FooIish Heart [COMPLETE]

By AKOSICRAZYGIRL

44.8K 1.1K 159

[NO SOFT COPIES] "Don't hold on to the past too tight, the future may never come." Lagi nakatatak sa isip ko... More

Prologue:
Foolish Heart [1]
Foolish Heart [2]
Foolish Heart [3]
Foolish Heart [4]
Foolish Heart [5]
Foolish Heart [6]
Foolish Heart [7]
Foolish Heart [8]
Foolish Heart [9]
Foolish Heart [10]
Foolish Heart [11]
Foolish Heart [12]
Foolish Heart [13]
Foolish Heart [14]
Foolish Heart [15]
Foolish Heart [16]
Foolish Heart [17]
Foolish Heart [18]
Foolish Heart [19]
Foolish Heart [20]
Foolish Heart [21]
Foolish Heart [23]
Foolish Heart [24]
Foolish Heart [25]
Foolish Heart [26]
Foolish Heart [27]
Foolish Heart [28]
Foolish Heart [29]
Foolish Heart [30]
"Jerome Cruz: Prinsesa Ko."
Foolish Heart [31]
Foolish Heart [32]
Foolish Heart [33]
Foolish Heart [34]
Foolish Heart [35]
"Zen Reyes: One last chance.."
Foolish Heart [36]
Foolish Heart [37]
Foolish Heart [38]
Foolish Heart [39]
Foolish Heart [40]
EPILOGUE:
Special Chapter : Ash & Dez
Special Chapter: Jerome & Mikaela
[PROMOTE!!!] MY NAME IS HEARTBREAKER * Teaser *
[PROMOTE!!!] ANG BOYFRIEND KONG BADING
[PROMOTE!!!] BLACK & WHITE UNIVERSITY
[PROMOTE] MY BOYFRIEND IS GAY ON DREAME

Foolish Heart [22]

869 29 3
By AKOSICRAZYGIRL



Foolish Heart [22]


"Nakakainis ka Zen! Ang ayos ng jamming natin tapos bigla kang tatawa, wag na nga tayo mag-cover ng kanta." Tinawanan niya lang ako.


"Sorry na , ang cute mo kasi kumanta." Tiningnan ko lang siya ng masama.


"Lagi na lang! Hindi na ako natutuwa."


"Nako, nag-away na kayo dyan. Ito ginawan ko kayo ng meryenda!" Tapos nilapag ni mama yung pancake na ginawa niya sa lamesa at tubig.


"Salamat po Tita." 


"Ma, nilagyan niyo ba ng lason yung pancake para matuluyan na itong unggoy na ito." Tumawa si mama sa sinabi ko.


"Baby girl, the more you hate the more you love." Pati ba naman si mama aasarin din ako? 


"Oo nga naman Mikaela." Dinuktungan pa niya.


"Pero sigurado ka ba Zen na liligawan mo ang baby girl ko?" Kaya nandito si Zen kasi hihingi siya ng permiso kila Mama kung pwede ako ligawan, siguro panahon naman na pagbigyan ko siya at kalimutan na si Jerome. Dalawang taon na ang nakakalipas, ayaw ko ng umasa na makikita ko siya.


"Opo, sigurado po ako." Sabay tingin sa akin ni Zen.


"Hindi naman problema sa akin kung liligawan mo siya, approved ka naman sa akin tsaka alam ko pinalaki kang mabait ng magulang mo kaya lang kung manliligaw ka dapat lagi dito sa bahay ah.Tsaka wag masyadong magmadali mga bata pa rin kayo,wala pa talaga kayo sa hustong edad kahit sabihin nating matured na kayo mag-isip."


"Opo Tita, gagawin ko po yan para mapatunayan ko lang kay Mikaela na seryoso ako." Tumango-tango si mama.


"Pero nasa daddy niya parin ang desisyon kung papayagan niya na ba magkaboyfriend si Mikaela."


"edi ba po Tita, nagkaboyfriend na si Mikaela." Tiningnan ko ng masama si Zen pero tiningnan niya lang ako na parang wala naman siyang sinabing mali.


"Baby girl, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" Ngumiti ako kay Mama.


"Ahh,wala lang po yun Ma. Hindi naman po ako nagseryoso sakanya, promise Ma! Wala kaming ginawang chu-chu ni William." Tinitigan lang ako ni mama ng matagal.


"O sige kung yan ang sabi mo, maiwan ko muna kayo." Sabay alis ni mama at pagkaalis agad niya ay bigla kong pinalo si Zen.


