Stolen Innocence (Completed)...

By Thwinkxx

771K 11.4K 1K

Stolen Innocence More

Stolen Innocence written by Thwinkxx
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Thwinkxx Note:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 18:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Thwinkxx Note:
Chapter 27:
Chapter 29:
Chapter 30
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36:
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42:
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46:
Chapter 47:
Chapter 48:
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Twinkxxx Note:
Chapter 58:
Chapter 59
Chapter 60 (part 1)
Chapter 60 (Part 2 Finale)

Chapter 28:

11.1K 180 3
By Thwinkxx

Shantelle Kristina


There's a big part of me na hindi ako nagsisisi na pinagsamatalahahan kita noon. Dahil kung hindi ko nagawa iyon, walang baby Zeyrone sa mundo...


at wala ka sana sa buhay ko ngayon..."


Hindi ko alam pero matapos sabihin ni Ram sa akin yan ay paulit ulit ko ng nang naririnig sa utak ko.


Mahal na rin ba ako ni Ram? Nararamdaman na rin ba nya ang nararamdaman ko sa kanya? O baka talagang pinaninindigan nya lang talaga ang obligasyon nya sa amin ni baby Zeyrone?


Ewan ko ba. Ang akin na lang ngayon, nagiging masaya na ako sa piling ni Ram.


"Are you done?" Saglit ko munang pinasadahan ng tingin ang suot ko sa salamin bago tumingin kay Ram na nasa repleksyon din ng salamin sa likuran ko, kapapasok nya lang dito sa kwarto.


"Oo, sorry kung natagalan ako." Muli kong pinasadahan ng suklay ang nakalugay kong buhok bago humarap sa kanya.


Ngayon na ang binyag ni Baby Zeyrone kaya naghahanda na kami sa paggayak papunta ng simbahan. Saglit kong pinasadahan ng tingin si Ram na nakasuot lamang ng simpleng plain na fitted long sleeve na puti na bahagyang itinaas ang manggas hanggang sa siko nito. Tinernuhan nya rin ito ng itim na denim pants. Kahit mapasimple o mapapormal ang suot ni Ram, kayang kaya nyang dalhin iyon at lalong nagpapadagdag ng pagkagandang lalaki nya.


"Iyan ba talaga ang susuotin mo?" tanong nya. Sa totoo lang, naiinis na minsan ako kay Ram sa tuwing aalis kami o may lakad kami dahil palagi nyang pinapansin ang suot ko.


"Oo, pangit ba? Hindi ba bagay sa akin?" isang kulay puti ring sleeveless na dress ang suot ko na halos kalahati ng hita ko ang haba. Sa katunayan, bili rin ni Ram sa akin ito at gaya ng sinasabi ko noon, puro pampaseksing dress ang binili nya sa akin kaya wala akong ibang pagpipilian. Binilhan nya nga ako ng mga panibagong damit nung manggaling sya sa ibang bansa pero puro mga pambahay naman iyon.


"Lahat naman ng damit na isuot mo bagay sayo, but... that dress is too reaveling." Tukoy nito sa suot ko. Medyo revealing nga ang isang ito. Pero wala naman akong ibang isusuot, medyo ok pa nga ito kesa sa ibang dress na binili nya na puro tube. Ang kaso nga lang, medyo may pagkamalalim ang pagka V-neck shape nito kaya nakikita ang cleavage ko. Idagdag pa na bukas ang damit na ito pagdating sa likuran kaya lantad ang kalahati ng likuran ko.


Ngayon ko lang pala napagtanto, bawal nga pala sa simbahan ang mga ganitong suot. Pero wala na talaga akong ibang susuotin.


"Wala na kasi akong ibang pagpipilian eh. Magbe-blazer na lang ako para matakpan yung likuran ko." sabi ko.


"Sisitahin ka sa simbahan nyan. Dapat sinabi mo na wala kang ibang susuotin, eh di sana nakabili tayo." tumingin na lang ako kay Ram bago kinuha ang blazer kong itim sa closet.


