Stuck At The 9th Step

By Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 78 : INSTEAD

24.2K 961 410
By Khira1112

#SAT9S

DEDICATED TO : ALYSSA DELFIN

CHAPTER 78 : INSTEAD

Sandali siyang natigilan. Bumaling si George sa phone niyang hinagis ko sa kama saka ko nakita ang pagkabahala sa mukha niya. Muli siyang lumingon sa akin. Tinitigan ko siyang mabuti.

"I was about to tell you what happened last night."

Unti-unting umawang ang bibig ko. "You were out last night?" Nalaglag ang balikat ko nang tumayo siya. "Then, why didn't you tell me?"

"It was an old issue about myself. Nangyari 'yon bago pa kita makilala kaya inisip kong hindi maganda kung idadamay kita. But I'm about to share it. Hindi ko naman ipagkakait na hindi mo malaman." Kinagat niya ang kanyang labi. "Kumuha lang ako ng bwelo."

"Tungkol saan ba 'yan? I already know your past with Oliver-"

"Alam mo naman na hindi naging kami. But before I answer your first question, I'd like to know something. . ." Diretso niya akong tinignan. "What if I am? What if I am cheating on you?"

Tumiim ang bagang ko. "That's bullshit, George. You know that's something that I wouldn't tolerate. I've been accuse of being a cheater when I never did. Alam mo 'yan. And that false accusation doesn't give you a reason to cheat on me."

Pumikit siya nang mariin. "I don't."

Nanghihina akong napaupo sa kama. "I'll listen, George. You met him before me and I understand if you want to fix your unresolved issues without me knowing it. But I have the rights to know what's going on. Ano mo ba ako? Ano ba tayo?" Frustrated kong sambit.

"I'm sorry." Umupo siya sa tabi ko. "Marami tayong dapat pag-usapan."

Yes. Marami kaming dapat pag-usapan. Hindi tungkol sa aming dalawa kundi sa mga taong nasa paligid namin. Sa mga taong naging parte ng nakaraan namin. Hindi kami madalas nag-uusap tungkol ro'n dahil parehas naming inaasam na makausad. Ang hindi namin alam, patuloy pa rin kaming magagambala hangga't hindi naaayos ang lahat.

"Oliver kept on pestering my friend. You've met Celine, right?" Ang tinutukoy niya ay ang kaibigan niyang naipakilala niya sa akin noon. Ang kaisa-isang kaibigan niya sa hindi kasama sa team nung college. Nagbuntong hininga ako at tumango.

"Then?"

"Pinagbigyan ko. Natapos na lahat kagabi." Yumuko siya at pinagsalikop ang kamay niya. "Wala naman talagang dapat tapusin sa umpisa palang kasi hindi naman naging kami. All we need was piece of mind and forgiveness. He was guilty for what he did to me and I wasn't a very forgiveable person. Alam mo naman 'yon, di ba? Though, I have my own faults, I kept on saving my pride 'coz I don't want to suffer again." Malungkot siyang ngumiti.

"Then, why are you like that? Acting like it's still a big deal?" Kunot-noo kong tanong.

"It is."

Parang sasabog ang sistema ko habang nag-iisip ng konkretong sagot. "Why? Do you still have feelings for him?"

"No. It's not like that. He was the reason why I hate men in general. Wala akong ibang masisi kung bakit may pagdududa ako sa lahat ng lalaki. Even to you." Pumikit siya nang mariin. "I'm sorry for that. Alam kong iba ka sa kanya."

Natahimik ako. I have doubts, too. Pakiramdam ko ay may dapat pa akong malaman maliban ro'n. Pakiramdam ko ay may iniisip pa rin si George maliban ro'n at may nangyaring hindi ko alam.

"But last night, I forgive him. Para tapos na."

Pagtapos niya magpaliwanag ay hindi ko na alam ang sasabihin ko. Napatingin na lang ako sa sahig. Blanko ang isip. Natauhan lang ako nang humawak siya sa kamay ko.

"Who's your priority, Ren?"

Bumaling ako sa kanya. Nakatitig siya sa kamay naming dalawa.

"Don't you know the answer?" Marahan kong tanong.

"You never asked me the same question. Paano kung magkaiba pala tayo ng sagot and we're not on the same page?"

"Does it matter?"

"You told me your priority is me. What if I prioritize someone else than you? Magagalit ka ba?"

Napatiim ako ng bagang. Magagalit nga ba ako kung gano'n? In this realationship, we're chained but not caged. Hindi naghigpit sa akin si Geore kaya gano'n rin ako sa kanya. Malaya pero alam kung sino ang dapat balikan. We're adults who never talked about rules. Parehas lang kaming nakikiramdam at sumasabay sa daloy ng relasyon naming dalawa. And I feel good about it. Hindi nakakasakal. Pero madali ko nga bang matatanggap kung hindi ako ang priority ng taong inuuna ko?

"Why are you asking me these questions? May problema ba tayo, George?"

Siya naman ang hindi makasagot. Paglipas ng ilang sandali ay saka siya umiling at ngumiti. "Wala. Naisip ko lang."

"You're acting strange." Puna ko.

Nagkibit balikat siya. "Lately, ang dami kong naiisip na hindi dapat isipin."

Huminga ako nang malalim. "May sasabihin rin ako sa'yo."

Tumaas ang kilay niya. Nagsimula akong magkwento tungkol kay Rhea. I just hope George wouldn't get pissed by the idea. Kailangan ko 'to sabihin dahil ayokong sarilinin. Ayoko maguluhan.

"Just let her be." Nagulat ako sa sagot ni George. "Mapapagod rin siya. Kagaya nung nangyari sa'yo. Madaling bumitaw kapag hindi na talaga niya kaya."

"What do you want me to do?" Pabulong kong tanong.

"Not me. But you. What do you have to do, Ren?"

"I tried to stop her. Ayaw niya makinig."

"I don't want to talk to her again." Umiling si George at tumiim ang bagang. "Hayaan mo na lang siyang magsawa sa ginagawa niya."

Hayaan siya hanggang magsawa? Hindi ko matantya kung dapat ko bang ipagpasalamat na ayaw na kausapin ni George si Rhea. Napakabato ko kung gano'n ang gagawin niya at napaka-inconsiderate ko kung hahayaan ko na mangyari 'yon. Siguro ay hindi ko rin maatim na gano'n ang gawin ni Rhea sa sarili niya. What if she became suicidal again? What if depression takes over? Naranasan na niya kaya hindi malabong bumalik.

I was torn between what is proper and improper. Dahil kahit iyon pa ang ikakasaya niya, mali pa rin. The proper thing to do is to make her stop. I still care. Pag-aaksayahan ko bang pag-isipan 'to kung wala akong pakialam kanya? Kailangan ko ba iparanas kay Rhea yung naranasan ko dati para umabot rin siya sa puntong makakahanap rin siya ng iba?

Siguro ang swerte ko lang. Maswerte ako na ako yung unang nakaahon sa aming dalawa. Naisip ko kung paano kung siya ang unang naka-move on. Gano'n rin kaya ang kahahantungan ko?

George assured that we're okay. Saka lang ako napanatag. Siguro ay ang paranoid ko lang para isiping may problema kami. Siguro ay gano'n rin siya.

Sa mga sumunod na araw ay inabala ko ang sarili ko. Nagpapadala pa rin si Rhea ng lunch sa opisina ko. Hinayaan ko na lang kahit may pagkakataong hindi ko kinakain. Pero pag tinutusok ako ng konsensya, hindi rin ako nakakatiis.

Madalas nakikita ko siyang nakatingin sa akin at pag gano'n ay kailangan ko umaktong malamig sa kanya. Iniiwasan kong komprontahin siya dahil baka may masabi lang akong hindi maganda. May instances na hindi naiiwasan dahil nasa trabaho kami and we have to be professional.

"I think we have to add another floor for more rooms instead of maximizing the area." Suhestiyon ko nang makita ang draft niya.

"Okay." Tumango siya.

"I'm planning to add a botanical garden. So, no need to maximize the space. We'll save it for an eco room."

Tumango ulit siya habang nagsusulat. Pumangalumbaba ako at kunot-noo siyang tinignan. "Aren't you going to defy me or at least add a better suggestion?"

Napaangat siya ng tingin at namula nang makitang nakatitig ako sa kanya. Napahinga ako nang malalim at umiwas ng tingin. Damn it, Rhea.

"I believe your suggestion is more important than mine."

"But I believe you have a better visualization, Miss Marval." Matabang kong sagot.

"Ang sungit. 'Di ka naman ganyan dati." Bulong niya.

Napanganga ako. "What?"

"Wala, Delgado."

Natigilan kaming pareho. Napahawak siya sa noo niya. "I mean, Sir Delgado."

Sumandal ako sa upuan at napahilot ako sa ulo ko. "I don't know what to do with you anymore."

"Same here." Bulong niya habang nirorolyo ang mga papel. Pinanuod ko lang siya. Nanatili akong tahimik hanggang sa tumingin ulit siya sa akin. "I'll finish this tonight."

Tumango na lang ako at nagbuntong hininga.

Dalawang araw pagtapos no'n ay ginanap ang induction party. Kailangan ko pang pilitin si George para samahan ako.

"Hindi naman ako uma-attend sa ganitong party." Naiirita niyang sabi. "At mas lalong hindi ako nagsusuot ng mga ganitong gown." Halos tumirik ang mata niya at natawa na lang ako. Tinapakan niya ang paa ko gamit ang kanyang takong. Napawi ang ngiti ko at napangiwi sa sakit.

"Your heels is a killer."

"Don't laugh at me." She hissed. Ngumuso na lang ako para hindi ako matawa. Bigla siyang nagseryoso nang mapatingin sa likod ko. "She's here."

Kumunot ang noo ko. Akmang titingin ako sa likod nang pigilan niya ako. "Wala ba siyang kasama?"

"Rhea?" Mahina kong bulong.

"Yeah."

Nagkibit ako ng balikat. "I don't know. Maybe, the Aslejo guy."

"Nandito pa rin 'yon? Don't tell me he's invited?"

"He's one of our investors."

"Paano nangyari 'yon? Why did you let him invest? Hindi mo ba naisip na-"

Pinutol ko ang anumang sasabihin niya. "Hindi ako ang in-charge dyan kundi si Dad. Kung nalaman ko lang din ng masmaaga." Matabang kong sagot. I just hope this night would not be ruined by his presence.

Nang magsimula ang event ay sandali akong umalis sa tabi ni George dahil may mga kinausap akong client ni Dad sa ibang business namin. I was about to go back to our table nang biglang may humila sa braso ko.

"Ren." Nanginginig ang kamay ni Rhea at kahit naka-longsleeve at coat ako ay ramdam ko ang lamig no'n. Nakita ko ang takot sa mata niya. She's almost in panic, restless.

"Hey, calm down." Parang gusto ko ring mataranta lalo na nang makita kong naluluha na siya. "Take a deep breath, Rhea. You're shaking. Anong nangyari?"

Umiling siya sa akin. May binulong siyang hindi ko maintindihan. "What?"

"You have to stop, Shinn."

Napatda ako. Tumalim ang aking mata at tinitigan si Rhea. Napahawak siya sa kanyang bibig. "Anong ginawa niya? May ginawa ba siya sa'yo?"

"No. Not me, Ren. He's angry and he hates you-" Pumikit siya nang mariin. "I'm so sorry. Wala akong magawa. Hindi ko siya mapigilan. Ngayon ko lang nalaman na-"

"Calm down. Calm down." Pinipilit kong kumalma para hindi madagdagan ang pagpapanic niya. Ilang mura ang pinakawalan ko ng tahimik.

That Aslejo is very impulsive. He only cares for his own satisfaction. What about her? If that asshole really cares, he would get her out of this mess and would not make this worse! Hindi ba nakikita ng lalaking 'yon ang epekto nito sa kay Rhea?

"Breathe." Utos ko sa kanya. Saka ko nilibot ang tingin ko sa paligid. Kailangan kong balikan si George. I have a bad feeling about this. Nilingon ko si Rhea na medyo kumalma na. "Stay here, okay?"

Nanlaki ang mata niya at inilingan ako. "No. Sasama ako. I-I have to find, Shinn."

Kaysa magprotesta ay hinayaan ko na lang siya. She sounds scared. Hindi ko napigilang magtanong. "Takot ka ba sa kanya?"

Nanlaki ang mata ni Rhea. "N-No. But I'm afraid of what he can do to you."

Tumiim ang bagang ko. Nakasunod sa akin si Rhea habang papalapit kami sa kung saan ko iniwan si Georgia kanina. Sandali akong natigilan nang makita siyang kausap si Shinn. Nang makalapit ako ay hindi ko nagustuhan ang mga narinig ko.

"Really? Hindi ka nagsisising nagpagamit ka sa isang tao?" Ani Shinn.

Halos mabasag ang ngipin ko sa pagpipigil ng galit. Nagpapagamit? Sino siya para sabihin 'yan?

"Are you pertaining to me and Ren?" Maang na sagot ni Georgia.

"Isn't it obvious? Where's your common sense? You know what? You two are perfectly matched. Isang abusado at isang nagpapaabuso."

Sinampal siya ni Georgia. Bago ko pa mapigil ang sarili ko ay hinila ko ang likod ng coat niya at hinarap ang kanyang mukha saka siya sinuntok ng sunod-sunod hanggang sa bumagsak siya sa sahig.

Hindi ko pa siya kilala ng lubos pero abot langit na ata ang galit ko sa taong 'to. Sino siya para akusahan akong mapang-abuso? Sino siya pasa sabihing nanggagamit lang ako? Tangina.

Bumawi siya ng suntok at hindi ko siya inurungan. I'm too mad to notice the audience. Too mad to note myself that this is a formal event. Formality be damned!

May mga umawat sa amin. Nakita ko si Rhea na hinihila si Shinn at nilalayo sa akin. Matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya. Look what you've done, asshole. Nang bitawan ako ng mga umawat ay humawak sa braso ko si Georgia.

"Let's get out of here." Bulong niya.

Pinauna naming umalis ang dalawa. May mga lumapit sa amin at concern na nagtanong kung ayos lang ako. May nakita akong camera kaya agad kong hinila si Georgia paalis ro'n. Mabilis ko siyang inakay sa parking lot at pinasakay sa kotse. Umikot ako sa driver's seat at sumakay na rin.

Natigilan ako nang makita kong umiiyak siya.

"George. . ." Sambit ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Wala sa loob na napukpok ko ang manibela.

"What else did he tell you?" Mariin kong tanong. Umiling siya ngunit hindi nagsalita. Napamura na ako. "Don't listen to him, George."

Hindi ko alam kung may nasabi pa ang Shinn na 'yon sa kanya o kung mahaba pa ang pag-uusap nila kaysa sa nadatnan ko. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito na parang apektadong apektado sa sinabi ng taong 'yon.

"Kung ano man ang sinabi niya sa'yo, kalimutan mo na. Please. Huwag ka maniwala sa kanya. He doesn't know anything. Hindi niya tayo kilala." Hinaplos ko ang likod niya. "Tahan na."

Nang tumango siya ay pilit akong ngumiti. Tumatahimik na kami pero mayro'ng pilit na nanggugulo. Kung may galit sa akin ang lalaking 'yon, ako ang harapin niya. Hindi si Georgia.

Maski si Rhea ay natatakot sa kayang gawin ng kaibigan niya. The man has no control over himself.

"Let's go home." Pinaandar ko ang kotse ko palayo sa building. Nang maihatid ko si George, nakatanggap naman ako ng tawag galing kay Dad.

"Nakarating sa akin ang nangyari sa party, hijo. Bakit umabot sa gano'n?"

Maikling paliwanag lang ang ibinigay ko kay Dad. Sinabi kong kakausapin ko na lang siya ulit bukas dahil gusto ko magpahinga. Nang mailatag ko ang katawan sa kama ay hindi rin ako agad nakatulog. Nagulo lang ang higaan.

I texted George pero hindi siya nagreply. Instead, nakatanggap ako ng text galing kay Rhea.

Rhea : I'm so sorry for the mess. Sorry rin kay George. Please, tell her.

Napahawak ako sa noo ko. Nag-iisip ako kung magrereply ba ako o hindi hanggang sa nakatulugan ko na lang.

Kinabukasan ay pumasok pa rin ako sa trabaho. Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ko sa swivel chair ay dumating si Ervis at nanadtad na ng tanong.

"Anong nangyari kagabi? Sino yung nakasuntukan mo?" Magkasunod niyang tanong.

"Man, give me a break." Napailing ako.

"Come on, Ren. Kung tungkol lang 'to sa kumpanya, hindi ako mangungulit. But I guess not. George was also involve. Balita ko investor raw 'yon. Bakit nagkagano'n?"

"It's a long story. I'll tell you next time. Marami lang akong tatapusing trabaho ngayon."

Napabuntong hininga na lang si Ervis. Marahil ay napagtanto niyang wala siyang mapapalang sagot sa akin ngayon. There's no lunch from Rhea. Ang nakarating sa akin ay hindi siya pumasok ngayong araw. She should take a rest. Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga papeles.

Natapos ako sa trabaho na wala akong natanggap na isang text galing kay George. I got worried. Tinawagan ko pero out of reach. Hindi ako nag-isip ng kung ano. Baka lowbat lang o abala.

Maaga akong umalis sa institute at nagbaka-sakaling maaabutan ko si George sa university. Nang makausap ko ang co-trainer niya ay nagulat ako nang malamang hindi siya pumasok.

"Ang alam ko nag-file siya ng leave."

"Leave?" Gagad ko. She didn't tell me that.

"Oo. Baka effective today. Hindi niya nasabi sa akin, eh." Kumunot ang noo ng lalaki. "Hindi ba niya nasabi sa'yo?"

Napailing na lang ako saka nagpaalam. Dumiretso ako sa apartment niya pero nakalock 'yon. Hindi ko tinigilan ang pagkatok.

"Damn it." Bumalik ako sa kotse at kinuha ang spare key ng apartment niya. Kinakabahan ako pero ayoko mag-isip ng malalim na dahilan.

Nang mapasok ko ang apartment niya ay madilim ro'n. "George?"

Walang tao. Sandali akong natigilan at napaisip kung saan pupunta si George. Dali-dali akong lumabas ng apartment niya nang bigla kong makasalubong ang nagpapaupa.

"Oh? Galing ka ba sa apartment ni George? Wala siya dyan."

Mas lalong tumindi ang kaba na nararamdaman ko. "Nasabi po ba sa inyo kung saan siya pupunta?"

Umiling ang matandang babae. "Hindi, eh. Ang sabi niya lang mawawala siya nang ilang linggo."

"Ilang linggo?" Bulalas ko.

"Hindi ba siya nagpaalam sa'yo?" Naguguluhang sabi ng matandang babae.

Habang nasa daan ako ay tinatawagan ko pa rin ang numero niya. Out of reach pa rin. Napamura na lang ako dahil hindi ko alam kung saan siya hahanapin.

Bakit siya aalis? Bakit hindi man lang nagpaalam sa akin?

Umuwi muna ako sa bahay para makapagbihis at para na rin makapag-isip nang maayos. Nananakit ang ulo ko pero hindi pwedeng buong araw na ganito.

"Ren, hijo."

Napatigil ako sa pag-akyat nang tawagin ako ni Manang Luz.

"Galing dito si Georgia kanina."

Napatuwid ako ng tayo. Muli akong bumaba sa hagdan. "Ano hong oras?"

"Kanina pang umaga." May kinuha siya sa apron niya na isang puting papel na nakatupi. "Pinaabot niya sa'yo."

"Wala na ba siyang ibang nasabi, Manang?"

Umiling ang matanda at iniwan na ako. Binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat ro'n.

'Don't look after me. Babalik rin ako. I can't face you right now and I'm sorry for that. I hope pagbalik ko, pare-parehas na tayong matauhan. And, Ren, I'm not as worthy as what you think. I hope you'll do something for her instead of waiting for me.'

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
3K 128 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HER POV] BOOK 2 Cover by: PANANABELS
107K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...