Stuck At The 9th Step

Galing kay Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. Higit pa

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 72 : SET OF CHOICES

24.2K 995 345
Galing kay Khira1112

#SAT9S

DEDICATED TO : DANIELLE SANTOS


CHAPTER 72 : SET OF CHOICES

Hindi ako binitiwan ni Georgia kagaya ng gusto ko. Pilit niya akong tinutulak palayo sa lalaki. Dumura ito pagtapos ay binigyan ako ng nakakamatay na tingin. I stared back with equal anger and disgust. Gustong kumawala ng emosyon ko pero agad kong pinigilan. It took me a few seconds before I gain my composure back. Blanko ko siyang tinitigan.

Hindi ko ito kilala. Hindi rin ito pamilyar. I'm pretty sure this is the first time that I saw him.  May ilan akong nakilalang kaibigan ni Rhea sa Auckland at natitiyak kong hindi ito kasama sa mga naging kaibigan ni Rhea sa university. Sino ang lalaking 'to?

Winawasiwas ko ang kamay ni George pero ayaw niya akong bitawan. Kung makakawala ako sa hawak niya, susugurin ko ang lalaki. Marahil ay alam niya 'yon.

"Ren, huwag na. Ano ba? Kilala mo ba 'yan? Kararating lang natin tapos maghahanap ka kaagad ng gulo? Mag-isip ka nga."

Hindi ko magawang makinig. Ang nakita ko kanina ay sapat na para magdilim ang paningin ko.

"Ren, tama na. Alis na tayo. S-Saka na lang-"

"No!" Sandaling natigilan ang lalaki. Hindi ko alam kung bakit at sobra ang galit ko para magtanong. Naalis ko na ang kamay ni Georgia pero pinalo niya ang braso ko at sumigaw.

"Tama na nga! Makinig ka naman, Ren!"

Natauhan ako sa sigaw niyang 'yon. Napilitan akong ilipat kay Georgia ang paningin ko mula sa estranghero. Hinila niya ang t-shirt ko at pinanlakihan ako ng mata.

"You're making a scene. Huwag mo naman sayangin ang effort nating pumunta rito dahil lang sa gusto mo bugbugin ang lalaking 'yan. Hold your anger." Inis niyang bulong.

Ilang segundo akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Georgia. Natatabunan ng emosyon ang pag-iisip ko at aware akong hindi maganda 'to.

"This is quite a surprise."

Napalingon ako nang magsalita ang lalaki. Matalim na tingin ang sinalubong ko sa kanya. Kumuyom ang kaman ko. Narinig kong muli ang boses ni Georgia na nagpapaalala ngunit hindi ko siya pinansin. Nakangisi ang lalaki sa akin. Kasabay ng inis na nararamdaman ko ay ang pagtataka kung ba't mukhang kampante siya at para bang kilala niya ako.

"Nice to meet you." Muli itong nagsalita. Mas lalo akong naguluhan.

"Who are you?" Tanong ko nang nakakunot ang noo.

"That should've been my line." Kibit-balikat niyang sagot.

Hindi ako nag-iwas ng tingin hanggang sa makita ko si Kuya Roy na pinuntahan si Rhea na nakasubsob sa mesa at mukhang tulog na. Parang may pumiga sa puso ko at natulala ako sa loob ng ilang sandali.

"Ren, tara na." Muling bulong ni Georgia.

Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong ako ang bubuhat sa kanya. Nagbara ang lalamunan ko. Nahirapan ako huminga at naramdaman ko ang init sa gilid ng aking mata. Gusto ko malaman kung bakit siya naging ganyan.

Pinuntahan ni Kuya Roy ang lalaki at tinapik. Sandali niya itong kinausap bago binigay sa lalaki si Rhea.

Do'n akn napaiwas ng tingin. Ilang beses akong humugot ng hininga. Daig ko pa ang nasuntok sa mukha. Halos mabasag na ang ngipin ko sa pagkakatiim ng aking bagang. Sino ba talaga ang lalaking 'yon?

"Ren. . ." Bulong muli ni Georgia na tila hirap rin. Ayokong mag-isip kung ano. Wala pa kaming pahinga. Bago kami pumunta rito ay maayos pa ako. Akala ko ay magagawa ko 'to ng tama. Ngunit dahil sa nakita ko, pinanghinaan ako ng loob. Humugot ulit ako ng hininga. No. Hindi pwedeng mauwi sa wala ang pagpunta namin rito.

"Ren." Nagtaas ako ng paningin at nakita ko si Kuya Roy na nasa harap ko na. Tumikhim siya. "Sorry for that. I didn't expect Shinn would be. . ." Tumiim ang kanyang bagang.

Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago muling nagsalita. "Where are you staying? Ihahatid ko kayo." Sandali niyang sinulyapan si Georgia at binaling agad ang tingin sa akin.

I guess, I have no other choice. Hindi ko makakausap si Rhea sa lagay niya ngayon at tila ako biglang napagod dahil sa mga biglaang pangyayari sa bar na 'to. I want to rest.

Walang nangahas magsalita hanggang sa maihatid kami sa hotel. Unang bumaba si Georgia. Tinanggal ko ang seatbelt ko.

"Thank you." Mahina kong sambit.

"Don't thank me yet." Malamig nitong tugon. "We'll talk tomorrow. Pumunta ka sa bahay around 7 pm. Don't bring the girl with you. Hindi ko alam kung bakit nagsama ka pa ng ibang tao."

Hindi ako sumagot. Binuksan ko ang pinto ng kotse at tuluyang lumabas. Ang bigat ng pakiramdam ko habang pinapanuod ang paglayo no'n. Biglang may tumapik sa balikat ko at nilingon ko si Georgia.

"Anong sabi?"

Pagod akong ngumiti. "Magpahinga ka na."

Wala na siyang sinabi hanggang sa pumasok kami sa kanya-kanya naming suite. Inubos ko lang ang oras ko sa pag-iisip habang nakatulala sa isang tabi. I remember the same scenario. Ganitong-ganito ang naramdaman ko nung gabing nakipaghiwalay siya sa akin. Pagod ako pero hindi ko nagawang matulog nang mahimbing. Napupuno ng tanong ang isip ko. Sinasariwa ang mga nangyari kanina. Malaking palaisipan sa akin kung sino ang lalaking 'yon.

"Nakatulog ka ba?" Tanong sa akin ni George nang mag-almusal kami kinabukasan. Tinuro niya ang mata ko. "Ikaw ang nakasapak kagabi pero mukhang ikaw ang nasapak dahil sa eyebags mo. Paano ka na lang babalikan nung ex mo kung pangit ka na?" Umasim ang mukha niyang titigan ko siya. "On second thought, pangit ka naman talaga."

Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Hey." Tumikhim siya. "Pinapagaan ko lang ang pakiramdam mo."

"I don't know, George." Pakiramdam ko kasi ay hindi 'to gagaan.

"Boyfriend niya ba yung lalaki kagabi?" Pumangalumbaba si George. "Para sa'yo, anong masdaling tanggapin? Yung nakipaghalikan siya sa boyfriend niya o nakipaghalikan siya sa hindi niya boyfriend."

Huminga ako nang malalim. "Does it make any difference? They still kissed."

Inirapan niya ako. "Saan napunta ang logical reasonings mo? Pinangalandakan mo pa naman sa'kin noon na hindi ka ordinaryo."

"Gano'n pa rin 'yon, George. It's a question with the same answer. It's like you're asking me about her changes. It's either she change the way she behaves or she changed her heart." Ibinaba ko ang kubyertos at sumandal sa upan.

"Does it matter if she changed?"

Ngumiti ako ng mapait. "The behavior could be a little tricky but I can manage. What if it's the latter? Hindi naman para sa'kin yung huling tanong kundi para sa kanya."

"Masasagi ba ang pride mo pag sinabi kong nasasaktan ako para sa'yo?" Matabang niyang sambit. Napatitig muli ako sa kanya. "At the same time, nasasaktan ako para sa kanya? I don't know. I'm a girl with ideals despite of living in reality. What you had with her was something I look up to. Too bad, it didn't last. And if I were on the same situation, hindi ko rin siguro alam ang gagawin ko."

"Lagi namang gano'n, di ba? Madali lang magpayo pag wala ka sa sitwasyon."

"As same as easy judgement." She said drily. "Gusto ko na siya makausap. Ano oras tayo babalik?"

Umiling ako. "Ako lang muna ang babalik."

Napanganga siya. "Paano ako? Tengga sa hotel? Anong silbi ko rito? Tagasunod mo lang?" Sarkastiko niyang sabi.

"Wala akong sinabing ganyan. Isa pa, si Kuya Roy palang ang kakausapin ko. Hindi si Rhea. Siguro, bukas."

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Kahit pa sobrang ganda ng lugar na 'to, ayoko manatili dito ng matagal. Naiintindihan mo? Pag nagkabalikan kayo niyang ex mo, magpapahatid pa rin ako sa Pilipinas at kailangang may kasama ako."

"Oo na." Uminom ako ng tubig. "Pero paano pag hindi?"

"Ewan ko sa'yo." Muli niya akong inirapan. "Ano oras ka pupunta sa kanila?"

"Mamayang gabi pa."

"E di maganda! Ipasyal mo muna ako total naman libre mo 'to. Hindi ako kontento ro'n sa view sa bintana ng kwarto ko. May nakita akong mataas na tower sa malapit. Gusto ko ro'n."

Namasyal muna kami habang nagpapapatay ng oras at hinihintay na maggabi. Tahimik lang ako habang tinotour si George. Walang masyadong nagbago rito sa loob ng isang taon. Mas lalo lang gumanda. Nang makauwi kami, maggagabi na. Nagshower ako at saka kami nagdinner bago muling pumunta sa bahay ng mga Malvar.

"Goodluck sa'yo. Sana makabalik ka pa ng buhay."

Ngumisi na lang ako sa kanya at sa mga pabiro niyang pasaring. Huminga siya nang malalim. "I guess, all I want to say is sana maayos na ang lahat para naman may silbi ang pagpunta natin rito."

Tumango ako saka nagpaalam kay Georgia. Habang binabaybay ko ang daan papunta kina Rhea, napapaisip ako ng kung ano ang sasabihin ko. Kung saan ko uumpisahan ang pagpapaliwanag. Napailing ako. Hindi talaga matapos-tapos 'tong pagpapaliwanag ko sa ibang tao. I just hope they would understand. I hold my expectations. Still, ayoko umasa ng mataas. I should expect for the worst and pray for the best outcome.

Malamig pa rin ang tinging pinukol sa akin ni Kuya Roy nang papasukin niya ako. Sanay naman ako na ganyan siya kaya hindi ko na binigyan ng ibang kahulugan ang aura niya. Inabot niya sa akin ang isang wineglass na may lamang red wine.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo."

Natigilan ako pagtapos ay napatingala sa kanya.

"I sincerely apologize for our cousin's violence and misbehavior. Hindi namin inakalang makakaabot sa kanya ang balita at mas lalong hindi namin alam na gano'n ang gagawin niya sa'yo. My father told Tito Lucas and maybe, tito Lucas mentioned it to his son."

Umiling ako at ipinahiwatig na hindi 'yon ang gusto kong mapag-usapan. I don't care about it anymore.

"Tell me what happened to Rhea after I left."

Umupo siya sa katapat na sofa at matagal na sandali ang pinalipas bago sumagot. "Tell me first why you're here. Do you want to get her back?"

"That question is too advanced. Unang-una, gusto ko muna ayusin ang mga gusot-"

"I've read your note." Natigilan ako. "Yung iniwan mo sa kanya nung umalis ka. Why did you leave her, Ren? What made you do such action? O masmagandang tanungin kung sa'n 'to nagsimula."

"Nagkagusto ako sa iba." Inamin ko na agad ng diretso.  Ayoko na magpaligoy-ligoy. "It became a big deal to her. Ang una niyang akala ay niloko siya because my cousin thought I cheated on Rhea. But no. I swear, I didn't. Hindi ko ginusto magkagusto sa iba." Nagmamadali kong depensa. Pumikit ako nang mariin. "Hindi ko maipaliwanag nang masmalalim at alam kong malabong maintindihan mo."

"I do." Bulong niya. "I've been on the same case but very different situation."

Natahimik ako at matamang napatitig sa kanya. "I understand, Ren, but she's my sister."

"Hindi ako umaasang kakampihan mo ako. Ang gusto ko lang, malaman ang nangyari sa kanya nung wala ako. Totoo ba?" I almost ask desperately. "Did she try to kill herself?"

Dumilim ang mukha ni Kuya Roy. Pumikit siya paglipas ng ilang sandali at dahang-dahang tumango. Napasandal ako sa upuan at marahang napahugot ng hininga.

"Why?" Halos pabulong kong sambit.

"I bet you know why." Sumandal rin siya. "We got so angry. Ryan was hysterical that time. Rex was beyond mad and me, I got so pissed with the whole idea. It sucks."

Hinayaan ko siyang magsalita dahil wala akong masabi. Literal akong nanghina sa kumpirmasyong 'yon.

"Hindi niya siguro matanggap ang naging desisyon niya. Hindi niya matanggap na pinakawalan ka niya. That's how I understand it. I'm not sure if it's accurate. At first, I wanted to blame you. Alam mong nakadepende siya sa'yo pero nagawa mo siyang iwan. Gusto kita sisihin. Nakakahawa ang galit ng mga kapatid ko pero napaisip rin ako bandang huli."

"Inaamin ko na sa aming mga kuya niya, ako ang pinakatutol sa inyong dalawa. Hindi dahil ayaw kita para sa kapatid ko pero dahil masyado pa kayong bata. I was worried for Rhea. Naisip ko na kung nakadepende lang siya sa'yo, she wouldn't be able to know her own worth and her goals, she wouldn't be able have her own dreams and stand on her own feet. Kaya gusto ko siya mag-aral na malayo sa'yo para makapagdesisyon siyang mag-isa. Though, hindi ko gustong mahirapan kayong dalawa."

"I expected her to grow, to become mature while she's miles apart from you. I didn't know it would only make the situation worse." Huminga siya nang malalim at tumingala. "Now that you're telling me this things, I guess the blame should be taken off you. It all started from us. We should be the one to blame. Dahil sa amin 'to nagsimula, di ba? Mula pa nung bata siya, atensyon lang ang gusto niya sa aming magkakapatid pero hindi namin 'yon naibigay ng sapat. Then, we forced her to study here. Kasi ganito naman ang ginawa naming magkakapatid dati. Wala namang masama kung gagawin din niya. But we didn't realize is she's not like us. She's different from the three of us. She's a girl who lived in different environment, with different dreams, and different set of mind."

"I want to say sorry to you for all the trouble. Lalo na sa ginawa ni Luke. Nung ginawa niya 'yon sa sarili niya, galit na galit kaming lahat sa'yo. Ngayon, unti-unti na kaming natatauhan. Hindi namin siya kayang sisihin kung ba't nagawa niya 'yon at hindi ka rin namin dapat sisihin dahil ginawa mo naman lahat. Ikaw. . .yung sumalo ng pagkukulang namin sa kanya. Ikaw yung nagbigay sa kanya ng atensyon na hindi namin napunan. So, why should we blame you?"

"I hurt her." Isn't that enough for them to hate me and blame me for what happened?

"If that was intentional, I would have killed you the moment that I saw you. Sinadya mo ba?"

Umiling ako at yumuko. "Hindi ko ginusto magkagusto sa iba."

"Not all people can understand that, especially those who set their minds in their own ideals." Mahina niyang sabi. "I'd been fucked up like that, more twisted than your case. So, I knew the feeling. We completely thought we could choose the person we like. That's not it. When you fall, you fall hard. Not with a broken bone, but a broken heart."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. My hope was rising until he spill the next reason.

"We all thought she's brave enough and we never bother to ask her if she's fine with the set up. Kaya siguro siya bumigay." Kumuyom ang kamao niya. "Ren, my sister is extremely depressed. She got traumatized by her experience aside from her trust issues. She's currently consulting a psychiatrist."

Nalaglag ang panga ko. W-What? Umiwas ng tingin si Kuya Roy sa akin.

"Gusto man kitang bumalik sa kanya, iniisip ko ang lagay ng kapatid ko. Kapag nakita ka niya, babalik sa kanya lahat. I'm sure she would run after you. Baka nga magmakaawa pa siya sa'yo na balikan mo siya. I know we've been unfair to you since the very beginning but Rhea is my sister and we would always put her before anyone else. I hope you get my point, Ren."

Rhea was psychologically ill. She's ill and that's because of me. Nagtaas baba ang dibdib ko. No. She's. . .fuck, no!

"I don't want to see her like that. I bet you feel the same. Nasanay tayo na malakas siya at tanging hinihiling lang ng buong pamilya namin ay bumalik siya sa dati." He paused. "She have to make it without you. Please, huwag mong hayaang bumaba ang tingin ng kapatid ko sa sarili niya."

He must be pointing out that I'm the cause of her trauma. Hindi lang niya tahasang masabi. The guilt and pain mixed inside me.

"You. . ." Inalis ko ang bara sa aking lalamunan. "You want me to stay away? Is that it? You don't want her to see me again because. . ." I would only make her trauma worse. Nawala sa akin ang sisi pero nasa akin ang solusyon. At ang solusyon ay burahin ako ng tuluyan sa buhay ni Rhea. Hindi ako makahinga sa sakit.

Tumango siya. Nanlabo ang paningin ko at agad akong nag-iwas ng tingin.

"Nag-usap kami ni Kuya Ryan tungkol dito. My sister consults her doctor with Shinn. Yung lalaking nakita mo kagabi." I tensed. "I don't like that guy but Rhea seems find whenever she's with him. With the kind of behavior he has, Shinn could also make her case worse. Sinusubaybayan namin. Hinayaan muna namin, thingking he could help Rhea to go back in shape. Nagsisimula palang siya Ren. Kung magpapakita ka sa kanya, natitiyak kong walang kwenta lahat ng nasimulan niya."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung sasang-ayon ako o ano. Hindi ko na alam kung anong gusto ko. Hindi ko na alam kung anong makakabuti at nakakasama. Ang alam ko lang sobrang nasasaktan ako at hindi ko na mabilang ang rason kung bakit.

"I'm sorry, Ren. I believe my sister can settle for the less as long as it won't hurt her again. While you deserve someone better than Rhea. It's time for you to have your own set of choices without her on the list. I'm not degrading her or what. It's just that. . ." Ipinilig niya ang kanyang ulo. "My sister was lucky to have you once in her life. What more if you found the one?"

Napahilamos ako nang wala sa oras. "P-Please, let me see her. Kahit ngayon lang. Kahit sandali lang."

"She can't see you." Paalala niya.

"I'll wait 'til she fall asleep." Nagbabara na naman ang lalamunan ko at hindi ko napigilang mapamura.

Bumuntong hininga si Kuya Roy. Tumayo mula sa pagkakaupo at pinisil ang balikat ko. "This is the best and the last thing you can do for her. We're counting on you. . .for the last time."

Hindi ako makapag-isip ng matino pagtapos ng usapang 'yon. Akala ko ay wala ng masbibigat pa sa pakiramdam ko nung naghiwalay kami. I was wrong. This is worse than our break-up. Being the reason of her depression and trauma kills me inside.

Ilang oras akong naghintay at umabot na ng madaling araw.

"Shinn drags Rhea to parties for a new environment. That's one of her therapies." Bahagya ko lang naintindihan ang sinabi niya. "Wait on her room. Malapit na raw sila. Rhea is already asleep. Tumawag si Shinn."

"Who's that guy?" Wala sa loob kong tanong.

"Ryan's friend."

"What's his relation to Rhea?"

"Friend, too. Sinisiguro ko 'yan sa'yo. I won't let that asshole get into her. Kung hindi lang siya nakakatulong, pinadeport ko na siya."

Roy seems disgusted. I'm glad we have the same feeling towards the boy.

Tinignan ko ang mga frames na nakasabit sa kwarto ni Rhea. Her diploma. Pati ang proof na nakapasa siya sa board exam. May narating na siya. Narating niya ito nang wala ako pero may kapalit.

Nasa gano'ng ayos ako nang bumukas ang pinto. Nakita kong muli ang lalaki sa bar. Buhat ang tulog na si Rhea.

"Put my sister on bed, Shinn."

"I'll leave in fifteen minutes." Mahina kong sambit. Ayoko na makipagtalo. Ayoko sayangin ang oras ko. Konting sandali lang ang hinihiling ko.

"Come on, Shinn." Untag ni Kuya Roy sa lalaki.

The man tucked her to bed. Napaiwas ako ng tingin. Halos hilahin naman ni Kuya Roy ang lalaki palabas ng kwarto. Nakahinga ako nang sumara ang pinto.

Tinitigan ko si Rhea mula sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan ako humakbang pagtapos, nag-iingat na huwag siya magising. Umupo ako sa gilid niya at inayos ang magulo niyang buhok.

"Are. . .they sure you would be fine without me?" Tanong ko kahit hindi niya naririnig. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak. This is gonna be the last time. Hindi naman siguro masama kung magiging mahina ako sa pagkakataong 'to.

"I won't mind if. . .if. . ."  Pumikit ako at hinalikan ang ulo niya. Nanginginig ang labi ko. "If you'll end up with someone else. If it's not me. Just heal. Heal fast, please."

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya pero hindi ko na kayang higpitan. "I'm sorry. I'm so sorry."

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.6K 88 19
Kaya mo bang magmahal ng isang taong mahirap mahalin? Noong una pa lamang makita ni Rosalind Luna Concepcion si Winston Nash Ravalez, nakaramdam na a...
78.7K 2.6K 15
C O M P L E T E D Highest rank: Short Story #8 Because when rain falls, teardrops will follow.
9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...