He Stole My...Sssh! (Under Ed...

By kimhimee

3.3M 31.4K 3.9K

"I Just woke up one morning knowing that there's a beautiful man sleeping beside me. Oh God! I'am no longer P... More

A/N & Teaser
Intro
Sssh.1
Sssh.2
Private
Sssh.3
Sssh.4
Sssh.5
Sssh.6
Sssh.8
Sssh.9
Sssh.10
Sssh.11
Sssh.12
Sssh.13
Sssh.14
Sssh.15
Sssh.16
Sssh.17
Sssh.18
Sssh.19
Sssh.20
Sssh.21
Sssh.22
Sssh.24
Sssh.25
Sssh.26
Sssh.27
Sssh.28
Sssh.29
Sssh.30
Sssh.31
Sssh.32
Sssh.33
Sssh.34
Sssh.35 P1
Sssh.35 P2
Sssh.36 (Special Chapter)
Sssh.37
Sssh.38
Sssh.39
Sssh.41
Sssh.42
Sssh.43
Sssh.44
Sssh.45
Sssh.46
Sssh.48
Sssh.49
Sssh.50
Sssh.51
Sssh.52
Sssh.53
Sssh.54
Sssh.55
FINAL CHAPTER
Mahiwagang Author's Note - Pakibasa!
Law & Olene (Side Story)
Elis & Miles (Side Story)
Ares & Ava (Side Story)

Sssh.47

37.2K 395 38
By kimhimee

[VENICE's POV]

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganun si Rave. Pero mas gusto ko yung 'RAVE' ngayon. Sana ganun na lang sya palagi.

Pero ang ipinagtataka ko... yung huli nyang sinabi saakin nung nasa may Restaurant kami.

"Saakin ka lang MANINIWALA. Only ME. Okay?"

Ano ba yan naalala ko nanaman.

Iniling iling ko ang ulo ko at tumagilid ng higa sa kama. Wala pa rin si Rave. Napaupo ako at tiningnan ang cellphone ko.

"Psh, bakit wala man lang text or miscalls? Masyado naman syang busy." bulong na sabi ko.

Kasi after nya akong maihatid dito sa Condo nya ay may importante syang natanggap na tawag kaya pinuntahan nya muna. Ewan ko kung sino yun, pero mukhang importante talaga kaya hinayaan ko na lang. May mga bodyguards naman na naiwan sa labas ng Main Door eh kaya hindi ako natatakot.

Humiga na lang ulit ako at kinuha yung unan ni Rave sabay niyakap ito. Ewan ko ba, ang bilis ko syang mamiss ngayon. Mawala lang sya sa paningin ko namimiss ko na kagad. Hays!

Pumikit na lang ako at pinilit na makatulog. Maaga pa ang pasok ko bukas eh.

***

"Hello little angel, how are you?" nakangiting tanong sakin nung lalaking kasama ni Mama. Pero hindi ako sumagot.

"She's shy around people she doesn't know yet. Nadine, from now on he is now your Papa." sabi sakin ni Mama. Nakatitig lang ako dun sa lalaki.

'Papa?' sabi ko sa isip.

"Stay here okay? May pupuntahan lang ako. You're Kuya is here to play with you."

"Yes Mama."

Pagkapasok nila sa kwarto ay biglang may nagsalita...

"What are you doing here again?"

Tiningnan ko lang siya. Nakita ko nanaman siya. Nakakatakot talaga. Mama natatakot ako!

Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ko na lang ang paglalaro sa doll ko. Pero maya maya lang ay hinablot nya ito at sinira sa harapan ko. Natatakot na talaga ako. Hindi ko na alam gagawin ko. Kaya umiyak na lang ako.

"B-bakit mo n-nisira yung doll k-ko? B-bad ka! S-sumbong kita s-sa Mama to!" sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

 

 

"Wala akong pakialam sayo! I hate you! I hate your mom! I'll kill you both!" sigaw nya saakin. Bakit ba siya sumisigaw? Bakit parang galit na galit siya sakin? Wala akong maintindihan. Hindi ko maintindihan kung anong meron.

