KATHNIEL TRIBUTE

By BitterCandy143

263 6 0

More

KATHNIEL TRIBUTE
CHAPTER 2: Oh! SHIT HAPPENS
CHAPTER 3: Ang Cute mo Ms. Tour Guide :)
CHAPTER 4: MR. MAHANGIN? SCRATCH THAT. MR. CHICKBOY SIGURO

Chapter 5: AYIEE! ♥ Nagmo-moment kami. Huh?! ANO DAW KAMO?!

25 1 0
By BitterCandy143

UNBELIEVABLE! Sinubukan kong i-sumbong si DJ sa mga teachers. Nasa handbook kaya na bawal ang PDA dito sa campus. Like hel-lo?! Di ko na kering-keri yung pagiging malandi niya. SPG much -_-' Pero alam nyo kung anong masaklap? Ito yung sinagot sa akin ng mga teachers eh.

"Let him be. Unless walang masamang nangyayari."

OH HA! Pati ang mga teachers kampi sa kanya.Kaloka! Okay lang sa kanila na makipaglandian tong si DJ! Aba! Di porket gwapo eh papalagpasin na lang nila yun. UNFAIR! Biased much ang mga teachers. Kaloka! Sarap isumbong sa DepEd eh. Mwehehe ^_^ Sa sobrang inis ko kay DJ eh naisipan ko ngang gumawa ng fans club rin. ANTI-DJ PADILLA club kung baga. Haters lang ang DRAMA. Sinubukan kong mang-recruit. Alangan naman sa club ko ako lang isa ang member. Ako na ang leader ako pa ang member. Parang baliw lang ata ako nun kaya maghahanap ako ng mga members ko. Yung mga taong hate rin si DJ. Mwehehehe. Kina-usap ko yung tibo/emo kong classmate. I'm sure hate neto si DJ. Hate nito yung mga pa-cute, mayayabang at malalanding lalaki eh. Ma-recruit nga...

"Uy! Alam kong tahimik ka lang dyan. Pero I know, naiinis, naririndi, naiirita ka na rin tulad ko.Diba hate mo yung mga katulad nya *Sabay turo kay DJ* Ako rin hate ko rin siya eh. Kaya tara gawa tayo ng ANTI-DJ fans club." yaya ko sa kanya with matching nakasmile para maingganyo siya sa offer ko.

Mukhang napahiya at nagmukhang tanga lang ako nung naging ganito ang reaksyon nya.

"O______O <---siya   What are you talking about?!?!?!?!? Nababaliw ka na ba?!?!?! GET LOST!!!!" sigaw nya sa akin. "Para malaman mo, walang tao dito sa campus ang hate si Daniel Padilla! WALA!" dagdag nya pa sabay padabog na umalis.

O____o Naiwan ako dun na naka NGA-NGA. After all, ako naman si Ms. Nga-Nga diba? hehe. Nagjoke pa. PERO HANEP! Pati yung tomboy/ emo/ forever alone/ hate-ko-ang-mundo kong classmate ay naging babae dahil kay DJ! WOW! Kaya ng kagwapuhan niya na bumago ng tao. ASTIG ah. Ang lakas ng Effect nya sa masa. Pero, I'm sure GAYUMA lang yun. Tsss. ATSAKA, FYI meron kayang tao dito sa campus ang hate si DANIEL PADILLA... MERON! at AKO yun! AKO!!!!!! Ako yung unang babaeng ipinahiya niya sa napakaraming tao and I can't forget that! Bittermuch here -_-

Since isang napakalaking FAILED yung attempt ko na magtayo ng ANTI-DJ club ay pumunta na lang ako dun sa favorite place ko. Yung classroom katabi ng GYM. Pagpasok ko ay nadismaya ako ng makita ko yung malaking tarpo ni DJ sa harap. Tama nga pala headquarters na pala to' nung fans club ni DJ. Nakalimutan ko. :/ Pumasok sa isipan ko na di na pala to yung favorite place ko :'( Habitat na to ng mga kampon ni DJ. Napa-upo na lang ako dun at tiningnan yung napakalaking litrato ni DJ dun sa may Tarpo.

"Ano bang ginawa mo dito sa mga tao sa campus? Ginayuma mo ba sila? Sinuhulan? Pinakain ng TAWAS? Bakit sila patay na patay sayo?" Hala sige ako na ang baliw.Kinaka-usap ko na yung picture dun sa may tarpo. Hay sige SHABU pa kath!

