Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 8

3.5K 121 10
By winglessbee


Muntik na akong maniwala at mag-isip na kahit papaano, may madudulot din na maganda si Cone sa buhay ko pero letse, buti na lang muntik lang kasi tangna. Naibato ko na lang sa kakasara lang na pintuan ang kahon na binigay niya.

Kingina.

Okay na sana e. Ang kaso pag bukas na pagbukas ko ng kahon, kumulo ng bongga ang dugo ko.

Nagbigay nga ng kwintas, may kikay naman na nakapangalan. Tangna, sino bang hindi kukulo ang dugo nun?!

Kahit kelan talaga bwisit sa buhay yang apa na yan! Tangna talaga! Ugh!

Tinabi ko nalang yung kwintas at bukas na bukas kapag nakita ko ang hampaslupang apa na yan, ipapalunok ko sa kanya ang kwintas niyang kikay!

**

Sa ganitong oras, dapat natutulog na ko ng mahimbing, pero letse yung lintik na cellphone ko ayaw tumigil sa pagtunog.

Bakit ba ang malas malas ko ngayon? Tsk.

Calling +639072345678

Sino naman kaya to?

Pinatay ko. Hindi ko ugaling sumagot ng tawag kapag hindi ko kilala.

Babalik na sana ako sa pagtulog ng biglang nabasag yung bintana ko.

Tangna.

Buti na lang malayo yung kama ko sa may bintana!

Napabalikwas ako ng bangon at agad na pumunta sa may bintana. May nakita pa akong malaking bato sa sahig ay pag tingin ko sa labas, nakita ko ang walanghiyang hampaslupa na nakangising aso pa.

Talagang sinasagad ako ng apang to!

Pinulot ko ang bato at binato ko pabalik sa kanya. Malas! Nakaiwas! Tsk.

"Hoy! Papatayin mo ba ko?!" sigaw niya.

"Oo! Tangna mo! Kung wala kang magawa wag mong basagin ang bintana ko at wag mo kong idamay sa kabaliwan mo! Leshe!" sigaw ko pabalik.

"Tsk. Sungit! Yayayain lang naman sana kita magroadtrip. Hindi ako makatulog e"

"Wala akong pakelam sayo! Umalis ka na bago ko pa maisipang batuhin sayo tong flower vase sa tabi ko!"

"Brutal mo talaga! Tsk. Bahala ka, ikaw din" sabi niya sabay ngising aso. "Sige, goodnight Kikay!" tapos tumalikod siya habang nakaway pa.

Tsk.

Lakas ng topak. Papagawa ko sa kanya tong bintana bukas. Tsk.

Kinabukasan. Nakatulog naman ako ng mahimbing dahil wala ng hampaslupang nangulit. Hanggang sa maggabi na, tahimik lang ang buhay ko.

Thank you lord! Binigyan mo ng katahimikan ang buhay ko kahit ngayong araw lang.

Pero kakapasalamat ko pa lang kay Lord, binawi naman agad. Tsk.

"Goodevening Papa! Nasan si Kikay?" Bigla ko nalang narinig ang nakakaalibadbad na boses ni Cone.

"Nasa garden anak. Puntahan mo na lang dun"

"Thanks Pa!"

Tsk. Mag-ama na talaga ang turingan ng dalawang yun a? Tsk.

"Pam!" sigaw niya pagkakita sakin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Tara!" hinawakan niya ang kamay ko at hinila patayo.

"Hoy! Teka!" nabigla ako.

Binawi ko ang kamay ko pero masyadong mahigpit ang hawak niya.

"Bitawan mo nga ko!" sigaw ko.

"Ayoko nga! Sasama ka sakin, sa ayaw o sa gusto mo!" umiling iling pa siya at patuloy sa paghila sakin palabas.

"Bitaw sabi e! O baka gusto mong mawalan ka din ng balls tulad ni LWB?"

Napatigil siya at hinarap ako pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"So, exempted talaga ako dun sa 'Men doesn't have balls?' huh?" ngumiti siya.

"Asa! Bitaw na kasi!"

Hindi na niya ko pinansin at kinaladkad na naman ako palabas.

"O mga anak, saan kayo pupunta?" tanong ni Papa.

"Pa, pahiram po muna kay Pam, magpapasama lang po ako. Ibabalik ko din siya pero hindi agad agad. Matatagalan kami" paalam niya kay Papa.

"What the hell?!" sigaw ko.

"O sige, basta huwag kayong magpapagabi" sagot ni Papa.

"Sige po Pa! Makakaasa ka!" Yun lang tapos hinila na naman ako.

"Pa!" sigaw ko.

"Ingat!" kumaway pa ang Papa.

Lintik na yan. Anong drama na naman ba to?

Pinagtulakan niya ko papasok ng kotse niya sa driver's seat saka ako siniksik papasok.

"Tangna, dun ka sa kabila pumasok! Kaya nga may pinto sa kabila e!" inis na sabi ko.

"Ako ang magdadrive kaya umisod ka na lang" sagot niya.

Hindi na lang ako nagsalita at lumipat ng kabilang upuan.

Hindi ko na lang papatulan tutal may sayad naman siya sa utak.

"Wala na bang ibibilis to?" bored na tanong ko.

Tsk. Kalalaking tao ang bagal magmaneho.

"Im a safe driver so im driving safely" sagot niya habang sa daan lang nakatingin.

"Tsk. Saan mo ba ko balak dalhin?"

"Chill. Wala tayong pupuntahan"

"Ano?! Wag mong sabihing dito lang ako sa kotse mo at aantukin sa usad pagong mong driving skills?"

"Roadtrip to! Meaning dito lang tayo kasi nga roadtrip!"

"Walang kwenta. Bumalik na lang tayo" utos ko pero hindi niya sinunod.

Patuloy lang siya sa pagdadrive palayo sa bahay namin. At kahit anong sabihim ko, hindi niya pinakinggan at nagpanggap na walang naririnig.

Pinupuno talaga ako ng hampaslupang apa na to!

"I changed my mind" sabi niya saka hininto ang sasakyan.

Nasa hi-way pa din kami.

"Problema mo?"

"Gusto mo ng challenge? Yung my thrill?" biglang tanong niya.

"At bakit?"

"Sungit mo naman! I'll take that as a yes. Since gusto mong may puntahan tayo, we're going nowhere" tapos binuksan na niya ang makina at saka nagpatuloy sa pagdadrive.

"Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan tayo dalhin ng sasakyan na to" sagot niya.lng walang kwenta.

"Wag mo kong pinagloloko"

"Who told you im kidding?" tanong niya habang nakangising aso pa siya.

"Tsk."

Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa bintana. Halos isang oras na din kaming nasa daan at paliko liko lang ang ginagawa niya, nandito kami ngayon sa bandang talahiban at wala man lang mga bahay.

"We're here!" sigaw ni Cone sabay hinto ng kotse.

Napatingin ako sa palagid. Maraming nga puno pero walang kahit isang bahay.

"Hoy! Anong gagawin natin dito? Nasaan tayo?"

"We're here in nowhere. I don't know what's this place either" sabi niya habang nakangising aso pa.

"Pinagloloko mo ba ko? Tatamaan ka talaga sakin!" sigaw ko.

Bwisit to! Hindi ako natatakot na kaming dalawa lang o baka kung anong gawin niya sakin. Kayang kaya ko naman siyang sapukin kung may balak siyang rapin ako. Ang kinakabahala ko, baka may mga holdupper dito at maholdup kami tapos hindi na kami makauwi, wala pa namang nadaan na sasakyan at mga bahay dito.

"Im not joking. You want thrill? This is the thrill. Ang iligaw tayo at maghanap ng daan pauwi all day" proud pa niyang sabi 

May ketek talaga ang utak ng isang to. . Napaface palm na lang ako.

Ano pa bang magagawa ko e nandito na kami? Sa dami ng nilikuan namin, ni hindi ko maalala kung saan saan yun. Putek.

"Let's go!" sabi naman niya saka lumabas ng kotse .

Binuksan niya ang pinto ng passenger's at saka naman ako hinila palabas.

"Hoy! Nawiwili ka ng hila-hilahin ako a! Isa pang hila, tatamaan ka talaga!"

"Okay lang! Haha"

Baliw talaga. Tsk.

Hinila lang niya ko, papasok sa mapunong lugar.

Ang tahimik. Puro huni ng ibon at malakas na hangin lang ang maririnig mo.

"Pag tayo hindi nakabalik, lagot ka talaga sakin!" banta ko.

Hila-hila pa rin niya ko hanggang sa tumigil siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako.

Sa harap namin, isang malaking puno. As in, malaking malaking puno. Sa sobrang laki, nakakatakot na siyang lapitan dahil parang anytime, bigla na lang siyang bubuka at may lalabas na kapre.

"Astig!" sabi naman ng katabi ko habang nakatingala.

Kunot noo kong sinundan ng tingin ang tinitingnan niya  at nakakakita ako ng bahay na gawa sa kahoy sa itaas ng puno.

Hindi pa ako nakakakita ng tree house sa totoong buhay. Ngayon pa lang. Wala naman kasing ganito kalaking puno sa Manila. Puro puno lang ng mangga. Pwede kayang tayuan ng bahay yung puno ng mangga sa garden namin? Matanong nga si Papa mamaya.

"Tara pasok tayo!" yaya ni Cone sabay hila na naman sakin.

"Teka! Baka may nakatira jan!" Pigil ko pero ayaw niyang magpaawat. "Hoy!"

"Hindi natin malalaman kung hindi natin titignan" sabi niya at tuluy tuloy lang sa pag-akyat sa hagdan.

Pinanood ko lang siyang umakyat.

"Pam! Lika na dito! Walang tao! Dali! Ang sarap dito mas mahangin!" sigaw niya 

Syempre dahil first time ko makakita ng tree house curious ako sa loob nito. Nang makarating ako sa taas, hindi ko akalain na malaki pala ang bahay.

Dahil malaki ang puno, malaki din ang nagawang bahay. Kung pwede lang ipabunot tong puno at ipatanim ulit sa garden namin, sasabihin ko talaga to kay Papa!

Astig ng ganitong bahay!

Walang ni isang gamit kaya sa sahig kami naupo ni Cone.

Magkaharap lang kami kaya naman kitang kita ko kung paano siya ngumisi na parang may kakatwa siyang naiisip tapos napatingin siya sakin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Feeling ko kasi mang-aasar na naman ng isang to.

Gumapang siya na parang baby, yun bang nakatuon ang dalawang kamay mo at tuhod. Papalapit siya sakin, at nang makalapit siya, huminto siya sa harap ko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Wala pang  kahit sinong tao ang nakakalapit ng ganito kalapit sa mukha ko! Kaya naman hindi agad  ako nakagalaw.

"Sinong first kiss mo?" tanong niya.

Continue Reading

You'll Also Like

147K 11.6K 53
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
336K 4.9K 23
Isang kasunduan sa pagitan ni Jocas Española at ng ina ni Josef Malavega ang dahilan ng kanilang kasal. Dalawang taong sinubukang mamuhay nang matiwa...
4.8M 172K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
133K 7.7K 53
(Under editing) Hindi kahit kailan naging masaya ang buhay ni Cinnamon sa poder ng sarili niyang angkan. Bawat kibot, kuwentado. Bawat salita, sinusu...