~Chapter 4
**
Erika's POV
"OMG Bes! Anong nangyari sa'yo?!" pasugod 'kong tanong sa kaniya.
Eh paano ba naman kasi! Nadatnan 'kong nakasandal sa headboard ng kama tapos nakapikit. May dugo sa gilid ng labi, tapos may pasa kanang pisngi. Gusot na gusot yung damit! Alam na! Diba?! :3
"Malamang nakipag-bugbugan." he said sarcastically.
Napairap ako. "I know right?! I mean, anong storya ngayon niyan?" sabi 'ko sa kaniya.
"Eh kasi naman.." hindi niya tinuloy yung sinabi niya at napatungo.
Tumayo ako para kumuha ng damit na pampalit sa walk-in closet. "Oh ano nga?" sabi 'ko.
"May boyfriend pala yung babaeng kinama 'ko." hiyang-hiya niyang sabi.
Napahagalpak naman ako ng tawa. HAHAHAHAHAHA! Wtf?! >:D
"Anong nakakatawa?" tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kaniya at nakataas ang isang kilay niya. "HAHAHAHAHAHAHA! Eh.. Gago ka... Hahaha! Pala eh! Malamang bubugbugin ka talaga! Hahahaha! May boyfriend tapos.. Hahahaha! Ikakama mo?! HAHAHAHAHA!" OA ba? Eh sa natatawa ako eh! XD
"Aba! Malay 'ko ba? Eh siya mismo ang lumapit sa'kin eh! Bakit 'ko naman tatanggihan ang grasya?" tanong niya sa'kin with evil smile pa ang gago.
I smirked. "Edi ayan. Hindi ka rin tinanggihan ng karma." tapos binelatan 'ko siya.
"Minsan kasi, check-check din. Wag basta pasok ng pasok!" sabi 'ko habang natatawa na naman. :D
"Bakit, anong gusto mo? Ikaw na lang ang bedmate 'ko?"
O_________O
ANONG SABI NIYA?!?! >__<
Nilapitan 'ko siya habang naka-ngiti ng parang anghel. Pero sa totoo lang, pinutulan 'ko na siya ng ari sa isip 'ko. :3
Hinawakan 'ko yung pisngi niya at ipinaling ng magkabila. "Gusto mong pantayin 'ko 'tong pasa mo sa mukha?" tanong 'ko.
Inalis niya agad yung pagkakahawak 'ko sa mukha niyang.. Gwapo.. Este.. Basag pala.
"Joke lang! Ikaw naman bes, di ka na mabiro!" sabi niya habang nagpipigil ng ngiti.
Pinakyuhan 'ko siya tapos tumayo na ulit.
Papasok na sana ako ng banyo nang bigla siyang nag-salita..
"Hindi mo manlang ba gagamutin mga sugat 'ko?" sabi niya sa'kin na halong paawa epek.
Tinaasan 'ko siya ng kilay. "Gamutin mo mag-isa. Di ako yaya mo." tapos pumasok na ako ng banyo para makapag-palit.
Hindi 'ko pa man naiisara yung pinto ng banyo, narinig 'ko na naman siyang nag-salita.
"Hinintay nga kita para gamutin ako eh." tapos napa buntong hininga siya.
OMG. Kawawa naman yung bespren 'ko. :( I was just joking.
Binilisan 'ko na yung pagbibihis.
Pag-labas 'ko, binubuksan niya na yung First Aid Kit.
"Amina. Ako na." sabi 'ko na akmang kukunin yung kit.
Iniwas niya yung kit. "Wag na. Ako na. Baka makaabala pa ako." sabi niya sa tonong pagtatampo.
Napangiti naman ako. "Hindi. Ako naaa." tapos kinuha 'ko na ng tuluyan yung kit.
Tahimik lang kami habang ginagamot 'ko siya. Medyo namamaga nga yung mukha niya.
