Chapter 28:

11.1K 179 3
                                    

Shantelle Kristina


There's a big part of me na hindi ako nagsisisi na pinagsamatalahahan kita noon. Dahil kung hindi ko nagawa iyon, walang baby Zeyrone sa mundo...


at wala ka sana sa buhay ko ngayon..."


Hindi ko alam pero matapos sabihin ni Ram sa akin yan ay paulit ulit ko ng nang naririnig sa utak ko.


Mahal na rin ba ako ni Ram? Nararamdaman na rin ba nya ang nararamdaman ko sa kanya? O baka talagang pinaninindigan nya lang talaga ang obligasyon nya sa amin ni baby Zeyrone?


Ewan ko ba. Ang akin na lang ngayon, nagiging masaya na ako sa piling ni Ram.


"Are you done?" Saglit ko munang pinasadahan ng tingin ang suot ko sa salamin bago tumingin kay Ram na nasa repleksyon din ng salamin sa likuran ko, kapapasok nya lang dito sa kwarto.


"Oo, sorry kung natagalan ako." Muli kong pinasadahan ng suklay ang nakalugay kong buhok bago humarap sa kanya.


Ngayon na ang binyag ni Baby Zeyrone kaya naghahanda na kami sa paggayak papunta ng simbahan. Saglit kong pinasadahan ng tingin si Ram na nakasuot lamang ng simpleng plain na fitted long sleeve na puti na bahagyang itinaas ang manggas hanggang sa siko nito. Tinernuhan nya rin ito ng itim na denim pants. Kahit mapasimple o mapapormal ang suot ni Ram, kayang kaya nyang dalhin iyon at lalong nagpapadagdag ng pagkagandang lalaki nya.


"Iyan ba talaga ang susuotin mo?" tanong nya. Sa totoo lang, naiinis na minsan ako kay Ram sa tuwing aalis kami o may lakad kami dahil palagi nyang pinapansin ang suot ko.


"Oo, pangit ba? Hindi ba bagay sa akin?" isang kulay puti ring sleeveless na dress ang suot ko na halos kalahati ng hita ko ang haba. Sa katunayan, bili rin ni Ram sa akin ito at gaya ng sinasabi ko noon, puro pampaseksing dress ang binili nya sa akin kaya wala akong ibang pagpipilian. Binilhan nya nga ako ng mga panibagong damit nung manggaling sya sa ibang bansa pero puro mga pambahay naman iyon.


"Lahat naman ng damit na isuot mo bagay sayo, but... that dress is too reaveling." Tukoy nito sa suot ko. Medyo revealing nga ang isang ito. Pero wala naman akong ibang isusuot, medyo ok pa nga ito kesa sa ibang dress na binili nya na puro tube. Ang kaso nga lang, medyo may pagkamalalim ang pagka V-neck shape nito kaya nakikita ang cleavage ko. Idagdag pa na bukas ang damit na ito pagdating sa likuran kaya lantad ang kalahati ng likuran ko.


Ngayon ko lang pala napagtanto, bawal nga pala sa simbahan ang mga ganitong suot. Pero wala na talaga akong ibang susuotin.


"Wala na kasi akong ibang pagpipilian eh. Magbe-blazer na lang ako para matakpan yung likuran ko." sabi ko.


"Sisitahin ka sa simbahan nyan. Dapat sinabi mo na wala kang ibang susuotin, eh di sana nakabili tayo." tumingin na lang ako kay Ram bago kinuha ang blazer kong itim sa closet.


Muli nya akong pinasadahan ng tingin bago ako hinatak palapit sa kanya. Nakita kong may dinukot sya sa bulsa ng pantalon nya. Hindi ko nakita iyon dahil lumakad sya sa likuran ko.


"Stay still." sabi nito ng magtangka akong pumihit paharap sa kanya. Hindi na ako gumalaw, naramdaman ko na lang na may ikinabit ito sa leeg ko. Nakita kong may lumawit sa dibdib ko kaya yumuko ako para tignan iyon.


Krus?


Naramdaman kong hinawi ni Ram ang buhok ko saka muling bumalik sa harapan ko.


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGOnde as histórias ganham vida. Descobre agora