Ang Alalay Kong Astig! ( Publ...

By Sweetmagnolia

26.5M 620K 144K

Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl... More

ANG ALALAY KONG ASTIG
[1] MAY POGI SA KALSADA
[2] THE ASSIGNMENT
[3] HI KLASMEYT!
[4] ANG BAGUHAN
[5] TROPA
[6] BAGONG ALIPIN
[7] CALL OF DUTY
[8] BOY OR GIRL
[9] ATTACK OF THE ENEMIES
[10] PATIENCE 101
[11] WHO'S THE BOSS?
[12] DRAMA QUEEN
[13] WARM WELCOME
[14] MORE DO'S & DON'TS
[15] IKAW SI SUPERGIRL
[16] TRUE HEART
[17] DATE CRASHER
[18] MY FULL-TIME SERVANT
[19] THREE IS A CROWD
[20] KISSPIRIN
[21] THE CHOICE AND THE CHOICES
[22] THE COLD MAN AND THE OLD MAN
[23] YOUNG HUSBAND-TO-BE
[24] ADJUSTMENT DAY
[25] THE SET-UP DATE
[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD
[27] BACK TO EARTH
[28] I AM ALEX
[29] IT'S NOT OVER
[30] OLD BLAKE, NEW MAYA (ALEX)
[31] PUSH THE LIMITS
[32] I SURRENDER
[33] BECAUSE I LOVE YOU
[34] CROSSROADS
[35] A LOVE TO WAIT FOR
[36] LIKE A REPLAY
[37] THE RISE OF THE RIVALS
[38] CHANCE TO BET
[39] GUT INSTINCT
[40] LIGHTS FADING OUT...
[42] EDGE OF TRIALS
[43] I WILL REMEMBER YOU
[44] RUN TO YOU
[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)
EPILOGUE

[41] SHOW MUST GO ON

439K 11.3K 1.7K
By Sweetmagnolia

                                           ****

“Hello Alex.”

“Dennis napatawag ka.”

“What happened to you? Bakit hindi ka man lang dumadalaw sa bahay? You’re making everybody worry again!”

“H-Hindi pa kasi ako makakuha ng tiyempo. Huwag kang mag-alala gagawan ko ng paraan na makadalaw sa susunod na linggo.”

“Can’t you do it next weekend? I think lolo misses you a lot lately. Although he’s not saying anything but I noticed that almost all the time wala siyang bukambibig kundi ang pangalan mo.”

“H-hindi ako pwede next weekend. B-Birthday ni Blake.”

Tumahimik ng ilang sandali si Dennis. “By the way Alex, how’s the condition of that guy now?”

 M-Mabuti naman.”

Narinig ni Alex ang malalim na buntong-hininga ng kapatid.

“He still doesn’t remember you, does he?”

 “H-hindi pa rin…”

“Alex, I hate to say this but I need to. Stop hoping. I told you I don’t want to see you hurt. The old Blake that you know might not return anymore. You’re maybe hoping for the best now but don’t forget to expect for the worst too…I’m the doctor and I know better.”

Matagal bago nakapagsalita ang dalaga. Nang ibuka nito ang bibig ay nagsalita ito ng may masiglang boses. “Ano bang pinagsasabi mo Dennis? Matagal ko nang tinanggap yan. At trabaho na lang ang dahilan kung bakit nasa tabi pa rin ako ni Blake ngayon.”

 “I hope you’re telling the truth… I have to hang-up now may pasyente na ako. Don’t forget to find time para bisitahin kahit si Lolo man lang. Bye!”

“Bye.”

Pagkababa ng telepono ay nanatiling nakatayo at nakatingin lamang si Alex sa dingding ng kuwarto.  Alam niyang walang katotohanan ang huling sinabi niya sa kapatid ngunit pakiramdamdam niya ay hindi rin ito purong kasinungalingan.

Unti-unti na nga bang itinuturing niya na lang na trabaho si Blake?

Simula nang kinompronta siya ni Blake tungkol sa inililihim niyang nakaraan nila ay lalong naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ginagawa nito ang lahat ng paraan upang ipagtulakan siya papalayo. Sinusubukan niyang maging matatag. Pinilit niyang huwag sumuko. Ngunit nitong mga huling araw ay unti-unti nang nagiging manhid ang puso niya. Sa dami ng sakit na pinagdaanan niya ay nalilito na siya sa totoong nararamdaman at parang nagbabago na ang pagtingin niya sa lalaki.