"MAMA! huhuhu Mama!" sigaw na tawag ko pero hindi pa rin lumalabas si Mama.

Pagkatapos nya akong sigawan ay bigla nya akong itinulak. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak nya sakin ay natumba ako at... hindi ko na maalala ang nangyaring sumunod.

Mama...

"NADINE!"

"NADINE WAKE UP!"

Bigla akong napabalingkwas sa pagkakahiga ko at napaupo. Namalayan ko na lang na sobrang pinagpapawisan ako at sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

"Oh thank God!" nakita kong nasa tabi ko si Rave. Sobrang worried ang mukha nya. Niyakap nya ako ng sobrang higpit.

Hindi pa rin ako makapagsalita sa nangyari. Sobrang sama ng panaginip ko.

"Nadine? Are you okay? You're having a nightmare." worried na sabi nya sakin. Pero hindi pa rin ako sumasagot. Hindi ko alam pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Kaya yumakap na lang ako.

"It's okay Nadine, I'm here." sabi nya sakin habang hinahaplos nya ang dalawang pisngi ko.

"R-Rave..." pabulong na sabi ko.

"Yes Nadine?"

"T-tubig.." medyo hirap na pagkakasabi ko.

Tumango lang siya at hinalikan ako sa noo ko sabay nagmamadaling lumabas nung kwarto.

Napahiga ulit ako at napapikit. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.

"Yung lalaking yun..." bulong na sabi ko. Pamilyar talaga sakin yung mukhang yun. Saan ko nga ba sya nakita?

Napaupo ulit ako bigla. Nanlalaki ang mga mata ko. Naalala ko yung araw na nagpunta ako sa puntod ni Mama.

"Hindi kaya..." sabi ko ulit.

"Hindi kaya what?"

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang magsalita si Rave. Bitbit yung tubig na pinapakuha ko. Lumapit siya sakin sabay abot nun.

Ininom ko muna ito bago sumagot.

"W-Wala... yung panaginip ko lang... P-Pero wala yun.."

Tumango lang siya at tumabi sa sakin sa kama. Iniayos nya yung buhok ko.

"Feeling better now?"

Tumango lang din ako at ngumiti.

"Good. Go to back to sleep. It's just 2 in the morning."

"Okay, pero ikaw?" tanong ko.

"Later, I'll be in my Music room. Madami pa akong kailangan tapusin." nakangiting sabi nya sabay tumayo na.

Magpupuyat nanaman siya. Ilang araw na nyang ginagawa yun. Tch, napapabayaan nanaman nya sarili nya.

"Sleep." utos nya. Kaya sumunod na lang ako. Humiga ulit ako at pumikit.

"Goodnight Nadine... I love you." bulong nya sakin. Naramdaman kong dumampi yung mga labi nya sa labi ko.

Bakit ganun? Parang sasabog ako sa sobrang kilig!

Iminulat ko ulit ang mga mata ko at sinilip syang lumabas nung kwarto.

"Mahal na din siguro kita Rave... Pero hindi ko pa kayang sabihin ngayon.." bulong na sabi ko at pumikit na ulit.

***

[THIRD]

Paputol putol lang ang tulog ni Venice. Kaya naman naisipan nyang silipin kung anong ginagawa ni Rave.

Pagkalabas nya nung kwarto ay malidim sa buond Living room. Napatingin naman sya sa pinto kung nasan yung Music Room ni Rave. May ilaw pa. Ibig sabihin gising pa rin talaga siya.

Kahit takot si Venice sa dilim ay dumeretso pa rin ito doon. Nagdadalawang isip sya kung kakatok ba sya or hindi. Pero natigilan sya sa gagawin nya ng biglang marinig nyang nagsalita si Rave. Mukhang may kausap ito sa cellphone at seryoso ang boses nito. Pero ang ikinainis ni Venice ay WALA SIYANG MAINTINDIHAN. Dahil salitang ALIEN ito.

(A/N: Salitang ALIEN, meaning ibang language. Siguro Korean or Italian or French or so on... Kk? XD)

"Just don't come near her... or else..." rinig ni Venice na sabi ni Rave pero naputol yung sasabihin nya. Sa isip-isip ni Venice ay sa wakas nagsalita rin sa lenggwaheng naiintindihan nya kahit papaano.

Ilang minutong natahimik sa loob. Idinikit ni Venice yung tenga nya sa may pinto para mas lalong marinig kung anong meron sa loob. Pero wala na siyang marinig.

Maya maya lang biglang bumukas yung pinto at kamuntikan ng maout of balance si Venice. Buti na lang at alerto si Rave at nasalo nya si Venice.

"N-Nadine? What are you doing here?" gulat na tanong nito sabay itinayo nya si Venice.

"A-Ahh.. w-wala.. chinecheck ka lang.. Anong oras na kasi eh." palusot na sabi ni Venice.

Ngumiti lang si Rave at hinila yung kamay ni Venice papuntang Living Room. Umupo sila at binuhay ni Rave yung TV.

"Can't sleep?" tanong ni Rave habang nakatingin sa may TV. Lipat lang ito ng lipat ng channel.

"A-Ahh.. Oo.." sagot ni Venice habang nakatingin lang din sa TV.

Naibaba ni Rave yung remote at tumingin kay Venice.

"Want some milk?" nakangiting tanong nito. Pero makikita mo sa mukha at mga mata nya na parang sobrang pagod na ito.

Tumango lang si Venice at ngumiti. Ngumiti lang din si Rave at tumayo sabay dumeretso papuntang kitchen para kumuha ng gatas.

Pagkabalik nya ay bitbit nya ang gatas ni Venice at may bitbit din siyang coffee nya.

"Oh I love that show!" parang naexcite na sabi ni Rave sabay upo sa sofa.

Napatingin naman ng di oras si Venice kay Rave dahil sa sinabi nya. Eh inilipat ni Venice yung channel sa may Spongebob Squarepants.

"What?" nakangising tanong ni Rave.

"Wala lang. Kailan ka pa nanuod ng Cartoons?" tanong naman ni Venice sabay inom nung gatas nya.

"Since the day you left..." medyo pabulong na sagot ni Rave.

"Ano yun?" hindi kasi gaano narinig ito ni Venice.

"Nothing. Oh that's Spongebob right?" pagiibang usapan ni Rave sabay turo dun sa TV.

Tumango lang si Venice at uminom ulit nung gatas habang nanunuod.

"And that's his bestfriend... Patrick!"

"Edi ikaw na! hahaha" sabi ni Venice sabay nasiko nya sa tagiliran si Rave.

"I told you I love that show." sabi ni Rave sabay ngumisi lang kay Venice.

"Psh, sige tingnan natin ang galing mo. Eh yan sino yan?" ngayon naman si Venice ang ngumisi. Ang tinuturo nya ay si Squidward.

"That... I know his name... wait..." sabi ni Rave at pasimpleng kinukuha yung celphone nya.

Inilapag nya muna yung cup of coffee nya sa may table at iniangat nya yung kamay nya para akbayan si Venice. Sa posisyon na yun ay madali nyang maisesearch ito sa cellphone nya.

"Ano? Akala ko ba favorite mo yang palabas na yan? Wala ka pala eh!" pang-aasar ni Venice. Pero medyo ilang ito kasi bigla syang inakbayan ni Rave.

Nang masearch na 'to ni Rave ay kagad nyang sinabi ito.

"Squidward right?" painosenteng sabi ni Rave.

"Sus, sinuwerte ka lang. Okay last! Yan sino yan?" turo naman ni Venice kay Sandy.

"Tss, that's easy! Sandy of course!" pagmamayabang ni Rave.

"Weh? Sige ikaw na ang may paborito nyan!"

"Haha pikon ka?"

"Di ah." tipid na sagot ni Venice sabay nagpout.

"Tch don't be. Lalo kang nagiging cute." sabi ni Rave sabay hinawakan nya yung pisngi ni Venice para iharap sakanya.