"Kamusta nga pala yung lakad niyo nung masamang damo? Este ni Kevin?" sabi niya. Ahhhh. So si Kevin nga yung masamang damo. :D
Tinapos 'ko muna yung ginagawa 'ko sa kaniya tsaka nag-salita. "Okay naman." malamya 'kong sagot.
"Ows? Okay? Eh bakit ganiyan mukha mo?"
"Nagkaron lang kami ng konting away. Maaayos din yun." sagot 'ko.
"Tss. Sabi na nga ba, masamang damo yun eh. Bakit nag-iinarte yung baklang yun?"
ANO BA TALAGA?!
MASAMANG DAMO O BAKLA?! -____-
"Walaaa. May hinihingi lang siya na hindi 'ko pa maibibigay."
Hindi na siya sumagot. Tumango-tango na lang siya. Tapos tumayo para mag-palit ng damit.
Papasok na sana siya ng banyo pero tumingin siya sa akin.
Umupo siya uli sa tabi 'ko. "A-aray. Ang sakit." sabi niya habang hinahawakan yung mukha niya.
"Oh bakit? Anong masakit?"
"Eto oh bes." tinuro niya habang naka-pout. I admit, cute siya diyan. Ehem. :3
"Hayaan mo. Mawawala din yan. Gusto mo uminom ng gamot?" sabi 'ko sa kaniya.
"W-wag na. Diba bes.. Ginamot mo 'ko.. Baka.. Pwedeng bihisan mo na din ako? Ang sakit talaga eh." sabi niya.
ANAK NG TOKWA! Nag-iinarte lang pala! Kahit kelan talaga! Hindi pa din nag-tanda!
Tumayo ako at binato siya ng unan. "Mag-bihis ka mag-isa! Di mo kaya?! Eh gamay na gamay mo nga yan! Partida habang nag-huhubad ka, hinuhubadan mo din ang babae!"
"Oo. Gusto mo sample?" sabi niya.
Sinamaan 'ko siya ng tingin. Bigla naman siyang tumawa ng malakas at tumakbo papuntang CR. Paka gago talaga. :3
Nag-suklay na ako at humiga. Medyo pagod talaga ako ngayon. Idagdag mo pa yung stress sa pinag-awayan namin ni Kevin. Parang nang-hihingi lang ng LOLLIPOP. :3 Hello! We're talking about my VIRGINITY here! Tsss.
Nakapikit na ako nang bigla 'kong maramdaman na niyakap ako ni Bryan at naramdaman 'ko yung hininga niya sa leeg 'ko. Shit. Tumaas yung balahibo 'ko. :O
"Goodnight my beautiful bestfriend. Sweetdreams." sabi niya. In his...
...In his SEXIEST VOICE. Uhh. Shet. :3
Oh tukso.. Layuan mo akooooo...
Kinabukasan...
Napabalikwas ako sa kama ng dahil sa hindi 'ko malamang dahilan. :3 Kinuha 'ko agad yung cellphone 'ko para tingnan kung nag-text si Kevin.
As expected, WALA. :(
Ite-text 'ko na sana siya nang biglang...
"Ang aga-aga, cellphone agad ang hawak mo." sabi ni Bryan habang nagkukusot ng mata.
"Pakshet naman Bryan! Alam mo yung nakakagulat? Tsaka, sana nag goodmorning ka muna eh noh?" sabi 'ko sa kaniya sabay irap.
Umayos siya ng upo at itinapat yung mukha niya sa'kin..
OMG. What are you going to do? :O
...
...
...
*TSUP*
"Ayan. Good na ba ang morning mo?" sabi niya tapos nakangiti ng nakakaloko.
He.. He kissed me. :O
Kyaaaaaaaaaaaah! >/////////<
Tumalikod ako sa kaniya. Feeling 'ko umakyat lahat ng dugo 'ko sa mukha 'ko! Nakakahiya!
"Oh please bes, don't blush! Hahahaha!" fvck. NAKITA NIYA?!
