Chapter 17: Metanoia
Chapter 18: Its time to choose
Chapter 20: Broken
Chapter 21: Eyes on you
Chapter 22: The Red Light
Chapter 23: Maddieson Paredes
Chapter 24: Polaris
Chapter 25: The Green Light
Chapter 26: Only place I call home
Chapter 27: What hurts the most
Chapter 28: As close as strangers
Chapter 29: Skeletons in my closet
Epilogue
Commentary

Chapter 19: The wall she built

91K 4.3K 1.1K
By Serialsleeper

19.

The wall she built

Maddy


Nakakailang. Maliban rito ay wala nang ibang salita ang makapaglalarawan sa sitwasyon namin ni Montoya dito sa loob ng sasakyan.


Hindi siya nagsasalita, deretso lamang ang tingin niya sa daang tinatahak namin. Walang ibang sasakyan sa kalsada kaya naman walang takot siyang bilisan ang pagmamaneho. Samantalang ako, heto, litong-lito at napakabigat ng kalooban. Kiana's heart is going to break all over again and it's all because of me.


Si Kiana... Ayoko sa kanya. Gusto ko siyang batukan sa tuwing nakikita ko siya lalo na't mukha siyang timang at napakaarte niya. Gusto ko siyang patayin minsan sa sobrang inis pero ayokong wakasan ang buhay niya. Kahit na nab-bwisit ako sa kanya, ayoko parin siyang makitang nasasaktan lalo pa't ako ang dahilan.


"'Yan ba talaga ang buhay na gusto mo?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Montoya kaya naman napalingon agad ako sa kanya. Hindi siya lumilingon sakin, deretso parin ang tingin niya sa daan. Kahit di niya sabihin, alam kong masama ang loob niya sakin.


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko na lamang.


"May tumawag sa estasyon. Isang anonymous tipster na nagsasabing may mangyayaring krimen sa stadium kaya nagpunta kami roon. Maddieson narinig ko ang mga sinabi sa'yo ng killer mula sa speaker!" Napabuntong-hininga siya't bigla niyang inihinto ang sasakyan, "The Killer gave you a choice! The Killer gave you a chance to redeem yourself and to save another life! Maddieson 'yan na ba talaga ang desisyon mo? Ang maging masama?!"


Naikuyom ko na lamang ang kamao ko. Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko.


Nang makita kong si Kiana ang tumatawag, walang pag-aalinlangan ko itong sinagot.


"Kiana..." Halos walang boses ang lumabas mula sa bibig ko.


"A-ate... w-wala na si k-kuya.." Napapikit na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Kiana mula sa kabilang linya. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Panay ang paghagulgol niya at para bang hirap na hirap na siyang huminga kaiiyak.


"Kiana nasaan ka? Kiana pupuntahan kita!" Sabi ko ngunit mga iyak lamang ni Kiana ang naririnig ko. Makaraan ang ilang sandali ay animo'y may umagaw ng cellphone mula sa kanya.


"Papunta na kami sa morgue." Nanlaki ang mga mata ko sa boses na narinig ko.


"T-toto?" Bulalas ko ngunit hindi ko na narinig pa ang tugon niya dahil bigla na lamang niya akong binabaan.


****


May sinasabi si Montoya ngunit hindi ko na siya pinapakinggan pa. Lalo ko lamang na mas binilisan ang paglalakad sa pasilyo ng ospital hanggang sa mapatakbo na ako sa direksyon ng mismong morgue.


"Kiana!" Napasigaw ako nang makita ko si Kiana na umiiyak habang nakaupo sa isang tabi. Mag-isa lamang siya at panay sa pagtangis. Dali-dali akong nagtatakbo papalapit sa kanya't agad siyang niyakap ng mahigpit.


"Wala na si Kuya..." Iyak siya ng iyak habang ibinabaon sa balikat ko ang mukha niya.


"I'm sorry... I'm so sorry..." Panay ang bulalas ko habang niyayakap siya pabalik.


Sobra na ang sakit na idinulot ko sa kanya, kasalanan ko ang lahat ng 'to.


"Kiana, everythings gonna be okay, I promise—" Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay bigla na lamang akong tinulak ni Kiana ng bahagya.


"Stop saying that!" Humahagulgol niyang sambit, "You promised me that nothing will happen but my cousin's dead! Ate stop making promises that you can't keep!" Dagdag pa niya kaya niyakap ko na lamang siya ulit ng mahigpit at hinayaan siyang umiyak sa balikat ko.


Napalingon ako sa likuran ko't nakita ko si Montoya na nakatanaw lamang sa amin. Nakakainis siya, mukha siyang nanunumbat. Mukha niyang sinasabi sa pamamagitan ng mga mata niya na kasalanan ko ang lahat...


"Kiana uminom ka muna ng tubig." Napalingon ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses at nagulat ako nang makita ko mismo si Toshino. Buhay. Humihinga. Nagsasalita. Walang kahit na anong sugat o saksak. Naglalakad siya patungo sa direksyon namin dala ang isang bottled water.


"Toshino..." Nang magtama ang mga tingin namin ay bigla na lamang kumurba ang isang ngisi sa labi niya dahilan para magsitayuan ang balahibo ko dahil sa kilabot at kaba.


Muli akong napalingon sa direksyon ni Montoya na ngayo'y kunot-noo na.


"Papunta narin daw dito si Candy, samantalang si Sage, nagbibihis pa sa taas. Pinayagan na kasi siyang ma-discharge ng doktor." Sabi ni Toshino kaya naman tuluyang kumawala mula sa yakap ko si Kiana habang pinupunasan ang mukha niya.


"Si Aiden..." Hirap mang huminga, pilit na nagsasalita si Kiana, "We have to find him.. He can't die." Dagdag pa niya.


"Kiana gagawa kami ng paraan. Gagawin namin ang lahat para mahanap si Aiden." Paniniguro ni Toshino saka inabot ang tubig kay Kiana.


"What's happening? Sino ba talagang gumagawa nito?" Muli, mangiyak-ngiyak na sambit ni Kiana.


"Hindi ko alam." Sabi ni Toshino at bigla na lamang na napatingin sakin. Magsasalita sana ako pero bigla siyang napahawak sa bulsa niya na animo'y nagtataka.


"Shit naiwan ang cellphone ko sa sasakyan." Bulalas ni Toshino at muling napalingon sakin, "Samahan mo muna si Kiana dito." Aniya kaya tumango-tango ako... As if.


***


Maga-alas kwatro pa lamang ng hapon pero mukhang gabi na dito sa tahimik na parking lot, palibhasa mukhang uulan ng napakalakas. Kahit ang hangin na tumatama sakin, napakalamig. Ano mang oras, siguradong babagsak na ang ulan.


"Toshino!" Bago pa man makalapit si Toshino sa sasakyan niya ay tinawag ko na agad siya.


Lumingon siya sakin habang nakakunot ang noo, "Iniwan mo si Kiana ng mag-isa dun?" Aniya.


"Let's cut the crap Toshino." Tahasan kong sambit at taas-noo siyang tiningnan sa mga mata, "What's your plan? Why am I still free? And why the fuck are you still alive?!"


"Bangis." Biglang kumurba ang isang ngisi sa mukha ni Toshino, "Pero pasensya na, hindi ko alam anong sinasabi mo."


Lumapit ako sa kanya, "You know what I mean Toshino. Quit playing dumb." Giit ko.


Bahagya siyang tumawa, "Hindi ko alam Maddy." Kaswal niyang sambit habang nakatingin sa mga mata ko.


"Are you being sarcastic?" Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko. Hindi ko maintindihan ang pinapakita niya sakin. Totohanan ba 'to o nililinlang niya lang ko.


"Malay ko." Nakangisi niyang sambit kaya naikuyom ko na lamang ang kamao kong nagsisimula nang manginig.


"I stabbed you! You should be dead or in the hospital!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa sobrang inis at panggigigil.


Biglang humalakhak si Toshino dahilan para lalo pang sumiklab ang inis ko't lalong bumigat ang pakiramdam ko.


"Ewan ko sa'yo Maddy." Natatawa niyang sambit at muling tumalikod mula sakin at naglakad patungo sa direksyon ng sasakyan niya.


