Until You... SWEETHEART 2...

By FreeWill

359K 5K 1.3K

"Love is patient and kind. It does not envy. It does not boast. It is not proud. It does not behave indecentl... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13 (REWIND)
Chapter 14 - Part 1
Chapter 14 - Part 2
Chapter 14 - Part 3
Chapter 14 - Part 4
Chapter 15
Chapter 16 - Part 1
Chapter 16 - Part 2
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25 - Part 1
Chapter 25 - part 2
Chapter 26 - Part 1
Chapter 26 - Part 2
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 13

9.5K 145 72
By FreeWill

KATHRYN and DANIEL

 

 

 

 

DJ was driving too fast. Kath was trembling on the passenger side. Walang gustong bumasag sa nakakabinging katahimikan.

Sinulyapan ni Kath ang asawa na tutok na tutok ang tingin sa daan. He was driving like a maniac. Daig pa nito ang nakikipagkarera at ninenerbiyos siya hindi sa bilis ng takbo nila, kung di sa pananahimik nito. Anong iniisip nito tungkol sa nakita at narinig kanina?

Inulit niya sa isip ang eksena kanina sa workroom. Walang salitang tumalikod kanina ito nang makita niyang nakatayo sa may pinto. Hinabol niya ito sa labas ng shop. Inabutan niyang pasakay na sa sports car at hindi tumutol ito nang sumakay siya sa passenger side.

 

“Buckle up,”  Iyon ang huling salitang binigkas sa kanya nito kanina at hindi na nasundan iyon.

She inhaled deeply. Pilit pinakalma ang sarili, bago, “Say something…” Her voice came out like a whisper.

“Anong gusto mong sabihin ko?” Hindi tumitingin na tanong-sagot sa kanya nito.

“Anything… Ask me kung anong ibig sabihin ng nakita mo kanina.” Parang ang hirap magsalita. Parang ang hirap huminga.

“Bakit hindi ikaw ang magsabi sa akin…” Nanghahamon ang tinig nito. Bahagya na siyang sinulyapan.

  

 

 

 

 

She bit her lip. Saan siya magsisimula? Pinagsalikop niya ang mga kamay na nanginginig sa kandungan. Uulitin ba niyang lahat dito ang sinabi niya kay Kiko kanina? Hanggang saan ba ang narinig nito?

Nagbuntong-hininga ito nang hindi pa rin siya kumikibo, “Uuwi ako sa Batangas. Ipina-empake ko kay yaya Melay ang mga gamit mo kanina. Kung sasama ka sa akin pauwi ay dadaanan natin sa condo mo… Kung hindi ay ihahatid kita pabalik sa shop.” He said without looking at her.

Napamaang siya dito. Niyayakag siyang pauwi nito sa hacienda?

“Are you going home with me or not?” Tila naiinip nang tanong nito.

 

 

 

 

 

“Sasama ako sa yo.” Pikit-matang sagot niya. Hindi niya gustong magisip ito nang hindi mabuti kung tatanggi siyang sumama dito.

Atsaka lang pinakawalan ni DJ ang pinipigil na hininga He slowed down the car.

_________________________________________________________

 

“MUKHANG nagkaayos na ho ang dalawa, ma’am. Dito natulog si DJ. Nagulat nga ako paguwi ko kaninang umaga at sabihin ni Kath na ipaghanda ko ng almusal ang asawa niya. Sinundan siya ni DJ sa shop at bumalik din silang dalawa dito para kuhanin ang mga gamit ni Kath. Wala namang binanggit si Kath kung kailan siya uuwi dito. Mukhang matatagalan.”

 

 

 

 

 

Napatingin si Min sa asawa na katabi nito sa sofa. “Sige Melay,” Ibinaba na nito ang telepono.

“Anong sabi ni Melay?” Tanong ni Joseph.

Umahon si Min mula sa sofa. “Sumamang pauwi ng hacienda ang anak mo kay DJ at doon nagpalipas ng gabi sa unit niya ang lalaking yon.”

 

 

 

 

 

Natilihan sa narinig si Joseph. Nagpalakad-lakad sa harapan nito si Min. Nasa mukha ang labis na disgusto sa natuklasan.

“Anong iniisip mo?” Tanong ni Joseph dito.

“Hindi ko gusto ito.” Umupo ulit sa tabi ng asawa si Min. “Hindi ako papayag na bumalik siya sa lalaking yon.”

 

 

 

 

 

“Ano bang sinasabi mo? Desisyon na ni Kath yon. Wala tayong karapatang manghimasok. May sariling isip na ang anak mo. Isa pa ay asawa pa rin niya si DJ.”

 

 

 

 

 

Hindi kumibo si Min. Sa isip ay gumagawa na ng hakbang para makumbinse ang anak na mali ang desisyon nito.

 

 

 

 

________________________________________________

 

 

 

KATHRYN

 

 

 

 

 

MULA sa bintana ng silid ay tinanaw niya ang palayong itim na stallion sakay ang asawa. Kadarating lang nila ay umalis na agad ito. Ni hindi pa sila nakakapagusap nang maayos. Ni hindi pa niya nalilinaw dito ang tungkol sa inabutang eksena kanina nito sa shop.

Napakagat-labi siya. Natatakot siya dahil hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito. Pakiramdam niya ay galit ito dahil sa nakita kanina sa shop. Kung bakit hindi siya kinompronta kanina ay hindi niya alam. Pero may palagay siya na kaya umalis ito ay dahil nagpapalipas ng galit ito. Kabisado na niya ito. Nangangabayo ito nang tila walang kapaguran kapag may gumugulo sa isip o di kaya ay kapag may dinadala sa dibdib na hindi mailabas.

Kung hindi pa may kumatok sa pinto ng silid ay hindi pa siya titinag sa puwesto niya.

“Ate Kath…”

 

 

 

 

 

“Maggie,”

Yumakap sa kanya ang hipag. “I’m glad you’re here!”

 

 

 

 

 

Pinagmasdan niya ito. Maggie was skinny and tall. Medyo boyish kung manamit. Maaliwalas ang bukas ng mukha. Wala na ang bakas ng trauma mula sa kidnapping na sinapit nito may anim na taon na ang nakakaraan. Naka-recover na itong tuluyan.

“Kamusta ka na?” Tanong niya dito. Inakay niya ito paupo sa gilid ng kama.

“I’m fine. Oh, ate Kath, I’m so happy that you’re back. Okay na ulit kayo ni kuya. Nagkabalikan na kayo, right?”

 

 

 

 

 

Natahimik siya. Iniiwas ang tingin dito. Paano niya sasabihin dito na malabo pa ang sitwasyon nila ni DJ? Nagkabalikan na nga ba sila ng asawa? Eh hindi pa nga nila nagkakaliwanagan tungkol sa nangyari noon… tapos ay meron na namang nangyari kanina. Napailing siya. Nadadagdagan lang ang mga gusot sa pagitan nila ni DJ… walang napa-plantsa.

“Ate Kath…”

 

 

 

 

 

“Hmm?”

 

 

 

 

 

“Hindi pa ako nakakapag-thank you sayo , for saving me six years ago.” Inabot nito ang kamay niya. “I was too young to understand then. I was traumatized. Nang pumunta dito si Quen at ipinagtapat kila Nanay ang nangyari noon sa yo ay saka ko lang naisip kung ano talaga ang nangyari dati. Kaya pala ikaw ang kumuha sa akin sa silid na iyon. Ang akala ko ay tinawagan ka lang ng kidnapper, kaya natagpuan mo ako doon. That’s what you told us. Nobody knows what you went through that time. I’m sorry.”

“Tapos na yon…” Tinapik niya ang kamay nito. “Kalimutan mo na.”

 

 

 

 

 

Nagusot ang magandang mukha nito. “Kalimutan? Paano kong makakalimutan yon eh ako ang dahilan kaya nagkahiwalay kayo ni Kuya.”

 

 

 

 

 

Napatitig siya dito. Ganon ba ang iniisip nito? Sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kanila ni DJ? “Huwag mong sabihin yan…” Tumayo siya at lumapit sa bintana ng silid. “Wala kang kasalanan sa nangyari.”

 

 

 

 

 

“Nasabi mo na ba kay kuya?”

Umiling siya. “Hindi ganon kadali…”

 

 

“Kung nahihirapan ka ay kami ang magsasabi sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit pinipigilan mo sila Nanay na sabihin kay Kuya ang totoong nangyari noon.”

 

 

 

 

 

“Baka hindi siya maniwala.”

 

 

 

 

 

“He loves you! Sumunod siya sa yo pauwi ng Pilipinas, di ba? Hindi ka niya matiis…”

 

 

 

 

 

Malungkot siyang ngumiti. Inihilig niya ang ulo sa gilid ng bintana at tumanaw sa burol sa di kalayuan. Sana ay totoo ang sinabi ni Maggie. Sana ay kaya niyang paniwalaan iyon ngayon… Gaya kung paanong pinaniwalaan niya ang mga salitang binitawan ni DJ noon sa kanya burol… Noong sinabi nito na mahal siya nito.

“Let me make things clear to you, sweetheart. I want you back, yes. Pero hindi ibig sabihin non na kinalimutan ko na ang ginawa mo sa akin dati, at ginagawa mo pa rin hanggang ngayon by having an affair with Mr. La Pierre. I want you back, dahil yon ang tama. Asawa kita. You’re mine and I intend to keep what’s mine.”

 

 

 

Ang sakit tanggapin ng mga sinabi nito sa kanya nang sinundang gabi. Parang gumuho lahat ng pagasa niya. Taliwas lahat iyon sa nararamdaman niya. Ang akala niya ay nahihirapan lang itong aminin sa sarili na mahal pa rin siya. Iyon kasi ang nararamdaman niya. Pero parang patalim na sumaksak sa puso niya ang mga binitiwan nitong salita sa kanya kagabi. Ipinaglalaban lang nito ang karapatan bilang asawa niya. At damang-dama niya ang galit at kawalang tiwala sa kanya nito. May nangyari man sa kanila kagabi ay dala lang iyon ng pangangailangan nito bilang lalaki. Pinatunayan nito iyon nang wala man lang siyang narinig na tugon dito sa ilang beses na pagsasabi niya dito ng ‘I love you’ kagabi.

“Ate Kath…” Hindi niya namalayang nakalapit na si Maggie sa kanya. “I’m sorry…” Tila nahihiyang sabi nito. “Hindi ako dapat makialam sa desisyon mo.”

 

 

 

 

 

Ginulo niya ang buhok nito. “You shouldn’t worry about us, but thanks for the concern.” Nakaramdam siya ng panghihinayang, dahil sa nakalipas na mga taon, buhat nang akala niya ay mamatay si DJ ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkalapit ni Maggie.

Inilayo niya ang sarili sa pamilya ng asawa dahil nagi-guilty siya noon… Sinisisi niya ang sarili sa ‘pagkamatay’ ni DJ. Kung pumupunta man siya sa hacienda noon ay para dumalaw sa ‘abo’ ng asawa sa museleo at maikling-maikli ang oras na inilalalaan niya para sa pagdalaw sa mga biyenan. Natatakot siyang makita ng mga ito ang guilt sa mga mata niya.

 

“Nagpaluto na ako sa maid… Kung hihintayin mo si Kuya ay ipainit mo na lang. Uuwi na ako sa bahay hacienda. Baka naghihintay si Lolo. Hindi sanay yon na hindi ako kasabay kumain.” Masigla na ang tinig ni Maggie nang muling magsalita.

 

 

 

 

At noon lang siya nakaramdam ng gutom. Tumanaw ulit siya sa labas. Nasaan na si DJ?

____________________________________________________

 

 

 

 

 

DANIEL

 

 

 

 

 

MADILIM na nang sapitin ni DJ ang bahay hacienda.

“ABA’Y! Dyaskeng bata ito! Anong nangyari sa kamay mo?!” Si Manang Lenny na nakita ang duguang kamay nito.

“Wala ho ito…” Iniiwas niya ang kamay ng tangkang hahawakan ng mayordoma ito. “Nasaan ho ang Nanay?”

 

 

 

 

 

“Ay hindi ba nasabi sa yo na doon muna sila sa mansion sa Maynila ngayon ng Daddy mo? Ang Lolo at kapatid mo lang ang narito ngayon. Teka at kukuha ako ng gamot. Kailangang magamot yang…”

 

 

“Hindi na ho…” Dire-diretso siyang pumanhik sa itaas ng bahay hacienda. Kailangan niyang makausap ang abuwelo.

“Imposible yang gusto mong mangyari.” Sabi ni Don Manuel matapos niyang sabihin dito ang pakay.

“Anong imposible don? Ibebenta ko ang shares ko sa Hotel para mabili ko ang shares niya sa shipping line!” Ipinukpok niya ang kamay sa library table. Napatiim-bagang siya nang maramdaman ang kirot ng sugat sa kamay.

Napapangiwi si Don Manuel habang nakatingin sa kamay ng apo. Saan galing ang sugat nito sa kamao? Dumudugo na ang sugat ay parang balewala lang dito.

“Bakit hindi mo muna ipagamot ang sugat mo sa katulong bago tayo magusa…”

 

 

 

 

 

“Sagutin niyo muna ang tanong ko… Anong imposible sa gusto kong mangyari?”

 

 

 

 

 

Napabuntong-hininga ang Don. “Una, palagay mo ba ay papayag si Mr. La Pierre na ibenta sa yo ang shares niya? Pangalawa, may kontrata ang pagkakabili niya ng shares ng mga Bernardo. Hindi niya puwedeng ipasa sa iba yon sa loob ng limang taon. Sa ganoong paraan ay mapo-protektahan ang interes ng kompanya. Mawawalan ng tiwala ang mga investors kung magpapapalit-palit ang may ari ng shipping line.”

 

 

 

 

 

Napaungol si DJ sabay sipa sa paa ng library table. Napailing si Don Manuel. Sa mga nakita niya nang sinundang gabi sa company party, sa pagitan ng apo, ni Kath at ni Mr. La Pierre ay parang alam na niya kung anong dahilan at parang nawawala sa sarili ngayon ito. Nagsiselos ito kay Mr. La Pierre at iniisip marahil na kapag nabili nito ang shares ng karibal sa asawa ay mawawala na rin iyon sa landas nito.

“Saan ka pupunta?” tanong ng Don nang humakbang na paalis ito.

“Uuwi na ho… Baka naghihintay na ang asawa ko.”

Napaangat ang puwet ng Don sa upuan. Anong sinabi ng apo? Naghihintay ang asawa nito?

 

_______________________________________________________

KATHRYN

 

 

 

 

 

“BUHAT nang mag-asawa si Jian ay doon na sa kanila umuuwi si Mang Carding.” Nagkukuwento ang maid na si Aling Estella.

Hindi pa rin umuuwi si DJ buhat kaninang umalis ito. Kumain siyang mag-isa kanina ng tanghalian, pero gusto niyang hintayin ito ngayon para sabay silang maghapunan. Sinulyapan niya ang suot na relo… Lagpas ala-siyete na ng gabi ay wala pa rin ang asawa.

“Hindi po ako stay-in dito  senyorita. Uuwi din ako mamaya. May maliit pa akong anak at hindi nakakatulog sa gabi yon nang hindi ako ang katabi.” Dagdag kuwento pa ni Aling Estella na nagpaulap sa mga mata niya.

“Anak Mahinang usal niya bago umahon sa kinauupuan. “Pakitawag na lang ho ako kapag dumating na si DJ. May kailangan ho akong gawin sa taas.” Kinailangan niyang mangabay sa ding-ding palabas ng kusina dahil tila nanghihina ang pakiramdam niya.

Hindi niya inaasahan ang impact nang sinabing iyon ni Aling Estella sa kanya. Bigla ay nakaramdam siya ng sobrang pangungulila na nakapanghihina… Parang may bumukas na sugat sa puso niya. Isang sugat na hindi pa tuluyang naghihilom.