Hindi niya na makita dito ang pag-asa na muling babalik pa ang Blake na minahal niya at nagmamahal sa kanya. Pakiramdam niya ay nakasanayan niya na lamang ang magtiis dahil sa binitawan niyang pangakong hindi ito iiwan. At habang papalapit nang papalapit ang araw na kinatatakutan niyang mapupunta na ito sa ibang babae ay patigas naman ng patigas ang kanyang puso. Mahal niya si Blake ngunit hindi ibig sabihin ay ipagkakait niya sa sarili na pag-aralang tanggapin ang katotohanan. Kung sakali mang bumalik ang alaala nito subalit huli na ang lahat, alam niyang hindi ito magdaramdam sa kanya. Dahil may ginawa siya para dito. Ipinaglaban. Minahal. At hindi iniwanan.

Sa ngayon ay gusto niya na lang matapos ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan niyang manatili sa tabi ni Blake.Nakahanda na ulit siyang bumalik sa totoong mundong ginagalawan niya. Sa mundong unang minahal niya, ang mundong kapiling ng mga baril at bala.

 Tok.Tok.Tok.

 Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Blake.

 “Get ready I’m going to racing venue after an hour.”

 “Okay,” kaswal na sagot niya.

 “Blake what do you want to wear?”

Napatingin siya sa nagsalita. Nakita niya si Marianne. Papalabas ito ng kuwarto ng lalaki bitbit ang isang polo. Nitong mga huling araw ay napapadalas na ang pagpunta ng babae sa bahay. Ipinagkikibit balikat niya na rin kung paminsan-minsan ay dito na ito natutulog. Kasama na ito sa mga bagay na tinanggap niya.

 “Sige Blake mag-aayos na ako,” mahinahong sabi niya sabay sarado ng pinto ng may blankong mukha.

                                                                           -----

Habang nagmamaneho papuntang karerahan, tumunog ang cellphone ni Alex. Napatingin muna siya sa katabi bago ito sagutin.

“Go ahead. Answer your phone,” kaswal na wika ni Blake.

Nagsuot siya ng headset at sinagot ang telepono.

“Hi Alex!”

Biglang sumigla ang boses niya nang marinig ang boses ni James.

“James! Dumating ka na ba?”

“Yap. Kadarating ko lang I’m still in the airport now.”

“Kumusta ang trip mo sa Dubai?”

“Mabuti naman. By the way I called to ask if how can I give to you lahat ng mga ibinilin mong pasalubong.”

Ngumiti si Alex. “Nabili mo ba lahat?”

“Of course. I know how crazy you are sa mga chocolates at sweets na to. I’d exerted a lot of effors just to find the brand you like so I think I deserve a prize,” pabirong salita ng binata.

“Yes! Salamat James.”

“How about a dinner tomorrow night?” tanong ng binata.

 “D-Dinner?” natitigilang sabi ni Alex.

 “Yeah…I told you, you must give me a prize.”

Biglang nag-alangan ang mga ngiti sa mukha ni Alex. “Ahhh…Hindi ko pa alam. Tawagan na lang kita. Sige James nagmamaneho kasi ako. Mamaya na lang tayo mag-usap. Bye.”

“Okay. Bye!”

Pagkababa ng telepono ay diretso lamang ang tingin ni Alex sa daan. Hindi niya nilingon ang katabi.

“You’re getting closer to him lately,” komento ni Blake.

Hindi umimik si Alex. Binigyan niya lamang ng simpleng tango ang kausap. Tama ang sinabi nito. Nagiging malapit na nga siya sa kasamahan. Unti-unti na siyang nagiging komportable dito. Ito lang kasi ang madalas niyang nakakausap sa bawat sandaling tila sasabog na ang dibdib niya sa sakit. Si James lang ang gumagawa ng paraan para mapangiti siya sa mga sandaling  pinagtutulakan siya papalayo ni Blake. Bagamat hindi niya hinihingahan ng sama ng loob si James ngunit kusang nararamdaman nito kapag may mabigat siyang dinadamdam at ginagawa nito ang lahat ng paraan upang mapasaya siya.

Walang namumuong espesyal na pagtingin mula sa kanya para kay James. Hindi niya pa rin ito iniibig ngunit hindi niya maikakaila na lumalim ang pagtingin niya dito bilang kaibigan…dahil sa mga panahong ito, ang binata lamang ang nakakapagpagaan sa kanyang kalooban.

“Are you in a relationship with him already?” usisa ulit ni Blake.

“Magkaibigan lang kami.”

“Why not give him a chance to date you? I- I think you’re good for each other.”

Huminga ng malalim si Alex habang seryosong nakatingin sa daan. Pinagtutulakan na naman siya ng lalaki. Minsan ay gusto niya na rin itong patulan. Napapadalas na ang pagsagad nito sa kanyang pasensiya. Paulit-ulit niya na lang iniisip ang salitang pang-unawa. Dahil kaunting panahon na rin lang naman ang ilalagi niya sa tabi nito.

“By the way this time, I allow him to visit you in my house.”

Nilingon ni Alex ang katabi. Pinilit niyang bigyan ito ng isang matamis na ngiti. Sa kabila ng lahat ng sama ng loob, sakit, at bigat ng pakiramdam na nararanasan niya ay may isang bagay siyang hindi magawa. Ang ipakita kay Blake na nasasaktan siya. Ang nais niya ay manatili pa rin siyang masaya sa mga mata nito. Ayaw niyang hatakin ito pababa kasama ng nabibigatan niyang dibdib. Gusto niyang patunayan na hanggang sa kadulu-duluhan ay kaya niyang pangalagaan ang ipinangako niya sa sarili at kay Don Henry na gagawin niya ang lahat para manatiling maligaya ang lalaki.

 “Blake tutal linggo naman bukas at wala kang lakad sa gabi, pwede ba muna akong lumabas?”

 “Uhmm…I’m not sure yet baka bigla akong magkaroon ng lakad. Why? Where are you going?”

 “Magdidinner lang kami sa labas ni James,” walang pagdadalawang isip na paalam ni Alex.

Ilang sandaling natahimik si Blake. Bumilang ang ilang segundo bago ito nakasagot. “Okay. Hindi na lang ako tatanggap ng lakad kung magkakaroon man.”

“Salamat.”

                                                                         -------

Pabalik-balik na naglalakad sa kuwarto si Blake. Hindi mapakali at maya’t mayang tumitingin sa relos. Nakailang tawag na rin siya sa intercom para kausapin ang mga guwardiya.

“Wala pa rin ba?!”

“Wala pa rin sir. Tatawagan ko na lang kayo agad pag nakita na naming parating na ang sasakyan nila,” sagot ng guwardiya.

Malapit ng mag-alas dose ng hatinggabi ngunit wala pa rin si Alex. Limang oras na itong nasa labas buhat ng sunduin ito ni James. Ang sabi nito’y magdidinner lamang. Anong klaseng dinner ang umaabot ng limang oras? Nag-papanting na ang mga tenga niya sa pag-aalala at galit. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa kanyang isipan.

 “Ahhhh!” galit na galit na sinipa niya ang isang upuan.

Naupo siya sa kama.  Ilang beses siyang napapahilamos sa mukha at napapasabunot sa ulo. Nahihirapan na siya sa ginagawang pagpipigil sa damdamin. Paulit-ulit niya mang sabihin sa sariling hindi niya pwedeng mahalin si Alex subalit hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman niya para sa dalaga. Sa halip ay mas lalo pa itong lumalakas habang dumadaan ang araw. Dahil dito’y mas umiigting ang pagnanais niyang ipagtulakan ito papalayo. Pero sa mga oras na ito ay para siyang mababaliw. Pinagsisihan niya ang ginawa niyang pagpayag na makipagdate ang babae.

 Ilang sandali pa ay tumunog ang intercom. Nagmamadali siyang sagutin ito. “Ano na?!”

 “Dumating na po sir.”

Patakbo siyang bumaba patungong living room na tila sasabog ang dibdib sa halo-halong nararamdaman.

Nakangiting lumabas ng sasakyan sina Alex at James. Masayang nagpaalaman ang mga ito sa driveway.

“Thanks for this night Alex. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya. I’m really grateful na pinagbigyan mo ako.”

“Asus! Wala ito kumpara sa mga pabor na binibigay mo sa akin. Salamat din. Nag-enjoy din ako ngayon. Sige James medyo late na pasok na ako sa loob. Ikaw din magpahinga ka na. Thanks ulit ha!”

Tatalikod na sana ang dalaga ngunit biglang hinatak ng binata ang isang kamay nito. Iniharap ito at walang pasabing hinalikan ito sa mga labi.

Gulat na gulat si Alex. Hindi niya magawang igalaw ang buong katawan sa matinding pagkagulat.

Samantalang kitang-kita ni Blake ang nangyayari.  Nanlaki ang mga mata niya at tila may biglang pumitik sa ulo niya sanhi upang pansamantala siyang mawala sa sarili. Nanggagalaiting nilapitan niya ang dalawa. Walang pasintabing pinaghiwalay niya ang mga ito at walang takot na sinuntok si James sa mukha.