Muli nya akong pinasadahan ng tingin bago ako hinatak palapit sa kanya. Nakita kong may dinukot sya sa bulsa ng pantalon nya. Hindi ko nakita iyon dahil lumakad sya sa likuran ko.


"Stay still." sabi nito ng magtangka akong pumihit paharap sa kanya. Hindi na ako gumalaw, naramdaman ko na lang na may ikinabit ito sa leeg ko. Nakita kong may lumawit sa dibdib ko kaya yumuko ako para tignan iyon.


Krus?


Naramdaman kong hinawi ni Ram ang buhok ko saka muling bumalik sa harapan ko.


Binigyan nya ako ng gold necklace na may magandang pendant na krus na maraming bato.


"Akin ba 'to Ram?" tanong ko habang hawak hawak yung pendant na krus sa dibdib ko.


"Hmm. You like it?"


"Oo." nakangiting sabi ko sabay yakap sa kanya. "Salamat ah, unang beses kong makatanggap ng ganito."


"You're welcome." sagot nito kasabay ang pagdampi ng halik nito sa ulo ko. "Halika na sa baba." dugtong niya. Kumalas na ako sa yakap niya at lumabas na ng silid. Muli itong huminto at pinasadahan muli ng tingin ang katawan ko.


"Ipanalangin mo na lang na hindi ako makasakit ng tao sa simbahan kapag may kakaibang tumitig sayo." Sabi nito saka ako muling hinapit sa bewang.


"Palagi mo na lang akong pinapagalitan sa suot ko kapag aalis tayo." nagtatampo waring sabi ko habang pababa kami ng hagdan.


"I'm sorry. I just don't like seeing dickheads ogling you as if they're going to taste you."


"Ram!" suway ko sa kanya. Talagang sinasabi nya sa akin yun? Si Ram yung tipo ng taong sasabihin talaga yung gusto nyang sabihin, mapabastos man o hindi.


Bahagya ko itong kinurot sa tagiliran pero mahina lang. Humalakhak lang ito saka mabilis na humalik sa leeg ko.


Dalawang sasakyan pa ang dinala namin papunta sa simbahan. Humiwalay pa kasi sina Mama at Papa pero kasama namin si Ate Malou sa sasakyan para katuwang ko kay Baby Zeyrone. Nagtext na rin sina Ninong at Ninang na papunta na rin sila ng simbahan, maging si Drickzel ay ganun din.


May parte sa akin na medyo masaya dahil hindi na makakapunta si Lexy. Hindi naman ito nagsabi pero tulad nga ng sabi ni Ram, hindi na daw nya ito makontact. Pero nandodoon pa rin yung pag aalala namin ni Ram, pero kung pinaglalaban man ni Lexy yung karapatan nya dahil mas matagal na ang pinagsamahan nila ni Ram at nangako na nga sa kanya ito ng kasal, kelangan ko ring ipaglaban ang karapatan ko. Alam ko sa sarili ko na mas may karapatan kami ng anak ko kay Ram at mas may obligasyon sa amin si Ram.


Pagdating namin sa simbahan ay nandodoon na silang lahat, sina Ninong at Ninang, Driczkel at iba pang kinuhang Ninong ng Papa ni Ram. Nandito rin si Clyde na kinuha ni Ram na Ninong. Napansin kong wala si Auntie Isabelle, pinasabihan ko naman ito na pumunta pero mukhang hindi ito dumating.


Nagtagal din ng mahigit isang oras ang misa at pagbibinyag. Iyak ng iyak si Baby Zeyrone lalo na ng paliguan na ito ng banal na tubig sa ulo. Medyo naiirita na rin ako dahil naiinitan talaga ako. Gustong gusto ko na ngang hubarin ang blazer na suot ko kaso nasa simbahan pa kami.


Pagkatapos ng binyag ay dumiretso na kami sa hotel kung saan idadaos ang kainan. Habang nasa sasakyan ay pinadede ko na si Zeyrone at pinalitan ng damit dahil pawis na pawis na rin ito.