"ARAY KO NAMAN! BAKIT?"


"Pahamak ka alam mo ba yun?"


"Akala ko kasi alam ni Tita, malay ko bang wala palang alam."


"Sa susunod kasi wag masyadong madaldal ha." 


"Opo, sorry." 


" Good." Tumahimik kami muna at hinayaan ko muna siyang kumain ng pancake.


"Maga, bakit parang wala Ate mo dito pansin ko lang?"


"Ah, may sarili na kasi silang bahay ni Kuya Tofer. Namimiss ko na nga si Ate Fajuzia e, kahit napakasungit nun lagi sa akin."


"May asawa na Ate mo?"


"Ha? Oo, bakit?"


"Crush ko pa naman Ate mo." Tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.


"Selos ka naman?" Dagdag niya.


"Asa, bakit naman ako magseselos noh?"


"Malay ko bang nagugustuhan mo na ang isang gwapong katulad ko?" Natawa ako sa sinabi niya.


"Napaka-feeler mo talaga." Kinuha ko yung Ipad ko at Iniopen ko yung FB account ko pero biglang inagawa ni Zen yung Ipad.


"Ayoko may kahati sa atensyon mo." Namula ako sa sinabi niya pero inagaw ko sakanya yung Ipad.


"Akin na yan, magpapasalamat pa ako sa mga nagcongrats sa akin."


"Maga, hindi mo naman sila kailangan isasahin i-mention para pasalamatan sapat na yung status mong pasasalamat masaya na sila doon." Napanguso ako.


"Talaga? Feeling ko kasi pag di ko sila pinasalamat isa-isa baka isipin nila na isnabera ako."


"Hindi yan basta ang mahalaga nagpasalamat ka di ba?"


"Sige, pero akin na muna yang Ipad ko titingnan ko yung mga naglike at nagrepost ng cover ko sa soundcloud." Pero di niya parin binigay sa akin, siya ang tumingin ng profile ko sa soundcloud.


"Wow, famous ka Maga ha." Hindi ako umimik, hinawakan niya yung pisngi ko pero pinalo ko ito.


"Galit na talaga siya." Sabi niya pero nagulat ako nung pinicturan niya ako tas tumawa siya bigla.


"WAAAA. NAKAKAINIS KA NAMAN ! BURAHIN MO YAN." Sigaw ko sakanya at inaagaw ko yung cellphone niya pero bigla siyang tumakbo at hinabol ko siya kaso ang bilis niyang tumakbo, hindi ko siya maabutan. 


"Sige ka! Pag hindi mo yan binura bubustedin na agad kita." Napahinto naman siya sa pagtakbo at lumapit sa akin.


"Okay lang, kahit ilang beses mo akong bustedin liligawan kita paulit-ulit." Tiningnan ko siya ng masama dahilan para picturan niya ako ulit.


"Ipost ko kaya ito sa Fb ano kaya sasabihin ng mga fans mo sa picture na ito?" Sinakal ko yung leeg niya pero hindi ganun kahigpit.


"Bwisit ka!" Pinalo-palo niya yung kamay ko pero tumawa lang ako.


"Ano ba m-maga! H-hindi ako makakahinga!" Inalis ko yung pagkahawak ko sa leeg niya at  nagulat ako nung bigla niya ako kilitiin dahilan para mapahiga ako.


"MIKAELA!" 


"P-papa!" Bigla ako napabangon  kasi baka kung ano pa isipin ni papa sa ginawa sa akin ni Zen,


"Ahh. Gandang hapon po Tito." Tiningnan lang ng masama ni papa si Zen, nako baka kung ano isipin ni papa na masama.


"Oh, anong nangyari dito?" Singit ni mama.


"Nakita ko yung anak natin na nakikipagharutan sa kapitbahay natin." Seryosong sabi ni Papa, Waaa. Kinakabahan ako, ayoko pa namang makitang galit si Papa naalala ko kasi yung nagalit siya kay Ate nung sa ospital dati.


"Mikaela." Waa, pati na din si mama naging seryoso na.


"Sorry po tito at tita.Wag po sana kayong magalit sakanya, sorry po." Tiningnan ko si Zen na alam ko kabado na din sa nangyayari.


"Bakit ka ba nandito Zen?" Tanong ni papa sakanya.


"Ahh ano po, umaakyat po ng ligaw kay Mikaela." Parang dumoble yata kaba ko nung sinabi ni Zen iyon, hindi ko alam kung ano mangyayari.


