Chapter 18

3.6K 100 0
                                    

Jade's POV

Ngayon ang araw ng hatol. Ito ay gaganapin sa arena malapit sa palasyo. Itong arenang ito ang naging saksi sa hatol sa lahat ng nagkasala. Sa pagkaka-alam ko, ito ring arenang ito ang naging saksi sa pagkamatay ng lahat ng naging alipin ni Carlo noon.

Pagpasok namin doon ay nakita ko agad ang mga myembro ng headquarters. Katabi nila ang isang grupo ng mga bampirang naka- itim na roba. Sila ang mga myembro ng monarkiya. Lahat sila ay ang mga pinaka-malakas na mga bampira sa bawat kaharian. Isa dapat ako sa dalawang mag-rerepresenta sa kahariang ito ngunit tumanggi ako. Masyado nang mabigat ang tungkulin bilang isang chosen one para pasukin ko pa ang monarkiya. Bilang kapalit sa akin, ang naging myembro ng monarkiya sa kahariang ito ay sina Nick at Carlo. May limang kaharian ang mga bampira. Ang dalawang pinaka malakas sa bawat kaharian ay binibigyan ng imbitasyon upang maging myembro ng monarkiya. Sa mga myembrong nandito, wala si Nick at Carlo kaya nmn walo lamang sila. Sa walong bampirang naka-roba, dalawa lamang ang aking kilala. Yun ay sina Prince edward at Princess Diane. Ang iba pang myembro ay ngayon ko pa lamang nakita.

Sa lahat ng hatol na naganap, ngayon lamang napuno ang arena. Puno ito ng mga bampirang gustong masaksihan ang magiging hatol sa kanilang prinsipe na myembro ng monarkiya at ng kanilang dating chosen one. 

Sa aming pagdating sa harap ng monarkiya nagsalita ang parang pinuno ng mga ito.

"Napagdesisyonan na ang magiging hatol kay Nick Joseph Dagger. Siya ay tinatanggalan na ng posisiyon sa monarkiya. Siya rin ay hinahatulan ng paghihirap at kamatayan sa pagkakasalang pagtulong sa pagtakas ng dating itinakda na si Jade Monique Santillan. At ang hatol nmn kay Jade Monique Santillan ay bukas pa para sa inyong mga mungkahi."

"Maari ba akong magsalita pinuno?" tanong ng isang babaeng naka-itim din na roba. Para siyang pamilyar sa akin. Nakita ko na siya sa ibang lugar ngunit d ko lang matandaan.

"Sige Luna."sagot ng pinuno. Nakita kong nangiwi siya nung binanggit ang kanyang pangalan. Ngunit bakit?

"Bilang isang babae pinuno, alam ko ang mas masakit pang parusa na maaring ipataw sa kanya bukod sa kamatayan" aniya. Gumuhit ang kuryusidad sa mukha ng binatang tinatawag nilang pinuno. Ano nga ba ang mas masahol pa sa kamatayan? Alam kong hindi nila ako maaring patayin dahil tanging ang itinakda lamang nila ang may kakayahang gawin yun. At si Carlo yun.

"At ano yun Luna?"sagot muli ng pinuno.

"Pagkawala ng puri pinuno." natahimik ang lahat sa kanyang sinabi. Mas masahol pa nga yun sa kamatayan. Hindi ko inaasahan na ang ganung suhestiyon ay manggagaling sa isang babae. Nanaig ang katahimikan sa lahat hanggang sa binasag ito ni Princess Diane.

"Ngunit pinuno! Hindi ba't parang sobra nmn ata ito? Ako'y isang babae kaya't alam ko ang halaga nang puri ng isang babae!" sabi ni Princess Diane.

"Kaya nga't mainam itong maging parusa!"ani ni Luna.

"Pinuno naman! Ni wala nga tayong kasiguraduhan kung totoo ba ang sinabi ng babaeng yan na ang kagustuhan ng prinpsipe ay parusahan ang prinsepe Nick at itinakda ng mga tao bago siya mismo kumitil d2!" sigaw ni Princess Diane. Si Carlo ang nag-utos na parusahan kami? Kung yung sa pagpaparusa sa akin ay baka paniwalaan ko pa pero ang pagparusa at pagpatay sa kanyang kapatid? Hindi ko akalaing makakaya niyang gawin iyon.

"Kinekwestyon mo ba ang pahayag ng prinsipe?! Wala akong dahilan para magsinungaling! Bakit nmn ako magsisinungaling?!"sigaw nmn ni Luna

"Manahimik kayong dalawa! Nakapagdesisyon na ako. Dahil wala namang ibang mungkahi, magpapatuloy tayo sa mungkahi ni Luna. At ikaw Edward ang magsasagawa ng parusa sa itinakda ng mga tao. At ikaw nmn Fire ang magpapataw ng parusa sa traydor na prinsipe."ani ng pinuno.

VAMPIRE'S SLAVEWhere stories live. Discover now