Binato 'ko siya ng unan at tumayo na. "Blush mo mukha mo! K-kapal m-mo ah!" tapos lumabas na ako ng kwarto.
As usual, ang daily routine namin. Ako yung mag-luluto ng breakfast. At ang prinsipeng hilaw, nakaupo sa sofa, nanonood ng TV at nakapatong ang paa sa center table. WTF.
Naglalagay na ako ng mga plato ng biglang narinig 'ko yung "GWIYOMI."
Tiningnan 'ko yung phone 'ko. Hindi naman. Wala namang tumatawag tapos hindi yun ang ringtone 'ko!
Napatingin ako kay Bryan..
"Uhh. Fvck!" sigaw niya habang kinukuha yung phone niya.
O______O
SI BRYAN, GWIYOMI ANG RINGTONE?!?!?!
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! :D
Nagpipigil na lang ako ng tawa kasi magtatalo na naman kami. But I was like, WTF. Kelan pa naging GAY 'to? >:D
"Kung ano man ang naiisip mo, di yan totoo." sabi niya ng seryoso.
"Talaga? Eh ang naiisip 'ko pa naman ngayon, tunay kang lalaki. So, di yun totoo? Owemgeee." Eskdi. Hahaha!
Sinamaan niya 'ko ng tingin. Tumayo siya at lumapit sa'kin.
Kinabahan ako kaya tumalikod na 'ko. Pero agad naman niyang nahablot ang braso 'ko.
Magkalapit na magkalapit na kami ngayon. Atras ako ng atras hanggang sa pader na yung nasandalan 'ko.
"Ulitin mo nga. Hindi ako tunay na lalaki? Ha?"sabi niya. Uhh. He's teasing me!
"J-joke lang! Di ka naman m-mabiro!" sigaw 'ko na uutal utal.
Akala 'ko aalis na siya sa harap 'ko nang bigla niya pang inilapit yung mukha niya sa mukha 'ko. We're just an inch from each other. :O
"HAHAHAHA! You're blushing again! Kain na nga tayo." sabi niya habang umuupo para kumain.
"Wag yan ang kainin mo. Nilagyan 'ko ng lason yan." sabi 'ko habang umuupo din.
"Lason? Lason mo mukha mo!" tapos binelatan niya 'ko. Inirapan 'ko lang siya.
Kahit kelan talaga, asar talo ako eh! Fvck. OW-KEEEEY. Whatever. -___-
-
-
-
-
After namin kumain, nag-ayos na kami para pumasok. Maaga pa naman kaya hindi kami male-late.
As usual, pag-pasok namin ng Campus, pinag-titinginan na naman kami. Dahil kay Bryan.. Baliw na baliw ang girls sa kaniya. Kahit yung ibang taga ibang building at ibang courses. Psh. Anong gwapo diyan?! Mukha nga siyang tuyot na ewan eh. Hahahaha!
"Huy girl! Nako. Pinag-titinginan na naman kayo!" sabi ni Von. Yung bakla 'kong kaibigan. Kasama niya si Bernadette. Kaibigan 'ko din.
"Gwapo daw ako eh. Diba Von?" tapos nag-pogi sign pa siya kay Von. Duhh.
"Shyeeet! Ang hangiiiin!" sigaw 'ko.
"Ano ka ba girl!? Totoo naman eh! Eeeeeeh! Papa Bryan!" sabi niya tapos pinulupot yung braso niya sa braso ni Bryan. Tss.
"Ahm.. Von, pwede tanggalin mo yan? B-baka kasi mahawa ako ng sakit mo eh." sabi ni Bryan habang tinatanggal yung braso ni Von.
"Hmp! Wala naman akong sakit ah!" pagmamaktol ni Von.
"Baka mabading din ako." bulong ni Bryan narinig 'ko. Siniko 'ko lang siya.
