Hopeless Romantic 2: Bitter (...

By strawberry008

13.8M 200K 30.5K

Season 2: What happens when a girl gets tired? We'll see! More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX BLIND DATE DAY!
CHAPTER SIX POINT FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER TWENTY-ONE

283K 3.8K 477
By strawberry008

Tahimik kaming kumakain. Ewan ko pero ang awkward ng lahat! Di alam ni Josh na kasama si Justin at di ko din alam na kasama niya si Kent. Akala niya si Aisha lang kaya siguro nagsama din siya. Well, di ko din naman alam na kasama si Justin! Hahaha! Saling pusa lang naman kasi siya. Grr.

"Rylie..." Sabay nagsalita sila Justin at Josh kaya napatingin ako pati sila Aisha at Kent na gulat ang mukha. Haha! Anyare?

Parehas pala silang J? Hala!

"Anong problema niyong dalawa?" I raised my kilay. Wow, conyo!  Ano ba yan, dami kong napapansin ngayon. Siguro dahil wala akong masabi. Hahaha, anong connect?! Ang sabaw sabaw ko, di ko na kayaaaa.

"Go ahead/Mauna ka na," Sabay na naman nilang sinabi, kay Justin yung English. Ang kulit pero hindi nakakatuwa!

"Okay, mauuna na ko," SABAY NA NAMAN SILA!!!

"Teka, Jack em poy na lang kaya kayo?" Suggest ni Aisha. Nagulat lahat kasi natawa si Kent na hindi ko pa nakikita tumawa kahit kailan! Hahaha!

Natigil siya noong napansin niyang siya lang yung tumatawa, "*clears throat* CR lang ako." Sabi niya at umalis na. Natawa naman kami ni Aisha. Haha!

"Tumatawa pala yon? Hahahaha!" Sabi ni Aisha. "Wait lang, Rylie. Ang sakit ng puson ko. CR lang din ako." Pero hindi pa man ako nakakasagot, kinindatan na niya ako at umalis na. 

BAKIT NIYA AKO INIWAN SA DALAWANG 'TO?!

Tumingin ako sa kanilang dalawa at saktong nakita kong tumango si Justin kay Josh...

"Rylie, may gagawin ka bukas?" Straight-forward na tanong ni Josh.

"Madami," Pagkasabi na pagkasabi ko nun, nakita kong ngumiti si Justin kaya inirapan ko siya. Tsss, madami naman talaga akong gagawin bukas.

"Sige, sa party na lang ako-"

"PUPUNTA KA TALAGA SA PARTY?" Nagulat ako!!!

"Malamang. I'll support you," He winked. Nakita ko naman si Justin na poker face pero ang sama ng tingin. Hala, problema nito?

"Pupunta din ako," Epal ni Justin. 

"Hay ewan ko sa inyo. Bahala kayo kung pupunta kayo o hindi kasi wala naman akong pake. Organizer ako doon, FYI! Kaya di ko din kayo maasikaso. Tse!"

"Sino ba kasing may sabing asikasuhin mo kami?" Masungit na tanong ni Justin.

"'Tol, easy ka lang," He tapped Justin's shoulder. Mukhang nairita si Justin kaya inalis niya yung kamay ni Josh sa balikat niya. Waaaaaa, natetense ako.

"Pupunta ako sa party para bantayan ka. Hindi para maasikaso mo," Sabi ni Justin sabay tayo.

Tumingin siya kay Josh, "And the next time you do that, baka makalimutan ko ng kaibigan ka niya."  Sabi niya kay Josh at umalis. Creeeeepy!

Tinutukoy siguro ni Justin yung pag tap ni Josh sa shoulder niya. Nakakalalaki nga pala yun para sa mga lalaki. Tssss. Pride nga naman. 

Teka pala, bigla akong na-pressure sa partyyyyy. 

"Wait lang ah, CR lang din ako," Sabi ko at iniwan si Josh mag-isa doon. Sorry pero pagkatapos ng nangyari, hindi ko na alam kung kaya ko pa harapin yung awkwardess na yun.

"Oh my gosh," Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. In fairness, hindi butiki nasabi ko. Hahahaha! Improving, Rylie. Tama yaaaan!

Lumingon ako. Si Kent pala yung kumalabit sa akin!!!

"H-hi?" I greeted. Tumango lang siya.

Nung paalis na siya, hinawakan ko siya sa braso. 

"Wait lang, Kent!" 

Inalis niya yung kamay ko sa braso niya at humarap sa akin, "Bakit?"

"P-pwede ba akong mag tanong?" Nahihiya at natatakot talaga ako sa kanya! 

"What?" 

"Anong alam mo sa mga nangyayari o sa mga nangyari?" 

"It's none of your business," Sabi niya.

"Really? None of my business? Alam kong may alam ka. Kaibigan mo si Josh kaya may alam ka!!! Sa blind date, si Josh ba nakiusap sayo na makipagblind date sa akin?"

Hindi siya makatingin sa akin. Wala siyang kibo.