"Manliligaw ka sa anak ko."


"Ah opo." Tapos tiningnan ko si papa na nakatitig lang kay Zen parang onti lang lulusawin niya si Zen e.


"Papayag lang akong ligawan mo ang anak ko kapag nakita kitang seryoso sakanya.Pero sa ngayon, hindi ako pumapayag na ligawan mo siya.Ayoko matulad si Mikaela sa Ate Fajuzia niya, kaya kung okay lang sayo Zen pwedeng bang kausapin ko muna siya."


"Naintinidihan ko po." Tumingin ako kay Zen na parang medyo nalungkot kahit pinipilit niyang ngumiti ngayon.


"Zen , iho.  Nagsabi ka sa akin na papatunayan mo na seryoso ka kay Mikaela kaya ipakita mo sa amin iyon." Ngumiti si Zen sa sinabi ni Mama at tumango siya. Nagpaalam na din siya sa amin na uuwi na muna para makapag-usap kaming tatlo nila Papa.


             Nandito kami ngayon sa Sala at nakatingin lang sila Papa at mama sa akin. Naghihintay ako kung ano ang tatanungin nila sa akin.


"Mikaela, anak. Mag-aral ka muna ng mabuti, kahit may umaaligid sayo wag mo pabayaan ang pag-aaral mo." Simula ni Papa.


"Opo."


" Ikaw naman bakit di mo pinayagan ligawan ni Zen ang baby girl natin? Mabait naman siya ah." Si mama.


"Alam kong mabait na bata si Zen kaya sinusubukan ko siya kung hanggang saan ang kaya niya para ipakita sa atin na seryoso siya kay Mikaela at para malaman mo Mikaela na hindi porke't crush o onting pakilig lang sayo ng lalaki ay mahuhulog na agad ang loob mo sakanya. Kailangan mo parin makasigurado  na gusto ka niya talaga."  Tinatak ko sa isip ko ang sinabi ni Papa, tumango-tango ako. Tama si papa dapat magsigurado ako kay Zen mamaya kung ano  lang balak nun sa akin.


"Ayan baby girl, tandaan mo ang sabi ni Papa mo ha. Tandaan mo lalaki parin si Zen at mga bata pa kayo pero boto ako kay Zen para sayo kaysa kay Jerome."


"Mama naman." 


"Bakit? Wag mong sabihin may gusto ka parin kay Jerome?" Napaiwas ako ng tingin sa sinabi ni mama.


"Nako, baby girl. Wag mo na gustuhin ang taong di nagpapakita sayo, tsaka nandyan naman para sayo si Zen."


"Fia, ano ba. Kinukunsinte mo pa ang anak natin." Seryosong sabi ni papa kay mama kaya natawa ako bigla kasi nakakatuwa sila tingnan. 


"Ang sungit mo nanaman kaya namana sayo yan ni Fajuzia."


                       Naalala ko tuloy yung kami ni Ate Fajuzia lagi namin pipilitin si Mama at Papa na ikwento ang love story nila , hinding-hindi talaga ako magsasawa pakinggan ang love story. Hirap sa buhay ang pamilya ni mama noon kaya sa murang edad niya nag-trabaho siya agad sakto namasukan si Mama sa Cervantes Clothing Company tas kasali siya sa Marketing department tutal ayun ang kinukuhang kurso ni Mama bago siya huminto sa pag-aaral at dahil sa kagustuhan ni mama na tulungan ang pamilya niya ginawa niya ang lahat hanggang sa naging secretary siya ni Papa. 

                       Napakasungit daw ni papa noon, lahat daw sinusungitan niya minsan may makikita si Mama na umiiyak na kapwa niyang ka-office mate gusto tulungan ni Mama sila pero wala siyang magawa kasi natatakot siya na baka mawalan ng trabaho.Tapos isang araw daw, ang lakas ng ulan at basang-basa si papa na pumasok sa opisina dahil nagbreak sila nung girlfriend niya naging concern si mama sakanya pero nagalit sakanya si Papa at hindi nakapagpigil si Mama sinagot-sagot niya si Papa. At dahil daw doon parang natauhan si papa ng dahil kay mama, nagulat siya na may isang babaeng katulad ni mama na kayang mapatahimik siya at mapaamo ang katulad niyang masungit. Ayun habang tumagal, niligawan ni papa si mama tapos ayun 20 years na sila ni papa ♥ 


"Tara labas tayong tatlo." Yaya ni papa, bigla naman ako natuwa.


"Talaga papa?!" Yumakap agad ako kay papa.


"Saan niyo gusto kumain?"


"Tayong tatlo lang? Hindi ba natin yayain si Fajuzia?" Tanong ni mama.


"Tinawagan ko siya kanina pero mukhang may away nanaman sila ni Tofer kaya hayaan muna natin siya. Mag-ayos na kayo at maya-maya lang ay aalis na tayo." Na-excite tuloy ako bigla, bihira na lang kasi kami lumabas nila Papa kaya masaya ako ngayon pero mas magiging masaya ako kung kumpleto kami ngayon.


*******************


[A/n]: Itong chapter na ito ay galing sa Asawa kong bading side story. Dinuktong ko lang po dito! enjoy reading~

                   Bumalik ako sa dati kong school noong highschool ako, ngayon isa na akong college student sa McAhon University at ang course ko ay Multimedia Arts. So far Im enjoying my course ♥ At ngayon din ay sumasabak ako sa pag-aartista, trainee pa lang ako. Minsan din nagmomodel ako sa company nila Dad.

               Anyway, kaya ako nandito sa school ko noong highschool ako, dahil kumuha ako ng mga documents para sa dagdag files sa college ko. Haay~ nakakamiss din pala tong school ko, naalala ko tuloy sila. Yung mga naging kaaway ko, kamusta na kaya sila? Hahaha. And lastly, kamusta na kaya si Jerome ? Ang naging espesyal sa buhay ko. Haaay~


"Ms.Cervantes." Tawag sa akin ng isang teacher. Kaya lumapit na agad ako, tapos may inabot siya sa aking file. 


"Ay thank you po Maam." Nginitian niya ako.


"Ganda mo iha."


"Ay maliit na bagay po, haha. Thank you. Bagong teacher lang po kayo dito noh?"


"Yes, last year lang ako nagsimula."


"Ganon po? Goodluck po sa pagtuturo niyo po ha. God bless po." Pangiti kong sabi.


"Salamat, pagpalain ka ng Diyos."


"Maraming Salamat po. Sige po, alis na po ako."


"Mag-iingat ka." Nginitian ko si Maam at umalis na ako. Pero bago ako umalis sa school na ito, dumaan muna ako sa dating kong classroom, yung pinaka-memorable na classroom para sa akin ♥


                       IV- ever. Oo ayan ang pangalan ng classroom na memorable sa akin, dahil sa forever HAHAHA. Naalala ko tuloy yung mga nangyari dito, yung kalokohan, awayan , yung mga pakilig at higit sa lahat ay yung nasaktan ako.


               Pumasok ako sa classroom na yun, buti na lang bukas at walang klase ngayon. Kaya pwedeng-pwede ako magtagal dito sa room. Umupo ako sa dati kong pwesto. Haay~ memories. Napau-ob ako, eto nanaman ang nararamdaman ko. Bakit ba ganito? hirap na hirap ko siyang makalimutan.Nakakainis naman, akala ko nakapag-move on na ako.Hindi naman naging kami, pero ganito ako sakanya. I miss him so much, I miss Jerome Cruz.


                                    Naala ko tuloy yung prom night namin, siya ang first and last dance ko. Sabi niya sa akin, gusto niya ako pero hindi pa siya handa makipagrelasyon kasi bata pa kami pero di ko malimutan yung sinabi niya sa akin na espesyal ako sakanya. :''> That night is very special ♥

                                       After nun, naging close kami nun ni Jerome at sobrang saya ko nun, syempre ikaw ba naman na crush mo siya since gradeschool tapos biglang magiging sweet kami :''>

                                        Para ka ng nanalo sa lotto nun pero kapag nanalo ka sa lotto at di mo pinahalagahan sa huli maglalaho din ang pera na napalunan mo, ganun ang nangyari samin yung feelings niya sa akin biglang naglaho </3

                                    Graduation day, bigla niyang sinabi sa akin na : " Hindi na kita gusto. Ayoko na sayo." Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para sabihin niya yun sa akin, sa tuwing naalala ko yun.Nasasaktan parin ako. Haay~ piste, iniiyakan ko nanaman siya. Iniiyakan ko nanaman ang walang kwentang tao. </3 Mas mabuti na umalis na ako dito.


"Ikaw pala yan, Long time no see."


