Not an Ordinary Lovestory

By simplyfascinated

6.3K 173 21

SCDPsidestory|Bea Castillo-Vin Alonzo How can you say that it is an ordinary one when they met not in an ordi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Epilogue

Chapter 8

281 5 0
By simplyfascinated

Naols 8

"Sabi ng akin na yan!"

"Basagulera manahimik ka nga! Nakakasira ka ng concentration ko."

"Hoy asungot kapag hindi ka pa tumigil titirisin talaga kita na parang kuto! Tumigil ka na at ibigay mo na sa akin yan."

" Ako nga ang nauna dito! Kung gusto mo bumili ka ng sayo!" Sa sobrang inis ko binato ko nga sa kanya yung binili kong cookies kanina. Ayon sapol sa mukha. Buti nga sa'yo!

"Sumusobra ka na" Sigaw niya na halos gusto na nitong ibato yung laruang hawak niya. Pinag-aawayan kasi namin yung maliit na laruang hawak niya. Yung may tubig sa loob at may pinipindot ka para ma-shoot yung maliliit na ring dun sa dalawang parang pole. Basta yun na yun! Nakita ko kasi itong nilalaro niya nung nakaraang-nakaraan pa at mukhang enjoy laruin.

"Bakit ba kasi nandito ka eh wala naman tayong audience ngayon na nanunuod." inis na sabi nito habang hinihimas yung natamaan sa kanya.

Bakit nga ba? Napadaan lang kasi ako dito sa may garden sa school ng makita ko siyang mag-isa na may binubutingting kaya nilapitan ko siya. Sakto naman na yung gusto kong laruan ang binubutingting niya.

"Ewan ko. Nakita kasi kita kaya nilapitan na lang kita baka kasi bigla ka na lang magsalita dyan mag-isa at kausapin mo sarili mo. Naku baka mapasama pa ako nun at sabihan na nag-boyfriend ako na baliw." Mahabang paliwanag ko at ang asungot nangingisi lang.

"Inlove ka na sa akin 'no? Kaya mo ako nilapitan kasi namimiss mo na ako 'no? Halos isang linggo lang naman tayong hindi masyadong umarte ah? Masyado ka naman Basagulera. Halatado ka masyado eh..." Nangingiting sabi nito. Aba! Ano daw?!

Tumayo ako sa pagkakaupo at nakangiting nilapitan siya hanggang sa konti nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Yung tipong sa paningin ng iba tila naghahalikan na kaming dalawa taliwas sa paningin ko.

"Alam mo Vin...ang lakas mo pala....Ang lakas mong mangarap!" Sabi ko atsaka siya tinadyakan. Nagulat ako sa bigla niyang pagtayo kaya na-out of balance ako mabuti nalang nasalo niya ako.

Malas nga lang...mukha kaming tanga tulad ng madalas nakikita sa mga drama. Nakahawak siya sa baywang ko habang ako naman ay nakahawak ng mahigpit sa damit niya.

"bwisit ka talagang babae ka...Ang ganda ng moment ko kanina dito habang naglalaro tapos bigla kang mangugulo at mananadyak na lang. Isang linggo kong piniling tumahimik nang makapag-isip-isip naman ako kahit papaano kaso bigla ka na lang lilitaw para mambulabog." Magkahalo ang pagiging seryoso at pagkainis ng sabihin niya iyon. Wala man lang akong mahimigan na isang makulit na Vin.

Did I push the button?

"Nakakainis ka na talaga. Alam mo bang magulo ang utak ko ngayon. Magulong-magulo dahil sa larong ito tapos—aish!hindi ko talaga alam kung bakit sa dinami-dami ng babae pwedeng maging GF ikaw pa ang napili ni—"

"Wow hah. Ako pa ngayon ang may kasalanan? Sino ba ang nag-umpisa nito? Sige. Kung ayaw mong ginugulo kita bumalik na lang tayo sa pagiging estranghero sa isa't-isa. Tapusin na natin ito. Tapu—" Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Tama ba ang nangyayari ngayon? Totoo ba ito o bangungot?!

Hinalikan ba niya ako? Mali! Hinahalikan niya ako ngayon!!!

"There. Nakaisip na rin ako ng paraan para matapos ko ang laro and now it's done. It's game over 'cause now we're official."

Game over?

Official?

.

.

.

