The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
79: Championship game
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

Chapter 17: Yes or No?

3.6M 77.9K 38.2K
By blue_maiden


"But, Sir!"

"No buts!"

"Hindi pa naman ako pumapayag, ah! Tsaka Section One po ako! Sir, don't do this to me." Finally, huminto na rin siya. Salamat naman! Kanina ko pa siya hinahabol, e.

"Yes, hindi ka nga part ng section nila, pero sa subject ko, Section Eleven ka. So meaning, part ka na rin nila. Isa pa, naisulat na kita roon sa listahan, there's nothing we can do."

"Sir naman, e!"

Tiningnan niya ako nang masama. Huhu! Sapilitan? Hindi pwede 'to! Bago pa ako makaangal ulit, wala na siya. Hindi 'yon fair, 'di ba? Pero kapag umangal naman ako, baka mawala 'yong pagiging running for honors ko.

Paano ako sasali sa isang beauty pageant, e, wala naman akong beauty?

Bumalik na lang ako sa room ko.

Pagpasok ko sa room, ang ingay ng classmates ko. Kung hindi si Troy, si Marky, si Kuya Charles, o si Jeydon 'yong pinag-uusapan nila. Ganyan ba talaga sila? Sa tagal ko kasi sa school, hindi ko sila pinapansin, e. Kahit pala mga nerd na babae, pinagpapantasyahan 'yong APAT na 'yon. And speaking of them, malapit nang dumating si Mr. Guzman, bakit kaya wala pa si Jeydon? Hmm... At bakit ko siya iniisip? Tss.

After magturo ni Mr. Guzman, nagbotohan 'yong classmates ko para sa Miss Campus. Naisip ko na naman tuloy 'yong sinabi ni Sir Jason. Huhu, why me? Why on Earth, ako pa? Oo, alam ko namang walang babae sa last section pero hindi ba siya pwedeng pumili ng iba? Tsk.

"Okay, any volunteers? O kung may gusto kayong iboto?" sabi ng class president namin.

"Ako! Iboboto ko si Margot!"

Karamihan sa kanila, sumang-ayon. Kahit din naman ako, e, mas gusto ko siya. Siya naman kasi talaga 'yong pinakamaganda sa 'ming lahat tsaka pangalawa siya sa pinakamatalino, sunod sa 'kin.
"Teka! Teka! Ako, iboboto ko si Candice!"

Lahat sila, nagtinginan sa 'kin. Ako naman, sa sahig lang nakatingin. Ang maldita talaga ni Bubbles, silang tatlo ni Blossom tsaka ni Annie. Parang Powerpuff Girls lang, 'no? Halata namang inaasar niya ako kaya niya ako binoto. Sila lang yata 'yong kilala kong nerd na maldita, o baka kasi kayang-kaya nila ako kaya inaasar nila ako.

Nagtawanan silang lahat tapos biglang pumayag na 'yong iba kong kaklase! Waaaaah! Ang sasama nila. Ako talaga? Sobrang panlalait na 'yon, ah.

"Teka!" Tumayo ako. "Hindi pwede kasi—"

"Ang choosy mo naman! Akala mo, ang ganda-ganda mo! Wala ka ngang ganda, e! Na-vote ka lang, nagmamaganda ka na riyan! Feeling!" sabi ni Blossom.

Kayo kaya ang bumoto sa 'kin! Gusto ko 'yang isigaw sa mukha niya, ang yabang kasi. Okay, sige, hindi na ako maganda pero maganda rin ba siya para manlait ng ibang tao? Nakakaloka lang, 'di ba? Tsaka hindi ako choosy. Kinalma ko 'yong sarili ko, ayoko ng gulo.

"Kinuha na kasi ako ni Sir Jason na representative para sa last section."

Natigilan silang lahat tapos tumawa sila nang malakas na malakas. Buti na lang, nag-ring na ang bell for the next subject. Buti naman, hindi ako sa section na 'yon para sa next subject.

Umalis agad ako sa room namin. Ang lakas nilang mang-asar at ayoko nang marinig 'yong mga sasabihin nila. For sure, hindi sila naniwala tapos sasabihin nilang nag-iilusyon na naman ako. 'Pag ako gumanda, "who you" sila sa 'kin!

Pero, siyempre, joke lang. Naisip ko tuloy, sasali na lang talaga ako sa contest para makita nilang hindi ako nag-iilusyon. Bahala na si Batman kung anong mangyari.

Nagmadali akong pumunta sa room ng Section Eleven. Malayo pa lang ako, may mga kumpol na ng tao sa labas ng room—mga babae.

"Troy! Please, huwag ka namang makipag-break sa 'kin!"

Hindi muna ako lumapit. May mga babae sa harap ni Troy, mga pito sigurong juniors.

"Babe! Please, huwag..." Lumuhod 'yong babae sa harap ni Troy, umiiyak.

'Yong mga lalaki naman sa Section Eleven, nagtawanan.

"Never naging tayo... I don't even know your name!" sabi ni Troy.

"We just made out last week!"

Made out? What the hell? Ang bata-bata pa ng babaeng 'yon, making out agad? Kung kay Troy siguro maiintindihan ko pa, pero siya? Gano'n ba niya kagusto si Troy?

"Babe, please..."

"Pwede ba, huwag mo nang ipahiya ang sarili mo? Go away!"

Tiningnan ko si Troy na parang nandidiri ako sa kanya. Anong kagaguhan 'yong ginawa niya? Akala ko pa naman, okay siya, tapos ganoon pala. Napansin niya yata ako kaya tinulak niya 'yong mga babae tapos pumunta siya sa 'kin.

"Hi, Candice!" Inakbayan niya ako pero tinanggal ko lang 'yong kamay niya.

Dumiretso ako sa loob ng room. 'Yong mga babae, ang sama ng tingin sa 'kin. 'Yong classmates ko naman sa last section, parang namangha pa na ginawa ko 'yon kay Troy. Ano, choosy na naman? Tse!

Umalis na rin 'yong mga babae, tapos 'yong mga lalaki kong classmates pumasok na rin sa loob. Si Troy naman, papunta na sa upuan niyang katabi ko.
"Ano 'yon, ha? Akala ko, friends na tayo?"

"Oo, pero wala akong kaibigang gano'n kasama."

Tinaasan niya ako ng kilay tapos umupo siya sa tabi ko. "Okay, naiintindihan na kita. Sorry, okay?"
"Bakit ka nagso-sorry?" Tiningnan ko siya, parang nalungkot siya.

"Kasi sa ginawa ko."

"Bakit sa 'kin? Bakit hindi ro'n sa babae?"

"Wala naman akong pakialam do'n, e. Siya naman 'yong lapit nang lapit sa 'kin. Tsaka 'yong nangyari sa 'min, siya 'yong may gusto no'n. Kaya ako nagso-sorry kasi ayokong magalit ka sa 'kin. Friends na nga tayo, 'di ba?"

Tumahimik lang ako. Oo, galit ako sa kanya, sa ginawa niya pero ano bang karapatan kong magalit? Tsaka noon ko lang na-realize na bad boy nga pala siya, nawala 'yon sa isip ko no'ng naging friends kami.

Alam ko namang noong tinanggap ko pa lang 'yong offer niyang maging magkaibigan kami, dapat alam ko nang gano'n siya. Isa pa, nakakatuwa 'yong nag-sorry siya dahil ayaw niya akong magalit. As if mahalaga ako sa kanya.

"Sorry rin. Hindi dapat ako nagalit. Siguro, hindi lang ako sanay na gano'n ka."

"Alam mo, noong hindi pa tayo magkaibigan, mas malala pa nga ang mga ginagawa ko. Medyo bumait na nga ako, e!"

"Bumait ka na no'n, ha?"

"Oo naman. Hindi naman kami naturingang bad boy dahil sa wala, 'di ba?" sabay kindat. Sabagay, inisip ko tuloy si Marky. Ano kayang bad 'yong ginawa niya para mapasama siya sa apat na bad boys? Katulad din kaya kay Troy?

"Oo nga." Gusto ko sana sabihing huwag na niyang gawin 'yon pero wala nga naman akong karapatan, 'di ba? Pero sana nga, huwag na niyang gawin.
Dumating na Sir Jason pero parang may mali.
"Good morning, class."

"Good morning, Sir!" sabay kaming dalawa ni Troy, napangiti tuloy ako.

Tumingin sa 'min si Sir Jason na nakangiti rin. Nagulat siguro siya sa ginawa ni Troy, haha.
May sinulat si Sir sa board. Napatingin ako sa upuan ni Jeydon. 'Yon pala ang mali—wala siya.

"Nasaan si Jeydon?" Parang nagulat pa si Troy noong tinanong ko.

"Bakit, miss mo na?" Kinindatan na naman niya ako. I wondered kung 'yong kindat na 'yon ang ginagamit niya sa mga chicks niya.

"Hindi, 'no? Nagtatanong lang, e."

"Haha! Okay lang naman, e. Tayo-tayo lang ang makakaalam, hindi ko sasabihin kay Jaydee."

Inasar na naman niya ako! Hmpf. "Hindi nga! Bahala ka nga riyan."

"Nakipag-away, e. Ayon, kaya absent."

"Away? Pero hindi siya nakikipag-away, 'di ba? Ibig kong sabihin, physically?"

"'Yon? Leader ng gang 'yon dati kaya sanay na 'yon. Pero tama ka, tumigil na siya pero ewan ko ba ro'n kung bakit nakipag-away na naman."

Tumigil? Bakit kaya? At bakit naman ako interesado? Tss.

Tumingin sa 'kin si Troy nang nakangisi. "Interesado ka?"

"Hindi."

Magsasalita na naman siya kaso nagsalita na si Sir Jason.

"Okay, class. Aware naman kayo sa Miss Campus, 'di ba?"

"Yes, Sir! Mga chicks!"

"Sir, dapat manood tayo!"

"Oo nga! Maraming chicks na sasali ro'n!"

"Bilang adviser n'yo..." Kaya pala. Adviser pala siya ng Section Eleven. Kilala ko si Sir, ayaw niyang papatalo 'yong class niya. "Siyempre, dapat may representative tayo."

"Sir! Wala namang babae rito, e!"

"Meron kaya. Ayan, o, si Candice."

Lahat sila, napatingin sa 'kin. Siguro, mga ilang seconds din silang tahimik na nakatingin sa 'kin, 'yong iba nagtataka pa. Tapos ayun, tumawa sila nang malakas.

"Sir, babae ba 'yan?"

"Sir, hindi 'yan mananalo!"

"Pumili ka naman ng maganda, Sir!"

Tumayo si Troy. "Sir, okay ako kay Candice. For sure, mananalo tayo!" Tumingin siya sa 'kin tapos kumindat na naman.

Sure siya? Anong pinag-iisip nito?

"Pero—"

"Troy naman!"

"Huwag!"

"Papalag kayo?" hamon ni Troy.

"Hindi..."

"Sabi ko nga, si Candice na lang, e."

Umupo na siya. Wow, ha? Ang galing, parang siya 'yong boss. Okay, humanga ako sa kanya ro'n. Napangiti na naman si Sir Jason kay Troy.

"Okay, so wala nang angal?"

Hindi na lang nagsalita 'yong classmates ko. Alam kong ayaw nila pero 'yon ang sabi ng boss nila, e.
"Paano mo nagawa 'yon? Lahat sila, sumunod sa 'yo?"

"Nakalimutan mo na bang isa ako sa Apat?"

Kumindat na naman siya.

"Mahilig kang kumindat, 'no?"

"Siyempre, gwapo ako, 'no?"

Tumawa lang ako. Oo, gwapo naman talaga siya, e.

"So ano na palang balak mo sa pageant?"

"Ewan ko. Bakit kasi ako pa ang napili, e."

"Huwag ka nang umangal. Bet nga kita, e."

"Ako? Sa hitsura kong 'to?"

"Maganda ka naman, e. May kilala akong makakatulong sa 'yo."

Wow, ha? Sinabi ba talaga niyang maganda ako? 'Sus, sinungaling, porket friends na kami.

"Sino?"

"Secret!" Parang ewan lang, malalaman ko rin naman. Tss.

After no'n, nakinig na kami kay Sir. Nakakapanibago si Troy, binati si Sir kanina tapos nakikinig na sa lesson. Baka ganoon siya kapag wala si Jeydon.
Kumusta na kaya 'yong unggoy na 'yon? Shucks! Bakit ko ba siya inaalala? Erase, erase.
Nag-ring na 'yong bell. Kinausap ako ni Sir Jason.

"Candice, may naisip ka na bang steps para sa upcoming Miss Campus?"

"Wala pa po, Sir."

"Bukas kailangan meron na, ha? If you need anything, just tell me."

"Okay po, Sir." Babalik na sana ako sa loob ng room para kunin 'yong gamit ko kaso pinigilan ako ni Sir Jason.

"Candice, napapansin ko palang nagiging okay na si Troy sa class ko and even sa ibang classes niya. Naisip kong dahil sa 'yo 'yon, I think good influence ka sa kanya. Just keep up the good work, okay?"

"Okay, Sir." Natuwa naman ako. At least, improving si Troy, 'di ba?

Kinuha ko 'yong gamit ko. Hays. History class na naman at babalik na naman ako sa section na 'yon. Mas gusto ko pa yata sa last section kesa roon sa first section, e.

Noong nasa corridor na ako, nakita ko na lang sa tabi ko si Troy.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Ihahatid kita sa room n'yo."

"Ha?" Iba na 'to, e. May nakain ba 'tong si Troy?

"Haha! Wala. Sasabihin ko lang na roon na lang tayo sa bahay namin mag-aral mamaya. Gusto ka kasi makilala ni Mom, e. Okay lang ba?"

"Makilala ako? Bakit naman?"

"Kasi gumanda ang grades ko dahil sa 'yo kaya ayun. Tsaka siya 'yong makakatulong sa 'yo sa problema mo. Sige na!"

"E? Sige... Magpapaalam muna ko kay Mama."

"'Yun, o! Sunduin na lang kita mamaya sa bahay n'yo, ah?"

"Okay, sige."

Dumating na kami sa room, kaya naman pala naramdaman kong maraming nakatingin sa 'kin nang masama, mga classmate kong babae.
"Bye, Candice!" tapos sabay kindat.

Pagpasok ko pa lang sa loob, nagparinig na naman 'yong classmates ko. Ano bang problema nila? May galit ba 'tong mga 'to sa 'kin?

"Akalain mo 'yon, hinatid pa siya rito ni Troy!"

"Oo nga, e. Ano kayang ginawa niya?"

"Haha! Ano ba kayo, malamang ginayuma niya," sabi ni Blossom.

"Malamang! Mukha naman siyang witch, e."

"Nag-iilusyon na naman nga siya, e. Siya raw 'yong representative ng last section! Akalain mo 'yon, 'no? 'Yong section nina Jeydon at Troy pati ng mga pinakagwapong lalaki sa school, siya 'yong naging representative, isang pangit?" sabi naman ni Bubbles, tapos nagtawanan sila.

Tumigil lang sila noong dumating na 'yong teacher namin.

Hindi ko na lang sila pinansin. Inisip ko, siguro naiinggit sila sa 'kin, kasi 'yong pangit na katulad ko, kinakausap ng pantasya nila. E, ano sila ngayon? Kahit anong parinig nila sa 'kin, wala naman sa 'kin, e, kasi sila lang ang nagmumukhang ewan. Alam ko namang gustung-gusto nila si Troy, e, kaya nagkakaganoon sila.

Naisip ko tuloy parang gusto ko na talagang sumali. May gusto kasi akong patunayan sa kanila. Hindi para patunayang hindi ako nag-iilusyon, gusto kong patunayang 'yong pangit na lagi nilang inaasar at nilalait, kayang manalo sa isang beauty pageant. Hindi ko lang alam kung paano ako mananalo. Tama kaya si Troy, matutulungan kaya talaga ako ng mommy niya? Sana...

Natapos na rin 'yong class namin. Pumunta ako sa parking lot at nakita ko si Kuya, nakasandal sa kotse niya at tulala, bakit kaya?

"Kuya, bakit?"

"Tumawag pala sa 'yo si Serina?"

"Oo. Bakit, tumawag na ba siya sa 'yo?"

"Hindi. 'Yong mom niya, tinanong kasi ako kung pwede ko siyang sunduin sa airport next week."

"Uuwi na siya?" Parang gusto kong tumalon sa tuwa.

"Oo... tara." Malungkot lang 'yong mukha ni Kuya.

Oo nga pala, hindi nga pala maganda 'yong naging ending nila ni Ate Serina. Ano kaya ang nararamdaman niya noon?

Buong biyahe, tahimik lang kami, lalo si Kuya. Dati 'pag ganoon, aasarin niya ako. Ano kayang nasa isip niya? Kahit noong makarating kami sa bahay, dumiretso siya agad sa kwarto niya. Nanibago tuloy ako kay Kuya.

"Candice, anong nangyari sa kuya mo?"

"Kasi, Yaya, uuwi na si Ate Serina, e."

"Ah... Bakit, mahal pa ba niya si Serina?"

"Hindi ko alam, Yaya, e... Si mama nga pala?"

"Tumawag 'yong mama ni Troy dito kanina, may gagawin daw sila, e."

"Ha? Ano naman 'yon?"

"Hindi ko alam, kumain ka na at sabi ng mama mo, susunduin ka raw mamaya ni Troy dito. Bakit, boyfriend mo ba siya, Candice? May boyfriend ka na ba?"

Natawa naman ako kay Yaya. Hindi ko naisip na magiging boyfriend ko si Troy, 'no? "Yaya talaga! Hindi po! Kain na nga lang tayo."

Sinabayan ako ni Yaya na kumain. Simula noong baby ako, siya na ang nag-alaga sa 'kin tuwing busy si Mama sa business namin. Tsaka parang pangalawang nanay ko na rin siya.

Pagkatapos kong kumain, nagbihis agad ako. Baka mamaya, biglang dumating si Troy. Ano kayang ginagawa nina Mama tsaka ng mama ni Troy? 'Yon ba 'yong secret na sinasabi niya? Tsaka alam na ba ni Mama na kasali ako sa Miss Campus? Hindi ko na tuloy mahintay si Troy.

Sakto namang may bumusina sa labas. Pagkatingin ko sa bintana, naroon na 'yong truck ni Troy. Bakit kaya ang gaganda ng mga sasakyan nila? Rich kids kasi, e.

"Yaya! Alis na po ako! Si Cholo po, pakibigyan na lang ng food."

"Sige. Ingat, Candice!"

Paglabas ko ng gate, nakita ko na si Troy.

Pagkasakay ko, nakita ko si Jeydon sa harap.
"Hi, Betty!"

Nang makita ko siya, for the first time, hindi ako nainis. Hindi katulad dati na maisip ko pa lang siya, naiinis na ako. Parang naawa nga ako kay Jeydon, e. May pasa kasi 'yong mukha niya.

"Uhm... hi."

"Miss mo ko, 'no?"

"Hindi, 'no?"

"Kita ko kaya sa mukha mo!" Ayun na naman siya. Pwede bang bawiin 'yong sinabi kong hindi na ako naiinis sa kanya?

"Pareho lang naman kayo, e, miss n'yo ang isa't isa!"

"Troy!" sabay pa kami ni Jeydon.

"Okay, okay. Tara na nga lang."

"Mabuti pa nga."

Buti, dala ko 'yong iPod ko, nakinig na lang ako ng music. Baka mamaya, asarin pa ako ni Jeydon. For sure, alam na niyang kasali ako sa Miss Campus. Gusto ko tuloy makita ang reaksyon niya, haha. Papayag kaya siya katulad ni Troy?

Huminto sa tapat ng mall 'yong kotse namin.
"Bakit dito? Akala ko, sa bahay n'yo tayo, Troy?"

"Dito raw tayo sabi ni Mom, e."

"Akala ko, mag-aaral tayo?"

"Hindi! Excuse ko lang 'yon. Nandito tayo kasi ime-make over ka nina Mom tsaka ng mama mo."

"Makeover?!"

➖➖➖

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
26K 475 2
(ON HOLD) Rui Leviciano has a high IQ of 150, a remarkable feat that has been observed ever since he was a child. But his depression caused him to sk...
632K 14K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
130 41 3
Slow- updates// Daughter of the dark, delivered to the light and chosen by the God and Saints. The prophecy about rising of an evil and his seed that...