Nang makarating na kami sa venue ay saglit na humiwalay sa amin si Ram at nakipag usap sa ibang mga tao. Si baby Zeyrone ay nakatulog na rin matapos ng ilang minuto. May isang kwarto doon kaya doon ko na nilapag si baby Zeyrone at pinabantayan na lamang kay Ate Malou. Nang macheck ko na maayos naman na sa kwarto si Zeyrone ay lumabas na rin ako. Pero bago ako lumabas ay hinubad ko na ang blazer na suot ko dahil kaninang kanina pa talaga ako naiinitan.


"Ate Malou, kayo na po ang bahala kay Baby Zeyrone, tawagan nyo na lang po ako kapag nagising na sya."


"Sige po Ma'am" sagot nito. Hinalikan ko muna sa noo si Baby Zeyrone saka tuluyan ng lumabas. Pagkalabas ko ay si Ram agad ang hinanap ko pero nasa tumpok pa rin ito ng mga kalalakihan at nakikipag usap habang may mga baso ng alak na hawak. Nagugutom na ako at gusto ko ng ayain si Ram kumain pero mukhang abala pa sya sa pakikipag usap. Maya maya ay tinawag ako nina Ninong kasama sina Ninang, Mama at Papa na nasa isang table.


"Si baby Zeyrone?" Tanong ni Mama.


"Nakatulog na po eh, kasama po ni Ate Malou doon sa kwarto." sagot ko naman.


"Kumain ka na ba?" tanong naman ni Papa.


"Hindi pa po, sabay na po kami ni Ram." sagot ko sabay lingon kay Ram di kalayuan sa pwesto namin. Lumingon din si Papa doon.


"Naku hija, kumain ka na, baka matagalan pa yan si Ram." si Mama ulit.


"Okey lang po, hindi pa naman po ako gutom." palusot ko na lang pero nagugutom na talaga ako.


"Ayaw mo lang yatang masira ang figure mo hija." Si Ninang. Nagkatawanan naman silang apat.


"Ha? H-Hindi po." natatawa ring sagot ko.


"You look more beautiful hija and sexy. Parang mas nahiyang mo ang panganganak, nag mature ang katawan mo." si Ninang ulit.


"Nainggit ka na naman Belen?" Kantyaw naman ni Ninong kay Ninang. Inirapan lang sya ni Ninang pero ngumiti rin. Nagkatawanan na lang kaming lima. Ilang sandali lang ay nagpaalam muna ako sa kanila at kumuha ng maiinom. Panay ang sulyap ko kay Ram na ngayon ay may kausap namang magandang babae.


Sino naman yun?


"Shantelle."


"Drickzel!" hala, nakalimutan ko na si Drickzel, nandito nga rin pala sya.


"Wow! You look... you look gorgeous. Nagdalawang isip pa akong tawagin ka kanina kasi akala ko hindi ikaw yan. Ang alam ko kasi naka black ka kanina."


"Ah, naka blazer kasi ako kanina na black. Ang init kasi kaya hinubad ko. Sorry ah, nakalimutan na kitang asikasuhin, nagloloko kasi kanina si baby Zeyrone eh."


"It's okey. Buti na nga lang at kakilala ko yung ibang tao dito, mga kliyente ko dati kaya hindi ako na out of place. Ahm kumain ka na ba?" Tanong nito. Muli akong sumulyap sa gawi ni Ram. Kumunot ang noo ko ng makita kong magkalapit na magkalapit na sila nung babae at parang may binubulong bulong pa si Ram doon sa babae na tatawa tawa.


Sino ba kasi yung babaeng yun? Nakakainis ah.


"Hey Shantelle." Muli akong bumaling kay Drickzel.


"A-Ah sorry, h-hindi pa eh. Ikaw ba?"


"Hindi pa din eh. Sabay na tayo gusto mo?"


"Ah sige." Sagot ko. Nakakainis ka Ram, nagugutom na ako kakahintay sayo pero mukhang wala kang balak kumain at gusto mo lang yatang makipagkwentuhan.


