Chapter 5: AYIEE! ♥ Nagmo-moment kami. Huh?! ANO DAW KAMO?!

25 1 0
                                    

UNBELIEVABLE! Sinubukan kong i-sumbong si DJ sa mga teachers. Nasa handbook kaya na bawal ang PDA dito sa campus. Like hel-lo?! Di ko na kering-keri yung pagiging malandi niya. SPG much -_-' Pero alam nyo kung anong masaklap? Ito yung sinagot sa akin ng mga teachers eh.

"Let him be. Unless walang masamang nangyayari."

OH HA! Pati ang mga teachers kampi sa kanya.Kaloka! Okay lang sa kanila na makipaglandian tong si DJ! Aba! Di porket gwapo eh papalagpasin na lang nila yun. UNFAIR! Biased much ang mga teachers. Kaloka! Sarap isumbong sa DepEd eh. Mwehehe ^_^ Sa sobrang inis ko kay DJ eh naisipan ko ngang gumawa ng fans club rin. ANTI-DJ PADILLA club kung baga. Haters lang ang DRAMA. Sinubukan kong mang-recruit. Alangan naman sa club ko ako lang isa ang member. Ako na ang leader ako pa ang member. Parang baliw lang ata ako nun kaya maghahanap ako ng mga members ko. Yung mga taong hate rin si DJ. Mwehehehe. Kina-usap ko yung tibo/emo kong classmate. I'm sure hate neto si DJ. Hate nito yung mga pa-cute, mayayabang at malalanding lalaki eh. Ma-recruit nga...

"Uy! Alam kong tahimik ka lang dyan. Pero I know, naiinis, naririndi, naiirita ka na rin tulad ko.Diba hate mo yung mga katulad nya *Sabay turo kay DJ* Ako rin hate ko rin siya eh. Kaya tara gawa tayo ng ANTI-DJ fans club." yaya ko sa kanya with matching nakasmile para maingganyo siya sa offer ko.

Mukhang napahiya at nagmukhang tanga lang ako nung naging ganito ang reaksyon nya.

"O______O <---siya   What are you talking about?!?!?!?!? Nababaliw ka na ba?!?!?! GET LOST!!!!" sigaw nya sa akin. "Para malaman mo, walang tao dito sa campus ang hate si Daniel Padilla! WALA!" dagdag nya pa sabay padabog na umalis.

O____o Naiwan ako dun na naka NGA-NGA. After all, ako naman si Ms. Nga-Nga diba? hehe. Nagjoke pa. PERO HANEP! Pati yung tomboy/ emo/ forever alone/ hate-ko-ang-mundo kong classmate ay naging babae dahil kay DJ! WOW! Kaya ng kagwapuhan niya na bumago ng tao. ASTIG ah. Ang lakas ng Effect nya sa masa. Pero, I'm sure GAYUMA lang yun. Tsss. ATSAKA, FYI meron kayang tao dito sa campus ang hate si DANIEL PADILLA... MERON! at AKO yun! AKO!!!!!! Ako yung unang babaeng ipinahiya niya sa napakaraming tao and I can't forget that! Bittermuch here -_-

Since isang napakalaking FAILED yung attempt ko na magtayo ng ANTI-DJ club ay pumunta na lang ako dun sa favorite place ko. Yung classroom katabi ng GYM. Pagpasok ko ay nadismaya ako ng makita ko yung malaking tarpo ni DJ sa harap. Tama nga pala headquarters na pala to' nung fans club ni DJ. Nakalimutan ko. :/ Pumasok sa isipan ko na di na pala to yung favorite place ko :'( Habitat na to ng mga kampon ni DJ. Napa-upo na lang ako dun at tiningnan yung napakalaking litrato ni DJ dun sa may Tarpo.

"Ano bang ginawa mo dito sa mga tao sa campus? Ginayuma mo ba sila? Sinuhulan? Pinakain ng TAWAS? Bakit sila patay na patay sayo?" Hala sige ako na ang baliw.Kinaka-usap ko na yung picture dun sa may tarpo. Hay sige SHABU pa kath!

"Di ka naman ganun kagwapo. Tingnan mo nga yang mata mo oh. Pasan mo ba ang mundo? Di ka ata natutulog eh. Ang lalaki ng eyebags mo. Tinalo mo pa yung balloon sa laki. Tapos ano ba naman yang buhok mo? KPOP lang ang peg? Hay naku! Pa-KPOP-KPOP ka pa eh. Pilipinong-pilipino ka naman. Haysss. pero kahit ganun.... bakit ang gwapo mo pa rin? Bakit marami pa ring nagkakandarapa sayo?" dagdag ko pa. Hala! Naloka na nga talaga ako.

"Siguro IN BORN ko na ang pagiging GWAPO. Hell, NATURE na talaga to sa akin."

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may biglang nagsalita sa may likuran ko. SHT. Paglingon ko.... O_____O Patay! Busted! Huling-huli na ako sa akto. SI DJ!!!! UWAAAAAA!!!!

"Waaaa! K-kanina ka pa ba dyan?!" namumula na yung mukha ko. Shesssh! Nakakahiya! Baka narinig nya yung mga pinangsasabi ko. MyGOSH! Nahuli pa akong nanlibak. JUSKO! >.<

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KATHNIEL TRIBUTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon