Insanus

By JFstories

2.2M 73.5K 36.2K

"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She of... More

✞INSANUS✞
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVII
XVIII
XIX
XX
Epilogue

XVI

54.8K 2.7K 1.3K
By JFstories

XVI

"HINDI KITA ITINAKAS para iligtas, Cristina..." ani Isaac sa pagitan ng kanyang malalim na paghinga. 

Nanginginig ang kalamnan niya sa pinaghalo-halong emosyon. Galit, sakit, awa at pagmamahal. Hawak niya ang baril at nakatutok ito sa babae. 

"Itinakas kita para patayin!"

Nagimbal ito sa sinabi niya. Namutawi ang luha sa mga mata nito. "I-Isaac, bakit?"

"Goddamm*t! Ano ba talagang nangyayari, Isaac?!" asik sa kanya ni Kendo na nasa kanyang gilid lang. Nagsasalitan lang ito ng tingin sa kanilang dalawa na hindi man lang alam kung saan babaling.

Kinuha niya ang envelope na ipinatong niya sa sofa nang hindi inaalisan ng tingin si Cristina. Nang mahawakan niya ito ay ibinato niya ang papel sa paanan ng babae.

Napayuko ito doon. "A-ano ito?"

"Results iyan ng examination sa'yo ng isang neurologist," paliwanag niya sa seryosong tinig.

Naningkit ang mga mata ni Kendo. "Neurologist?" Bumaling ito sa babae pagkatapos. "B-bakit ka nagpatingin sa neurologist?"

Hindi kumibo si Cristina na malalim ang pagkakatitig sa kanya.

Siya ang sumagot sa tanong ni Kendo. "May isang pulis noon na nabangga ng isang kotse. Tumilapon siya at nabagok ang ulo. Malakas ang pagkakatama niya sa semento subalit wala siya ni bukol o putok sa ulo. Sinabi niya sa nakabangga niya na wala lang iyon..."

Nakatanga lang sa kanya ang dalawa.

"Pero wala pang isang buwan ay nabaliw ang lalaking iyon. Naapektuhan pala ang pituitary gland sa loob ng kanyang utak sanhi para masiraan siya ng bait. Tuluyan siyang nabaliw at nawala sa sarili. Nagpagala-gala siya sa kalsada at tinawag na pulubi."

Napapalatak si Kendo. "Why are you telling this to us?"

Si Cristina naman ay nakatingin lang sa kanya. Hindi siya humihiwalay sa mga mata nito. "Dahil ganoon din ang nangyari kay Cristina buwan na ang nakakalipas."

"Ha?" hindi makapaniwala si Kendo sa narinig.

"Ang laman ng envelope na iyan ang nagpapatunay. Isang doktor ang nakabangga sa'yo noong araw na lihim tayong nagtagpo." Nagpatuloy si Isaac. "Inalok ka nito ng free examination para masuri ka. At iyang sa paanan mo na nasa loob ng envelope ang resulta."

Namayani ang katahimikan kay Kendo.

"You have a serious damage in your brain," saad niya.

Samantalang si Cristina ay hindi pa rin kumakalas sa kanyang mga mata.

"Bakit hindi mo agad ito ipinaalam sa amin, Cristina?" madadama sa tinig ni Kendo ang lungkot. "Baka kung mapaano ka..."

Napabuntong-hininga ang babae. "Hindi ko pa rin maintindihan, Isaac? Ano ang kinalaman nito rito kung bakit gusto mo akong patayin?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Dahil pinatay mo si... Bart."

"D*amn it, Isaac!" palatak ni Kendo. "Are you out of your mind?!"

Bumalatay sa mukha ni Cristina ang labis na pagkagulat. Naglandas ang mga luha nito ngunit nanatili sa pwesto. "A-anong pinagsasasabi mo?"

"Bago namatay si Bart ay may iniwan siyang mensahe sa akin. Limang piraso ito ng papel na may iba't ibang bilang ng tiklop. Ang bawat tiklop na ito ay tumutukoy sa letra. At alam mo ba kung ano ang nabuong mga titik?"

Nagkatinginan lang ang dalawa.

"A, A, M, R at O..." Nagtagis ang kanyang bagang. "Ipinapaalam niya sa akin ang pangalan ng killer. Ipinaalam niya sa akin in a way na hindi malalaman ng killer ang ginawa niya."

Natawa nang pagak si Kendo. "Parang ang layo ng mga letrang iyan sa pangalan ni Cristina!"

Maingat niyang dinampot ang folder na nakapatong sa sofa at ibinato rin iyon sa paanan ng babae. Hindi niya ibinaba ang kanyang baril dahil pinanatili niya itong nakatutok dito. "Nasa loob ng folder na iyan ang totoo mong pangalan."

Niyuko ni Cristina ang folder na iyon. Dahan-dahan nito iyong dinampot at saka binuklat.

"Naikwento mo sa akin, isang araw, na pinalitan ng mga magulang mo ang iyong pangalan. Naging sakitin ka kasi sa unang ipinangalan nila sa'yo, naaalala mo? Iyon ang pamahiin niyo, kapag sakitin ang sanggol, dapat palitan ng pangalan."

Napapikit si Kendo sa sinabi niya.

Ang babae naman ay ganoon din ang naging reaksyon.

"Sabihin mo sa akin, Kendo..." utos niya rito nang hindi ito tinatapunan ng tingin. "Hindi ba sinabi sa'yo ni Cristina ang una niyang naging pangalan noong naging kayo?"

Itinikom nito ang bibig na para bang may itinatago.

"Ikaw ang una niyang naging boyfriend bago ako. Kaya sinabi niya sa'yo ang lahat bago ako." May hinanakit sa kanyang tinig. "At ang pangalang ito ang ginamit mo sa iyong kantang nilikha na sumikat. Ang pangalan niya ang dahilan kung bakit ka lumikha ng kanta, tama?"

Muling nagkatinginan ang dalawa.

"Ngayon, Cristina... basahin mo sa akin ang pangalan na nariyan sa papeles." Ikinasa niyang ang baril.

Tumitig naman ang babae sa hawak nitong folder at saka bumigkas. "Amora..."

Tumango siya. "Yes, that is your first name. Iyon ang unang ipinangalan sa'yo ng iyong mga magulang bago ang pangalang 'Cristina'. Iyon din ang title ng unang kanta ni Kendo. At higit sa lahat, alam ni Bart ang tungkol dito." Bahagya siyang natigilan. "Dahil siya ang nagbigay ng pangalan mo..."

"I-Isaac..." natutop ng babae ang sariling bibig.

"Close ang mga magulang mo kay Bart dahil sabay-sabay silang lumaki noon sa ampunan na pinanggalingan naming lahat."

"Tama ang lahat ng sinabi mo, Isaac," sang-ayon ni Kendo. "Ngunit paano mo naman nasabi na siya nga ang pumatay kay Bart? Malay ba natin na maling mensahe pala ang nagawa niya bago siya namatay. At kung si Cristina nga ang pumatay sa kanya, bakit hindi nalang niya binuo ang pangalan nito ngayon imbes sa unang pangalan niya na Amora?..."

"Isang gabi, pauwi ako. May bumagsak sa bubungan ng kotse ko. Bumaba ako ng aking sasakyan upang tingnan ito," salaysay niya. "Nahindik ako sa aking nakita. Isang kambing na naghihingalo ang nakapatong sa aking sasakyan. Wasak ang katawan nito at duguan."

Nanlalaki ang mga mata ni Kendo na nakatingin lang sa kanya.

"Sa takot ko ay nilingap ko ang paligid. Nakita ko ang isang babae na kasing-bilis ng hangin." Napabuntong-hininga siya. "Akala ko guni-guni ko lang ang nakita ko. Ngunit nang lumapit ako sa lugar kung saan ko ito namataan, nakita ko ang bakas ng kanyang talampakan. Ang mga paang ito rin ang nakita ko sa kisame ng kanilang bahay."

Sunud-sunod na napailing si Kendo. "Nababaliw ka na..."

"Mabilis ang killer at alam ni Bart iyon. Kung pipiliin niya ang mahabang pangalan ay kakapusin siya. Mabuti na lang at may isa pang pangalan ang killer na iilan lang ang letra..."

Napasigok si Cristina sa pag-iyak.

"Naalala mo noong mga bata pa tayo?" Lumamlang ang mga mata ni Isaac habang nakatingin sa babae. "Ayaw na ayaw mong marurungisan ang mga paa mo. Maputikan lang ng kaunti ang mga ito, naghuhugas ka na agad sa gripo." Muli ay nanlisik ang kanyang mga mata. Hindi niya makuhang maawa rito. "Iyon ang dahilan kung bakit nadatnan mong bukas ang gripo sa inyong banyo nang magmulat ka na wala na si Flexus. Malakas ang ulan ng gabing iyon at putikan sa labas. Iyon din ang dahilan kung bakit basa ang higaan mo nang magising ka."

Nayakap ng babae ang sarili. Nanginginig ang buong katawan nito.

"Alam ko kung saan ka nagmula ng gabing iyon. Doon ka nanggaling sa bukid malapit sa talahiban sa dulo ng baryo. Sigurado ako na doon ka pumupunta tuwing gabi. Ang hindi ko lang alam ay kung ano ang ginagawa mo doon. Ang putikan mong mga paa ang magpapatunay."

Nakayuko lang ito at umiiyak.

"S-sandali, brad... ano naman ang gagawin niya sa lugar na iyon?" 

Umayos siya ng tayo at isinentro sa babae ang baril. "Dahil ilang taon na ang nakakaraan nang walang awang pinaslang ang kanyang nakakatandang kapatid na si Kimberly doon."

Namilog ang mga mata ni Kendo. Para itong tinakasan ng dugo sa narinig.

"Mag-asawa na kami noon nang pagsamantalahan ang kanyang kapatid at pinatay ng mga di kilalang lalaki. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sinu-sino at hindi malaman kung ilan ang mga ito. Dahil d'on, nabuo sa isipan ni Cristina ang maghiganti." Bahagya siyang pumiyok. "Ngayon, Cristina... sabihin mo sa akin. Bakit mo kami iniwan ni Madelle?"

Napahikbi ito.

"I-iniwan mo ba kami para makapaghiganti?"

Naglaglagan ang mga luha nito.

"Alam mong isa si Flexus sa mga lalaking gumahasa kay Kimberly, hindi ba? Iyon ang naiisip kong dahilan, Cristina! Kaya naman pinakasalan mo siya para madiskubre mo isa-isa kung sinu-sino ang mga kasamahan niya..."

"I-Isaac..."

"Grabe ang sakripisyo mo makapaghiganti lang. Nakuha mo pa talagang magpaanak sa kanya!"

Walang tugon ang babae kundi ang malakas nitong pag-iyak.

"Hindi ka bininyagan nang magpalit ka ng pangalan..." Tumulo na rin ang luha niya. "Wala kang basbas ng pari, Cristina... wala kang Diyos..."

Napaluhod ang babae sa sinabi niya.

"Wala kang kinikilalang Diyos... lalo na nang mamatay ang mga magulang mo, mas lalo kang lumayo sa Panginoon. At mas lalo ka pang lumala nang si Kimberly naman ang mawala."

"Isaac..." hagulgol nito.

"Inalay mo ang iyong kaluluwa sa isang diablo para makapaghiganti, tama ba? Ang hindi mo alam, ang diablong pinag-alayan mo ay ang mismo ring iyong kapatid. Baliw ka, Cristina, hindi ka tao... Isa kang... INSANUS!"

Sinamantala ni Kendo ang pagkakataon. Pumihit ito at lumikha ng paghakbang para makatakbo. Subalit bago pa man ay natutukan na ito ng baril ni Isaac.

"Wag mo nang subukang tumakas, Kendo. Mananagot ka sa batas dahil sa ginawa mo!"

Mabilis na itinaas ng lalaki ang dalawa niyang kamay sa hangin. "I-Isaac, hindi ako ang kalaban dito. I-ikaw na ang nagsabi... si Cristina ang killer at isa siyang diablo..."

Ibinalik niya ang pagkakatutok kay Cristina at pagkatapos kay Kendo muli. "Alam ko ang ginawa mo..."

Tagaktak ang pawis nito. "A-ano bang sinasabi mo?"

"Alam kong isa ka... sa mga lalaking humalay at pumaslang kay Kimberly ..."

Naestatwa si Cristina sa nalaman nito. Napasadlak ito sa sahig at saka naghumiyaw. Ang tili nito ay masakit sa tainga. Sa una ay matinis na paghagulgol hanggang sa papalaki ang boses. Tulad ito ng isang tunog ng sigaw sa loob ng isang kweba. Nakakabingi! Nakakapangilabot!

Kapwa habol nila ni Kendo ang kanilang paghinga habang pinagmamasdan si Cristina. Para itong masisiraan ng bait habang sinasabunutan ang sarili. Kaba ang dahilan kung bakit hindi sila makakilos. Sabayan pa ng pagpatay-sindi ng mga ilaw sa kisame.

Plano nang kalabitin ni Isaac ang gatilyo ng kanyang baril na nakatutok dito. Ngunit may namuo pa ring pag-aalinlangan sa kanya. Parang hindi niya talaga kaya. "Cristina..."

Kahit alam niyang matagal nang nawala ang tunay na Cristina na minahal niya ay hindi niya pa rin magawang saktan ang diablong ngayon ay umuukopa na sa katawan nito. Matagal nang wala si Cristina. Matagal na itong kinain ng galit. At nang maaksidente ito, doon na lalong lumala ang kalagayan ng babae.

Ang lahat ng ipinapakita nito sa kanila ay hindi na totoo, maging ang pagmamahal nito kay Flexus, Vanessa at Apple ay huwad na. Gawa-gawa na lang iyon ng natitirang konsensiya ni Cristina, pero alam ng babae na mababaw na lang ang lahat ng iyon. Dahil mas matimbang na rito ngayon ang kademonyohan.

"Patayin mo siya, Isaac! Diablo ang babaeng iyan!" komando sa kanya ni Kendo.

Mariin siyang napapikit at umayos ng tindig. Balak na niya itong barilin nang may pumalo sa kanyang ulo. Naibagsak niya ang kanyang baril at tumilapon iyon sa malayo. Nang lingunin niya upang mapagsino ang may gawa niyon ay napausal siya. "A-Ayrand..." Naroon ang lalaki sa kanyang tabi at may hawak itong tubo.

"Ako ang papatay kay Cristina! Magbabayad ang babaeng iyan sa ginawa niya sa asawa ko..." anito.

Ilang segundo lang ay biglang namatay ang ilaw. Nakakabulag na kadiliman ang tumabon sa kanilang mga mata.

May narinig si Isaac na bumagsak sa sahig. Hindi naman niya makita kung ano iyon kaya mahinay siyang tumayo. Sa wari niya ay may gumulong sa kanyang paanan. Nang kapain niya iyon upang damputin ay napamura siya.

Nang bumukas ang ilaw ay may napagtanto siya. Ito palang hawak niya ay pugot na ulo. Sa kanyang harapan ay nakatayo si Kendo. May katawan ito pero – 

wala ng ulo.

JF

Continue Reading

You'll Also Like

108K 3.5K 112
NamHyo, JiNa, YoonYeon, MoSeok, DahMin, TaeSana and Tzukook |Started: May 24, 2017| |Completed: August 05, 2017|
2.4M 87.7K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
2.7M 53.4K 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan...
1.8K 192 9
One prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the p...