"AY! KABAYONG BAKA" narinig ko siyang tumawa, hindi pa rin siya nagbabago.Bwiset nakakagulat kasi siya, nasa likod ko lang pala siya.


"Hanggang ngayon magugulatin ka pa rin?" Naiiyak na natatawa niyang sabi.


"Masaya ka niyan?"


"Ang sungit mo pa rin Mikaela."


"Mapang-asar ka pa rin Jerome." Tapos nginitian niya lang ako. Ughh, I hate this feeling. (-_-)


"Ganun talaga.So kamusta ka na?" Nginitian ko lang siya.


"Bakit mo pa ako kailangan kamustahin? Di ba dapat yung taong ayaw mo, dapat hindi mo kinakamusta?" Akala ko magagalit siya sa sinabi ko pero mas lalo siyang ngumiti sa sinabi ko.Problema nito?


" Mahal mo pa rin ako noh?" Napataas kilay ko sa sinabi niya at tumawa na lang ako.


"Kapal mo naman. Like duh, its been 2 years na hindi tayo nagkikita noh?" Tumawa lang siya.


" Kilalang-kilala kita Mikaela. " Natahimik na lang ako sa sinabi niya at tinitigan ko lang siya.


"Gusto mo nga ako since gradeschool e, mas madaming taon yun Mikaela. Hindi yun matatalo ng 2 years ng di natin pagkikita.Alam kong mahal mo pa rin ako, kaya nga nandito ka di ba? At sa dati mo pang pwesto. Binalikan mo ang memories natin dalawa." Umiwas ako ng tingin sakanya.


"Madaming nagbago sa 2 years na yun Jerome. Wala kang alam."


"Nag-aaral ka ngayon sa McAhon University at ang course mo ay Multimedia Arts. Ngayon trainee ka isang sikat na artist company.Madaming nanliligaw sayo pero binubusted mo lagi. Sumali ka sa isang beauty competition sa school niyo at ikaw ang champion.Nagrerecord ka ng nga kanta mo sa soundcloud at madami may gusto sa mga cover mo.Model ka din minsan sa company ng Cervantes Clothing Company.Pag naiistress ka dumederecho ka sa Dirty Sorbetes Shop at kakain ka lang ng madaming ice cream dun. Ano pang gusto mo malaman Mikaela?" What? Bakit niya alam yun.


"Stalker ba kita? Bakit alam mo lahat yun?"


"Ngayon,masasabi mo pa bang wala akong alam sayo? "


"Kaya ka din ba nandito?"


"Bingo! Number 1 mo akong stalker Mikaela."


"Bakit? bakit mo yun ginagawa?Di ba, ayaw mo sa akin?"


"Parehas lang tayo ng pinapasukan Mikaela, sa kabilang building lang ako pero lagi kitang nakikita. " Pangiti niya lang sinabi sa akin, naguguluhan ako sakanya ha.


"Alam mo naguguluhan ako. Bakit naman magiging stalker ko ang taong ayaw sa akin?"


"Kasi itong taong ayaw sayo ay minahal ka na ng sobra.Kung alam mo lang kung anong ginawa mo sa akin nun, kaya ko sinabi yun sayo noon sa graduation." Napakunot noo ko sa sinabi niya.


"Ano bang ginawa ko sayo?"


"Secret!" Sabay alis niya kaya hinabol ko agad siya.


"Jerome, mahal mo ba talaga ako?"


"Tsaka ko na yan sasagutin pag alam mo na yung ginawa mo noon.By the way, ako yung secret admirer mo." Natulala ako sa sinabi niya, siya yung secret admire ko? Siya yung nagbibigay lagi sa akin ng letter sa locker at red roses. Ibig sabihin, KYAAAAAAAA~ ♥ :''> :)


============================

Vote.Comment.Fan

(C) AKOSICRAZYGIRL

Continue Reading

You'll Also Like

64.6K 888 16
House Of Demons #1 (Fantasy) Kung alam mo ang kapalaran mo, haharapin mo ba 'to? O habangbuhay mo 'tong tatakbuhan? Galing sa kilalang pamilya ng mga...
1.3K 466 26
Set in the late nineteenth century Philippines, this classic tale revolves around a fourteen-year-old boy named Nicolas, and his mute, young foster b...
2.4K 169 13
Two weeks ago namatay sa isang car accident ang fiancee ni Kath kasama ang alaga nilang pusa na si Perry. Ngunit, nang matagpuan nila ang katawan ni...
71.3K 1.3K 95
Si Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdam...