Ang Alalay Kong Astig! ( Publ...

By Sweetmagnolia

26.5M 620K 144K

Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl... More

ANG ALALAY KONG ASTIG
[1] MAY POGI SA KALSADA
[2] THE ASSIGNMENT
[3] HI KLASMEYT!
[4] ANG BAGUHAN
[5] TROPA
[6] BAGONG ALIPIN
[7] CALL OF DUTY
[8] BOY OR GIRL
[9] ATTACK OF THE ENEMIES
[10] PATIENCE 101
[11] WHO'S THE BOSS?
[12] DRAMA QUEEN
[13] WARM WELCOME
[14] MORE DO'S & DON'TS
[15] IKAW SI SUPERGIRL
[16] TRUE HEART
[17] DATE CRASHER
[18] MY FULL-TIME SERVANT
[19] THREE IS A CROWD
[20] KISSPIRIN
[21] THE CHOICE AND THE CHOICES
[22] THE COLD MAN AND THE OLD MAN
[23] YOUNG HUSBAND-TO-BE
[24] ADJUSTMENT DAY
[25] THE SET-UP DATE
[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD
[27] BACK TO EARTH
[28] I AM ALEX
[29] IT'S NOT OVER
[30] OLD BLAKE, NEW MAYA (ALEX)
[31] PUSH THE LIMITS
[32] I SURRENDER
[33] BECAUSE I LOVE YOU
[34] CROSSROADS
[35] A LOVE TO WAIT FOR
[36] LIKE A REPLAY
[37] THE RISE OF THE RIVALS
[38] CHANCE TO BET
[39] GUT INSTINCT
[40] LIGHTS FADING OUT...
[41] SHOW MUST GO ON
[42] EDGE OF TRIALS
[43] I WILL REMEMBER YOU
[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)
EPILOGUE

[44] RUN TO YOU

551K 12.6K 1.9K
By Sweetmagnolia

                          ****

Paulit-ulit na tinatawagan ni Blake ang cellphone ni Alex habang nagmamaneho. Wala siyang alam kung nasaan ang dalaga subalit kahit isa-isahin niya lahat ng hospital sa buong Metro Manila ay gagawin niya matagpuan lamang ang kinaroroonan nito. Nagri-ring ang telepono ngunit walang sumasagot. Hindi siya sumuko sa pagtawag hanggang sa may sumagot ditong isang lalaki.

“This is Blake Monteverde. Is this Inspector Valdemor’s handphone?!”

“Oo.”

Ayaw pa rin niyang maniwala sa sinabi ni James. Hindi ito totoo. Nagbitiw lamang ito ng isang hindi magandang biro.

 “Where is she? I want to talk to her now!”

 “Hindi mo siya pwedeng makausap ngayon.”

 “Put her on the phone right now! I need to hear her voice!”

“Hindi ka niya makakausap …” 

“WHY?!!"

Walang sagot ang kausap. Natahimik din ng ilang sandali si Blake. Nakailang buntong-hininga muna siya bago muling nakapagsalita. Pinilit niyang ikalma ang sarili hanggang sa unti-unti niya ring natanggap ang katotohanan ng narinig na balita.

“W-What’s t-the name of the h-hospital?” Siya na mismo ang kusang nagtanong.

“Nasa ambulansiya siya ngayon. Ililipat siya sa Asian Hospital sa Muntinlupa.”

Ibinaba niya ang telepono at agad na kinabig ang manibela. Ubod ng bilis na pinatakbo niya ang sasakyan. Pagdating sa nasabing hospital ay wala pa ang ambulansiya. Naabutan niya doon si James na naghihintay sa entrance. Bakas na bakas din sa hitsura nito ang matinding takot at pag-aalala.

Gulat na gulat si James pagkakita kay Blake. “What are you doing here Blake?”

“I’m here for Alex,” diretsong sagot ng lalaki habang humahaba ang leeg sa pag-abang ng ambulansiya.

“D-Did you leave the party for her?”

Seryosong hinarap ni Blake ang nagtatakang mukha ng kausap. “I’m willing to leave everything for her….I’m sorry James. I know it’s a bit complicated but I’m taking back my woman now.”

