"Dreaming of you"

By cheyserr

511 0 1

More

"Dreaming of you"
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten

Chapter six

42 0 0
By cheyserr

Chapter 6

     Isang umaga habang tahimik lang na nakaupo si Charsie sa kanilang sufa, at nanonood lang ng T.V. may kumatok sa kanyang pinto kaya sya’y tumayo para buksan iyon. Nang nabuksan nya na ang pinto nakita nyang wala naming tao sa labas nila. 

     “Wala naman tao.”

Sabi ni Charsie. Maya maya ay lumabas sya ng bahay, at nakiramdam.

     “Charsie!”

     “Ay!”

Sigaw ni Charsie. Ginulat kasi sya ni Inoy, na nagtago lang pala sa gilid ng bahay nila Charsie.

     “Inoy…”

Bangit ni Charsie nung nakaharap na it okay Inoy.

     “Nakakaasar ka! Nangulat ka nanaman, hmmp!”

Sabay isnab kay Inoy.

     “Sorry na, ito naman tampo kaagad.”

     “Huwag mo nga akong kausapin.”

Sabi pa ni Charsie kay Inoy.

     “Sige, kung iyan ang gusto mo hindi na talaga kita kakausapin.”

Sabi naman nito ni Inoy na kunwari ay nagtatampo din. Pareho lang silang tahimik , at nakatayo lang sa labas ng bahay. Maya maya lang ay biglang umulan ng malakas.

     “Ay! Umulan na!”

Sabi ni Charsie na agad ng pumasok sa bahay nila, samantalang si Inoy ay nasa labas parin ng bahay, at tahimik. hinayaan lang nito na mabasa sya ng ulan.

     "Inoy, ano kaba? wala kabang pakiramdam? pumasok kana dito sa loob!"

Sabi ni Charsie pero parang walang naririnig itong si Inoy, nakatayo parin ito sa labas ng bahay nila Charsie.

     "Inoy, ang kulit mo! magkakasakit ka nyan."

Naiinis ng sabi ni Charsie, pero hindi parin talaga sya pinapansin ni Inoy. maya maya lumabas na ng bahay si Charsie, at lumapit ito kay Inoy.

     "Sorry na, Inoy! nagjo-joke lang naman ako kanina eh!"

Sabi ni Charsie, at hinawakan pa nito ang kamay ni Inoy.

     "Ano bang gusto mong gawin ko para pumasok kana sa loob huh?"

Maya maya si Inoy ay ngumiti.

     "Kiss mo ako."

Nakangiting biro ni Inoy kay Charsie. maya maya hinalikan nga ni Charsie si Inoy sa labi nito kaya nagulat itong si Inoy, hindi kasi ito makapaniwala na gagawin iyon sa kanya ni Charsie.

     "Oh ayan...ginawa kona ang gusto mo kaya pumasok na tayo sa loob, basang basa na tayo oh!"

Sabi ni Charsie na hinila na si Inoy papasok sa bahay.

     Nang nasa loob na sila ng bahay, nagbihis muna si Charsie sa kwarto nito, at pagkatapos non ay dinalhan ni Charsie si Inoy ng tuwalyang pamunas nito dahil basang basa talaga ito sa ulan.

     "Oh ito ang tuwalyang ipamunas mo! hmm...hubarin mo na kaya iyang T-shirt mo."

Sabi ni Charsie matapos ibigay ang tuwalya.

     "Maghuhubad ako? sige pero huwag kang titingin huh!"

Pabirong sabi ni Inoy, at natawa naman itong si Charsie.

     "Hehehe! sira ka talaga! T-shirt mo lang naman ang pinapahubad ko sayo no!"

Nakangiting sabi ni Charsie. maya maya hinubad na ni Inoy ang T-shirt nya kaya naka sando na lang ito ng kulay puti. pagkatapos non kinuha ni Charsie ang hinubad na T-shirt ni Inoy upang isampay sa likod ng bahay nila, at pagkatapos non ay bumalik na si Charsie sa sala, doon sa kinaroroonan ni Inoy, at naupo narin ito sa tabi ni Inoy.

     "Hindi ko akalain na matampuhin ka pala, Inoy."

     :Hindi naman, joke lang iyon para malaman ko kung gaano ako kahalaga sayo."

Nakangiting sabi ni Inoy.

     "Ahh....ganon? pasaway ka talaga! pinahirapan mo pa ako huh!"

