VAMPIRE'S SLAVE

By bluesky22

217K 5.2K 146

He's my master... I'm his slave... I love him... Can he love me back even though I'm JUST his slave? But what... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 18

3.6K 100 0
By bluesky22

Jade's POV

Ngayon ang araw ng hatol. Ito ay gaganapin sa arena malapit sa palasyo. Itong arenang ito ang naging saksi sa hatol sa lahat ng nagkasala. Sa pagkaka-alam ko, ito ring arenang ito ang naging saksi sa pagkamatay ng lahat ng naging alipin ni Carlo noon.

Pagpasok namin doon ay nakita ko agad ang mga myembro ng headquarters. Katabi nila ang isang grupo ng mga bampirang naka- itim na roba. Sila ang mga myembro ng monarkiya. Lahat sila ay ang mga pinaka-malakas na mga bampira sa bawat kaharian. Isa dapat ako sa dalawang mag-rerepresenta sa kahariang ito ngunit tumanggi ako. Masyado nang mabigat ang tungkulin bilang isang chosen one para pasukin ko pa ang monarkiya. Bilang kapalit sa akin, ang naging myembro ng monarkiya sa kahariang ito ay sina Nick at Carlo. May limang kaharian ang mga bampira. Ang dalawang pinaka malakas sa bawat kaharian ay binibigyan ng imbitasyon upang maging myembro ng monarkiya. Sa mga myembrong nandito, wala si Nick at Carlo kaya nmn walo lamang sila. Sa walong bampirang naka-roba, dalawa lamang ang aking kilala. Yun ay sina Prince edward at Princess Diane. Ang iba pang myembro ay ngayon ko pa lamang nakita.

Sa lahat ng hatol na naganap, ngayon lamang napuno ang arena. Puno ito ng mga bampirang gustong masaksihan ang magiging hatol sa kanilang prinsipe na myembro ng monarkiya at ng kanilang dating chosen one. 

Sa aming pagdating sa harap ng monarkiya nagsalita ang parang pinuno ng mga ito.

"Napagdesisyonan na ang magiging hatol kay Nick Joseph Dagger. Siya ay tinatanggalan na ng posisiyon sa monarkiya. Siya rin ay hinahatulan ng paghihirap at kamatayan sa pagkakasalang pagtulong sa pagtakas ng dating itinakda na si Jade Monique Santillan. At ang hatol nmn kay Jade Monique Santillan ay bukas pa para sa inyong mga mungkahi."

"Maari ba akong magsalita pinuno?" tanong ng isang babaeng naka-itim din na roba. Para siyang pamilyar sa akin. Nakita ko na siya sa ibang lugar ngunit d ko lang matandaan.

"Sige Luna."sagot ng pinuno. Nakita kong nangiwi siya nung binanggit ang kanyang pangalan. Ngunit bakit?

"Bilang isang babae pinuno, alam ko ang mas masakit pang parusa na maaring ipataw sa kanya bukod sa kamatayan" aniya. Gumuhit ang kuryusidad sa mukha ng binatang tinatawag nilang pinuno. Ano nga ba ang mas masahol pa sa kamatayan? Alam kong hindi nila ako maaring patayin dahil tanging ang itinakda lamang nila ang may kakayahang gawin yun. At si Carlo yun.

"At ano yun Luna?"sagot muli ng pinuno.

"Pagkawala ng puri pinuno." natahimik ang lahat sa kanyang sinabi. Mas masahol pa nga yun sa kamatayan. Hindi ko inaasahan na ang ganung suhestiyon ay manggagaling sa isang babae. Nanaig ang katahimikan sa lahat hanggang sa binasag ito ni Princess Diane.

"Ngunit pinuno! Hindi ba't parang sobra nmn ata ito? Ako'y isang babae kaya't alam ko ang halaga nang puri ng isang babae!" sabi ni Princess Diane.

"Kaya nga't mainam itong maging parusa!"ani ni Luna.

"Pinuno naman! Ni wala nga tayong kasiguraduhan kung totoo ba ang sinabi ng babaeng yan na ang kagustuhan ng prinpsipe ay parusahan ang prinsepe Nick at itinakda ng mga tao bago siya mismo kumitil d2!" sigaw ni Princess Diane. Si Carlo ang nag-utos na parusahan kami? Kung yung sa pagpaparusa sa akin ay baka paniwalaan ko pa pero ang pagparusa at pagpatay sa kanyang kapatid? Hindi ko akalaing makakaya niyang gawin iyon.