"Whatever you do, please don't tell Kiana... please don't tell her." Bulalas ko habang nakapako ako sa kinatatayuan ko. Masakit saking sabihin ang lahat ng 'to pero kung hindi ko sasabihin, lalo lamang akong mahihirapan.


Biglang tumigil si Toshino sa paglalakad ngunit hindi niya ako nililingon, "Sabihin na nating alam ko ang ibig mong sabihin... Bakit ko naman hindi sasabihin kay Kiana?"


Andaming mga salitang naglalaro sa isipan ko. Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong ibigay na dahilan. Ngunit sa huli, walang akong nasabi. Naiwan akong tahimik habang nakapako sa kinatatayuan ko, nanginginig ang mga kamay at naninikip ang dibdib dahil sa sama ng loob.


Napahawak sa laman ng bulsa ko—ang kutsilyo ko. Inilabas ko ito mula sa bulsa ko't hinawakan ng mahigpit ang hawakan nito. Napatingin ako kay Toshino na hindi pa pumapasok sa loob ng sasakyan niya. Nakatayo lamang siya sa harapan ng windshield na animo'y may tinitingnan.


Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Tinititigan ko ang katawan niya, iniisip ko kung saan siya aasintahin. Ayoko siyang magpumiglas. Ayoko siyang mag-ingay. Gusto ko, sa isang baon lang ng kutsilyo ko'y malalagutan na siya ng hininga't hindi na malalaman ni Kiana ang tungkol sa totoong kulay ko.


"Tigilan mo na'to!" Nagulat ako nang bigla na lamang may humigit sa kamay ko ng napakarahas at pinilipit pa ito hanggang sa tuluyan kong mabitawan ang kutsilyo ko bago ko pa man ito magamit kay Toshino.


Hindi na ako nakapagsalita pa nang mapagtanto kong si Montoya pala ang gumawa nito. Nanlilisik ang mga mata niya't nakikita ko ang matinding galit at dismaya sa mukha niya. Sinundan niya pala ako.


"Si Aiden!" Kapwa kami nagulat ni Montoya nang bigla na lamang umalingawngaw ang sigaw ni Toshino kaya napalingon kami sa direksyon niya. Nakatayo parin siya sa harapan ng windshield niya habang hawak ang isang polaroid.


Kumalas ako mula sa pagkakahawak ni Montoya at dali-dali kong nilapitan si Toshino at inagaw mula sa kanya ang polaroid.


"Aiden..." Nakaramdam ako ng matinding kaba nang makita kong si Aiden nga ang nasa litrato—Wala itong malay habang nasa loob ng isang malaking kahong gawa sa salamin at may laman itong tubig. Duguan si Aiden habang hanggang leeg na niya ang tubig.


Tiningnan ko ang likod ng litrato at nakita ko ang mga katagang "Skating Rink" na nakasulat dito.


"S-si Aiden... Hindi pwedeng mapahamak si Aiden." Nauutal na sambit ni Toshino.


"Wala nang mapapahamak..." Giit ni Montoya at dali-daling kinuha ang maliit na radyong nakakabit sa balikat niya. Tumakbo siya patungo sa sasakyan niya kaya agad kaming sumunod ni Toshino sa kanya.


****


Napakabilis ng pagmamaneho ni Montoya kaya naman napapahawak na lamang ako sa hawakan na nakakabit sa likuran ng kinauupuan niya. Nakakainis, nakisabay pa kasi si Toshino sa sasakyan ni Montoya kaya andito tuloy ako sa backseat.


Nang malapit na kami sa abandonadong skating rink ay natanaw ko na agad ang mga sasakyan ng pulis na nakaparada sa labas. Mabuti naman at ang bilis nilang nakarating.


Hindi pa naipaparada ni Montoya ng tuluyan ang sasakyan pero dali-dali nang lumabas si Toshino at nagtatakbo patungo sa Skating Rink. Susunod na sana agad ako pero hindi ko magawang buksan ang magkabilang pinto ng sasakyan, naka-lock pala ito.


"Montoya unlock the door! Bilis!" Giit ko ngunit lumingon lamang siya sakin at hinigit ang kamay ko. Nagulat ako nang bigla na lamang niyang ikinabit sa kaliwang kamay ko ang isang posas at ang kabila naman nito ay ikinabit niya sa likod ng kinauupuan niya.


"What the! No! You can't do this!" Gulat kong sambit habang pilit na nagpupumiglas.


"You already made your choice." Walang emosyon niyang sambit at bigla na lamang lumabas ng sasakyan kahit pa panay ang pagsisigaw ko't pagpupumiglas.


"Skylark Montoya pakawalan mo ako dito! You cant keep me here! Pakawalan mo akong hayop ka! Bwisit ka! Hayop ka!" Sigaw ako ng sigaw sa sobrang galit. Iniwan at ikinulong niya ako dito sa loob ng sasakyan and the worst part, he handcuffed my hand on the handle so I couldn't move!


"Skylark! Skylark Papatayin kita!" Sigaw ako ng sigaw ngunit alam kong maaring wala nang makarinig sakin dahil sinara niya ang lahat ng bintana at karamihan ng mga pulis ay nasa loob na ng skating rink at hinahanap si Aiden.


Naramdaman ko ang muling paninikip ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ako makagalaw, gusto kong lumabas ng sasakyan pero hindi ko magawa. Ayoko sa pakiramdam na hindi ako makagalaw. Ayoko sa pakiramdam na hindi ako makalabas sa sasakyan. Para akong hindi makahinga kaya lalo akong nagpumiglas hanggang sa napapasigaw na ako.


"Baby, okay ka lang?" Nagulat ako nang bigla kong nakita ang isang babaeng nakaupo sa front seat. Lumingon siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. Hindi ko alam pero may kung ano sa haplos niya ang nagpadama sakin ng matinding saya at lungkot.


"Momski, I'm hungry." Biglang lumabas ang salitang ito mula sa bibig ko ngunit hindi boses ko ang narinig ko ngunit boses ng isang batang babae.


Napatingin ako rear-view mirror at laking gulat ko nang hindi ang sarili ko ang nakita kong repleksyon sa salamin ngunit isang batang babaeng nakasuot ng kulay pink na dress at birthday hat. Gaya ko, lahat ng suot niya ay kulay pink.


Parang nagbago ang buong paligid ko. Oo nga't nasa loob parin ako ng sasakyan pero hindi na ito ang sasakyan ni Skylark. Kasalukuyang umaandar ang kotseng sinasakyan ko. Gabi na. Napakalakas ng buhos ng ulan sa labas kaya naman mabagal lamang ang pag-andar ng sasakyan. Maya't-mayang kumikidlat at kumukulog kaya naman napapayakap na lamang ako sa stuffed toy na hawak ko.


"Anak, 'wag kang matakot sa kidlat. Smile ka lang, kinukunan ka lang ni Papa JC ng picture." Sabi ng lalakeng nagmamaneho. Tiningnan niya ako mula sa rear-view mirror at ngumiti kaya naman hindi ko rin mapigilang mapangiti.


"Honey, pag 'yang anak mo lumaking aning humanda ka talaga sakin." Natatawang sambit ng babae at pabirong kinurot ang sikmura ng lalake dahilan para humagikgik ito.


"Dadski, who's papa JC? And Momski, what's aning?" Naramdaman ko ang paggalaw ng labi ko at paglabas ng mga salitang ito.


"Baby, your dad is talking about Papa Jesus. And I'll tell you what aning is kapag big girl ka na." Sabi ng babae nang muli siyang lumingon sakin.


"But I'm a big girl already!" Giit ko.


"Nope. Even when you turn 80, you'll still be our stinky baby girl." Giit ng lalakeng tinatawag kong dadski.


"Momski! Si Dadski inaaway na naman ako!" Sigaw ko ngunit pinagtawanan lamang nila akong dalawa. Kahit nasa front seat ang babae at nasa backseat ako ay pilit niyang akong inaabot para kilitiin kaya naman tawa ako ng tawa habang pilit na umiilag.


Sa gitna ng pagtatawanan at pagkukulitan namin ay bigla na lamang nahinto ang sasakyan. Napasigaw ako sa sobrang gulat at napakayakap ng mahigpit sa stuffed toy na hawak ko. Kung hindi dahil sa seatbelt na nakakabit sakin ay tumilapon na ako paharap.


"Honey! Mag-ingat ka naman!" Bulyaw ng babaeng tinatawag kong momski at dali-daling lumingon sakin, "Anak are you okay?" Natataranta niyang tanong.


"Anak ng! Hoy ba't nakaparada yang sasakyan mo sa gitna ng daan!" Galit na bulyaw ng lalake at nanggagalaiting tinanggal ang seatbelt niya.


"Saan ka pupunta?! 'Wag ka nang lumabas!" Giit ng babae habang pilit na pinipigilan ang lalake ngunit ayaw nitong makinig. Nagngingitngit ito sa galit na bumaba mula sa sakyan kaya namin kami ng babae sa loob ng sasakyan habang tinatawag siya.


"Dadski! Dadski!" Sigaw ako ng sigaw lalo na nang marinig kong may nagsisigawan narin mula sa labas. Para bang may nagtatalo. Gusto kong tingnan kung ano ang nangyayari ngunit hindi ko maaninag kung ano ang nangyayari sa labas.


"Baby, stay here okay? Lalabas lang sandali si Momski." Sabi ng babae kaya dali-dali akong umiling.


"Momski dito ka lang, momski don't leave." Paulit-ulit kong giit habang tinatanggal niya ang seatbelt niya.


"Momski and Dadski will be back okay?" Aniya at dali-daling lumabas kaya naman naiwan akong mag-isa sa loob ng sasakyan. Ewan ko ba pero napakalakas ng tibok ng puso ko. Para akong masusuka na maiiyak dahil sa sobrang takot at kaba.


Binitawan ko ang stuffed toy na hawak ko at tiningnan ang seatbelt na nakakabit sakin. Gusto kong sumunod sa kanila kaya pilit ko itong tinatanggal ngunit hindi ko alam paano, nahihirapan din akong igalaw ang maliliit kong mga kamay.


Naririnig kong may nagsisigawan mula sa labas kaya naman sinubukan kong ilusot ang katawan ko mula sa seatbelt ngunit sadyang napakasikip nito't wala akong lakas para iangat ito mula sa katawan ko.


Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang nakabibingi at napakalakas na putok dahilan para mapaiyak ako't mapasigaw habang pilit paring lumalabas mula sa sasakyan.


"Dadski! Momski! Dadski! Help! Help!" Sigaw ako ng sigaw habang umiiyak. Sa sobrang takot ko'y napapatili na lamang ako lalo pa't may naririnig parin akong mga putok mula sa labas. Para akong hindi makahinga sa sobrang takot. Iyak ako ng iyak habang pilit na tinatanggal ang seatbelt ko. Pilit akong nagpupumiglas, gusto kong lumabas, gusto kong puntahan sina Momski at Dadski. Gusto ko silang makita. Natatakot ako sa mga putok na naririnig ko parin kaya pilit akong nagpupumiglas.


"Maddy!" Narinig ko ang isang napakalakas na sigaw at sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng sasakyan ni Montoya. Nasa backseat parin ako at pilit na nagpupumiglas. Sa sobrang pagpupumiglas ko ay dumudugo na pala ang kamay kong nakaposas.


"Momski! Dadski!" Gusto kong magsalita ngunit ang mga katagang ito parin ang lumalabas mula sa bibig ko. Hindi parin magkamayaw sa panginginig ang mga kamay ko't para parin akong hindi makahinga dahil sa sobrang takot at kaba. Kahit napakasakit na, pilit parin akong nagpupumiglas.


"Maddy!" Napatingin ako sa labas at nakita ko si Sage na pilit na binubuksan ang pinto at pilit na kinakalampag ang bintana. Nakita ko siyang natataranta at pilit na gumagawa ng paraan para matulungan ako.


"Get me out of here! Sage! Sage Help me! Please help me!" Sumigaw ako ng sumigaw sa abot ng makakaya ko habang nagpupumiglas parin.


"Maddy lumayo ka sa bintana!" Kasabay ng sigaw ni Sage ay narinig ko ang pagkabasag ng salamin mula sa gilid ko.


END OF CHAPTER 19.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 45.8K 17
Vertigo was published last 2014, under Life is Beautiful Corp.
56M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
3.5M 92K 31
Meet Erald Castell, an aspiring evil mastermind who ironically joins the legendary QED Club. Cover art by IAMCHIIRE
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...