"Di ka naman ganun kagwapo. Tingnan mo nga yang mata mo oh. Pasan mo ba ang mundo? Di ka ata natutulog eh. Ang lalaki ng eyebags mo. Tinalo mo pa yung balloon sa laki. Tapos ano ba naman yang buhok mo? KPOP lang ang peg? Hay naku! Pa-KPOP-KPOP ka pa eh. Pilipinong-pilipino ka naman. Haysss. pero kahit ganun.... bakit ang gwapo mo pa rin? Bakit marami pa ring nagkakandarapa sayo?" dagdag ko pa. Hala! Naloka na nga talaga ako.

"Siguro IN BORN ko na ang pagiging GWAPO. Hell, NATURE na talaga to sa akin."

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may biglang nagsalita sa may likuran ko. SHT. Paglingon ko.... O_____O Patay! Busted! Huling-huli na ako sa akto. SI DJ!!!! UWAAAAAA!!!!

"Waaaa! K-kanina ka pa ba dyan?!" namumula na yung mukha ko. Shesssh! Nakakahiya! Baka narinig nya yung mga pinangsasabi ko. MyGOSH! Nahuli pa akong nanlibak. JUSKO! >.<

"Uhuh. Kanina pa ako dito :) Sa sobrang gwapo ko di mo man lang ako napansin. Ahhh... ang lalaki na nitong eyebags ko kasi magdamag kong iniisip yang maganda mong mukha. hahahaha. DI JOKE LANG ^___^v ahh... tong' buhok kong mukhang KPOP? Asset ko to eh. Dagdag pogi points." sabi nya. Hala! So, narinig nya talaga lahat ng mga sinabi ko. Eeekkk KATH nakakahiya ka!

"Ahhh.. thanks nga pala sa compliment kanina. Pero no need to say it kasi alam ko na, na saksakan talaga ako sa gwapo." dagdag nya pa. WOW! Ang yabang pa rin no. Di pumapalya eh. Dala-dala nya everywhere. HANEP nya talaga. Nag-uumapaw sa bilib sa sarili. Pero HIYANG-HIYA pa rin ako sa ginawa ko. SHT. Ba't ko kasi di ni-lock yung pinto?! Kabadterp.

"A-anong ginagawa mo dito? Bakit ka ba nandito?" change topic kong tanong sa kanya. Hey people! Naiilang aketch ha! Kayo raw dito sa sitwasyon ko, sinong di titiklop ha?!

"Yung mga fans ko kasi eh. Sabi nila na kailangan ko raw pumunta dito kasi nagtayo sila ng headquarters para sa akin." nilibot nya yung tingin niya sa buong kwarto. "Hmmm. I should say JOB WELL DONE! Ang gwapo ko dun sa may tarpo oh! Wow! Papasalamatan ko talaga sila. Siguro nga i-de-date ko pa." sabi nya habang nililibot yung room

"Alam mo bang akin tong' silid na to'? Favorite place ko to eh bago pa kinuha nung mga kampon ng kadiliman mong mga fans. Psh -_-'" pagrereklamo ko sa kanya. Bigla-bigla lang kasi akong nabadtrip eh.

"Uy ba't sa akin ka nagagalit? Uy! Dapat sisihin mo yung mga fans kong baliw na baliw sa akin hindi ako. Inosente ako no" sagot nya at naghands up pa. Yung pose na "I surrender" kung baga.

"WHATEVER. Maka-alis na nga dito. Naba-bad vibes ako sayo eh." Papalabas na ako at pinihit yung doorknob. LOCK? Ba't lock to?!

"Oh. May problema ba? Akala ko aalis ka na?" sigaw ni DJ

"Lock. Lock yung pinto." sagot ko.

"ANO?!?!?! LOCK?!?!" pumunta siya dun sa tabi ko

"Hindi. Open. Open yung pinto. -.-" pamimilosopo ko. Obvious naman diba? Kakasabi lang nga diba? DUH!

"Paano yun nangyari?!?!" panick na panick na siya.

"Akala siguro ni manong wala ng tao dito. Bakante kasi to' dati eh." say ko naman sa kanya

"Paano na tayo makakalabas dito?! SHT. May date pa naman ako." Pagrereklamo nya. I just roll my eyes. Kaya pala panick na panick na siya. May date pala ang loko.