"A-Ano.." naiilang naman na sabi ni Venice. Kasi naman kung makatitig si Rave akala mo lalamunin sya nito.

Pero hindi sumagot si Rave at pinunasan nya yung bibig ni Venice dahil may gatas pa ito.

(A/N: HAHAHA May gatas pa sa labi! Wala lang natawa lang ako XD)

Ilang segundo silang nagkatitigan at maya maya lang ay naglapat na ang mga labi nila. Sa una ay hindi sumasagot si Venice sa mga halik ni Rave pero di nagtagal ay sumabay na ito. Mas lumalim pa ang mga halik ni Rave kasabay nun ang unti-onting paghiga nya kay Venice sa may sofa.

Habang hinahalikan nya si Venice ay kinapa naman nya sa may table yung remote at pinatay nya yung TV. Ngayon ay madilim na sa buong living room.

Patuloy lang sila sa paghalik na para bang hindi sila nagkita ng ilang taon. Parang sabik na sabik sila sa isa't isa.

Wala silang ibang naririnig kundi ang kanilang maiinit na paghinga. 

Nagsimula na maglakbay ang mga kamay ni Rave at ganun din ang mga kamay ni Venice. Pababa ng pababa ang mga ito hanggang sa makarating sa ibaba ni Rave. Napatigil naman sa paghalik si Rave at medyo umangat.

"R-Rave?" takang tanong ni Venice. Nagulat ito dahil biglang tumigil si Rave.

"I-I.. I can't do this.." bulong ni Rave at binigyan nya ng isang mabilis na halik si Venice sa mga labi nito bago tuluyan ng tumayo.

Maya maya lang ay lumiwanag na sa buong living room.

Napansin naman ni Venice na pumasok ulit si Rave sa may Music Room nya.

Kumunot ang noo ni Venice habang inaayos nya ang sarili nya.

"Ano bang problema nya?" bulong na tanong ni Venice sa sarili nya.

***

[LAW's POV]

Tang*na!

Nakakabadtrip talagang buhay 'to oh!

Pabalibag kong naisara yung pintuan ng kwarto ko at dumretso ako sa kama para humiga. Naihilamos ko ang dalawang kamay ko at pumikit.

"Bakit si Venice pa..." bulong na sabi ko.

"Aaaaaaaaaaaahhhh!" napasigaw ako sa sobrang inis ko at naibato ko yung nakapa kong unan.

Maya maya lang ay biglang nagring yung cellphone ko. Kagad ko itong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"What?" iretableng sagot ko.

[Law, it's your Dad.]

Napaupo naman ako ng di oras sa kama ko.

"Dad, bakit?"

[There's something new that I want to tell you about that Shinn guy..]

Kumunot ang noo ko. Ano nanaman kaya yun?

Hope that it's a good one.

Humanda ka sakin. Rave Shinn!

***A/N:

WOOOHOOO! Nakasurvived ako sa Mega WB! XDD So what can you guys say about this Chapter? There's so much happenings ba? :)))

Nga pala, sorry ah wala akong ibang maisip na pangpahaba ng Update eh. Kaya siningit ko si ISPANSBAB wahaha. Nanunuod kasi ako kanina nun eh :3

Anyways, kayo na po ulit ang bahala sa VOMMENTS ah ~ *Ciao*

Continue Reading

You'll Also Like

859K 16.4K 41
Almost Perfect Series II Damn that playboy. He asked me to be his girlfriend. I'll never fall for that. I know him so well. I've seen him flirt and d...
3.1M 37.7K 106
"Minahal kita ng tapat at wagas. I did everything to make you stay. But, I guess hindi kayang burahin nang pagmamahal ko ang nararamdaman mo sa kanya...
Wanna Bet? By Susie Ann

General Fiction

1.1M 16.9K 61
Read and you'll find out.
47.7K 1.9K 64
He was moving on. She was a fan. Can she help in bringing him back to his old funny and witty self? (A DonBelle fanfiction story featuring the story...