Learn To Love Again (Boyxboy)

Oleh jwayland

332K 9.1K 903

After bumalik sa Canada two years ago ni Dustin ay kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kahit labag sa kal... Lebih Banyak

After Two Years
The Wedding
Can't Wait to Go Back
Home Sweet Home
Responsibilidad
Rebelde
I Lost My Virginity.....
Failed to Be a Goodboy
A Complication
What The F?!
Fly Like A Bird
Revenge is Sometime Salty
Pag-amin
Missing Him
Siya Ulit!
New Home
Meeting Alexander Villanueva
Game Over
New Guy
Hindi Pa Tamang Panahon
Time to Find My True Love
Are You In Drugs?!
My Abductor
Stranded
Restraint
This Is The End
You Get What You Want
The Right Choice
Living With Andrei Montevista
Three Days
Unexpected Meeting
Walk A Tight Rope
The Escaped
The Brawl
A Promise Of Forever

Special Chapter

10K 211 46
Oleh jwayland

Maulang hapon guys!!! Hala may bagyo at dahil diyan gagawin ko na ang special chapter na pinangako ko, alam ko may nakamiss sa inyo sa magnobyong sila Dustin and Jonathan at gayon din kay Marvin at Xavier kaya ito ang maikling chapter para sa inyo. :)

Picture of Dustin Wills on the right====>>>>>>

Song is The Love I Found In You

===============================================================================

Dustin's POV

"Kamusta naman ang pagkakaroon ng asawa?" nakangiti kong tanong kay Marvin habang abala ito sa pag-aayos ng mga gamit nilang mag-asawa, nasa bahay kasi ako ng mga ito at ngayon nga ay nakadapa lang ako habang pinapanood itong inaayos ang mga gamit ni Xavier, kitang kita ko kung gaano ito kasaya sa piling ni Xavier.

"Sobrang saya dahil mahal na mahal ko si Xavier." ang nakangiti nitong sagot sa akin, I can see contentment sa mukha nito habang sinasabi ang bagay na iyon.

Labis akong natutuwa sa kung anumang meron ito dahil naging saksi ako kung anong pinagdaanan ng dalawa bago nila natamasa ang kaligayahan na meron sila ngayon.

"Eh kayo naman ni Jonathan, kamusta na?" tanong naman nito matapos ang ilang minutong nakalipas.

Hearing Jonathan's name immediately put a smile on my face, halos dalawang buwan na din pala ang nakalipas nang mangyari ang pagkapahamak ko kay Andrei.

Akala ko talaga mawawala sa akin si Jonathan mabuti na lang talaga ay tinulungan ako ni Xavier na agad itong mapuntahan para mabawi ko ang taong mahal ko at magmula nga noon ay patuloy nitong pinaramdam sa akin ang pagmamahal nito, hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang malapad nang maalala ko ng kausapin ito ni Dad.

"Goo..... good afternoon po." kandautal na pagbati ni Jonathan kay Dad nang finally ay magtagpo na ang dalawa, grabe din na pangungumbinsi ang ginawa ko para lang mapalabas ito ng kuwarto para harapin ang pamilya ko.

"Magandang hapon din hijo maupo ka." ang walang kangiti-ngiting utos nito sa pobreng mahal ko na agad naman sumunod dito.

Dumiretso kami sa restaurant ng naturang hotel kung saan naghihintay ang pamilya ko, pagpasok sa loob ay naabutan namin silang halatang hinihintay ang pagdating namin ni Jonathan.

Magkatabi si Marvin at Xavier, habang pinapagitnaan naman nila Tita Anita at Maggie si Dad na nakatuon ang mga mata kay Jonathan na para bang any moment ay tatalikod at tatakbo pabalik sa kuwarto nito.

Mahigpit kong hinawakan sa kamay si Jonathan para iparamdam dito na kasama ako nito sa lahat ng oras.

Kahit nakaupo na ang lahat ay nanatili ang katahimikan sa pagitan namin na para bang walang gustong magsimulang magsalita.

"Uhmm sir...." ang lakas loob na sinabi ni Jonathan dito ngunit bago pa man nito matapos ang kung anumang gusto nitong sabihin ay agad na iyong pinutol ni Dad.