Ilang araw na rin ang nakalipas pero parang kanina lang nangyari iyon. Hindi naman ako nilalapitan ng kumag. Mabuti na iyon kundi mauuso ang taong tinalupan at binudburan ng asin sa Pinas! Only made in the Philippines!

Sa tingin niya ba magiging okay ang lahat pagkatapos niyang sabihing game over?! Kailan pa nagkaroon ng game over?! Para saan pa ang mga katagang 'Round 2, 3, 4 blah blah' at 'Play Again' kung may nag-eexist naman palang game over?!

Ano pa daw? Laro lang sa kanya ang mga nangyari? Ginawa niya akong gf niya para may maipapakilala siya sa tatay niya tapos sasabihin niyang laro lang ang lahat?! Gusto niya bang madala ng wala sa oras sa morgue?! Bwisit siya! Hindi niya ba naisip na isang napakalaking pabor ang ginawa ko para sa kanya tapos sasabihin lang niyang laro lang ito?! Gusto niya bang ipatapon ko siya sa ilog Pasig?!

Kung game over na siya pwes ako hindi pa dahil pipindutin ko ulit ang 'reset button' o kaya ang 'play again'! makikita mo Vin "Asungot" Alonzo...ako ang magsasabi ng GAME OVER sa ating dalawa! Game Over kung saan ikaw ang talo at maglulupasay sa akin.

Hindi pa game over...

"Hindi pa gameover!" nanalaki ang mg mata ko ng masabi ko iyon ng malakas kaya naman napatingin sa pwesto ko ang mga tao sa room namin.

Now what Bea?

Napatingin ako sa pwesto niya at ang loko nakangisi lang habang nakatingin sa akin.

Punitin ko yang mukha mo eh! Kaasar! Magpapabili nga ako ng grass cutter para may magamit ako sa paggupit ng pagmumukha ng asungot na ito.

"Anong hindi pa gameover?" takang tanong ni Leanne.

"Wala naman crush hehe" sabi ko. Mabuti na lang nilapitan siya ni BAD at inayang lumabas.

wooh! Buti na lang ligtas—or not.

"Anong gameover tinutukoy mo dyan kanina huh?" tanong ni JD. Bakit ba kasi nauso ang mga tsismoso ngayon? Hindi ba dapat ang mga babae ang mahilig sa tsismis pero bakit baligtad ata ngayon.

"wala!"

"sus! wala daw eh makasigaw ka nga dyan kanina wagas..di ba bro?" anak ng tipaklong naman oh

"Dude wag mo kasing harassin yang girlfriend ko baka di makapagtimpi yan bigla ka na lang niyang bugbugin. Doon pa naman din siya expert." Natatawang sabi nito. Sakalin ko kaya ng wala ng asungot sa buhay ko? Nakakapanggigil lang eh.

"Woah! Hanggang ngayon tuloy pa rin ang palabas niyo? Hindi ba two weeks ago pa nakaalis si Tito Vin?" Kaya pala. Kaya pala hindi na niya ako masyadong pinapansin nitong nakaraan. Napapansin din ni Leanne iyon buti na lang may lahi akong artista kaya napapaniwala ko si Crush. Kung ganoon bakit hindi na lang niya sinabi sa akin at—teka? Yung nangyari nung nakaraan. Anong ibig sabihin non?

"Bakit? Nagsabi bang showing pa rin ang palabas namin?" napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya pero halatang seryoso siya sa sinasabi niya.

"Dont tell me..."

"Naglalaro pa rin kami!" biglang sabi ko. Ano bang pinagsasabi ko? Bea kailangan ka pa naging boba? Hindi ba matalino ka? Mag-isip ka ng magandang sasabihin hindi yung puro kabobohan lumalabas sa bibig mo. Tsk.

"huh?"

"Tama dude. Naglalaro pa rin kami kaso ibang level nga lang."

"Vin..." banta ko dito kaso parang wala lang sa kanya. Konti na lang talaga...

"...we're playing the game of love now.." Natameme ata ako ng sabihin niya iyon. Naghiyawan ang buong klase dahil sa sinabi niyang iyon. It took me seconds to be normal and did the right thing.

"Bwisit ka!!! asungot ka talaga!!" Wala na bang ibibigay sa akin ang lalaking ito kundi puro kahihiyan?!

"Aray! ano ba?! Basagulera ka talaga! tumigil ka nga! Masakit! JD dude! iligtas mo kagwapuhan ko sa amasonang ito!!!!" sigaw niya habang umiiwas sa mga kamay ko na lumilipad. Oo! Lumilipad na talaga dahil sa bwisit ko sa asungot na ito! Kung pwede nga lang pati paa ko paliparin ko gagawin ko eh. Tumakbo pa siya para makaiwas pero wala akong balak tumigil. Walang-wala.

"Wow! Goodluck bro! Mukhang ibang laro nga yan. Isang gyera ata ang napasukan mo Vin hindi laro ng pag-ibig. Goodluck sa lovestory niyo habang nasa kalagitnaan kayo ng gyera!" rinig ko pang sigaw nito bago ako tuluyang nakalabas ng room. Nakalayo ito sa akin at napapikit na lang ako sa sobrang inis ko.

"Arrrghhh!!" Sigaw ko at kusa ko na lang tinanggal ang sapatos ko sabay bato kung saan. Bahala na kung may matamaan man o wala.

"Inhale... exhale... inhale...exhale..now relax Bea..." Pagkakalma ko sa sarili ko at nung medyo umayos-ayos na ako tsaka ako nagdilat ng mata sabay ngiti ng matamis.

Okay na ako.

"In the faculty office miss Castillo!"

Nanlaki ang mga mata ko ng sumalubong sa akin ang terror naming teacher na puputok na ata sa galit at ng tingnan ko kung anong hawak niya tsaka ko lang pinagsisihan ang ginawa kong paghagis ng sapatos ko.

It's Dooms day!

"Sorry po Sir" Agad na sabi ko pagkapasok ng faculty office. Pinagtitinginan tuloy kami nung ibang mga teachers. Ano ba kasing naisipan mo Bea at basta mo na lang pinapalipad sa ere ang sapatos mo.

"Sorry? Sa tingin mo Miss Castillo mababalik pa ng sorry mo ang nangyari kanina? Paano kung ibang tao ang natamaan ng sapatos mo? Paano? This is a school Miss Castillo not a playground. If you want to play then drop out and play as much as you want." Napayuko na lang ako sa sinabi nito.

Sa dami ba naman kasing pwedeng matamaan itong terror pa na ito. Hindi naman sa takot ako sa kanya sadyang marunong lang akong rumepesto at alam kong ako ang may mali. Maling-mali talaga!

Kasalanan mo talaga itong asungot ka eh!

"Are you listening to me Beatrice Castillo?!"

"Po? Yes sir!" mapapatay talaga kitang asungot ka maghintay ka lang.

"I will report this—"

"Hi everyone! Goodmorning sir!" Napatingin kami pareho ni sir terror sa lalaking abot langit ata ang ngiti. Magdadala talaga ako ng grass cutter sa susunod.

"It is almost class time Mr. Alonzo kaya bakit nandito ka pa?"

"Sinusundo ko po kasi siya para sabay na kami sa next class namin." Nakangiting sabi nito. Susunduin? Tanga ba siya? Kitang pinapagalitan ako dito tapos sasabihin niyang susunduin niya ako para sa next class?! May sayad ba talaga ito ang siraulong ito?1

"She won't attend her class today. Mas gusto ata ng batang ito na maglaro lang buong maghapon kaya ibibigay ko sa kanya iyon." Wait. Ano daw? Kailan ko pa sinabing mas gusto kong mag-laro kaysa mag-aral? Wala na ata akong mas gugustuhin pa kundi ang mag-aral tapos ganito sasabihin niya?

How dare him say that infront of my face?! Tsk. Pasalamat talaga siya may respeto ako sa matatanda kaya hindi na lang ako sasagot kahit kating-kati na ang dila kong magsalita. Bwisit.

"How can you easily say those words in front of your student and to your co-tearchers? As far as I know, every kid in this planet wants to experience how to be a student."

"Anong—"

"Hindi ba teacher ka? You should know all about this."

"And now you're questioning about my credibility being a teacher?! How dare you! Baka nakakalimutan mo estudyante ka lang at ako guro." Malakas ang pagkakasabi nito marahil dahil mukhang nainsulto ito sa sinabi ni asungot. Tangang asungot naman kasi ito. Tama bang sabihin niya iyon? I know he is right pero hindi na niya kailangan pang ipamukha na may tama siya.