Ewan ko ba kung bakit nainis ako ng ganito ng makita kong may kausap na ibang babae si Ram. Nagseselos ba ako?


Pumwesto na kami ni Drickzel sa isang bakanteng table pagkayari naming kumuha ng pagkain. Ibinuhos ko na lang sa pagkain yung inis ko.


"Mukhang gutom na gutom ka na talaga ka ah." puna sa akin ni Drickzel. Ngumiti na lamang ako nang pilit dito habang punong puno yung bibig ko.


"Nasaan na nga pala ang asawa mo?" Tanong nito. Tumango ako para iparating ang sagot ko na 'ewan ko'.


"LQ?" Ngumiti si Drickzel. "Nagkausap kami kanina." Dugtong pa niya.


"Ah." sagot ko na lang. Muli akong sumulyap sa gawi ni Ram pero wala na ito doon. Luminga ako sa paligid para hanapin sya pero hindi na sya mahanap ng mga mata ko.


"Hey try this, it's delicious." napabaling na lang ulit ako kay Drickzel na may sinalin na pagkain sa plato ko.


"Thanks." tinikman ko yung binigay nya. "Masarap nga." Panay pa rin ang gala ng mata ko sa paligid. Nasaan na ba yung lalaking yun? Pati yung babaengng kausap nya kanina nawala na rin.


Gusto ko na sanang hanapin si Ram kaso ay nakakahiya naman kung iiwan ko si Drickzel. Hay! Nakakainis talaga sya. Itinuon ko na lamang ulit ang pakikipagkwentuhan ko kay Drickzel.


"Honestly, mas gumanda ka talaga ngayon Shantelle. Parang nahiyang mo ang panganganak." sabi nito saka sumandal sa kinauupuan nito habang titig na titig sa akin.


"Tumaba nga ako eh." sabi ko.


"No, mas bagay sayo ang ganyang katawan. If I were your husband I always keep my eyes on you, lalo na sa mga matataong lugar gaya nito. Ayaw ko ng may ibang titingin sayo dahil tiyak madami akong makakaaway lalo na at may lumapit pa sayong ibang lalaki." Tatawa tawang sabi nito.


"Ewan ko sayo." Natatawa ring sabi ko saka sumubo ng pagkain sa plato ko.


"Hindi ako nagbibiro." Umalis ito sa pagkakasandal sa upuan at inilapit ang mukha sa akin. Napatingin rin ako dito.


"Kumain ka na nga, ang dami mong alam." sabi ko. Tumawa na lang ito at tinuloy ang pagkain. Maya maya ay dumating sa table namin si Ate Malou.


"Ma'am Shantelle, kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Ram, hinihintay nya po kayo sa kwarto ni Baby Zeyrone."


"Sige, susunod na lang po ako dun." sagot ko na lang. Umalis na rin si Ate Malou pagkasabi ko nun, tinuloy ko na lang ulit ang pagkain ko.


"Hinahanap ka na nang asawa mo." sabi sa akin ni Drickzel.


"Hindi pa ko tapos kumain eh. Makakapaghintay naman yun." Sagot ko. Bahala sya, kanina ko pa sya hinihintay para kumain eh, kung sino sino pa kinakausap nya.


"Okey." sagot ni Drickzel.


"Kukuha lang ako ng dessert ah." paalam ko kay Drickzel.


"Samahan na kita." sabi nito, tumayo na rin ito pagkatayo ko. Medyo nailang lang ako ng alalayan nya ako sa paglalakad at lumapat ang palad nito sa likod ko. Damang dama ko ang init ng palad nito dahil nga sa bukas ang damit ko sa bandang likuran.


Hindi na kami bumalik sa table namin at doon na namin kinain ang dessert sa tapat ng table kung saan nakahain ang iba't ibang dessert. Hindi ko nilubayan ang chocolate fountain at doon ko dinutdot dutdot lahat ng strawberries na kinuha ko.


"Hindi na dumadaloy yung chocolate oh, inubos mo na." pang aasar sa akin ni Drickzel, sya naman ay may dala dalang salad.


