Diary of My Girl (COMPLETED)

By antan_hannya

27.9K 543 87

I can see, but I shouldn't be seen. I can speak, but I shouldn't be heard. I can touch, but I shouldn't be... More

Diary of My Girl
Chapter 1: The Boss
Chapter 2: Gangster-Millionaire
Chapter 3: Isang Basura! Basura nga ba?!
Chapter 4: Treat Me
Chapter 5: Work For Me
Chapter 6: We Meet Again
Chapter 7: Be With Me
Chapter 9: I am Here
Chapter 10: Who Is She?
Chapter 11: Dilemma
Chapter 12: Hi-yup!
Chapter 13: My Diary
Chapter 14: I Have Her
Chapter 15: I'll Save You *For Editing
Chapter 16: Gone *For Editing
Chapter 17: Day One
Chapter 18: My Choice
Chapter 19: Servant's Loyalty
Chapter 20: I Met Him
Chapter 21: The Puppy Story
Chapter 22: My First Love's First Love
Chapter 23: The Sea of Pain
Survey
Chapter 24: Paalam, Allen
Chapter 25: Free
Author's Note

Chapter 8: I'll Prove You

921 25 3
By antan_hannya

Beloved Readers!

This September 2014! Samahan nyo akong pasinayaan ang Book 2-slash-Sequel ng nobelang ito! watch out for publication of THE MASTER'S STUPID TUTOR! COMING SOOOON!!! <3

UNKNOWN POV

Sa isang madilim at tagong lugar, naganap ang pag-uusap ng dalawang pinuno na kumakatawan sa isang makapayangyarihang gang.

"Tapos na ang paghahanda." hinithit ng mas nakabababa ang ranggo ang nagniningas nyang sigarilyo. Ngunit agad iyong hinagilap ng kanyang kausap para sunugin ang mukha sa larawan na hawak nya.

Nagngangalit ang kanyang mga kalamnan para sa nalalapit na paghaharap nya at ng lalaki sa letrato na sinunog nya.

"Then, let the game begin, Lee." utos nya na nagpangisi sa isa na tulad rin nya ay excited makipagtunggali sa lalaking bumangga sa grupo nila.

"As you wish, Reaper."

LEN's POV

Ang babaeng 'yun...

~~~I should be invisible to the world...or else I'll just make them cry in the end.~~~

Tss! Ginulo ko ang buhok ko na parang baliw. Letse! E hindi na sya invisible sa akin e...so pano na? iiyak ako kapag namatay sya?

Naman! Malaking A-S-A PA SYA!

Pero pinaninindigan nga nya bawat Rule na ginawa nya na nakasulat sa Diary nya na nakuha ko.

Bawal makipag kaibigan. Bawal makipag-usap sa iba. Bawal. Bawal. Bawal.

Ang daming 'bawal' pero halos lahat 'yun may kaugnayan sa pagiging aloof nya at hindi sa mismong sakit nya sa puso. Nakakapagtaka...

Nababagabag rin ako sa mga blankong pahina mula September 2011 hanggang February 2012. Bakit iniwan nyang blanko 'yun? May nangyari ba sa kanya noong panahong iyon na ayaw nyang isulat sa Diary?

Haaay. Nagiisip lang siguro ako ng malalim. Baka tinamad lang syang magsulat ng mga buwang iyon.

Hindi ko itatanggi na...napahanga ako noong pinanood ko syang sumubok lumakad matapos ma-sprain ang paa nya. Hindi man lang sya sumigaw para humingi ng tulong... At nung gumapang na sya para lang makaalis doon...may parte sa akin na sa tingin ko ay nakuha nya...

ang aking respeto.

Sinusunod nya ang mga Rule na ginawa nya. Mabuhay mag-isa...taong hindi susugal na dumepende sa iba.

=_=* LETSE!! bakit ako napapangiti?! Wala namang nakakatuwa ah?!

Hinatak ko ang pisngi ko para mawala ang pesteng ngiwi na iyon!

Aray! Hindi naman rubber ang balat ko para hatakin! Ang sakit! Baka mabawasan pa ang pagkamagandang lalaki ko?! Tss.

Umupo na ako sa silya habang nakadekwatro. Iniisip ko...kung anong magiging resulta ng offensive move ko na pagtatapat ng pag-ibig sa babaeng 'yun kahit pa alam kong isa iyon sa mga ayaw nyang mangyari.

~~~I want to fall in love BUT NEVER be loved.~~~

Kung chess ang nilalaro ko...malamang nasa bingit na ako ng pagkatalo. Para kasing iginalaw ko ang aking King ng pa-opensa na syang dapat ay pnoprotektahan.

Naubos na lang kasi ang pasensya ko noon. Hindi naman kasi umuubra ang una kong diskarte na pag-sagip-sagip sa kanya. Noong una sa mga Demon Saints na naglagay sa alanganin sa King-Cross, tapos sumunod pa ako dito sa baryong ito para sa kanya!

Pati pagiging snob ginawa ko na.

Pati...pagsubok na pagselosin sya sa pamamagitan nung babaeng maitim at pangit na may gusto sakin na kung makapulupot e daig pa ang ahas! Nakapangingilabot magbalik-tanaw! Lintik! Hindi ko na ulit 'yun susubukan!

Tutal naman nasimulan ko na ang direct approach na kunwari may gusto ako sa kanya...edi pangangatawanan ko na! Kung hindi umubra ang pagiging good guy ko, edi gagamitin ko na ang charisma ng isang bad boy gangster.

Sawa na akong maging mabait. Kaya maghanda sya sa hagupit ng kasamaan ko. >;)

Kahit anong pigil nya, I'll make sure she'll fall in love with me. At kahit magmakaawa sya,..

I WOULD NEVER fall in love with her.

or even put my trust on a girl, like her.

N-O-T ever again.

Aish! Sumakit ang ulo at dibdib ko dahil naalala ko na naman ang una at huling babae na...

"Master Allen."

"Gavin? Bat ka lumabas? Sabi ko magtago ka lang ah? Pano kung makita ka ng babaeng 'yun?!"

Gavin is my shadow butler. Kung nasaan si Allen Song, nandoon rin sya. But when I'm Lenard Manalo, si Jin ang kanang-kamay ko na lagi kong kabuntot.

"Umalis na po si Miss Sulli Choi."

"Umalis?"

"Yes, Master Allen. Wala na po sya sa baryong ito."

Napangisi ako. Mukhang gusto pa yata ng babaeng 'yun na makipag-laro ng hide and seek.

Pasensya na lang sya, dahil mautak akong kalaro. May agent akong nakasunod palagi sa kanya, dahil napag-aralan ko na ang takbo ng utak nya...alam kong aalis sya sa isang lugar kung may nakakilala sa kanya, o may nagiging koneksyon sya sa ibang tao...salamat sa diary nya na hawak ko para sa mga impormasyon.

My gears fired up. Sulli Choi, you can try, but you can never hide from Allen Song.

"Kelan sya umalis?" hinahanda ko na ang bagpack ko para sa pag-uwi sa hotel ko. Makapagpahinga naman muna sa maganda kong kwarto doon. 'Yung ibang gamit ko dito, bahala na ang mga utusan ko na idispatsa iyon.

"Kagabi po."

"May bus na ba ng ganoong oras?" nasan na ba 'yung relo ko???

"Wala pa po, Master Allen. Nagpalipas po sya ng gabi sa bus stop, habang naghihintay ng masasakyan."

*Boogs* "Sh*t" NAIINIS ako kaya nasuntok ko ang pintuan ng bahay kong makaluma. "Hindi ba nya alam na delikado mag-isa sa gabi?!"

"Lagi pong nakabantay sa kanya si Agent Shin. Kaya wala po kayong dapat ipag-alala Master Allen."

"M-mag-alala...ANO GAVIN?! Sinong nag-aalala kanino?! Sinasabi mo bang nag-aalala ako para sa isang lampang weirdong babae?!" hinahatak ko na nun ang collar nya.

"Ganun po ang nakikita ko Master." nakangiti nyang sabi. Pinakawalan ko sya at pinitik ang noo nya. Nanatili syang nakangiti sa akin. Tsaka ko lang naalala na manhid nga pala ang lalaking 'to -_-

Naglakad na ako paalis ng maliit na bahay na iyon habang kasunod sya. "Minsan pala, nagkakamali ka rin ng nakikita, Gavin."

"Pfft. Hahaha. At may pagka-denial King rin po pala kayo, Master Allen."

"Psh! Wag mo nga akong pagtawanan Gavin! Baka gusto mong ipadala kita sa Antartica?! "

"Hindi ko maaatim na umiyak kayo sa pagtulog dahil sa pangungulila sa isang butler na gaya ko, Master."

"Anong?! Hoy, Gavin! Gusto mo bang ibigay ko na ang trabaho mo kay Chino?"

O_o naglabas sya ng panyo at nagpahid ng luha. "Siraulo! Wag mo akong dramahan Gavin! kung ayaw mong seryosohin ko ang pagpapadala sayo sa Antartica at pagbibigay ng trabaho mo kay Chino!"

"Sinong nagddrama Master? Napuwing po ako, Master. Na-pu-wing."

-___-+ Malilintikan ka sakin Gavin!!! kahit pa kababata kita at sanggang-dikit simula ng magkaisip ako...malilintikan ka sakin pag-uwi natin sa hotel!

SULLI'S POV

Ang haba ng binyahe ko from Northern Luzon to Central Visayas. Imposible ng mahanap pa nya ako dito, DIBA? At isa pa! Sa tingin ko ay hindi naman sya seryoso sa mga pinagsasabi nya sa akin.

Hindi ako nahirapan na makakuha ng matitirhan. Nakakapagtaka nga, kasi, 'yung may-ari pa ang lumapit sakin para patirahin ako doon ng libre! Kasi raw mago-out of town sila ng pamilya nya.

'Hindi ba nya naiisip na paano kung masamang tao pala ako at limasin ang laman ng bahay nya? O pagbalik nya e naibenta ko na ang lupa at bahay nya?' actually sinabi ko 'yun sa kanya pero ang sagot nya sakin "Ok lang Binibini. Sa'yo na 'yang bahay."

Napa-toinks ako dun. As in! May sira yata ang ulo ng pamilya na 'yun?!

Hindi naman ako ganung kagahaman para, tanggapin 'yon. Kaya tumanggi ako.

Pero ang kinauwian, dun muna ako titira habang wala sila. Parang care taker. Edi sige. Bihira na ang libre sa mundong ito 'no! Grab the chance!

Naka-3 araw na ako dito. No sign of 'that guy.'

Lumabas lang ako ng bahay para bumili ng makakain. Tama pala ang pasya ko na dito magpunta, kasi maraming babaeng Muslim sa komunidad na ito na nakatakip rin ang mukha! At saka, iba ang lenggwahe nila, kaya hindi rin kami nagkakaintindihan kahit tanungin nila ako. Haha!

Papasok na ako ng bahay mula sa pamimili ng mapansin kong hindi na naka-lock 'yung pinto! Sigurado akong ni-lock ko 'yun bago ako umalis e! Baka bumalik na 'yung may-ari? Ambilis naman!

Dinampot ko na rin ang walis sa garahe para pang-self defense kung sakaling kawatan ang nakapasok sa bahay.

Hindi ako makapaniwala pagpunta ko sa sala! Nakakita ako ng...ng...

"Surprised to see me?" feel-at-home syang naka-taas pa ang paa sa lamesa habang nakaupo!

"H-HOY! Bakit ka nandito?!"

Tumayo sya para lumapit sakin. Para akong fencer na itinutok sa kanya ang dala kong walis. "W-wag kang lalapit! K-kundi hahampasin kita!"

Ngumisi sya at mayabang na humakbang pa lalo palapit sakin. "Ilayo mo na 'yan Sulli, pwede ba? Baka madumihan pa nyan ang mamahalin kong damit."

Imagine my face at this moment! Troll face na, meme face pa! Isa rin pala ang lalaking ito sa mga hari ng kayabangan! "Anong pakialam ko dyan sa damit mo? Basta wag kang lalapit!" winasiwas ko sa kanya ang walis tambo na nagtalsikan ang gabok.

Namula kagad 'yung ilong nya. "Ano ba?! Bitawan mo na nga 'yan Sulli! kung ayaw mong...*ACHOOOO!*"

O_O

"Ilayo mo na...*ACHOOO!* lintiiik...*A-ACHOOOOO!!!!*"

Nakatulala lang ako sa kanya. Ang OA nya humatsing e! Ilan na ba 'yun? Hmmm...