Kung kanina panaka-nakang tingin lang ang binibigay sa amin ngayon buong atensyon na nila ang binibigay sa amin. Ano bang tumatakbo sa isipan mong Vin ka. Bigla ka na lang susulpot dito at kung anu-anong kabulastugang salita ang lumalabas sa bibig mo.

"Manahimik ka na nga Vin. Huwag ka na kasing makialam. Bakit ka ba kasi nandito?" Pabulong kong sabi dito kaso wala ata itong balak tumigil. Pwede bang tumakbo na lang ako palabas? Okay lang na siya ang mapahiya basta safe ako.

"Wala akong sinasabi na ganyan, sa'yo nagmula ang mga salitang iyon. It's just that...it is not appropriate to just tell your student to drop out from school because of a certain action that is not that offensive. You told her to drop out because of what she'd done and telling how school is being different with playground. You're right at the same time you're wrong. Playground is way way different from school but for us students...the feeling we have when we were in school and in a playground is the same. Not the identical feeling but...we do can tell if it's the same of greater than that."

Tiningnan nito ang lahat ng teacher sa loob ng faculty at binaling ulit ang paningin nito kay sir na parang papatay na. Ano bang tumatakbo dyan sa kakapiranggot mong utak Vin? Paanong nagkaroon ng pagkakapareho ang isang playground sa school?! Alam ko namang medyo mahina uutak mo kaya huwag mo ng ipangalandakan!

"As a student, I can say that school is my own playground. Hindi kasi ako nagpunta dito para mag-aral lang. Paraan saan pa ang madaming tao na pumapasok dito kung tanging tututukan mo lang ang pag-aaral mo? Katulad ng mga nagagaganap sa isang ordinaryong playground kung saan maghahanap ka ng makakalaro mo at makakasalumuha mo sa isang buong araw nandito rin ako para maghanap ng makakasama hindi lang sa loob ng isang araw kundi sa loob ng isang buwan o hanggang matapos ang taon. Nandito rin ako para maghanap ng pwedeng maging kaibigan para may kaagapay sa mga susunod na mangyayari. Bakit ko ba sinasabi ito sa'yo? Iba nga pala ang paningin mo sa school. Katulad ka rin ng ibang magulang dyan na ang tanging tingin lang sa lugar na ito ay isang institusyon lamang kung saan dapat mong pasukan at ang bukod tanging gawin lamang ay magturo, mag-aral at paikot-ikot lang. Iyon ang pananaw niyo pero para sa aming mga estudyante mas higit pa doon ang tingin namin sa lugar na ito. Tinuturin namin itong isang malawak na playgroung kung saan kami maglalaro sa paraang gusto namin at magdedesisyon kung anong klase ang dapat naming laruin. Ano ngayon kung matalo kami o di kaya makagawa ng pagkakamali? Ano ngayon kung may mga oras na nais na naming sumuko sa larong naumpisahan namin at magsimula na lang ulit ng panibago? May mga oras na gusto na naming sumuko sa pag-aaral dahil minsan naiisip namin na hindi na namin kaya ang mga tinuturo niyo minsan naman naiisip namin napapag-iwanan na kami at nakakababa iyon ng self-esteem. Pero hindi ba tungkulin mo...niyo bilang guro na turuan kami kung paano sumugal sa isang laro? Tungkulin niyong gabayan kami kung paano magagawa ng tama at kung paano namin tapusin ang laro na alam naming magtatagumpay kami. Dapat ay palakasin niyo ang loob namin ng sa ganon magkaron kami ng tiwala sa sarili namin na kaya namin. You're here to guide us to win this game not to tell us to quit and give up." seryosong sabi ni asungot na nakapagpatahimik sa lahat. Kung iisipin mong mabuti may punto siya pero hindi pa rin tama na ipamukha niya iyon sa harapan ng teacher namin! Ano bang problema ng isang ito dahil parang may hugot ang mga salita niya?

"How dare you! I'll file a suspension for your foul words against me...against us teacher. Are you even aware of your words?! You're not a teacher that's why you never know how it feels to be like one. Don't talk like you knew everything about teaching!" Galit na sabi nito.

"Why sir? Do I need to become like you to understand what school really means? Being a student is enough to understand this environment." Nakanganga na ata ako dahil sa sagutan nilang dalawa.

"You are really suspended!" Sht.

"How come he is suspended? Everything he said is right. We didn't treat this place as an institution only. We sees it as a playground that have lots of rides, obstacles and many more that we can play as much as we want. You are here to guide each student to do what is right and lecture us when we commit mistakes. But seeing your action earlier, I'm starting to doubt about your credibility being a teacher in this school. If your student commits mistakes then you should tell her or him to reflect with his or her mistakes and learn to cause less trouble and concentrate at the same time value his/her studies instead of telling him/ her to drop out and do worthless things in life all day. You should know how to correct mistakes not on how to make another one."

"Mr. Denver..."Tila nagtitimping sabi nit okay BAD na cool lang na nakasandal sa may pintuan. Sa pagkakaalam ko sila ang may-ari ng school na ito at sa pagkakaalam ko din medyo takot sa kanya ang mga empleyado dito dahil bukod sa apo siya ng may-ari umaakto rin siyang miyembro ng board of directors kaya ang mga ganitong pangyayari ay hindi nakakalampas sa kanya. Bakit ba ako nasali sa grupo ng mga kumag na ito? Ang tahimik naman na ng buhay ko dati ah...ayt nitong nakaraan lang pala pero eto ako ngayon...nabubulabog na naman dahil sa mga lalaking ito na sadya atang pinanganak para bwisitin ang mga buhay namin.

"Kung ganyan ka ng ganyan mauubos ang mga taong gustong mag-aral. You're not physically abusing your students but your words are mentally and emotionally abusing then..."

"...Hindi ko sinasabi ang mga ito dahil kaibigan ko siya. Sinasabi ko ito para balaan ka...maging ang ibang mga guro dito na hindi sagot ang pagsasabi niyo sa mga estudyante niyo na mag-drop out na lang para mabawasan ang sakit niyo sa ulo. Pra saan pa na naging teachers kayo kung hindi niyo kayang patinuin ang mga estudyante niyo. Kung tutuusin kayang-kaya niyo namang patinuin ang mga estudyante niyo kahit pa gaano katigas ang mga ulo nito depende na lang sa paraan ng pagtuturo at pagdidisiplina niyo. I'm sure na-report na it okay Lala at kilala niyo naman siguro siya. She's hard to please so better ready your explanation about this matter." Sabi nito tsaka lumabas na ng faculty room. Hindi man tama pero ang cool niya! Ngayon lang ako nakakita ng ganon. Bagay na bagay nga talaga sila ni crush! Pareho silang cool!!!

Pero..teka...Tama ba ang nasaksihan ko? Tamang bang pangaralan ng isang estudyante ang guro nila? Tama ba ang nangyari kani-kanila lang? Nasisiraan na ata ako pero panaginip iyon. Totoo ngang nangyari iyon!

"Tara na. May klase pa tayo." Nagulat ako sa biglang paghawak ni Vin sa kamay ko at nang tingnan ko siya para bang hindi nangyari iyong kanina.

"Paano po ba yan? Babalik na kami sa klase namin para naman magkaroon kami ng mataas na marka. Alam niyo naman sa palaruang ito kailangan mo ding maging magaling para makapasa ka sa susunod na level ng laro." Sabi nito at hinila na ako palabas. Tiningnan ko iyong ibang guro na nakangiti sa amin. May mangilan-ngilan din na parang pinagbagsakan ng langit. Anong nangyayari?

"oy saan kayo galing? Malapit na magsimula ang klase ah" bungad sa amin ni JD pagkapasok namin ng room.

"Dyan lang. Gumawa lang kami ng isang mainit na eksena."

"What?! hoy bro! alam mo bang bawal yan dito?! BAD patawan mo nga ng expulsion ang ungas na ito!" mapang-asar na sabi ni JD.

"Aba! Ako lang ba gumawa ng mainit na eksena? Pati kaya si BAD!"

"Oh my...bumigay na ba ang isa sa inyo?!"

"ggo!" sabay na sigaw nung dalawa. Napailing na lang ako at naupo sa upuan ko. Naramdaman ko naman ang pagtabi ni Leanne sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Huwag mo na masyadong isipin yung nangyari kanina. Tama lang iyon sa kanya masyado kasi siyang harsh sa mga estudyante niya. Hindi naman siya matatanggal. Tuturuan lang siya ng leksyon kaya huwag ka na masyadong mag-aalala dyan." nakangiting sabi nito. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Paano—"

"Nandoon ako kaso sa labas lang. Pare-pareho silang may punto pero ang mga puntong iyon ay nababalewala lang dahil sa magkaibang paniniwala ng bawat-isa. We might think that what we've said were the right ones but sometimes it came out wrongly. Sometimes the right things also became the wrong things in the eyes of other people."