"Maraming salamat sa pagliligtas sa anak ko Jonathan." nakangiti nitong sinabi sa binata at kita ko kung paanong tuluyang nawala ang pag-alala sa mukha ni Jonathan.

Masaya kaming nagsalo salo sa pagkain na inorder ni Dad para na din daw icelebrate ang mga blessings na nangyari sa pamilya namin.

Matapos ang masayang hapunan ay nagpasya na si Dad at Tita Anita na magpahinga na samantalang si Maggie ay naisipan mag bar hopping samantalang ang mag-asawa sila Marvin at Xavier ay hindi ko na alam kung saan nagtungo.

"Thank you for  giving me another chance Dustin." banayad na bulong ni Jonathan sa tenga ko, nasa isang hardin kasi kami na nasa loob mismo ng naturang hotel at sa taas ay isang transparent na salamin kaya kitang kita ko ang mga bituin at buwan sa kalangitan.

"It should be me thanking you Jonathan, una dahil sa pagkakaligtas mo sa akin at pagtugon sa pagmamahal ko sayo." nakangiti ko naman sagot dito, mas lalo kong siniksik ang sarili ko sa malapad nitong dibdib habang mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa akin.

"So ibig bang sabihin ay tayo na?" narinig kong tanong nito, damang dama ako ang pag-aalangan sa boses nito ng tanungin ang bagay na iyon, imbes na sagutin ay hinarap ko ang mukha ko dito at buong pagmamahal na hinalikan ang mapupulang mga labi nito, sandali lang itong nag-alangan at agad din namang tumugon sa mga halik ko dito, halos kapusin kami ng hininga bago tuluyan naghiwalay ang mga labi namin.

"Yes my love, I'm yours' and you are mine." ang buong pusong sinabi ko dito at kita ko kung paano napuno ng pagmamahal ang mga mata nito at muli ay naglapat ang aming mga labi as if sealing our promise with a kiss.

"Sobra naman ang pagkakangiti mo diyan Dustin, don't tell me may nangyari na sa inyo ni Jonathan?" nagising na lang ako sa pag-aalala kong iyon nang muling magsalita si Marvin na tapos na pala sa pag-aayos ng mga gamit nilang mag-asawa, awtomatiko naman na namula ang magkabilang pisngi ko sa sinabi nito.

"Wala pa no!" todo tanggi kong sagot dito dahil wala pa naman talaga eh, hindi naman dahil sa ayaw ko kung hindi dahil hindi pa daw tamang panahon ayon kay Jonathan, sa isip isip ko nga para tuloy akong babae na kailangan maghintay nang kasal bago ko matikman ang luto ni Bro.

"Well mabuti naman and expected na din kay Jonathan dahil alam kong wala sa ugali ni Jonathan ang mag-isip ng ganoong bagay." paliwanag ni Marvin.

"Ibig bang sabihin virgin pa din si Jonathan?!" hindi ko mapaniwalang tanong dito na sinagot lang naman nito nang pagkibit ng balikat nito, napigilan ang nais ko pa sanang itanong nang marinig namin ang pagbukas ng pinto kaya naman dali daling lumabas ng kuwarto si Marvin para salubungin ang asawa, habang ako nama'y at nanatili lang sa loob ng kuwarto ng mga ito dahil hanggang ngayon ay hindi ko maimagine na wala pa din palang experience si Jonathan sa ganoong bagay.

Ngunit dagling nawala ang iniisip ko ng laking gulat ko ng pumasok ang dalawa sa loob ng kuwarto at ang masama ay magkalapat ang mga labi ng mga ito well actually para silang nagkakainan ng mga labi sa ginagawa nila siguro masyado nilang namiss ang isa't isa na hula ko ay kanina lang umaga, mukhang nawala sa isip ni Marvin na nandito pa din ako sa kuwarto.

I faked a cough ngunit mukhang hindi nila narinig iyon ng mabilis na tinatanggal ni Marvin ang suot na long sleeve ni Xavier.

Mas malakas ang ginawa kong pag-ubo at sa wakas ay narinig na din nila ito, kita ko ang realization na gumuhit sa mukha ni Marvin ng maalala nitong nandito pa din ako, samantalang si Xavier naman ay cool lang habang nakatingin sa akin and man he's so hot with his long sleeve unbuttoned.

"Nandiyan ka pala Dustin." ang sinabi ni Xavier stating the obvious samantalang si Marvin naman ay hindi mapakali na nagtago sa likod ng asawa.

"As a matter of fact kanina pa, ang asawa mo nga ang nagbukas ng pinto sa akin at mukhang nawaglit lang sa isip niya na nandito pa ako pero mukhang kailangan ko ng umalis." pigil na pigil ang pagtawa ko ng dahil sa nangyari dahil biruin mo iyon muntik na akong makapanood ng live show sa mismong kapatid ko pa.

"Pakilock na lang ang pinto." narinig kong sigaw ni Marvin sa loob ng kuwarto, at palabas na sana ako ng bahay ng mga ito nang marinig kong sumigaw naman si Xavier na parang hinihingal at ayoko nang isipin kung bakit ganoon na lang ang boses nito ngunit natigilan ako ng marinig ko ang sinabi nito.

"Nga pala Dustin, nakita ko si Jonathan na bumili ng singsing baka ayain ka nang magpakasal." sigaw ni Xavier in a hoarse voice bago ko tuluyang maisarado ang pinto.

Ilang segundo din siguro ang lumipas bago nagregister ang sinabi nito sa akin.

"Si Jonathan? Aayain na akong magpakasal?" parang wala ako sa sariling sumakay ng elevator, naging blangko ang isip ko ng mga oras na iyon, hindi ko nga alam kung paano akong nakauwi ng maayos sa bahay nila Marvin sa Caloocan dahil mas doon ko napiling mag stay dahil malapit kay Jonathan.

"Nandiyan ka na pala Dustin, handa na ang hapunan kung gusto mo nang kumain." nakangiting salubong sa akin ni Tita Anita, habang si Dad naman ay tahimik na nanonood ng tv, dito din kasi nila napiling mag-stay sa kagustuhan na din ni Tita Anita.

Tumitig lang ako dito at hindi ko nagawang sagutin ang tanong nito narinig ko na lang na sinabi ni Dad na baka daw pagod ako.

Sa loob ng kuwarto ay nanatili pa din akong tulala hanggang nakahiga na ako sa kama at nakatitig sa kisame ng kuwarto.

Well alam ko naman sa sarili kong si Jonathan na ang gusto kong makasama sa pagtanda pero masyado pa akong bata para magpakasal imagine eighteen pa lang ako madami pa akong gustong gawin sa buhay ko at hindi ko alam kung handa na ba akong magpakasal.

Napapitlag ako ng biglang tumunog ang phone na nasa gilid ng kama ko at sakto naman na si Jonathan ang tumatawag.

"He...hello?" tanong ko sa kabilang linya.

"Hi Mahal ko sorry kung ngayon lang ako nakatawag sayo." malambing nitong sinabi.

"Ok lang iyon." walang kabuhay buhay kong sinabi dito.

"Mukhang wala ka sa mood na kausap ako ah." kunwaring nagtatampo nitong sinabi kaya naman sandali kong nilayo ang phone sa bibig ko at huminga nang malalim.

"No hindi naman medyo napagod lang ako, kamusta naman ang araw mo?" I tried to sound cheerful as possible.

Mukhang naniwala naman ito kaya naman nagpatuloy na ito sa pagkukuwento ng araw na ito, ayon dito ay nakakuha na sila ng malaking kapital para sa panibagong negosyo na itatayo nito ng solo nito na walang tulong mula sa business partner nito.

Halos thirty minutes din siguro ang tinagal ang pag-uusap naming iyon bago ito nagpaalam, muli na naman akong tumitig sa kisame ng kuwarto na para bang mahahanap ko ang kasagutan sa bagay na kinahaharap ko hanggang tuluyan na akong dalawin ng antok.