Hinatid lang kami ni Bryan dito sa room tapos nag-punta na din siya sa room niya. Kabilang building pa ang Engineering eh. Tapos kami naman, Tourism.
BLAH BLAH BLAH...
BLAH BLAH BLAH...
VIOLA! Tapos na ang first subject namin. Next nito, wala na kaming ibang sunod na subject. Medyo pasarap buhay lang eh.
BLAH BLAH BLAH...
BLAH BLAH BLAH...
TENEN! Tapos na ulittt! HAHAHAHAHA. Eh wala naman kasing kwenta yung pinag-sasabi ng mga matatandang hukluban naming Professors! Mga amoy lupa. Chot.
Dumiretso na kaming apat sa Canteen. Ganito lang kami lagi. Itong table na 'to, walang ibang umuupo dito or gumagamit. Utos yun sa kanila ng prinsipe niyong hilaw. :3
"Huy girl. Nabalitaan mo ba yung balita sa kabilang University?"
"Alin yun? Huli ako sa balita eh."
"Yung nahuling babae at lalaking nag s'sex sa Equipment Room nila?"
"Talaga?! GOSH! Grabe! Sino naman kaya yun?!"
Narinig naming usapan nung mga babae dito sa kabilang table namin. Grabe naman yung mga yun. Sino kaya yung mga yun?
"Narinig niyo ba yun?! OMG! Sana ako na lang yun!" sabi ni Von at umastang kunyari nangangarap.
"Ano ba Von! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!" sabi naman ni Bernadette sa kaniya.
"Oh bakit? Ayokong mamatay ng virgin pa noh!" grabe. Hardcore kung hardcore ang pagsasalita ah!
"Gusto mong magpa-devirginize? Ayan oh. Si Papa Bryan mo." sabi 'ko tapos natawa. HAHAHA! Inirapan naman ako ni Bryan.
"Hmp! Teka girl, diba yung boylet mong si Fafa Kevin taga kabilang University? Tanong mo kung sino yung mga hampas lupang gumagawa ng krimen sa Equipment Room nila!" sabi ni Von. Oo nga noh.
Tumango na lang ako. LQ kami eh. Ano ba. :3
-
-
-
-
After naming kumain at tumambay sa Canteen, umuwi na agad kami ni Bryan. Himala nga at hindi ako iniwan nito para kumama ng babae. YUCK.
"Oy bes. Mauna ka na don sa loob. May nakalimutan ako sa loob ng kotse." sabi ni Bryan.
Tapos ako naman, pumasok na sa loob. Umupo muna ako dito sa Lobby habang nag-hihintay kay Bryan.
Nag-lalaro lang ako ng Temple Run 2 sa iPhone 'ko nang biglang may tumayo sa harapan 'ko.
"Hi! May I seat here?" OMG. He's cuteee! ^.^
Ngumiti ako. "Sure." tapos nag-laro na uli ako.
Ay, di 'ko alam ang pangalan ng boylet na 'to. Matanong nga. Hihi. :D
"By the way, I'm Phil." naunahan niya 'ko! Tapos nilahad niya yung left hand niya.
"I'm Erika." then nag-shake hands kami.
"Ikaw yung nakasabay 'ko sa elevator kahapon diba?" sabi ni Phil.
Elevator? Hmmm. AY OO! Yung di 'ko napansing nakangitian 'ko!
"Oo. Ikaw yun! Nice to meet you Phil." sabi 'ko sa kaniya habang naka-ngiti.
"Nice to meet you too Erika." SHET. Magka-hawak pa din pala kamay namin. :O
"EHEM.." sabi nung lalaki sa likod ni Phil.
******************************************************************************************
Author's Note:
Hi readers! Here's your Chapter 4! :) Sorry sa late UD. Nawalan ng Internet for 3 days eh. :3
Well anyway, enjoy reading this Chapter! ^^ VOTE AND COMMENT ha? Kahit tig-tatlo lang. PLEASEEE. :(
Thanks! :*
-iloves14