Sabi ni Charsie sabay kurot sa pisngi ni Inoy.

     "Charsie..."

     "Hmm?"

     "Ang saya saya ko kasi nakilala kita, mabuti nalang plano ni God na magkakilala tayo, bakit kaya? hmm...God maraming salamat huh!"

     "He he he! nakakatuwa ka naman."

     "He he he! ikaw din nakakatuwa, ang ganda mo lalo pag tumatawa ka."

     "Hmm.....bolero."

Nakangiti pang sabi ni Charsie. maya maya natahimik bigla si Inoy.

     "Oh bakit bigla kang natahimik diyan, at parang nalungkot huh?"

Tanong ni Charsie.

     "Charsie, aalis na pala ako."

Sabi ni Inoy kaya natahimik din itong si Charsie, nalungkot din kasi ito sa sinabi ni Inoy na aalis na ito.

     "Babalik ka paba?"

Nalulungkot na tanong ni Charsie na hindi pa makatingin kay Inoy, naiiyak kasi ito, at nahihiya syang ipakita iyon kay Inoy.

     "Hindi ko masabi pero magkikita pa tayo, Charsie. promise ko sayo."

     "kailan naman ang alis mo?"

     "Baka sa December 31, ng umaga. Charsie may gusto sana akong sabihin sayo."

     "Ano iyon?"

     "Charsie, ma...Ma..."

Hindi maituloy tuloy na sasabihin ni Inoy.

     "Ano?"

     "Ma-mimis kita ng sobra!"

sabi ni Inoy, pero hindi lang naman iyon ang gusto nyang sabihin kay Charsie, gusto nyang sabihin dito na mahal na mahal nya itong si Charsie.

     Isang umaga walang magawa si Inoy kaya nakahiga lang ito sa kanyang kama, doon sa kanyang kwarto. iniisip nito si Charsie, dahil ilang araw nalang sya'y aalis na. maya maya biglang pumasok sa kwarto nya si Enzo.

     "Tito, laro tayo ng basketboll!"

Yaya ni Enzo pero hindi umimik si Inoy.

     "Tito, bakit malungkot ka?"

     "May mamimis kasi akong tao pag umalis na ako dito."

Sabi ni Enzo, at naupo ito.

     "Si ate Char no?"

     "Oo."

     "kaya pala...."

     "Malapit na palang umalis si Inoy, nalulungkot ako."

Sabi ni Charsie sa kanyang isip habang nakaupo lang din ito sa kanyang kama. maya maya biglang may naalala ito.

     "Teka...kumusta na nga pala yung lalaki na nasa panaginip ko? hindi ko na sya napapanaginipan ah!"

Sabi nito nung naalala nito bigla ang lalaki sa panaginip nya na hindi nya parin makilala ang mukha ng lalaking iyon, pero sa panaginip nya kilalang kilala nya ang lalaking iyon.

     "Sino kaya ang lalaking iyon? hindi ko parin talaga makilala kung sino talaga ang lalaking nasa panaginip ko pero kilalang kilala ko sya sa panaginip ko, at close kami! hmm..."

     "Sana mapanaginipan ko sya ulit, at sana makita kona ng malinaw ang mukha nya, alam ko gwapo sya. hmm...pero hindi narin pala mahalaga iyon, may nagugustuhan na naman akong lalaki eh."

     Sabi nito sa isip sabay ngiti. may nagugustuhan na kasi syang lalaki, at si Inoy iyon walang iba.

     Makalipas pa ang ilang araw, isang gabi habang tulog  si Charsie, nanaginip muli ito. sa panaginip nito kasama nya nanaman ang lalaking lagi nyang napapanaginipan non na kilala nya na sa pangalang Jairon. sa panaginip nyang iyon, malinaw nya ng nakita ang mukha ng lalake, at ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Inoy.

     "Jairon, may sasabihin ako sayo."

Sabi ni Charsie kay Jairon sa panaginip nya.

     "Ano yun? Ah...gusto mo ng umuwi?"

     "Ayoko pa, gusto pa kitang makasama."

     "Ganon ba? ganon din ako sayo, gusto ko...lagi kitang kasama, gusto ko lagi kang nasa tabi ko. ahm...anong sasabihin mo? ako rin kasi may sasabihin sayo."

     "May sasabihin karin? sige sabihin mo muna ang sasabhin mo!"

     "Charsie, mahal kita."

Sabi ni Jairon.

     "Talaga? mahal mo ako?"

     "Oo, Charsie."

     "Jairon, iyon din ang gusto kong sabihin sayo! ma...mahal din kita, Jairon."

Sabi ni Charsie na inamin narin kay jairon ang nararamdaman nya dito. maya maya ng maghahalikan na ang dalawa, bigla ng nagising si Charsie, at gulat na gulat si Charsie ng magising. nakita nya na kasing malinaw ang mukha ng lalaki sa panaginip nya.

     "Si Inoy! mukha ni Inoy ang nakita ko sa panaginip ko! ibig sabihin...si Inoy ang palagi kong kasama sa panaginip ko."

Sabi ni Charsie nang magising ng alas 3:00 ng madaling araw palang. maya maya bumangon pa ito.

     "Sa panaginip ko mahal nya ako, at mahal ko rin sya...anong ibig sabihin non? bakit ganon?"

Sunod sunod pa nitong tanong.

     "Jairon ang tawag ko kay Inoy sa panaginip ko, hindi kaya...iyon ang tunay nyang pangalan?"

Tanong pa muli nito. maya maya sya'y muling nahiga na iniisip parin ang lalaking nasa panaginip nya na si Inoy pala.

     Kinaumagahan, nag ayos ng kaunti si Charsie ng sarili nya, at pagkatapos non ay nagtungo sya agad sa bahay nila Iris. may gusto kasi syang malaman. nang nakarating na sya doon, si Enzo kaagad ang nakita nya.

     "Enzo, nasaan si Inoy?"

Tanong agad ni Charsie nung nasa labas palang sya ng bahay nila Enzo, doon sa may terrace. maya maya lumabas ng bahay si Iris, at may dala itong sulat na para kay Charsie. Nang naiabot na ni Iris kay Charsie ang sulat, agad na iyong binasa ni Charsie.

     "Hi...Charsie, ngiti naman diyan! he he he! ahm...sorry kung hindi na ako nakapag-paalam sayo sa personal ah! tulog kapa kasi ng pumunta ako sa inyo, Charsie...promise ko sayo babalik ako, at pag balik ko may ipagtatapat ako sayo. mamimis kita ng sobra, sana ganon ka din sakin, sige...hangang dito nalang, wait! may nakalimutan pa pala akong sabihin, hindi mo pa pala alam ang tunay kong name. I'm Jairon Darenz Vicente. maganda ba? he he he! joke, bye Charsie...take care always, umuah!!!"

                                                                                                               "JAIRON DARENZ VICENTE"

Sulat ni Inoy na may halo pang biro para matawa naman si Charsie sa oras na mabasa na nito ang sulat nya, pero naiyak itong si Charsie nang mabasa ang sulat na iyon ni Inoy.

     "Si Inoy nga ang lalaki sa panaginip ko, sya si Jairon."

Naiiyak na sabi ni Charsie sa isip.

     "Sya po pala si Jairon, ate Iris?"

     "Oo, Charsie. nalulungkot din ako sa pag alis nya pero alam ko na babalik sya."

Sabi ni Iris.

     Isang hapon nagtungo si Enzo sa bahay nila Piero para yayain itong maglaro sa bahay nila. pagpasok ni enzo sa bahay nila Piero, nakita nyang tahimik lang itong si Charsie na nakaupo sa kanilang sufa, at napansin ni Enzo na malungkot ito kaya lumapit sya agad kay Charsie.

     "Ate Char bakit ang lungkot mo diyan?"

Tanong ni Enzo.

     "Ah...alam kona! may namimis kang tao no? si tito Inoy ba?"

     "Paano mo nalaman huh? Oo namimis ko nga sya."

     "Alam mo ate Char, bago umalis si tito Inoy nakita ko rin na malungkot sya, may mamimis kasi syang tao, at ikaw iyon  kaya alam kong may namimis karin, at sya rin iyong namimis mo. ate...wag kang mag alala, babalik din si tito."

Sabi ni Enzo. maya maya ngumiti na si Charsie.

     "Sige...hintayin ko nalang ang pagbalik nya. salamat sayo, Enzo."

     "Walang anuman ate, Char."

Continue Reading

You'll Also Like

79.4M 3.6M 125
As Claire aims to leave her oppressive stepfamily behind, she befriends Zion. Will he be her ticket to freedom or a distraction in achieving her drea...
Wattpad App - Unlock exclusive features