"Grabe ka naman, hindi pa kaya." natatawang sabi ko sabay dila ng daliri kong nalagyan ng chocolate.


"Ah wait." napahinto ako ng biglang lumapit sa akin si Drickzel. Bahagya akong napaatras ng ilapit nya ang mukha nya sa akin. "May chocolate sa buhok mo, tatanggalin ko lang." Hindi na ako kumilos pagkasabi nya noon. Sobrang lapit na ng mukha namin at kung may makakakita man sa amin sa bandang likuran namin ay iisiping naghahalikan kami.


"Yan wala na. Para ka palang bata kumain." Ngumuso lang ako sa sinabi niya, tumawa naman ito. Muli akong umatras pero namali yata ang pag atras ko dahilan para mabuwal ako. Buti na lamang at naging mabilis ang pagkilos ni Drickzel at nahapit nya ako sa bewang.


"Hey, be careful." sabi nito. Umayos naman na ako nang tayo pero nakahawak pa rin ito sa bewang ko.


"T-Thank you." kinabahan talaga ako doon. Akala ko bubuwal na talaga ako.


"Kristina."


Pareho kaming napatingin ni Drickzel sa gilid namin. Doon ko nakita si Ram na nakakunot ang noong nakatingin sa aming dalawa. Agad na bumitaw sa akin si Drickzel.


"Sorry for interrupting but can I borrow my wife?" sabi ni Ram.


"Of course pare." sagot naman ni Drickzel. Agad namang hinila ni Ram ang kamay ko.


"Sige Drickzel, mamaya na lang ulit." paalam ko rito, tumango lang ito at ngumiti. Tuluyan na akong hinila ni Ram at naglakad.


"Ram saglit, matatapilok ako." pigil ko rito. Ang taas ng suot kong sapatos pero kung kaladkarin nya ako ay ganun ganun na lang.


"Hey Ram." napahinto si Ram sa paglalakad ganun din ako ng harangan ni Clyde ang dadaanan namin, may kasama rin itong isang lalaki na sa tantya ko ay kaedaran rin nila.


"Hi Shantelle." bati rin sa akin ni Clyde. Ngumiti lang ako dito bilang bati pabalik.


"By the way Ram, this is William. Sya na ngayon yung nag take over ng mga big clients na kinamatayan ni Mr. Nathan."


"Uhm yeah. Ram Buenavidez." pakilala naman ni Ram dito sabay kamay.


"And the beautiful girl beside him is his wife, Shantelle." Pakilala rin ni Clyde sa akin. Naglahad ng kamay sa akin yung kasama ni Clyde.


"William." Pakilala nito, tinanggap ko naman ang kamay nito pero nag alangan ako ng bahagya nitong pinisil ang kamay ko. "It so nice to meet you Shantelle. And it's true, you are beautiful."


"T-Thank you William-"


"I'm sorry but will you excuse us for a minute." putol ni Ram. Ramdam ko ang mahigpit na paghapit nito sa bewang ko kaya hinatak ko na ang pagkakakamay ko kay William.


"Oh yeah sure." sabi naman ni William na nakatingin pa rin sa akin.


"Ahm Ram, about dun sa house and-"


"Let's talk about it later Clyde." Putol ni Ram saka ako hinila palayo kina Clyde.

Continue Reading

You'll Also Like

877K 11.6K 60
Paano kung ikasal ka sa bestfriend mo?! Sasaya ka ba dahil matutupad na ang pangarap mong makasama siya dahil sobrang mahal mo sya o isang bangungot...
777K 12.5K 39
She loved him so much leaving nothing for herself. She's been very desperate to make him love her back. To reciprocate her one-sided love. But what i...
48.6K 1.3K 33
Before Gabrielle Avelda lost her memories she was a famous top fashion designer abroad and a popular anonymous author in the country. But because of...
Devyl Dracssus By Lia

General Fiction

194K 3.8K 28
Firen Anzhala is not an ordinary woman. She's fearless and, most of all, a Green Goddess but a virgin. Devyl Dracssus is a Devilish-looking Duke with...