"Kent, pinlano ba ni Josh..." Nanlaki yung mata niya. Sht, may alam nga siya! "Yung blind date?" Ewan ko kung imagination ko lang yun pero napahinga siya malalim, parang nabunutan ng tinik.

"Yes, he planned it. Siya dapat ang 10th date mo," Ngumisi siya. Grr!

"So... Kaya siya nakaayos nun kasi dapat magcoconfess siya?" 

He shrugged his shoulders at umalis na. Nakakaguilty naman!!! Alam ko naman na magcoconfess siya nun kaya nga nag drama ako para di matuloy pero still... Bakit? Instead of confessing, pinalabas niya lang si Justin kahit wala naman atang balak magpakita ni Justin noong mga panahon na yun? Pero bakit? Bakit niya pinakita si Justin sa akin kahit alam niyang sinaktan ako ni Justin ng todo todo? 

The next day...

"HI, RYLIE!" Masiglang bati ni Lawrence. Ngayon kasi yung audition sa mga roles so nandito halos lahat ng members and officers ng singing guild sa little theatre. Pati na din pala yung dancers, nandito para mag audition. Kailangan din nilang mag act. Ako naman, tambay lang sa audience. Papanoodin ko lang sila at susuportahan.

Wala si Kent!!! Nasaan yun?!

Wala din si Justin. Grr inaamin kong asset siya ng singing guild kaya hindi siya pwedeng mawala! BV naman oh. Pero hindi ko siya tatawagan. Ano siya! Madami namang magagaling na lalaki sa amin pero puro gays. Huhuhu! Ilan lang yung straight. Pwede na siguro si Lawrence? May itsura naman siya at magaling din siya kumanta.

"Ate Rylie, nasaan na si Kuya Justin?" Tanong ng isang member.

"Ha? Di ko alam e."

Ilang minutes lang...

"Ry, where's my princeeee?" 

"Sinong prince?"

"Eh di si Justin! Ito namaaan, kunwari pang clueless! Ginalit mo na naman ba?" Aba't nasisi pa ko. Ipatapon ko kaya 'to sa Dapitan? Ano?

"Yun naman pala e. Prince mo si Justin so bakit ako ang tinatanong mo? It's not like I'm his princess," I rolled my eyes.

"Hmppp, ang sungit!" Umalis na siya. Imbyernuuuuh!!!

Pagkatapos magtanong ng member na yun, may nagtanong na naman tapos may nagtanong na naman hanggang sa halos lahat sila, tinatanong na kung nasaan si Justin. Okay lang sana kung sabay sabay silang nagtatanong para isa lang sagot pero hindi!!! Isa isa silang nagtatanoooong! Mukha bang alam ko kung nasaan si Prince Justin nila? Bwisit!!!

Yung mga straight na lalaki including Lawrence na nga lang di nagtatanong sa akin kung nasaan yung hayop na Justin na yun e!

"Rylie..." Si Lawrence!!!

"Ano?" Mainit na ulo kooo, ughhh. Buti na lang at nandiyan si Lawrence. Sa wakas at may nag-iba na din ng topic.

"Ba't wala si Justin?" 

HINDI KO NA KAYA!

"UGHHHH!" I stood up. "BAKIT BA AKO TINATANONG NIYO KUNG NASAAN SI JUSTIN?! BAKIT HINDI SIYA ANG TANUNGIN NIYO O KAYA YUNG MGA BABAENG INAANGKIN SIYA?! MUKHA BA AKONG LOST AND FOUND NG NAWAWALANG PRINSIPE NILA?! FYI, KAHIT SIYA ANG PINAKAGWAPONG PRINSIPE, HINDI KO SIYA ITATAGO!" 

Aalis na sana ako pero hinawakan ako sa braso ni Lawrence...

"Hey, sorry na. Gusto ko makapasok pero lahat sila, sinasabing sure ball kung nandito si Justin. Narinig ko din na kailangan na kailangan ng guild ng publicity kaya naisip ko na kung sure na magaling ang mga makakapasok sa play lalo na yung lead role, masaya lahat. Malaking opportunity 'to para sa guild..." Ang dami niyang sinabi pero may point. Huhu!

"But don't worry, if ever na hindi siya pumunta. Gagalingan ko na lang talaga," He smiled. Aww, nag-iba na nga talaga siya.

"Err, thank you!" Yun na lang nasabi ko at umalis sa loob.

I called him...

"Yes, ma'am?"

FIRST TIME NIYANG SUMAGOT SA UNANG RING PA LANG!!!

"YES MA'AM YES MA'AM KA DIYAN. WHERE THE HELL ARE YOU?!" 

"Anong problema mo? Kahapon, ang init ng ulo mo. Kagabi, ang init pa din. Ngayon, ang init na naman. Seryoso, Init na init ka na ba?"

"PUCHA TYLER JUSTIN DELA CRUZ UMAYOS KA! Seryoso ako, ginagawa nilang akong lost and found moooo!!!"

"Why are you looking for me?" 