"Anong gusto mong kuhanin sa kolehiyo?" tanong sa akin ni Dad habang kaharap ko ito sa sala, ngunit bago pa man ako makasagot ay agad nang pumasok si Jonathan na walang kangiti ngiti ang mukha.

"Pasensya na po pero hindi na mag-aaral si Dustin!" matigas nitong sinabi na labis kong kinagulat.

"Pero bakit hindi na ako puwedeng mag-aral?" naguguluhan kong tanong dito.

"Remember kasal na tayo at gusto kong ako lang ang iniintindi mo." ang sinabi naman nito sabay pakita ng wedding ring nito kasabay ng paghawak sa kamay ko hanggang makita ko ang isang simpleng gintong singsing na sagisag ng pag-iisang dibdib namin.

"NO!!!" hinihingal kong sigaw ng magising ako ng umagang iyon, balot na balot ng pawis ang buong katawan ko, agad kong tinignan ang mga daliri ko at saka lang ako nakahinga ng maluwang nang makita kong walang singsing at saka ko lang napagtanto na panaginip lang pala ang lahat.

Agad akong bumangon at matapos kumuha ng gagamitin ko sa pagligo ay dumiretso na ako banyo nadaanan ko pa sa kusina si Tita Anita na naglilinis.

"Good morning po." magalang kong bati dito.

"Magandang umaga din Dustin, kumain ka na ng almusal alam kong gutom ka dahil hindi ka nakakain ng hapunan." sinabi naman nito, minabuti ko na munang maligo muna bago kumain.

Sabay na kaming kumain ng almusal na hinanda nito, adobo na pinirito at sinangag ang pagkain namin ng umagang iyon.

Pagkakita ko pa lang sa handa nito ay agad nang nag-alburoto ang tiyan ko kaya hindi na ako nahiyang maunang kumuha ng sinangag at ulam.

"Maraming salamat po sa pagkain." ang lumabas sa bibig ko bago ako tuluyan magsimula.

"Nga pala Dustin mamayang gabi sa labas daw tayo kakain dahil may importanteng sasabihin daw sila Marvin at Xavier sa atin, tapos dumaan naman dito kanina si Jonathan at hinahanap ka may importante daw siyang sasabihin sayo." muntik na akong mabilaukan ng marinig ko iyon para tuloy bigla akong nawalan ng ganang kumain.

Matapos kumain ay nagpaalam ako dito na lalabas muna, agad akong nagbihis ng pang-alis ko at sumakay ng bus papunta sa kung saan hanggang maisipan kong kunin ang cellphone ko.

"Hello Alex baka naman puwede mo kong samahan." pakiusap ko dito ng sagutin nito ang tawag ko at mabuti na lang at agad itong pumayag.

Nagdecide kaming magkita na lang sa SM North sa pancake house dahil sarado pa ang mismong mall ng makarating ako doon, ilang minuto lang din ang nakalipas ng dumating naman si Alex.

Kahit ilang beses ko nang nakita ang bagong anyo nito ay hindi ko pa din maiwasang hindi magulat sa naging transformation nito lalo na't sobrang nerd talaga ang itsura nito noon.

"Sorry kanina ka pa ba?" paghingi nito nang paumanhin.

"Hindi kakadating ko lang din, umorder na ako para sa tin kung ok lang sayo." ang sinabi nito na tinanguhan lang nito, sandali kaming nagkamustahan ng mga nangyari sa buhay namin, nalaman kong halos pareho pala kami ng pinagdaanan dahil sa isang taong medyo kulang ng turnilyo.

"So kamusta naman kayo ni Slater?" tanong ko dito at kita ko kung paano lumiwanag ang mukha nito sa pagbanggit ko sa pangalan ng boyfriend nito.

"Masayang masaya kami alam kong siya na ang gusto kong makasama sa buong buhay ko." he said dreamily bigla tuloy bumalik sa akin ang kinahaharap ko na mukhang agad napansin nito.

"May problema ba Dustin?" seryosong tanong nito sa akin.

"I think aayain na akong magpakasal ni Jonathan." sagot ko dito at ilang sandali lang ay ang pagkislap ng mga mata nito sa excitement, ngunit mukhang nahalata nito na hindi ako masaya ng sinabi iyon kaya ang excitement ay napalitan ng pagtataka.