 “What do you mean?”

 “She’s mine James and I’m not going to hand her over to you. Never.”

Natigilan si James sa matitigas na mga salitang binitawan ni Blake. Nagtataka siya sa magkakasalungat na mga salitang lumalabas sa bibig nito. Naglaho na ba ang pinag-usapan nila sa party? Napansin niyang parang ibang Blake na ang kaharap niya. Itutuloy niya sana ang kanilang pag-uusap ngunit tinalikuran na siya ng lalaki. Muli na nitong inintindi ang matinding pag-aalala kay Alex.

Pabalik-balik na naglakad si Blake. Wala siyang mapagsidlan ng takot at nerbiyos. Pakiramdam niya ay malapit na siyang matumba dahil sa hindi humuhupang panghihina ng mga tuhod. Pinagpapawisan na ng malalig ang kanyang mga palad.

Dumating ang ambulansiya. Pansamantala siyang hindi makakilos si Blake. Nabibingi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Ibiniba ang hinihigaang stretcher ni Alex. At nagmadali ang mga doktor sa pagsalubong dito. Nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang mga kalamnang nilapitan niya ito. Takot na takott siya sa maaring makita.

Tumambad sa kanyang harapan ang walang malay na dalaga. May nakatakip na oxygen sa bibig. Namumutla ang mukha. Hanggang balikat ang puting kumot na nakatakip sa katawan at sa bandang dibdib ay kitang-kita ang mantsa ng mga dugo.

“A-Alex….” nanginginig ang boses na sambit niya habang naluluhang tinititigan ang kaawa-awang hitsura ng babae.

Patakbong itinulak ng mga nurse papasok ng hospital ang stretcher. Nanlalambot ang mga paang sinabayan niya ito. Humawak siya sa gilid stretcher at nangingilid ang mga luhang kinausap si Alex.

 “Fight Alex…Please fight. You promised that you won’t leave me.”

Hinawakan niya ang nanlalamig na kamay ng dalaga. “You said you’ll love me…You told me you won’t leave me again. I remember everything now Alex,” Pumatak ang kanyang mga luha. “You can’t leave me like this. Marami pa tayong gagawin. We haven’t even fully started loving each other. Itutuloy natin ang lahat Alex. So please fight…pleaseee.”

 “…I’m sorry if I had forgotten you. I didn’t want it to happen. Pero ako naman ang mangangako ngayon hinding-hindi na ulit kita kakalimutan. Give us one more chance. So please live Alex.”

Walang tigil sa pagluha si Blake at kulang na lang ay yakapin niya ang walang malay na babae habang nagmamakaawa.

Natigilan si James sa mga narinig at nakita habang nakasunod din sa stretcher. Noon niya lamang naintindihan ang naging pagbabago sa kilos ni Blake. Bumalik na ang alaala nito. Sa mga sandaling iyon ay nasaksihan niya ang kalungkutan at pag-aalala nito. Napagtanto niya na nasasaktan siya at natatakot sa nangyari kay Alex pero hindi niya kayang pantayan ang lalim ng sakit at pagdadalamhating nararamdaman ni Blake. Mahal na mahal nga nito ang dalaga.

Nilalabanan ni Alex ang lahat ng sakit na nararamdaman. Gusto niyang imulat ang mga mata subalit tila kahit dulo ng darili ay hindi niya maigalaw. Nahihirapan siyang huminga. Ang bawat hanging dumadaan ay gumuguhit ng sakit at parang patalim na humihiwa sa kanyang lalamunan. Nagmamakaawa makahugot lamang ng isang hininga.

Gusto niya nang sumuko. Ayaw niya nang huminga.

Ngunit nauulinigan niya ang paligid. Naririnig niya ang mga ingay. At nangingibabaw dito ang isang pamilyar na boses. Si Blake. Nasa tabi niya si Blake.

Kinakausap siya nito. Naririnig niya ang lahat ng mga sinasabi nito. Sana ay hindi lamang delusyon ang mga naririnig. Gustong pumatak ng kanyang mga luha at sana nga ay tumulo ang mga ito upang malaman nitong nakikinig siya . Lalaban siya…lalaban siya para sa lalaki at para sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Pinilit niya muling huminga ngunit sa pagkakataong iyon ay parang hindi niya na makayanan ang sakit.  Wala ng hanging gustong pumasok sa kanyang dibdib.