"You have a point pero sadyang hindi ko lang ma-gets kung paano kami napunta sa point na iyon. Ang issue lang naman ay natamaan ko ng flying sapatos si sir tapos bigla na lang napunta sa ganung eksena? Like duh? I'm there to get scolded but it happened the other way around. It was so unexpected. To think na nagsipangaralan na sila sa isa't-isa. Yes, Vin has a point kanina pero para isupalpal kay sir ang pagkakamali niya? I don't think its appropriate knowing na estudyante lang siya." Naiinis kong sabi. Mabuti na nga lang nakapagpigil ako kanina kundi masasapok ko talaga ang lalaking iyon. Hindi sapat na estudyante ka lang para masabi ang mga ganung salita katulad ng sinabi niya kanina. He should try teaching first before telling those words.

Nakakapanggigil lang! pati si sir kabwisit. He should learn to respect each student but he is treating us like a trash. Ang sarap nilang ipatapon parehas sa Smokey Mountain.

"Huwag ka na masyadong magalit dyan. Siguro napuno na sila dahil sa mga estudyanteng sinabihan niya ng ganun kaya nakapagsalita sila ng mga ganung bagay. Hindi naman sila aakto ng ganun kung wala silang rason. Kilala ko si BAD, wala siyang pakialam sa mga pinaggagagawa ng iba unless na lang kung may masasaktan at saka si Vin? Alam lang nun ay puro kalokohan pero marunong din iyon magseryoso. You should know it more than others do kasi girlfriend ka niya. Parang ako lang kay BAD."

Nanlaki lalo ang mga mata ko. It means...lahat ng nasabihan ng ganun ginawa ang sinabi ng terror teacher na iyon? Ang bobo naman nila para gawin iyon! Hindi na lang ako umimik sa last na sinabi ni Leanne kasi wala akong dapat isagot.

Wala naman na masyadong kaganapan sa mga sumunod na araw bukod sa patuloy na pambubwisit sa akin ng asungot na iyon na pilit pa ring sinisiksik ang sarili sa akin at pamimilit na boyfriend ko siya for real. Masasabi ko pa kaya ang 'Game Over' kung pursigido ang loko? Bakit nga pa ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Mukhang nagugustuhan ko na siya pero hindi ako aamin over my dead sexy body!

"Umamin ka nga sa amin Bea. May pag-asa ba sa'yo ang kaibigan naming si Vin?" Nasa room ako ngayon habang nakapaligid sa akin ang mga tropapips ni asungot na mukhang mga asungot na rin. Saan ba nagpunta ang lalaking iyon? Masyado naman niya dinibdib pagkasira ng bracelet niya. Kasalanan ko ba? Siya naman ang nagsimula ah. Pwede namang palitan nag-inarte pa. Tsk.

"Ano bang gusto niyong malaman?"

"Matagal na naming kaibigan si Vin kaya alam na alam namin ang mga pangyayari sa buhay niya."

"Oh? Ano namang paki ko kung alam niyo buong talambuhay niya." Pagsusungit ko.

"We're sorry for what he said earlier. Importante kasi talaga sa kanya yung bracelet na iyon." Paliwanag ni JD.

"Bakit?" takang tanong ko. Isang ordinaryong bracelet lang naman yun kaya paano magiging importante iyon? Mahal ba pagkakabili niya nun? Tsk. Mukhang nagoyo ang loko.

"Bigay kasi sa kanya iyon ng past girlfriend niya." Medyo nagulat ako sa sinabing iyon ni BAD pero hindi na pinahalata dahil baka kung ano pa ang isipin nila.

"Ah ex-girlfriend lang pala eh..."

"No, she's not an ex. She's Vin's girlfriend until her last breath." Nalaglag ata ang panga ko ng sabihin iyon ni CJ. Until her last breath? So it means...patay na iyon.

"She died last year." Pagpapatuloy ni CJ.

"Huh?" tanging nasabi ko na lang dahil huminto ata ang utak ko sa pagtakbo.

"Actually, first girlfriend siya ni Vin. Ayaw nga siyang sagutin dati ni Mae kahit pa effort na effort si Vin sa panliligaw sa kanya at iyon ang hindi namin maintindihan. Akala nga namin uuwing luhaan si Vin kasi ilang buwan na niyang nililigawan si Mae kaso lagi naman siyang pinagtatabuyan nito hanggang sa si Mae na ang sumuko at tinanggap na nga si Vin..."