"HINDI MO BA TALAGA ILALAYO 'YA...*ACHOOO!*"

Apat! Tama! Hala! Buong mukha na nya ang mapula ngayon dahil sa kakabahing! O_O

*ACHOOOooo* "T*ng*na naman!"

Nawala 'yung walis sa kamay ko. Hinagis nya kasi sa...? *creak* NABASAG ANG BINTANA!!!!

"SIRAULO KA BA? Bakit mo binasag ang bintana?!"

Inipit nya ng daliri ang kanyang ilong para pigilan ang pagbahing. Para tuloy syang ngongo nung sinabi nyang "Kasalanan mo. Kaya wag mo akong sigawan."

Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang aking kamay. Grabe ang hangin ng lalaking ito! Ako pa daw ang may kasalanan?! "Tresspassing ka kaya! kaya kung ayaw mong tumawag ako ng pulis e umalis ka na!"

"Hahaha! Nagpapatawa ka yata, Sulli. Linisin mo na 'yang kalat, magpapahinga muna ako sa kwarto."

Eff!!! Hinigit ko ang damit nya bago pa sya makapasok sa kwarto KO!

"Wag mong hawakan ang damit ko."

"Ang kapal mo rin no! Basta ka na nga pumapasok sa bahay ng may bahay ang yabang mo pa! Umalis ka na nga kasiiiiii!!" itinutulak ko sya paalis pero hindi man lang sya nagmmove kahit konti! >.<

Tinapik nya ang ulo ko ng papel. Kinuha ko iyon at ihahampas sana sa kanya kaso sabi nya "papeles yan ng bahay na ito...ng BAHAY KONG ITO. Kaya magpakabait ka na lang dyan kung ayaw mong sipain kita paalis." pumasok na sya ng kwarto at iniwan akong nakatameme doon habang tinititigan ang papeles ng bahay na nakapangalan kay "Allen" na walang apelyido!

Pinaglololoko nya ba ako?! Ipinagawa lang ata 'to sa Recto e!

Pumasok ako sa kwarto ng padabog...nakapikit na sya at kumportableng nakahiga sa kama. Ang...ang amo ng mukha ny... ARGH!!! "HOY ALLEN! WAG MO AKONG PINAGLOLOLOKO! PEKE ANG PAPELES NA 'TO!!"

Tinakpan nya ang mukha at tenga nya ng unan at tumalikod sakin! Walangya! Hinatak ko 'yung unan na biglang hinatak din nya kaya napasubsob ako sa kanya! Ambango...Ay sh*t! Tatayo na ako pero mas hinila nya pa lalo ako. Ngayon magkatabi na kami sa kama at magkaharapan! O///O

"Totoo ang papeles na 'yan. Kahit itanong mo pa sa may-ari noon nitong bahay o kahit ipasuri mo pa 'yan sa espesyalista." Lumala ang dark aura sa paligid nya at nakamamatay ang tingin nya sakin ng sabihin nyang "Minsan lang ako ganahan matulog, Sulli. Kaya wag mo akong istorbohin. Naintindihan mo?" itinulak nya ako ng konti kaya nagka-gap na sa pagitan namin para makaalis ako sa kama na 'yun!

Aalis na ako dito!!! Iniimpake ko na ang gamit ko ng bigla syang umupo ng nakangisi. "Aalis ka? *devilish smile* Subukan mong umalis Sulli at magsisisi ka."

GULP. Nakakatakot!!!! "H-hindi i-inaayos k-ko lang ang g-gamit kooo..."

Biglang naging mabait ang ngiti nya. "Ganun ba? Mabuti naman. Dahil kung tatakas ka, kahit saan ka magtago...mahahanap rin kita..." pinalagutok nya ang kanyang mga daliri na nakaporma na parang gusto manuntok "at pagbabayarin kita...ng malaki Sulli."

Gulp. Gulp! GULP!!!! "O-opo." Halos maihi na ako sa takot! Bakit nagkaganito si Allen?! Mabait naman sya noon kahit masama talaga syang makatingin at may deathly aura sya?!

Anong nangyari kay Allen?!