"Kinekwestyon mo ba ang pahayag ng prinsipe?! Wala akong dahilan para magsinungaling! Bakit nmn ako magsisinungaling?!"sigaw nmn ni Luna

"Manahimik kayong dalawa! Nakapagdesisyon na ako. Dahil wala namang ibang mungkahi, magpapatuloy tayo sa mungkahi ni Luna. At ikaw Edward ang magsasagawa ng parusa sa itinakda ng mga tao. At ikaw nmn Fire ang magpapataw ng parusa sa traydor na prinsipe."ani ng pinuno.

"Ngunit pinuno~~" ani ni Prince Eward.

"May problema ba sa desisyon ko Edward?"tanong ng pinuno

"W-wala po pinuno"sagot ni Prince Edward.

Nick's POV

Sobra na sila! Hindi na makatarungan ang hatol nila! Lalo na kay Jade! Kinaladkad ng dalawang myembro ng monarkiya si Jade palabas ng arena. Sinubukan ko siyang habulin pero may latigong tumama sa likod ko na naging dahilan ng pag-dausdos ko sa lupa. Nag-usok ang katawan ko dahil ito ay gawa sa pilak. Maya-maya ay may pares ng paa akong nakita sa harap ko.

"Ang tagal nating d nagkita Nick." ani ng bampirang nasa harap ko.

"Fire..." ani ko habang sinusubukan kong tumayo. Ngunit bago pa man ako makatayo naramdaman ko nanaman ang pagtama ng latigo sa aking likod. 

"Hindi mo man lang ba kakamustahin ang kaibigan mo?"aniya. SI Fire ang natatangi kong naging kaibigan sa monarkiya. Kakaiba siya sa lahat. Hindi siya katulad ng iba na walang ibang hinangad kundi kapangyarihan. Katulad ng kanyang pangalan, kontrolado niya ang apoy. Maraming nagsasabi na sa dumaan na taon ay mas lalo pa siyang lumakas.

"Fire, nakikiusap ako sayo. Patayin mo ako kung yun ang gusto mo, pero pakiusap iligtas mo si Jade." pagmamakaawa ko sa kanya. Napakagaling ng monarkiya upang i-atas ang pagpaparusa sa aming mga kaibigan. Alam nila na mas masakit kung malapit sa inyo ang siyang mananakit sayo.

"Alam mo nmn Nick na hindi ko maaring gawin ang hinihiling mo~~"nanlumo ako sa aking nadinig."~~pero ikaw, magagawa mo."naguluhan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na magagawa ko? 

"Paano? Hindi kita maintindihan Fire."ani ko. Umupo siya sa harap ko upang maging magka-level ang aming mukha.

"Magtiwala ka lng sakin Nick."aniya. Tumayo siya at naramdaman ko ang hapdi sa aking buong katawan. Walang duda. Ginagamit na niya ang kapangyarihan niya. Ilang sandali pa at lumiyab ang buong katawan ko.

"Aaaaaaaaggggggghhhh"napasigaw ako dahil sa sakit. Ang sabi niya magtiwala lng ako. Pero paano ako magtitiwala kung sinusunog niya ako ng buhay. Nakita ko na nag-aabo na ang katawan ko. Baka ito na nga ang katapusan ko...

Jade's POV

Dinala nila ako sa isang kwarto na walang laman kundi ang isang pulang kama sa gitna. Nag-pumiglas ako ngunit wala akong nagawa. Iginapos nila ang mga kamay ko sa kama gamit ang isang pilak na kadena. Ganun din ang aking mga paa. Matapos nito ay sila ay lumabas na ng kwarto upang magbantay sa labas.

Natatakot ako...

Kinakabahan ako sa mangyayari. Hindi lang sa akin kundi pati narin kay Nick. 

Pero hindi ko ibibigay sa kanila ang kaligayahan na makita akong nahihirapan.

[CLANK!]

Naputol ang aking pag-iisip ng may nadinig akong pumasok sa kwarto. 

"Prince Edward"sabi ko ng makita ko ang pumasok. Binigyan ko sya ng isang pekeng ngiti. Sa isang banda, maganda narin na sya ang gagawa kaysa iba... Sa aking pag-ngiti tumulo ang aking luha. Lumingon ako sa kabilang direksyon upang hindi niya ito makita. Totoo nga na masakit ngumiti kapag ikaw ay malungkot...

Naramdaman kong lumapit siya at umupo sa kama.

"Hindi mo kailangan ngumiti kung hindi mo nmn gusto." sabi niya. Sa sinabi niyang yun, diretso nang tumulo ang aking luha.

"Sssshhhhhhh...patawad Jade. Hindi ako pwede sumuway. Buhay ni Dianne ang nakataya d2. Patawad..."aniya. Pinikit ko ang aking mga mata habang ramdam ko ang kanyang halik sa aking leeg. Huminga ako ng malalim upang makalma ko ang sarili ko at matigil ang pag-tulo ng aking luha. Katulad ng sinabi ko kanina, kunin man nila ang aking pagka-babae, hindi ko ibibigay sa kanila ang kaligayahan na makita akong nag-dudusa.

Luna's POV

"Mukhang napaka-saya mo ata ngayon Luna"ani ng isang lalaki. Nilingon ko siya upang makita ang pangahas.

"Anong ginagawa mo d2 Arno?"mataray kong sabi.

"Wala nmn. Oh bkt nga napakasaya mo Luna?"

"Pwede ba Arno?! Tigilan mo nga ang pagtawag sakin ng Luna?! Abby ang itawag mo sakin!"bulyaw ko sa kanya. Kasi nmn eh, pinayagan ko na nga ang pinuno na tawagin akong Luna eh! Bakit nakiki-Luna pa sya?! AHh! Nakaka-inis! Bakit nmn kasi naging Luna Abbygail ang naging pangalan ko?!

"Bakit? Hindi ba Luna naman ang iyong pangalan? At wag mong takasan ang una kong tanong. Bakit nga ba napakasaya mo?"ani ni Arno.

 "Paano ba nmn ako d magiging masaya. Sigurado ako na sa oras na ito ay nagdudusa na ang stupid human na yun. Sayang lang at nadamay pa ang prinsipe. Pero ayos na din yun atleast mas lalo magdudusa ang stupid human na yun sa pagkamatay ng prinsipe dahil sa kanya."

Arno's POV

 "Paano ba nmn ako d magiging masaya. Sigurado ako na sa oras na ito ay nagdududsa na ang stupid human na yun. Sayang lang at nadamay pa ang prinsipe. Pero ayos na din yun atleast mas lalo magdudusa ang stupid human na yun sa pagkamatay ng prinsipe dahil sa kanya." sagot ni Luna.

 "Bakit nga ba napakalaki ng galit mo sa itinakda ng mga tao? Sigurado ako na may iba kang dahilan bukod sa hindi natin siya kaanib. Bakit nga ba gustong-gusto mo siyang pahirapan?"sunod-sunod kong tanong.

"Galit ako sa kanya dahil inagaw niya ang dapat sa akin."aniya. Sa lahat ng mga myembro sa monarkiya, siya ang pinaka-kakaiba. Ang sabi ng iba ay mayroong sandata ang kanilang pamilya na maaaring kumitil sa kahit na sino man maski pa sa itinakda. 

"Personal ang iyong dahilan? Ibang klase..."sagot ko.

"Ano ka ba talaga Arno? Kaaway o kakampi?"aniya. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.

"Hindi ako kaaway Luna... at mas lalong hindi ako kakampi. Ang posisyon ko ay nasa gitna."

"Alam mo Arno, minsan naisip ko kung isa ka nga lang bang ordinaryong bampira. Masyado ka kasing misteryoso."aniya. Binigyan ko lamang siya ng isa pang tipid na ngiti. Magaling siya upang mapansin iyon. Hindi nga ako isang ordinaryong bampira ngunit hindi din nmn ako espesyal. Sabihin nalng natin na I'm the protector of Destiny...

-------------------------------------------------------------------------

Cno nakakatanda pa kay Abby? :) Nandun siya sa Chapter...?

Pls. VOTE, COMMENT, and FOLLOW ^_____________^

Continue Reading

You'll Also Like

165K 4.4K 47
No Vampire can love any mortal . . but what if a vampire fell inlove with a mortal? Clar Juliet Ruthven,a high class vampire inlove with a mortal. An...
19K 1.1K 67
Kilala mo ba siya? Kilala mo ba kung anong nakaraan niya o kilala mo ba kung sino siya ngayon? Ako kilala ko lang siya sa pangalan, madalas ibang...
10.9M 558K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...
38.6K 805 11
Untold story behind the MATE BOND of Alpha Steve Kread and his Mate Luna Stephanie Marge Stawn. Will be love saved both of them from a war between th...