Mae? Iyon ba ang pangalan nung pumatol kay asungot?

"...Wala kaming kaalam-alam sa sakit niya lalo na si Vin kaso nung malapit na silang mag-two years pabalik-balik na ito sa ospital hanggang sa malaman namin na may sakit ito at lumalala na. Iyon ang unang beses na nakita namin si Vin na umiyak na parang batang inagawan ng pagkain. Umiyak siya ng umiyak sa ospital habang walang may si Mae. Naging laman na nga siya ng ospital nung time na iyon kaya wala ng pagkakataon si Vin para ipakilala ito sa parents niya..."

"Wait lang hah...almost two years na sila pero ni minsan sa mga panahong iyon hindi nagkaroon ng time si asungot na ipakilala siya sa mga magulang nito?" aba matinde! Kung ako ang babaeng iyon nilambitin ko na patiwarik si Vin.

"Nasa States kasi ang parents ni Vin nun dahil doon nagpapagamot ang mama niya at wala silang pagkakataon para umuwi dito. Si Vin ang nagpupunta doon. Kung sasabihin mo na may internet naman at mga sites kung saan pwede silang mga-video chat ay hindi nila ginawa kasi ayaw ni Mae ng ganun. Gusto niya personal siyang maipakilala ni Vin kaso hindi na sila umabot sa puntong iyon."

"Iyong bracelet na nasira mo kanina? Bigay ni Mae iyon sa kanya. Ginawa niya iyon habang nasa ospital siya at nilalabanan ang sakit niya. Natapos niya iyon bago siya binawian ng buhay kaya napakahalaga para kay Vin iyon kaya hindi mo siya masisisi kung ganon siya mgalit. Siguro nga nagugustuhan ka na niya pero may puwang pa rin sa puso niya ang unang babaeng nagpahalaga sa kanya." Napanganga ako sa sinabi nila. Pagkatapos ng pag-uusap namin at lumabas na sila. Gusto ko ng kausap kaso wala si Leanne at napairap lang ako ng makita ko si Madison na ang sama ng tingin sa akin.

Insecure talaga ang babaeng ito. Akala mo kung sino maganda...ang sama naman ng ugali taliwas sa ugali ng tatay niya.

Tumayo na lang ako at nagmartsa palabas. Mukhang kailangan ko ngang tanggapin na kasalanan ko ang nangyari at kailangang humingi ako ng sorry. Tama sila. Marahil nga ay gusto niya ako pero nandun pa rin iyong katotohanan na may mas nauna sa akin at nagkataon lang na kinailangan na siyang iwan ng naunang iyon.

Natagpuan ko siya sa Park at katulad ng plano ko kanina bago magpunta dito ay ginawa ko kaso mukhang hindi talaga likas sa akin ang magpakumbaba. Naging maayos naman sa una ang pag-uusap namin kaso umandar ang matalino kong usap kaya nauwi din kami sa sagutan at for the second time natameme ulit ako dahil sa mga pinagsasabi niya na hindi lahat ng bagay nadadaan sa pera.

Ilang din kaming hindi naging maayos hanggang sa ako na ang kusang gumagawa ng paraan para lang magpansinan kaming dalawa. Buwan na ang lumipas at masasabi kong close na kami o mas magandang sabihin na kami na nga. Nasa isang seryosong relasyon na kami. Hindi ko na nga namalayan na umabot na pala kami dito. Basta na lang kusa ko ng natanggap na boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako. Kay Mae pa nga niya unang sinabi iyon. Pinuntahan namin ang puntod nito. Ipinakilala ko na rin siya sa pamilya ko na talaga nga namang napaka-memorable dahil pinakita lang niya kung gaano siya kaduwag na hindi uso sa pamilya namin. Mabuti na lang well-traines ang mga alaga ng pinsan ko kaya hindi siya kinain.

(Guys! Nabasa niyo naman na siguro yung SCDP di ba? Limot ko na kasi talaga ang mga kaganapan dun kaya short-cut na lang ito. Sorry kung na-disappoint kayo hehe)

Everything went smoothly o akala lang namin iyon. Malapit na ang graduation ng bigla na lang nayanig ang mundo namin. We promise to be together forever. We promise na walang iwanan and our our friendship will never end but betrayal came along our way and tear us apart.

"Kamusta Lala?" Ang bangungot na matagal ko ng tinalikuran ay nasa harapan ko ulit ngayon para ipaalaala sa akin ang mga bagay-bagay na ayoko ng balikan. Napatingin ako sa lalaking nakahandusay na na halos puro galos na.

Napamura na lang ako dahil sa itsura ngayon ni Vin. Halos isumpa ko na nag sarili ko dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya naging ganyan ngayon.

"Pakawalan niyo na siya. Ako ang kailangan niyo di ba? Pakawalan niyo na siya at huwag ng idamay sa gulo natin." Hindi naman ako ganito dati. Hindi ako marunong magmakaawa para sa iba. Iba na ngayon. Handa akong magmakaawa para lang mailigtas sa peligro ang buhay ng taong importante sa akin. Siguro nga hindi na ako yung Lala na gangster noon dahil ako na lang si Bea na nagmamahal.

"Kailan ka pa natutong magmakaawa? Nasaan na ang tapang mo? Naitapon mo na ata haha" Sabi ni Max sabay hampas kay Vin. Halos mapaluha ako ng masaksihan kung paano siya sumigaw dahil sa sakit.

Hindi ko na kaya kaya lumabanan na ako kaso mukha ngang naitapon ko na lahat ng nakaraan ko kaya madali lang para sa kanila na talunin ako. Akala ko katapusan na namin ng dumating siya. Katulad ng nangyari noon niligtas niya ulit ako. Sa pangalawang pagkakataon niligtas niya ulit ang buhay ko.

"Don't worry Lala, hindi na kayo guguluhin ng mga iyon. I'll protect each one of you. I'm very sorry for the trouble." Naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit siya humihingi ng sorry kung wala naman siyang kasalanan. Tinulungan pa nga niya kami. Akala ko noong una nagkataon lang iyon kaso isang malaking pagkakamali pala iyon. Planado pala ang lahat. Planado pala na saktan kami isa-isa.

Plinano palang mabuti ni Leanne kung paano kami saktan sa paraang talagang hindi kami makakaligtas. Galit. Galit ang nararamdaman ko sa kanya. Kasalanan niya lahat iyon. Galit na galit ako kaso walang makakapantay sa galit ni BAD para sa kanya.

Yung mga gusto naming kalimutan at pilit na tinatakasan ay binuhay nita at isang bagsakang binigay sa amin. Kahit sino naman siguro at magagalit kapag naranasan mo ang mga naranasan namin.

Dala-dala pa rin namin ang mga alaalang iyong hanggang ngayon...

"Ikaw na ang susunod na sasalang, Bea." Tiningnan ko yung isang staff tsaka siya nginitian.

Tila nagising ako sa isang mahabang panaginip. Tila bumalik ako sa nakaraan ng makita ang isang magazine. Nang makaalis ito at tiningnan ko ulit ang magazine at napangiti ng mapakla.

"It seems that you're okay now. I am happy for you but the sad part is...we still can't move on." Malungkot kong tiningnan ang litrato niyang nakangiti. Ang litrato ni Leanne Lorraine Villanueva. Napatingin ako sa phone ko ng umilaw iyon tanda ng may nagtext.

From: PinakaPOGI sa lahat

Bashy! Bilhan mo ko kape mamaya ah. Labyow!muah muah tsup tsup!

Napailing nalang ako ng mabasa ang text niya. Ang tanda-tanda na niya pero isip bata pa rin kung umakto.

It's been years but we're still together.

�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������� 


Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 205 11
Bad Girl Series 1 ❣❣❣ Being in love is not just a word that you can tell with someone. Or just a feeling that your heart feel. But it's a commitment...
59 2 15
This story is not an ordinary story! This is base on Other kinds of love form by same person, same gender and same sounds beat on their heart. The st...
117K 2.6K 38
Miseries # 1 LIFELESS SEA: DEEP WOUNDS OF WAVE (GXG STORY) "We can escape and hide from the things that can hurt us, but we are unable to see the pro...
61.3K 1K 27
Makakaya mo bang kalimutan ang lalaking naging dahilan kung bakit nadurog ang puso mo at nasaktan? "Simula ngayon-wala na tayong ugnayan dalawa. Ika...
Wattpad App - Unlock exclusive features