"Bingi ka baaa? Sabi ko, SILA ANG NAGHAHANAP SAYO. Hindi AKO! Pumunta ka na nga dito," Hayy pa-hard to get pa kasi. Nasaan ba siya?

"Tss hindi mo naman pala ako hinahanap. Ba't pa ko pupunta?" Para na naman siyang bataaaaaaa!!! Tumatanda talaga siyang paurong.

"Ano ba Justin, seryoso ako. Magsisimula na yung audition," Nakakaiyak siya!!!

"Seryoso din ako, Rylie..." 

"UGHHH SINADYA MO BANG HINDI PUMUNTA PARA TAWAGAN KITA?!" Kaya ba ang bilis niyang sumagot ng phone niya?!

"Paano pag sinabi kong oo? May magagawa ka ba?" Nafifeel kong ngumingisi na siya. Nakakainis! Bastos na bata!

"ANO BA JUSTIN!!! NASAAN KA BA?" 

"Bakit, Rylie? Pupuntahan mo ba ko?" 

"E-ewan ko. Nasaan ka muna?" Naffrustrate na kooooo!!!

"Nasa puso mo," Seryoso pagkakasabi niya. OH MY GOSH! Kinikilabutan ako!!!

"Justin, I'm dead serious," Nanghihina na ko.

"Fine. Turn around," 

Nanghihina na ako kaya dahan dahan akong tumalikod...

O_____________________O

HINALIKAN NA NAMAN NIYA AKOOOOOOOOOOOOO!!!!

"Surprise," Sabi niya sabay tawa.

"Manyaaaak ka," Tumatawa pa din siya.

Natigilan ako kasi may dala siyang bulaklak...

"Saan lamay? Sino namatay?" Tanong ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi mo ba alam kung gaano kahirap bumili ng bulaklak to think na hindi naman Valentine's day?!" Aba't so kailangan talaga pinapamukha?! Ughhh.

"Kung nahirapan ka, sana di ka na lang bumili. Tss."

"Diba dati naman gusto mo ng binibigyan ka ng bulaklak?" Tanong niya, mukhang disappointed.

I smirked, "Justin, madami ng nag-bago."

Sumeryoso mukha niya... Galit na siya niyan?

"Oo nga pala," He said. "Nakalalimutan kong pag-ibig ko na lang sayo ang hindi nagbabago," He smirked, binigay sa akin yung bouqet, at umalis na. 

Ano bang gagawin ko sa lalaking yon?! 

"JUSTIN! PUMASOK KA SA LOOB!!!" Sigaw ko pero hindi man lang siya humarap sa akin. Naglalakad pa din siya! Nakalagay yung isang kamay niya sa bulsa niya. Yung isa naman niyang kamay, winave niya. 

FINE! Kaya naman namin mabuhay ng wala siya! 

ANONG AKALA NIYA, IMPORTANTE SIYA?! 

Pwes...

Tama siya. -____-

PERO IT DOESN'T MEAN NA HINDI NA KAMI MAKAKAPASOK, BAD TRIP!!!

Pumasok na ako sa little theater...

"Anyare? Sino namatay?" Tanong sa akin ng isang member. 

"Hala Ate Ry, what happened to your face? May patay ba? Bakit may hawak kang pampatay ng bulaklak? Hala ate, condoleeence!" Yinakap ako ng isa pang member.

"OMG! Sino namatay, Rylie? Condolence!" Yinakap na naman ako ng isa.

"Yung puso ko..." 

"Huh?" Sabay sabay nilang tanong.

"Yung puso ko ang namatay," Sabi ko kaya naweirdohan sila.

Uupo na sana ako nang...

"NEXT! Jamilah Rylie Hao."

TANGINA, SINO NAG-LAGAY NG PANGALAN KO DOON?!

Sinamaan ko sila ng tingin, "SINO?!" 

Umiling iling sila, "Ate Ry, hindi kami!!!"

"SINO?!"

"Hindi ko po alam," Sabi noong isa na tiningnan ko.

"Ang mabuti pa, Rylie, mag audition ka na. President ka, diba? Be responsible. Gusto mo bang sabihin nila na kung yung president nga, hindi makapagperform. Paano pa yung members? Sige na, Rylie. Go na," Sabi ng VP.

Tinulak nila ako hanggang sa makarating ako ng stage.

"Humanda kayo sa akin pagkatapos ko, I fckin' swear!" Sabi ko nang nakarating na ako sa stage. Bad tripppp!!!

May hawak pa akong bulaklak... na pampatay!!!

BAKIT BA KASI SA DINAMI DAMI NG BULAKLAK, PAMPATAY PA YUNG NAPILI NIYA?!

Continue Reading

You'll Also Like

629K 25.2K 42
[X10 Series: KRISTOFFER MIGUEL TAN] Ikakasal na sana si Toffer kung hindi lang sana umatras ang bride niya. Nalaman din niya na may kinalaman ang pin...
5.2K 156 11
• 𝗢𝗡-𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟳 - • (𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐓𝐫𝐢𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟑)
11M 110K 79
Published under Pop Fiction (2014)
22.8M 331K 64
Published under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!