 “WHAT DO YOU THINK YOU’RE DOING?!” sigaw niya sa natumbang binata.

Susugurin niya pa sana ito ngunit pinigilan siya ni Alex.

“Blake tumigil ka! Ano bang nangyayari sayo?!” natatarantang awat ng dalaga.

Tumayo si James. Ngingisi-ngising pinahiran niya ang tinamaang parte ng mukha. Nagtitimping binigyan lamang niya ng matapang na tingin si Blake. “How about you Blake? Ano sa palagay mo ang ginagawa mo? You're being inappropriate. You’re not in the right shoe to react this way!”

“Inappropriate? You are the one who’s being disrecpectful here. YOU CAN’T JUST KISS ANY GIRL RANDOMLY!”

Muling ngumiti ng nakakaloko si James. “That woman isn’t just an any girl to me Blake.”

Bago pa man lumala ang sitwasyon ay nakialam na si Alex. Hinila niya papalayo si Blake at muling hinarap si James nang may seryosong mukha. Maging siya man ay hindi natuwa sa ginawa nitong paghalik sa kanya.

“Sige na James, umalis ka na… saka na lang tayo mag-usap.”

Pagdating sa loob ng bahay ay hindi pa rin humuhupa ang galit ni Blake. Inulan niya ng mga tanong ang dalaga habang naglalakad ito papuntang kuwarto.

“Bakit ang tagal niyong nawala?! Pinayagan kita but don't you think you’re being abusive? How could you be gone for more than five hours?!”

 “Where did you go?!”

 “Are you in a relationship with that guy already? Sinagot mo na ba siya?”

 “Aside from dinner what else did you do?!”

 “Did you enjoy your date?”

 “Did you enjoy his kiss?”

 “Bakit hindi ka nagalit ng hinalikan ka niya?!”

 “ANSWER ME ALEX!!!!”

Huminto si Alex at mahinahong hinarap ang nanggagalaiting lalaki. Tiningnan niya ang namumulang mukha nito at kalmadong nagsalita. “Kumain kami, nanood ng sine, namasyal sa park at nagkuwentuhan. Okay na ba Blake?” Itinuloy niya ang paglalakad.

“Tell me how you feel!” “Do you like him already?”

 “YOU HAVEN’T ANSWERED WELL YET ALEX!”

 Muling humarap si Alex at sa pagkakataong iyon ay hindi na rin niya nagawang kontrolin ang emosyon. “BAKIT KA BA NAGKAKAGANYAN BLAKE? AKALA KO BA WALA KANG PAKIALAM! AKALA KO BA IPINAGTUTULAKAN MO AKO KAY JAMES? ANO BANG IKINAKAGALIT MO?!”

Natigilan si Blake. Bigla siyang natauhan sa lakas ng sigaw ng dalaga. Wala siyang maisagot. Hindi niya pwedeng aminin dito ang katotohanan. Hindi siya pwedeng magkamali ulit kay Marianne.

 “Alex…”

Paulit-ulit na huminga ng malalim si Alex. Sinusubukan niyang ikalma ang sarili. Tinitigan niya sa mga mata ang hindi makapagsalitang kausap. “Blake pakiusap, itigil mo kung ano man ang ginagawa mo ngayon. Huwag na huwag ka na uling magpapakita ng ganitong reaksiyon…. dahil ayokong mag-isip ng ibang kahulugan kung bakit ka nagkakaganito. Tama na Blake…sana maintindihan mong minsan ay nakakapagod ding umasa.”

 “Alex…”

Itinuloy ng dalaga ang paglalakad papuntang kuwarto at pabulagsak nitong isinara ang pinto habang naiwang nakatayo’t hindi makakilos si Blake nang may naguguluhang mukha at nangingilid na mga luha.

Continue Reading

You'll Also Like

5M 75.3K 65
PUBLISHED UNDER LIBPC. Divided into four books dahil sa kahabaan hehehhe already available in bookstores nationwide. But mas madali syang mahanap sa...
24M 406K 46
This is the second book of ANG ALALAY KONG ASTIG. A continuation of the love story of the most eligible billionaire bachelor Blake Monteverde and the...
6.2K 797 68
Continuation of Him & I STARTED: 07/21/22 COMPLETED:
21.4M 412K 68
[The Walkers Trilogy #1] Simple at tahimik ang pamumuhay ni Kisha Louise Madrigal hanggang sa makilala niya ang ubod ng manyak na bampira na nangngan...