Biglang naglaho ang mga ingay. Naglaho na rin pati mga nararamdaman niyang matitinding sakit. Pakiramdam niya ay lumulutang na siya sa buong paligid. Mula sa madilim na kapaligiran ay nakakita siya ng isang tuldok ng liwanag. Unti-unti itong lumalaki hanggang sa lamunin  nito ang buong paligid. Bagamat maliwanag ay wala pa rin siyang ibang makita maliban sa isang malaking blankong espasyo.

Hanggang dito na lamang ba siya? Kukunin na ba siya?

Pinilit niyang ngumiti sa isipan. Tinatanggap niya ang kanyang kapalaran at may isang bagay siyang pinagpapasalamat. Mawawala man siya pero muli namang binuhay ang kanyang alala sa isipan ng lalaking minahal niya ng lubusan.

                                                                          ------

Lumipas ang ilang araw ay nanatiling comatose si Alex. Natanggal na ang bala sa katawan ng dalaga ngunit hangga’t hindi ito nagkakamalay ay nananatiling delikado ang lagay nito.

Sa mga araw na iyon ay sinadyang kalimutan ni Blake ang lahat maliban kay Alex. Hindi siya umaalis sa tabi nito. Dahil sa sitwasyon, nakilala niya ang buong pamilya ng dalaga. Doon niya rin nalamang kapatid pala nito ang doktor na nag-opera sa kanya sa ulo. Nasaksihan niya rin ang paulit-ulit na pag-iyak at pagkahimatay ng ina nito. Nagkamalay na rin si Gen. Valdemor at kasalukuyan na itong nagpapagaling.

Dahil sa mga nalalaman ni Dennis at ng matandang heneral tungkol sa kanilang dalawa ni Alex , pinayagan siya ng pamilya ng dalaga na manatili sa pagbabantay. Unti-unti siya napalapit sa buong pamilya hanggang sa maramdaman niyang sa kabila ng kawalan pa ng malay ni Alex ay natutunan na siyang tanggapin ng mga ito. Isang bagay na lang ang haharapin niya pag nagising si Alex…ang paghingi ng kapatawaran dito.

Halos sa hospital na rin siya pansamantalang tumitira. Subalit nang minsang umuwi siya ng bahay upang kumuha ng mga gamit ay nagulat siya sa nakitang bisitang naghihintay sa kanya sa sala.

“Marianne-”

Buhat ng party, noon niya lamang muling nakita ang babae. Pansamantala itong nawala sa kanyang isipan. Balak niyang ayusin ang lahat ngunit sa mga panahong ito ay wala munang tumatakbo sa isipan niya maliban sa paggaling ni Alex at sa pag-aasikaso dito.

“Can we talk Blake?” matamlay na wika ng babae.

Dinala niya si Marianne sa hardin upang doon makipag-usap ng seryoso.

 “What’s going to happen now?” kinakabahang tanong ni Marriane.

“I’m sorry Marianne…” nakayukong sagot niya.

“B-But you said you love me. You chose me and you promised a marriage to me in front of many people,” mangiyak-ngiyak na sabi ng babae.

“I-It’s wasn’t the real me Marianne and you knew it from the start. I’m sorry. I know may kasalanan din ako. I should have followed my heart when I realized I feel something for Alex. But I hope you understand na ang iniisip ko at that moment was to do kung ano ang tama…because I thought I was right.”

 “A-Are you formally breaking-up with me right after our engagement?” lumuluha nang salita ni Marianne.

Tiningnan ni Blake ang umiiyak na kausap. Nasasaktan siya para sa babae. Hindi rin madali para sa kanya na makita itong umiiyak dahil kahit papaano ay nagkaroon din ito ng puwang sa puso niya. Lumapit siya dito at yumakap. Tinapik niya ito sa likod.

“I’m sorry Marianne…I’m very very sorry. Pasensiya ka na kung nadamay ka sa naging sitwasyon ko. It was all my fault. I’m willing to take all the blame but I want to be honest right now. Hindi ko kayang isuko si Alex. I think I hurt her a lot too because of my situation. Gusto kong itama ang mga nangyari bago pa man mahuli ang lahat…”

 “…And I’m even thankful that it happened as early as now. Bago ko pa man masaktan ng napakalalim si Alex at bago din kita masaktan ng lubusan I have to stop this and I’m willing to face all your hatred, your family’s hatred and the people’s hatred. Kasalanan ko ang lahat..”

Lumakas pa lalo ang pag-iyak ng babae.

Natigilan naman ng ilang saglit si Blake. Bigla siyang may naalala sa sitwasyon nila ni Marianne. Kumawala siya sa pagkakayakap, tumalikod at lumayo ng ilang mga hakbang.  “I-I don’t want to be rude Marianne…But I have to ask you this question…” Bumilang ng ilang segundo bago niya naituloy ang sasabihin. “A-Are you really pregnant?”

 Napaangat ng mukha si Marianne. Tumigil sa pagtulo ang mga luha nito.

 “Blake-”

“Tell me the truth …I’m still willing to acknowledge your pregnancy but I want to hear you confirm it…”

Matagal bago sumagot si Marianne. Muli itong napayuko at umiyak.

“Marianne, answer me…”

Napahagulhol ulit ito at dahan-dahan nitong iniiling ang ulo. “I’m sorry Blake… I only said it dahil natatakot akong mawala ka sa akin…Naisip ko na tutal I might get pregnant soon so I lied before you totally had a change of heart…I’m sorry for lying...sorry.”

Niyakap ulit ni Blake ang babae. Nagpapasalamat siya sa pag-amin nito sa nagawang pagkakamali. “It’s okay Marianne. I understand why you did it. And I’m sorry too for all these pains I caused you but from now on let’s start living with honesty…and let's put and end to all these lies.”

                                                                        -----

Dahan-dahang nagmulat si Alex ng mga mata. Matagal niyang tinitigan ang puting kisame.  Nasaan siya? Buhay pa ba siya? Inikot niya ang mga mata. Nasa isang silid siya. Maliwanag ngunit may nakikita na siyang mga bagay. Hindi lamang purong puting espasyo. Naramdaman niyang may nakahawak sa kanyang palad. Ibinaba niya ang paningin. Nakita niya si Blake na nakasubsob sa kama at natutulog.

Buhay nga ba siya o nanaginip lang siya?

Sinubukan niyang igalaw ang mga daliri sa kamay. Naigagalaw niya na ang mga ito. Ganun din ang mga daliri sa paa. Tinanggal niya ang oxygen na nakatakip sa kanyang bibig. Susubukan niyang magsalita.

 “B-B-Blake…”

 “B-Blake..”

 “Blake.”

Naalimpungatan si Blake nang naulinigan niyang may tumatawag sa kanyang pangalan. Iniangat niya ang ulo upang hanapin ang nagsalita. At laking gulat niya nang makita si Alex na nakamulat at nakatingin sa kanya.

“Alex, you’re awake!”

“B-Buhay ba ako?”

 “Of course you’re alive! Who said that you’ll die?! You can’t die Alex!”

Walang pagsidlan ng saya si Blake. Yumakap siya sa dalaga.

 “A-Aray,” reklamo ni Alex nang mapahigpit ang yakap ng lalaki.

 “Opps sorry. Wait...I’m going to call your family now!” Natataranta si Blake habang nangingislap sa kaligayahan ang mga mata. Hindi mabura-bura ang mga ngiti niya sa mukha.

Isa-isang nagsidatingan ang pamilya ni Alex. Unang-una na dito ang kanyang ina. Pagpasok na pagpasok pa lamang nito sa pinto ay pumapalahaw na ito sa iyak.

“Diyos ko pong bata ka! Ano bang pakiusap ang kailangan kong gawin para itigil mo na yang pagpupulis mo? Hanggang saan mo ako pahihirapan? Maawa ka naman sa aming mga nagmamahal sayo! Magiging masaya ka ba kung sakaling naiwanan mo na kami…Parang awa mo na Alex. Hindi ko kayang mawala ka! At kung mamatay ka rin lang sabihin mo na at magpapakamatay na rin ako para hindi  na ako masaktan pa! Maawa ka naman sa mama mo Alex….”

Tahimik na tinitigan ni Alex ang ina. Batid niya kung gaano kalaki ang naging pagkukulang niya at mga paghihirap na idinulot dito. Nang siya’y nag-aagaw buhay, isa ito sa mga bagay na pinangako niyang itatatama kapag nabigyan pa siya ng isang pagkakataon.Tiningnan niya isa-isa ang mukha ng mga taong nagmamahal sa kanya…Ang kanyang lolo na nakaupo sa wheelchair, ang ama, ang ina, si Dennis…at si Blake. Dapat niya na nga bang pahalagahan ang sariling buhay para sa mga taong ito? Naramdaman niya rin ang matinding kalungkutan sa pag-aakalang hindi niya na muling makakasama pa ang mga mahal niya sa buhay. Ngayo’y batid niya na kung gaano niya kamahal ang buong pamilya.

 “I’m sorry Ma…I-Ipinapangako ko pong ito na ang huling beses ng pananakit ko sa damdamin niyo.”

                                                                  ---------

Habang dumadaan ang araw ng pagpapagaling, unang-una napansin ni Alex ang araw-araw na pamamalagi ni Blake sa hospital. Iniiwasan niya itong kausapin. Hindi niya rin ito gaanong pinapansin. Alam niyang bumalik na ang alaala nito ngunit hindi niya pa rin nakakalimutang may responsibilidad na ito sa ibang babae.

“B-Blake bakit naririto ka lagi? Baka mag-away kayo ni Marianne. Hayaan mo nang ang mama ko ang mag-asikaso sa akin dito,” diretsong sabi niya sa lalaki habang pinapakain siya nito.

Inilapag ni Blake sa mesa ang pagkain at tumahimik ng ilang sandali. Simula nang magkamalay ang dalaga ay hindi pa sila nito nag-uusap ng seryoso. Hihintayin niya pa sanang gumaling ito ng tuluyan bago kausapin ng masinsinan.

“Marianne and I already broke up,” mahinang wika niya.

Nagulat si Alex. “B-Blake, may responsibiladad ka na kay Marianne. Paano mo siya nagawang hiwalayan?”

“S-She’s not pregnant Alex.”

Muling natigilan ang dalaga. Hinawakan ni Blake ang mga palad nito at seryosong tinitigan sa mga mata. “I'm back and beside you now is the Blake who loves you a lot. Nakahanda akong panindigan at ipakita sa lahat na ikaw ang mahal ko. Mawala na ang lahat huwag lang ikaw. I’m sorry I know I caused you so much pain. Hindi biro ang nagawa kong pananakit. Forgive me Alex...please give me one more chance.”

Umiwas si Alex sa mga titig ni Blake. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Alam niyang dapat siyang matuwa. Alam niya rin sa sarili na mahal niya pa rin ito. Hindi niya rin nakakalimutan ang binitawang salita na muli itong tatanggapin kung sakaling bumalik ang lahat dito at mahal pa siya nito.

Subalit natatakot na siya…

Sa lahat ng sakit na kanyang naranasan ay natatakot na ulit siyang pagbigyan ang kahilingan ng kanyang puso. Nangako siya sa sariling hindi na muling bibigyan ng puwang ang pag-ibig sa kanyang buhay. Natatakot ulit siyang masaktan ng sobra.

“Patawarin mo ako …I know it won’t be that easy on your part. But I’m willing to wait. I’m willing to pay for my mistakes. I will wait even if it takes a lifetime sapagkat wala na akong balak magmahal pa ng iba, Alex.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 37.1K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
5.7K 557 50
Let's say, pumunta ka sa isang 'di kilalang probinsya para puntahan sana ang boyfriend mong ka-LDR mo. Ang effort mo naman! But only realizing later...
785K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
15.7K 950 40
Lahat ng bagay ay may katapusan, walang permanente sa mundo. Pwede kang mamatay ng masaya, pero pwede ka ring mamatay ng malungkot. Naka depende iyon...