"Pero bakit parang hindi ka masaya, I mean mahal mo si Jonathan hindi ba?" naguguluhan nitong tanong.

"Oo mahal na mahal ko si Jonathan, natatakot lang kasi ako dahil sobrang bata ko pa para matali sa pag-aasawa marami pa akong gustong gawin sa buhay ko." I exclaimed.

"Feeling ko naman hahayaan ka ni Jonathan na gawin ang gusto mo kahit na kasal na kayo pero kung hindi ka pa handa eh di turn down mo ung alok niya sayo." suhestiyon nito.

"Pero ayoko siyang masaktan baka isipin pa niya na hindi ko talaga siya mahal!" namomoblema kong sinabi dito.

Nagpatuloy ang pag-uusap naming iyon na wala man lang kaming nahanap na solusyon sa problema ko.

Tama ito kung hindi pa talaga ako handa ay hindi naman siguro ako pipilitin ni Jonathan na magpakasal ngunit bumabalik ang takot kong baka kapag nareject ito ay magbago ang pagtingin nito sa akin.

Mabilis na lumipas ang mga oras sa pagkadismaya ko at kinailangan ko nang umuwi para maghanda sa magiging family dinner namin sa isang sikat na restaurant sa bandang Makati.

Nang makarating na ako ay agad nag order ang mag-asawa ng kakainin namin at makalipas ang halos isang oras ay natapos na din ang dinner naming iyon at matapos nga noon ay tumayo ang mag-asawa habang magkahawak ang mga kamay.

"Meron kaming gustong ipaalam sa inyo." ang pagsisimula ni Xavier na sandaling napatingin sa ama nito na tahimik na naghihintay na magpatuloy ito.

"Magiging mga magulang na kami!" masaya nitong balita sa gulat ng lahat ngunit agad naman nitong pinaliwanag na kumuha silang dalawa ni Marvin ng surrogate mothers na siyang magiging ina ng anak nilang mag-asawa, kahit weird ang sitwasyon ay nagdiwang pa din ang lahat at nang matapos ang sayang iyon saka naman tumayo si Jonathan kaya ang atensyon ng lahat ay natuon dito, pakiramdam ko naman ay mga libo libong paru-paro ang nagliliparan sa tiyan ko ng mga oras na iyon.

Nakumpirma ang kutob ko ng bigla itong lumuhod sa isang tuhod nito at buong pagmamahal na tumitig sa akin.

"Dustin Wills, I want everyone to know how much I love and care for you and I want you to be my forever kaya naman........." pagpuputol nito.

Hindi ako humihinga habang hinihintay itong magpatuloy.

"Kaya naman I want you to accept this ring as a promise to love you forever hanggang dumating ka na sa tamang panahon para makasal tayo." parang isang napakalaking tinik ang nabunot sa lalamunan ko ng marealize kong hindi pa naman pala ako inaaya nitong magpakasal kung hindi gusto lang nitong may maging sagisag ang pagmamahalan naming dalawa, hinayaan kong isuot nito ang singsing sa kamay ko ay matapos masuot iyon ay ako naman ang nagsuot ng singsing dito.

"Here to us for a happy forever." ang sinabi ni Xavier kasabay ng pagtaas ng wine glass nito na sinundan naman ng lahat.

"To us until forever my love." bulong ko kay Jonathan habang hawak ko ang kamay nito, napakapalad ko na may pamilya akong supportive sa lahat ng desisyon ko at mas masuwerte akong kasama ko ang taong pinakamamahal ko at finally nagdecide na akong ibibigay ko ang sarili ko dito mamaya sa ayaw nito o sa gusto!



Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

70.6K 2.5K 36
[[[Completed]]] This is a bromance story so if you're homophobic, you're free to step back. Thanks!!! .............. This is a story about a sweet...
206K 11.4K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
153K 5.5K 57
Anim na letrang kailanman ay walang kasiguruhan dahil maaaring oo, mahal ka at maaari rin namang hindi, wala ka talagang pag-asa. Samahan natin si Le...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...