Pagdating sa silid ay lumabas siya sa veranda. Tumanaw sa direksyon ng burol. Sa mga nakalipas na taon ay iniiwasan niyang pumunta doon tuwing pupunta siya sa hacienda para dalawin ang ‘abo’ ni DJ. Tinatanaw lang niya ang burol mula sa malayo, pero wala siyang lakas ng loob na umakyat doon. Nadudurog siya sa tuwing maiisip kung ano ang naghihintay sa kanya roon.

Wala sa loob na dinama niya ang umpis na tiyan. Naalala ang paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ng asawa nang sinundang gabi at nakadama siya ng takot… Paano kung magbunga ang nangyari sa kanila?

Naguumpisa nang manubig ang mga mata niya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng silid. Si DJ.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at humandang harapin ang asawa.

“Gutom ka…” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita ang kamay nito. “You’re… bleeding.” Napabilis ang hakbang niya palapit dito.

“It’s nothing,” Iniiwas nito ang kamay sa kanya. Dumiretso sa banyo ito.

Natitilihang sinundan niya ng tingin ito. Naghubad ng T-shirt ito at nakita niyang naghugas ng kamay sa bathroom sink, bago naghilamos. Atsaka lang siya kumilos sa kinatatayuan nang makitang tapos na ito. Kinuha niya ang first-aid kit sa medicine cabinet.

“Kumain ka na ba?” Kaswal na tanong nito.

“Hinihintay kita,” Hindi niya matanggal ang tingin sa kamay nito na namamaga na yata. Kahit nasabon na nito iyon nang hugasan kanina ay parang dumudugo pa rin. “Gagamutin ko ang kamay mo.” Bago pa tumutol ito ay hinila na niya paupo sa kama.

“What happened to you?” Nagaalalang tanong niya habang nilalagyan ng Betadine ang knuckles nito kung saan nakasentro ang mga sugat. Parang tumama sa isang  matigas na bagay ang kamay nito. 

Hindi sumagot ito. Pagtingin niya dito ay nakatitig lang sa kanya. Nagbaba siya ng tingin at ipinagpatuloy ang paggamot sa sugat nito. Sana ay hindi siya naiilang sa paraan ng pagtitig nito. Parang tumatagos hanggang sa kaluluwa niya ang mga mata nito at parang tinatambol ang dibdib niya.

__________________________________________________ 

DANIEL

 

"Lalagyan ko ng benda dahil baka dumugo na naman.”

Nanatiling tahimik si DJ. Pinagmamasdan lang nito ang asawa. Nakapambahay na ito. Nakasimpleng blouse at shorts lang. Nakalugay ang buhok. Sa pagkakatungo sa pag-gamot sa sugat niya ay nahuhulog ang ilang hibla ng buhok nito sa harap ng mukha. Hinahawi nito ng bakanteng kamay ang buhok para hindi makasagabal sa ginagawa nito.

Napabuntong-hininga siya at itinaas ang isang kamay. Hinawi niya ang buhok nito at inipit sa likod ng taenga nito. Parang hindi naman inaasahan nito ang ginawa niya, kaya natigilan ito. Napatitig sa kanya.

“Thanks…” Mahinang sabi nito at itinuloy na ang pagbabalot ng benda sa kamay niya.

Matapos pagpalain ang kamay niya ay ibinalik na nito ang first-aid kit sa medicine cabinet atsaka pumasok sa banyo ito.

Tumayo siya at lumapit sa bintana. Binuksan niya iyon. Pinuno niya ng sariwang hangin na pumapasok sa bintana ang nagsisikip na dibdib. Itinukod niya ang mga kamay sa pasimano. Naghintay sa paglabas ng asawa sa banyo.

Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin siyang naririnig na bumubukas na pinto. Wala din naman siyang naririnig na lagaslas ng tubig. Nagsalubong na ang mga kilay niya. Bakit ang tagal ni Kath sa loob?

_________________________________________________

KATHRYN

 

 

 

 

 

PIGIL na pigil ang paghikbi ni Kath. Nakaupo siya sa sahig ng banyo. Hindi niya maintindihan si DJ. Nalilito siya sa kinikilos nito. Natutuwa na nasasaktan siya sa ginagawa  nito. Ano ba kasing tumatakbo sa isip nito?

“Kath?” Napatayo siyang bigla nang marinig ito sa may pinto. Kasunod ng pagtawag sa kanya ay ang pagkatok nito. “Anong ginagawa mo? Ba’t ang tagal mo dyan?”

 

 

 

 

 

Hindi siya makasagot. Lumapit sa sink  at naghilamos.

“Kath!” Pinipihit na nito ang door knob, “Bakit naka-lock ‘to?!”

 

 

 

 

 

Hinablot niya ang tuwalya sa rack at nagpunas ng mukha.

Nang buksan niya ang pinto ay nabigla siya nang biglang yakapin siya nito. “Dammit, Kath! Don’t do that again… Tinakot mo ako.” He kissed her head.

 

 

 

 

 

Napasinghap siya. Nabitiwan niya ang towel sa sahig.

“Ang akala ko ay kung ano nang nangyari sa yo sa loob…” Humigpit ang yakap nito.

“DJ,” Ano bang sinasabi nito? Lalo lang siyang nalilito dito. “Hindi ako makahinga.” Ang higpit-higpit ng yakap nito. Bahagyang natigilan siya nang may maalala. Parang nangyari na ito dati…

At hindi na siya nagulat nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng silid… Pero sa pagkakataong iyon ay hindi si Don Manuel ang kumakatok.

“Kath! Ang mommy ito...” Boses ni Min ang narinig nilang dalawa ni DJ.

 

_____________________________________________________

 

 

 

 

 

KATHRYN and DANIEL

 

 

 

 

 

HINDI lang ang mommy niya ang dumating… kasama nito ang daddy niya at si Miles.

“Dinala ko ang bag mo. Naiwan  mo kanina sa shop.” Ipinakita ni Miles sa kanya ang bag na hawak nito. Parang hiyang-hiya ito sa kanya. Parang napilitan lang na sumama doon.

Magkakaharap sila sa living room. Nasa itaas pa si DJ at nagbibihis.

“Bakit ho kayo narito?” Sa ama siya nagtanong.

“Sinusundo ka namin.” Si Min ang sumagot.

“Mom’…” Sinulyapan niya si Aling Estella na nakamata lang sa kanila sa may pinto ng kusina. Sineyasan niya ito na maglabas ng maiinom. Nang mawala ito sa paningin niya ay saka, “Hindi ho ako sasama sa inyo.” Sabi niya sa ina.

“Anong sinasabi mo?” Tumaas ang boses ng ina. Nakita niyang hinawakan ng daddy niya ito sa kamay, marahil upang awatin ito, pero, “Nasisiraan ka na ba?! Hindi ka pa ba natuto sa ginawa sa yo ng lalaking yon? Nakalimutan mo na bang niloko ka niya?”

 

 

 

 

 

Napailing siya. Hindi niya gustong makipagtalo sa ina sa harapan ni Miles.

“Nauuhaw ho ako… Kath, punta muna ako sa kusina.” Tumayo si Miles at nagmamadaling pumasok sa kusina kung saan nakita nito ang maid kanina.

“Min,” ang daddy niya, “Hayaan mo na ang mga bata. Kaya na nilang ayusin ang problema nila. Malalaki na ang mga yan. Hindi na tayo dapat nakikialam sa kanila.”

 

 

 

 

 

“At pagkatapos ay ano?” Tumayo si Min. Lumipat ito ng upo sa tabi niya, “Kath… Ikaw lang ang inaalala ko. Hindi ko gustong masaktan ka na naman.” Yumakap sa kanya ito. “Makinig ka sa akin, anak… Mas makakabuting ipa-annul mo na ang kasal mo sa lalaking yan nang hindi  na siya habol nang habol sa yo. Nandyan naman si Kiko… Marangal na …”

 

“No.” Kumalas siya sa pagkakayakap nito at tumayo. “Gusto kong malaman niyo na nagdesisyon na ako. Sumama ako kay DJ dito, dahil gusto kong maayos namin ang lahat. Sana ay maunawaan niyo ang desisyon ko.”

 

 

 

 

 

“Pero…”

 

 

 

 

 

“Hindi ho ako sasama sa inyo.” Pinal na sabi niya. Napatingala siya sa may hagdan nang marinig ang mga yabag ng asawa na pababa.

Nagsalubong ang mga mata nila. Unang nagbawi ng tingin ito. Nang makarating sa ibaba ay hinarap ang mga magulang niya.

“Pasensya ho pero hindi ako papayag na sumama sa inyo ang asawa ko.” Mariing sabi nito, sa ama niya nakatingin. “Dito ho ang bahay ko. Dito siya dapat, kasama ko.”

 

 

 

 

 

Napakagat-labi siya. Nakikita niya ang galit sa mukha ng ina.

“Hindi dahil pumapayag ako sa gusto ng anak ko ay napatawad na kita sa mga ginawa mo.” Umahon si Joseph mula sa kinauupuan. Lumapit kay DJ ito. “Sinaktan mo ang damdamin ng anak ko… wala kang karapatang gawin yon!” Pinitsarahan nito ang manugang.

“Dad’…” Lumapit siya sa mga ito at kinalas ang kamay ng ama sa kuwelyo ng asawa. Hindi naman tumitinag si DJ sa kinatatayuan nito. Parang balewala lang ang ginawa dito ng biyenang lalaki.

“Mag-juice muna tayo!”

 

 

 

 

 

Napatingin silang lahat kay Miles na siyang may bitbit ng tray mula sa kusina. Nakahinga siya nang maluwag. Nabasag ang nararamdamang tension ng lahat.

“Hindi na,” wika ni Min. Tumayo na rin ito. “Joseph… tayo na.” Hindi tumitingin na sabi nito sa asawa.

“Mom’… please,” Hindi niya gustong umalis ang mga ito na galit sa kanya.

“Kalimutan mo nang  nagpunta kami dito. Kung gusto mong magpakatanga sa lalaking yan ay wala na kaming magagawa. Huwag na huwag ka lang uuwi sa amin na umiiyak ka…” Hinarap nito si DJ, “Walang kapatawaran ang ginawa mo sa anak namin at kung ako ang masusunod, kahit dulo ng buhok niya ay hindi mo na makikita. Isang araw ay pagsisisihan mo ang mga ginawa mo sa kanya.” Umismid ito, “At sana ay habang-buhay kang makonsensya sa mga ginawa mo.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito. Nauna nang lumabas ito.

Tumutulo na ang luha niya nang yumakap sa kanya ang ama. Tinapik-tapik nito ang likod niya. “I’m sorry, hija… Pasensya ka na sa mommy mo. Nauunawaan ko ang desisyon mo.” Iyon lang at sumunod na ito sa asawa sa labas.

“Kath,” si Miles na ibinaba ang tray sa center table, “Pasensya ka na kung sumama ako dito… Kasi yung… Yung re-launch bukas. Paano?”

 

 

 

 

Luhaan ang mga matang napatingin siya kay DJ. Nawala na sa isip niya ang trabaho sa shop dahil sa pagsama dito doon sa hacienda.

“Darating siya bukas…” Sabi nito na kay Miles nakatingin.

Napangiti si Miles. Tuwang yumakap sa kanya. “Aasahan ko yon, Kath. Hindi namin kaya yon na wala ka doon.” Nagpaalam na ito.

Inihatid niya ang kaibigan sa labas ng bahay. Nakasakay na sa SUV ang mga magulang niya. Umiiyak pa rin siya habang inihahatid ng tanaw ang palayong sasakyan. Sa likuran niya ay nararamdaman niyang nakatayo si DJ. Hindi niya magawang lingunin ito.

Napahikbi siya. Ngayon niya nararamdaman kung gaano kahirap itong pinasok niya. Hindi niya naisa-alang-alang ang mararamdaman ng mga magulang niya nang magdesisyon siyang bumalik kay DJ.

“Bakit hindi ka sumama sa kanila kanina?” Tanong nito nang tuluyan nang lamunin ng dilim ang sasakyan ng mga magulang niya.

Anong gustong marinig nito? Sana ay sabihin na lang sa kanya para hindi na siya nahihirapang manimbang sa isasagot dito. Kung magsasabi siya ng totoo ay maniniwala ba ito? Pakiramdam niya ay nanunulay siya sa alambre kapag nagtatanong ito nang ganon sa kanya. Isang maling sagot o hakbang ay mahuhulog siya.

“Kath…” Naramdaman niya ang paghawak nito sa mga balikat niya mula sa likuran. Iniharap siya at hindi siya tumutol nang ikulong siya nito sa mga bisig. “Stop crying…” Bulong nito sa ulunan niya.

Lalo lang lumakas ang paghikbi niya nang haplusin nito ang buhok niya. “Hushhh…” Pinapatahan siya nito, “Abot hanggang sa tubuhan ang iyak mo. Baka isipin ng mga tauhan ay kung anong ginagawa ko sa yo.” Nakuha pang magbiro nito.

Kumalas siya sa pgakakayakap nito. Tumalikod at lumayo dito. Pinunasan ng mga kamay ang luha niya. “Pumasok ka na… Susunod na ako.” Gusto muna niyang mapag-isa. Gusto muna niyang magisip. Tama ba itong ginagawa niya? Ahhh… nalilito na talaga siya. At hindi nakakatulong ang mga ikinikilos ng asawa, dahil hindi niya maintindihan kung bakit parang ang bait-bait sa kanya nito ngayon.

“Malamok dito…” 

“Iwan mo muna ako, please,” Pakiusap niya.

Narinig  niya ang pagbuntong-hininga nito, bago narinig ang mga yabag nito na palayo.

Iniyakap niya ang mga kamay sa sarili. Hanggang saan ang ipinapakitang kabaitan sa kanya ng asawa? Bakit hindi pa siya komprontahin sa nakita kanina sa shop? Bakit hindi pa siya komprontahin tungkol sa nangyari noon? Hindi man lang ba nagtatanong sa sarili ito kung bakit ganon na lang ang galit dito ng mga magulang  niya? O talagang manhid na ito? Baka nilamon nang tuluyan ng galit at pagdududa ang isip at puso nito. Pero bakit sa tuwing yayakapin siya nito ay iba ang nararamdaman niya? Gusto niyang paniwalaan ang sinasabi ng puso niya, na mahal pa rin siya nito… Pero natatakot naman siyang tama ang sinasabi ng isip niya na wala nang pagtingin sa kanya ito.

Ang tagal na niyang nakatayo doon nang makaramdam siya ng pagod sa pagiisip. Sinasayang lang niya ang oras. Pinapahirapan lang niya ang sarili. Bandang huli ay alam naman niyang hindi na mababago ng kahit ano pang reyalidad ang desisyon niya. Mahal niya si DJ. Iyon lang ang mahalaga ngayon. Ang nararamdaman  niya. Bahala na ang bukas sa kung ano mang kahinatnan ng ginagawa niyang ito.

Pumihit na siya. Natigilan siya nang makitang nakaupo ang asawa sa may hagdan sa may entrada ng bahay. Hindi pa ito pumapasok sa loob. Hinihintay siya.

“Ang akala ko ay aabutin ka ng madaling araw pagtayo d’yan…” Kumilos ito sa kinauupuan. Tumayo at lumakad palapit sa kanya. Isang dipa ang layo sa kanya nito nang huminto sa paghakbang.

Napaawang ang bibig niya nang itaas nito ang isang kamay… Inilahad sa kanya. “Halika na…”

 

 

 

 

 

“Kapag tinanggap mo ang kamay ko ay akin ka na at sa yo na ako.” Naalala niyang sabi nito noon sa kanya.

Parang na-estatuwa siya habang tinititigan ang kamay nito.

“Gutom na ako,” Parang inip na inip na ito.

 

Atsaka lang siya tila nagising sa pagkatulala. Kumilos ang isang kamay niya. “Hold me, DJ… Never let me go again.” Sa isip ay inuusal niya habang inaabot ang kamay nito.

And when their hands met… It felt like coming home.

______________________________________________

A/N: Narinig ba o hindi? Ahhhh! Nakakalito si DJ! Hahahaha…. Kaya niyo yan! Chossss! ;)))

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 361 37
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
2M 45.8K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
94.6K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
255K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.