Montague Brothers - COMPLETED...

By WeirdyGurl

418K 6.2K 720

Me and My Twin Brother made a TRUCE, SUCKED UP, and FALL IN LOVE. Mahirap palang magmahal kapag may kapareho... More

Montague Brothers
1. First day Clash
2. The Bet
3. Meeting the Montague Family (shucks!)
4. You're really pretty when u smile :)
5. Raindy :3
6. Love letter+STLN
7. Hindi Ako Papayag!
8. Dictonary ka ba?
9. Ang Sweet ko nuh!
10. Date? Megaphone? Bike?
11. Walang Iba
12. Ang Pagtatapos ng Truce
13. Rain ---> Ryan
14. Tayo na?!
15: Ang Pinaka-WEIRD na araw!
16. Nasaan si Rain?
17. Rain is Back!
18. Sweet Moments
19. Message in a Bottle
20. Change Plans Protective Rain
21. I'm Dying to Kiss You
22. Complicated
23. Fallin For You
24. Officially Yes
25. Broken Heart
26. TEARS
27. Meant to be Pendant
28. Singing Party
29. HateLoveHope
30. A New Beginning
31. Magazine at Cellphone
32. Rain is Hot, Ryan is Sweet
33. Sweet Brutal Pose
34. I Miss Raindy
35 Cellphones ni Ryan
36. Jubbie and Carl
37. J.R.C Wicked Plan
38. Only Rain Touches My Skin
39. Saving Little Raindy
40. Pusong Nalilito
41. Eleven Roses
42. Kiss at Buntis
44. ULAN ka ba?
45. MAKE YOU MINE
46. Marry Me
47. I Wish For Your Happines
48. Ryan's letter
NOTE
49. I Can't Live Without Her (Repost)
50. Reunited Hearts (Repost)
51. KASAL-INGGITAN-BABY (Repost)
SPECIAL KABULASTUGAN CHAPTER (Repost)
EPILOGUE (Repost)

43. Black Rose and I Like U

5.6K 101 19
By WeirdyGurl

43. Black Rose and I Like U

SYNDI

Geez! Ano bang nangyari kanina? "As in grabeh di ko in-expect ang lahat ng mga yun" hinawakan ko yung dalawang pisngi ko "Namaan eeh... bakit, bakit di maalis sa isip ko ang halik ni Rain?" e kasi nga mahal mo ang Ulan na yun. Get Real Syndi, okay? You're in love, case closed.

(o__o) Nagulat naman ako nang biglang may nahulog na isang black rose mula sa taas. Napatingin ako sa taas kaso wala namang tao. Saan galing yun? Ang weird... kinuha ko nalang yun.

"Hello Miss Syndi"

"FINN?!" nagulat naman ako ng biglang mag-appear si Finn. She's one of my students sa flower arranging "Ginulat mo naman ako."

"I'm sorry po, hmm, black rose?"

"Yes, bigla nalang bumagsak sa taas di ko nga rin alam kung saan galing."

"Ahhh, alam mo po ba ang meaning ng black rose Miss Syndi?"

"H-Ha?"

"Sa pagkakaalam ko po kapag nabigyan ka ng isang black rose meaning po nun may galit sa inyo, aside from that it's a death sign.."

Hindi ko alam peru bigla akong kinabahan sa mga sinabi ni Finn saken. Parang yung mga sinasabi niya saken may kahulugan lahat. Hindi ko nalang pinahalata sa kanya kaya ngumiti lang ako.

"Hindi naman siguro, anyways, may kailangan ka ba?"

"May itatanong lang po ako."

"Ano yun?"

"May relasyon po ba kayo ni Sir Rain?"

Nagulat naman ako ng konti sa tanong niya "W-Wala naman, bakit?"

"Hmmm, wala lang po... sige po Miss Syndi mauna na po ako."

"O-Okay"

Ang weird talaga ng feeling ko. Napatingin ulit ako sa black rose na nasa kamay ko. "Death Sign? May masamang mangyayari..." napatingin naman ako sa papalayong si Finn "Bakit naman kaya?"

MYKA

Nagulat naman ako sa uri ng family welcome ng Mama at kapatid ni Ryan. As in naloka talaga ako, gate pa lang alalay na nila ako. Shuks! Tinalo ko pa ang prinsesa sa sobrang care nila saken. Hehe, para namang hindi ako nasiyahan doon. OMG! Tanggap nila ako! Tanggap nila akong manugang! Saya nito!

"Hija ano bang gusto mo? Cake, juice, salad, merienda, heavy foods, junkfoods, healthy foods, random foods, bullet foods - este all of the above foods?"

"Ate anong kulay ng room nyo ang gusto mo? Nakabili na po ba kayo ni kuya ng mga baby clothes, baby things, baby foods, baby shoes, baby lotions, bath soaps and baby robe?"

"Naku hija, sabihin mo lang kahit anong gusto mo ibibili ni mama para sayo."

Mama? Ate? Baby? Hawak sa kamay ko? Palipat-lipat nalang ang tingin ko sa dalawang babae. Pati ako naloka sa mga offer nila. Shuks! 

"Pwede ba Ma and Jueryne tigilan nyo si Myka" inilayo ni Ryan ang dalawa sa harap ko "Myka's not pregnant okay and we're not yet married."

"Okay lang yun kuya kung di pa kayo kasal, diba mama?"

"Oo nga anak, saka, baka di nyo pa na confirm ang pregnancy ni Myka. We totally understand."

"Geez, ano bang klaseng explanation ang uubra sa inyong dalawa? Hindi po totoo yung post ni Sir Lakambini Ma, it was just a misunderstanding."

Hmmmp...sana nga totoo nalang. Feeling ko tuloy ayaw saken ni Ryan. Hay naku Myka drama mo naman agad. Di pa tapos ang laban. Goo lang!

"Huwaaat? So di pala totoo na mas mauuna kang mag-asawa kaysa sa kambal mo? Naman anak! Andoon na eh! Andoon na talaga! Tapos di naman pala truelalo ang lahat?"

"Oo nga kuya, excited pa naman ako sa first pamangkin ko..hmp!"

"Puro kasi kayo assume! Dadating din naman tayo diyan... let's take it slow."

"Ang kupad mo talaga kuya!" nag-walk out naman yung dalaga "Supeeer Sloow mo!"

"Aish, Huwag mong sabihing -"

"No ma, and don't even get there."

Ano naman kaya yun? Na curious tuloy ako bigla. Ano kaya yung ibig sabihin nung di tinapos ni Tita Julie? 

"Bueno, tatapusin ko muna ang niluluto ko," Tita looked at me and smiled "Feel at home hija, I'm sorry for reacting like that earlier. Dito ka na mag-dinner para ma meet mo ang Papa ni Ryan."

I smiled back "Sure po, thanks"

"Are you okay?"

"Baliw ito, of course, ang caring kaya ng nanay at kapatid mo. Sarap sigurong maging manugang ng mama mo no?"

"Maga-apply ka?"

"Pwede?" bigla ba namang pinitik ang noo ko "Ouch naman! Ito talaga.." naramdaman ko nalang na umupo siya sa tabi ko. Ako naman, hinimas-himas muna yung noo ko. Sakeeet.

"Do you still like me Myka?"

(O__O )? Ano daw? Sobrang nanlaki naman yung eyes ko. Napatingin tuloy ako ng di oras sa mukha ni Ryan. I tilted my head, di naman siya mukhang nagjo-jowk.

"H-Ha?"

"Do you still like me?"

"Bakit mo naman tinatanong saken yan?"

"Gusto ko lang malaman"

"Ano naman sayo kung ano ang maging sagot ko?"

"It depends on your answer, so do you still like me?"