Lumabas ako ng kwarto na nanginginig sa takot. Sinunod ko ang mga pinag-utos nya. Tama rin sya e, kahit tumakas ako, masusundan rin nya ako. Noon, sa baryo...ngayon pati dito sa Visayas! Kahit pa ata sa Africa ako tumira, mahahanap pa din nya ako?!

Sumapit ang gabi. Lahat na ng santo dinasalan ko para kunin na si Allen...o umalis na sya...o mawala na ang masamang espiritu sa katawan nya!

Bumukas 'yung pinto ng kwarto na tinutulugan nya. Lumabas sya ng humihikab. Medyo natatawa ako sa nakatirik nyang buhok...pero pinipigilan ko kasi baka magalit na naman sya at mapatay pa ako!

Tumingin sya sakin ng nakangiti. "Kain na tayo, Sulli?"

Gulp. "H-hindi..." Ouch! Nakagat ko ang labi ko sa sobrang panginginig! Lumapit sya sakin at nanlaki ang mata ko sa takot! Mas lalong lumakas ang pagkabog ng puso ko. Natatakot ako...baka...

Niyakap nya ako..."shhh. Wag kang matakot. Hindi kita sasaktan...kasi mahal kita."

*tugtugtug*

Mas lalo ata akong natakot dahil sa sinabi nya?! Dahil alam kong...

"H-hindi mo ako mahal." napatakip ako sa bibig ko. Ano ba 'yung sinabi ko?! Baka magalit na naman sya! >.<

"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Sulli?" mahinahon nyang tanong. Halatang nagtitimpi lang sya.

Gulp.

I bit my lip. Ayokong magsalita. Baka mapatay nya ako. Ayokong mamatay ng ganito!

"Magsalita ka!" tinanggal nya ang kamay ko sa bibig at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. "Ulitin mo ang sinabi mo Sulli."

"H-hindi..." nangangatal kong simula pero bigla syang tumawa.

"Pfft. HAHAHA! Bat ka ba natatakot sakin? Matapang ka di ba? Nasaan na ang tapang mo Sulli? 'Yun pa naman ang nagustuhan ko sa'yo." parang natigilan sya dahil sa sinabi nya. Namula pa nga ng konti ang pisngi nya. Pero hindi ko sigurado. Tumayo na rin kasi kagad sya papunta sa lamesa "Tara na ngang kumain."

Nilakasan ko ang loob ko para itanong sa kanya. "B-bakit mo ba ito ginagawa Allen? Alam mo sa sarili mo na hindi mo ako gusto. Pero bakit sinasabi mong mahal mo ako?"

Tumingin sya sa mga mata ko. "Hindi nga kita gusto...

dahil mahal nga kasi kita, Sulli."

He is lying. His love is just words, pero wala akong maramdaman. Ang pagmamahal na sinasabi nya ay walang pakiramdam. Kaya hindi nya ako maloloko. "Alam mo, at alam ko, hindi mo ako mahal."

Lumapit ulit sya saakin at tumayo sa may unahan ko. "You don't believe me when I told you I love you? Kaya pala ang hirap mong suyuin."

Ginulo nya ang buhok nya at saka muling tumitig sa mga mata ko.

"Mahal kita, Sulli. Hindi mo lang maramdaman dahil ayaw mong maniwala."

"H-hindi talaga..." inilagay nya ang daliri nya sa may labi ko na nagpatahimik sa akin. Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko sa mga oras na 'yun. Lalo pa ng sabihin nyang...

"Stay with me, and I'll prove you."

Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko. Saka, tumalikod para umalis.

Nakatitig lang ako sa likod nya ng bigla syang humarap para sabihing "I'll warn you. You'll fall in love with me soon, Sulli. And just like gravity, you won't be able to defy it."

Sa 2 taon ng panonood ko sa paligid ko...sa mga taong nagmamahalan...sa pakikinig sa mga away at pag-uusap nila...walang duda na tama ako at nagsisinungaling lang sya.

Pero...bakit nya ito ginagawa?! Bakit nya sasabihing mahal nya ako kahit hindi?!

Hindi ko sya maintindihan.

At ngayon...pakiramdam ko...wala na akong kawala sa kanya.

------

a/n:

Next Chapter: I am Here

WT:5-1to3-13 P:5-4-13 E:9-25-13 E:2-5-14

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 204K 43
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...