"TULONG! TULONG! May tao pa po dito!" Sigaw ko sabay sipa-sipa dun sa pinto. Hel-lo!!! Ayaw ko kayang ma-stuck dito kasama siya. AYOKO! AYOKO talaga! MAGKAMATAYAN na! "Manong! May tao pa po dito! May tao pa po dito!!!!" Sigaw ko pa. Mamamaos ata ako dito sa kakasigaw eh. Sht. pero parang useless lang.

"KATH." mahinang sabi nya. Napatigil ako. Did he just call me? Sinabi nya ba pangalan ko? o____o Nabingi lang ata ako ah.

"Relax. makakalabas rin tayo dito. Tatawagan ko yung mga bodyguards ko" say nya. WOW! Meh bodyguard siya? YAMAN siguro netong demonyong to'

"SHIT.SHIT.SHT! Ngayon pa ako na lowbat. IKAW! tawagan mo nga." utos nya sa akin.

"Ummm... wala akong cellphone eh. Sorry naman." sagot ko rin. Sensya na po di ko type magkaroon ng cellphone eh. Napaupo na lang siya dun na parang napaka-problemado. I know it's HOPELESS. Sure ako bukas pa kami makakalabas dito. I'll spent the night with him. HALA! NOOOOOOOOOO!!! JUSKO! TABANG! Dun ako na-upo sa may dulo. Ayaw kong tumabi sa kanya. Ayaw ko! Baka ano pang masamang gawin nya sa akin. Mahirap na!

TICK.TOCK.TICK.TOCK.TICK.TOCK.TICK.TOCK.TICK.TOCK.TICK.TOCK.TICK.TOCK.TICK.TOCK.

Ilang oras na kaming naka-upo lang dito. Walang umiimik sa aming dalawa. Tahimik lang... ng biglang...

"KATH." tawag nya ulit sa pangalan ko. This time bumilis na yung tibok ng ko. Di ko maintindihan. Tiningnan ko siya. Nagtataka ako...

"Naaalala mo pangalan ko? I mean, sa kinadami-dami mong mga babae eh ang bilis mo lang kalimutan yung mga pangalan nila. Eh bakit mo naalala yung sa akin eh di naman tayo ganun ka close." tanong ko sa kanya. HAte pa nga kita eh. Iniisip ko.

"Ang GANDA kasi ng pangalan mo eh. Ang hirap kalimutan." sabi nya habang nakatingin lang sa akin. nagtitigan lang kami dun. Walang nagsasalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang puso kong sobrang ingay. Sana di nya marinig. I feel weird. Di ko gets kung ano tong nararamdaman ko. Nabaliw na ata ako ah.

"GRRRRRRRRRRRR" biglang tumunog yung tiyan nya. (A/N: Sorry for the lack of sound effects. Yan lang yung naisip ko eh.)

"Hello? Nagugutom rin ang mga gwapong tulad ko no" joke nya. WOW! For the first time di ako nainis ah instead natawa pa nga ako. Well siguro kailangan ko ng masanay. Nature na ng lalaking to ang pagiging mayabang eh. Di naman pwede maging HATE ko sya forever kasi may ugali lang siyang ganun. Sabayan ko na nga lang tong mokong na to

"Ummm... may biscuit ako dito. Ayaw mo?" tanong ko sa kanya

"Syempre gusto ko. Nagugutom nga ako diba?" Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Binigay ko na lang sa kanya yung biscuit. Since kulang pa yun sa kanya binigay ko na lang lahat. Di rin naman ako nagugutom eh. Sanay yata ako. Lagi kayang tag-gutom sa bahay. Pulubi kami eh. hehe

Maniwala man kayo o hindi eh naupo lang kami dun at nagkwentuhan. Wow ha! Pwede pala kaming magkwentuhan na hindi ako nabibwisit. Nagkulitan rin kami na parang magbestfriend lang. Ito kasing si DJ ang daming joke na alam. Ang Kulit pa. HIMALA! kanina nga lang kumukulo pa yung dugo ko sa lalaking to at badtrip na badtrip pa ako sa kanya tapos ngayon... AYIIIE!! ♥♥♥ NAGMO-MOMENT NA KAMI. HUH? ANO DAW KAMO?

_END OF CHAPTER_

Continue Reading