Itong taong ito ang weird, aish. Teka, ano nga ba ang isasagot ko? Paano na ang hidden agenda kong seducing pataymalisya effect si Ryan 101. Anooo na?

"Paano kung OO?"

"Secret, so is that a yes?"

"Paano kung Hindi?"

"Secret, so is that a no?"

Ano ba naman yan! Ang daming secret! Kainis...gggrrr, bat kasi binibitin ako. Bahala na nga!

"Ano na Myka?"

"Fine! Tumawa ka kung gusto mo," syet! di ko pa nga sinasabi namumula na ang pisngi ko sa kahihiyan. Ang hirap palang umamin ng true feelings kay mahal. Shuks! "I still like you" di naman yun nawala eh. Takte! Ang OA ko. 

(*__*) Bakit wala naman yata akong narinig na tawa mula kay Ryan? Masilip nga... eeeek! Ang serious ng face niya eh. Katakot! So nakakahiya kaya yung pag-amin ko.

"Alam mo pwede ka namang tumawa, okay lang saken yun."

"Why would I laugh?"

"Kasi gusto parin kita hanggang ngayon?"

"Silly," nag-smile siya saken! Dios ko, ang gwapo talaga! "Matagal ko naman nung alam yun."

"Ha? Kailan pa?"

Masyado yata akong transparent...shuks! Obvious na obvious ang mga HD ko eh.

"Simula nang makita kitang hinalik-halikan ang magazine ko."

Syeet! Nakita niya ako? ABNKKBNPLA shuks todaaamaxx! So Nakakahiya. Oh My girl, bumukas ka na lupa at lamunin mo na ako ng buong-buo now na! Sira, ang drama mo! Sinigaw mo kaya yan nung huling magka-usap kayo ni Ryan noong high school.

"I-Imagination mo lang yun...d-di ako yun."

"Ow really?"

"Hmmp, di nga kasi eh," taas kilay, laki mata, sabay lapit ng mukha ko kay Rain "Di yun ako okay"

"I like you too"

Napasinghap ako ng sobrang bongga! As in di ko expected yun lahat... KNAAAAA!! OMY GASSH! HE, HE, He, He Likes me too? Nababaliw na ba ako at maling station ang naririnig ko. P-Paano nangyari yun? Waaaa... as sobrang waaaaa... speechless Knaaaa....ang beauty ko wooooo! Di ako makahinga sa kaba at kilig.

"Liligawan kita, okay lang ba sayo?"

Takte! Di ko na talaga kaya ito as in supeeer meeega as in na talaga. Naiiyak na ako huhu, promise. Di pa nga ako nakakaget-oveer dun sa isa niyang pasabog ito na naman siya. Naamaan! Kailangan ko na ng tissue.

"Oh bakit ka umiiyak?"

"Eh kasi naman... ikaw kasi eh, shocking ka masyado... hayun kinilig ako ng uber-uber! Hehe, para akong tanga... tears of joy lang ito."

Ikaw kaya liligawan ng ultimate my love mo ever since the world begun di ka kaya mapapaiyak ng balde-baldeng luha sa tuwa?

"Para ka talagang bata," he cupped my face and with his thumb he wiped away my tears. Sobra-sobra na talaga ito, I'm so lucky "Ano bang sinabi ko sayo noon kapag umiiyak ka?"

"Hmmm?"

"Nagiging pangit ka kapag umiiyak ka..." grin

"Hmmmp! Ewaan ko sayo..." peru smile agad "Nasa akin parin pala yung panyo mo"

"Di mo nilabhan?"

"Hehehe, paano mo nalaman?"

"Tsk, sabi ko na nga ba... ikaw talaga"

"E syempre, amoy mo kaya yun... baka mawala pa kapag nilabhan ko."

"Hindi halatang patay na patay ka saken ah"

"Hahaha, oo nga eh..."

"Pati Magazine na ako ang cover pinapatulan mo"

"Eeeey, huwag na kasi yun!"

"Nahiya ka pa huli ka naman sa akto"

RAIN

Kanina pa ako naghihintay kay Syndi dito sa kotse wala pa rin siya. "Shit! Saan ko ba kasi naiwan ang cellphone ko?" di na talaga ako mapalagay, sumilip ako sa labas "Wala na gaanong estudyante, saan naman kaya yun?"

Hmmm... Syndi saan ka na ba?! I nervously tapped my finggers on the sterring wheel, nawawala na yung pasensiya ko. Almost 5:30 na at wala parin siya.

"That's it! Hahanapin na kita!"

Kung dahil sa hinalikan kita kanina kaya ka umiiwas ka saken pwes mag-uusap tayo ng masinsinan kapag nakita kita. Shit!

"Sir, mukhang sa inyo pa yata itong cellphone na nakita ko doon sa CR ng mga girls?"

"W-What?" Aba'y oo nga, cellphone ko nga yun! "P-Paano ho napunta yun doon?"

"Naku, di ko ho alam sir, buti nalang at naabutan ko pa kayo."

"Sige salamat nalang po Tatang," ang weird paano napunta doon yun?

"Sige na Sir at esa-sarado ko na ang mga classroom."

"Ay Tatang nakita nyo po ba si Syndi?"

"Si Ma'am Syndi? Naku hindi po..."

"S-Sige salamat ulit," mabuti pa e txt ko nalang yun "Saan ka na ba-- wait!" Bakit may latest text ako kay Syndi? I scroll the last messages na di ako ang nag-text. Shit! Prank Messages... Home Economics Building? "Si Syndi? Shit not again... Baka mapahamak si Syndi!"

SYNDI 

"Ano ba yan ang tagal naman ni Rain?" gutom na gutom na ako eh, saka kanina pa ako naghihintay sa labas ng home economics building. Sabi niya sa txt niya kanina dito nalang daw kami magkita "Aish, di man lang sa parking lot nalang ng school?" ang tagal!

Natigilan ako bigla...

Para kasing may tao sa likod ko...

Tumingin ako sa likod ko at sa paligid wala naman akong napansin. "Ang weird, baka imagination mo lang yun Syndi." Oo nga tama...  Ay ewan baba na nga lang ako at doon ako sa parking lot maghihintay sa kanya, hmmmp!

Baba na sana ako nang bigla may naramdaman akong tumulak saken mula sa likod.

"Oooooohhhh..." nagpagulong-gulong ako sa hagdan "God!"

"SYNDI!!!!"

Narinig ko yung boses ni Rain peru yung katawan ko ang sakit-sakit. Parang namanhid lahat di ako makakilos... B-Bakit ganito? 

"R-Rain..." di ko marinig ang boses ko "T-Tulungan mo kooo..." hindi ko din gaanong makita ang mukha ni Rain. 

"Crap Syndi, huwag ka ng magsalita pa," bigla niya akong kinarga "Hold on, dadalhin na kita sa Ospital just HOLD ON..."

"R-Rain..." di ko na kayang ibuka ang mata ko.

"Pls don't leave me, I love you Syndi!"

WHO'S UP for the next Update? Naks! Malapit na tayo sa Finale ng story, konting walis at linis muna sa story bago tayo mag-finale. Oh ano, sino kaya ang nagtulak kay Syndi sa hagdan? Ano ng mangyayari kay Syndi ngayon? What about Myka and Ryan, ngayong manliligaw na si Ryan finally and officially sa kanya? Dedicated to IPOMARCEMAMIEL - Tadaaaan!thanks for reading mwah!

PS: Kailangan daw ni Rain ng karamay ngayon... who's available?

Continue Reading

You'll Also Like

346K 6.6K 35
Montenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in...
628K 34.6K 148
Vebbiana, Ang babaeng walang hinangad kundi ang malaman ang totoo at mamuhay ng maayos at payapa. The girl that hate people around her. Dahil sa sobr...
28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...